Femiline

November 21, 2013 (3 years ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Romance | Tags: , , ,

Femiline(I dedicate this story for the Gays all over the universe. Still, there are questions in this world left unanswered, and these are the things that is hard to explain. So let's set aside the judgemental conclusions and give them a flash of understanding.)

Mula bata pa ako, alam ko ng kakaiba ako sa ibang lalaking kalaro ko, alam kong ang puso ko ay nababalot ng damdamin ng isang babae.
Hindi ko alam kung bakit, pero ito ang isang bagay na alam kong hinding-hindi ko mapipigilan kailanman.
Ganito ako ipinanganak, ganito ako inilikha. Hindi ko maintindihan kung bakit nalilito pa rin ang iba, pero hinding-hindi tutumba ang bandera ko.

Isang bagay lang ang nagpapahirap sa akin mula noon hanggang ngayong nagbibinata na ako, este nagdadalaga pala.
Hindi ko kasi maamin-amin kay itay na isa akong lupiang dagat, isang sirenang naninirahan sa lupa, kung kaya't itinatago ko na lamang ito sa kanya at sa apat ko pang kapatid.

Sa simulat-sapol, hindi nila alam na beki ako, hanggang dumating ang ika-labing walong kaarawan ko.
Kinuha ko ang pagkakataon para aminin ko sa kanila ang tunay kong anyo. Ayoko ng magbalat-kayo, gusto ko ng magpakatotoo.

"Itay, may gusto po sana akong sabihin."
mahina kong sabi habang kumakain kami sa simpleng handaan na kami-kami lang sa pamilya ang nagsalo-salo, at pati na rin mga bf at gf nina kuya at ate, at halos atakihin na ako sa sobrang kaba.

"Ano 'yon anak? Sabihin mo lang."
masaya't-magiliw na tugon ni Itay.

Hindi ko naman hangad na sirain ang gabi, gusto ko lang talagang kumawala na sa rehas ng pagpapanggap na ito.

"Ah..uhm.. Itay..."
hindi ko alam kung papa'no ko sasabihin, maging ang mga kapatid ko at mga bf/gf nila ay napahinto sa pagkain at nagpukol ng tingin sa akin.

"Isa po akong...Be-beki, bading, sirena, darna, o bakla"
buong tapang kong sabi.

Panandaliang natahimik ang paligid, at lahat sila ay gulat na gulat at nanlalaki ang mga mata.

"Huh?!@x... Huwag ka ngang magbiro ng ganyan anak! Kung buhay lang ang mama mo siguradong matatawa siya sa'yo. Hahaha"

"Hindi po ako nagbibiro Itay....Isa po akong Eba."
napatulo na ang luha ko.

Biglang nag-iba ang aura ni Itay, ang kaninang puno ng galak ay napalitan ng masidhing galit.
Inaasahan ko na ito, alam kong hindi matatanggap ni Itay na bading ako dahil ayaw niya sa mga bakla.

Bigla siyang tumayo at bigla nalang niyang ibinagsak ang mga kamay niya sa mesa.

"Alam mo ba 'yang sinasabi mo anak?! Walang bading sa pamilyang ito!!"

"Pero Itay, ganito na po ako--"

hindi pa man ako natatapos magsalita ay sinuntok ako bigla ni Itay sa mukha.
Bumalandra ako at natumba, kasabay ng pag-awat nina kuya kay Itay.

"Deputa!! Umayos ka Paul ha!"
nagsimula na siyang sumigaw.

"Itay! Itay! Paula po..."
dinidiin ko na talaga kung ano at sino ako.

Ngunit lalo ko ata siyang nagalit, pinagtatadyak niya ako, at sa bawat pagmumura ng kanyang bibig ay tumatatak na man sa puso ko.
KUNG SINO PA ANG INAASAHAN KONG LUBOS NA MAKAKAUNAWA SA AKIN AY SIYA PA ITONG HINDI MAKAUNAWA.

Napakasakit. Bakit hindi niya ako matanggap?
Patuloy niya akong pinag-gugulpi at pinag-bubugbog habang ako ay walang humpay na umiiyak at nagmamaka-awa sa kanya na huminto na siya sa pananakit ng porselona kong katawan.

"Itay tama na po, maawa kayo kay Paul."

Hindi na siya maawat nina kuya at maging nina ate na umiiyak na din ay hindi talaga siya mapigil.

"Aahhhh"

Sinabunutan ni Itay ang buhok ko, napakasakit. Nasasakdal na ang pag-iyak ko ngunit nagawa parin niya akong kaladkarin papuntang banyo, sa tapat ng salamin.

"Tignan mo ang sarili mo! Lalaki ka! LALAKI KA! Itatak mo yan sa kukote mo!"
sambit niya at pagkatapos ay inilubog niya ang mukha ko sa isang drum ng tubig.

"Ano, lalaki ka ba o bakla?!"
sabi niya at muling iniahon ang ulo ko.

"Ba-babae po, Itay--"
pagkasagot ko'y muli nanaman niyang inilublob ang mukha ko sa tubig.

Halos hindi na ako makahinga at naglalapasag na talaga ako.
Sobrang sakit na ng nararamdaman ko, hindi dahil sa mga pasa o bugbog na sinapit ko, kundi dahil sa isiping, "Paano nagagawa ni Itay sa akin ito? Sa akin na sarili niyang anak?"

Kung buhay lamang si Mama ay siguradong hindi niya hahayaang mangyari ito. Bago siya namatay noong sampung gulang palang ako ay may sinabi siya sa akin na hinding-hindi ko makakalimutan.

"Anak, HINDI MAHALAGA KUNG BAKLA KA MAN O HINDI, ANG IMPORTANTE AY MAGING MABUTING TAO KA, DISIPLINADO SA SARILI AT MAY TAKOT SA MAYKAPAL."
sabi ni mama kahit hindi ko sinabing bading ako ay alam na talaga niya, at tanggap niya ako at pinapangaralan pa, ang masakit lang ay agad niya akong iniwan.

Isang malakas na suntok ang nagpadugo sa ilong ko at nagpahinto kay Itay.
BILANG ANAK NIYA AY IGINAGALANG KO SIYA, PERO BILANG ISANG TAO SANA'Y MALAMAN NIYANG KAWALAN ITO NG RESPETO SA AKIN.

"Kung hindi ka magpapaka-lalaki, higit pa d'yan ang mararanasan mo sa'kin."
Nasabi nalang niya at iniwan na niya ako sa loob ng banyo.

Pinasok ako ni Ate at niyakap niya ako ng mahigpit.

"Bunso, pagpasensyahan mo nalang si Itay, mainit lang ang ulo niya. Tahan na"
sambit ni Ate.

Ki-nomfort niya ako, buti pa siya nauunawaan ako.

Naiintindihan ko naman si Itay at hindi ako magtatanim ng sama ng loob sa kanya, alam kong balang araw ay matatanggap din niya ako.
Ngunit sa mga oras na ito ay napakasakit ng kalooban ko.

Lumabas ako ng bahay at tumakbo.
Tumakbo ako papunta sa bahay nina Marco.
Si Marco na bestfriend ko, at ang first love ko. Oo, gusto ko siya noon pa, pero syempre hindi ko masabi ang feelings ko dahil hindi rin niya alam na bading ako.

Pagkakita ko sa kanya ay niyakap ko siya. Mahigpit kasabay ng pagtulo ng luha ko.

"O pare, bakit ka umiiyak?! ....at teka nga! Para ka namang bading kung makayakap eh!"
pagpupumiglas niya sa yakap ko.

"O teka, bakit may pasa ka? Napag-tripan ka ba sa kanto? Tara resbakan natin!"
patuloy pa niya nang mapansin ang mga sugat o pasa ko at dugo sa ilong ko.

"Hindi Marco. May sasabihin sana ako sa'yo"

parang nagulat pa siya sa akin.

"Marco, isa akong bakla"
pag-amin ko at kumembot-kembot pa ako.

Parang mas lalo akong nasaktan ngayon.
Tulad ni Itay ay hindi rin niya matanggap na isa akong bakla.
Pinagtabuyan niya ako at pinagsarhan ng pinto.

Ang first love ko, sa isang iglap lang ay bigla nalang nawala, nawalang parang bula, PORKE BA BAKLA AKO, WALA NA AKONG KARAPATANG MAGMAHAL? TAO LANG DIN NAMAN AKO NA MAY PUSO DIN AT DAMDAMIN.

Wasak na wasak ang puso ko,
Napakabigat ng aking damdamin, pinagtabuyan ako ng dalawang lalaking pinakamahalaga sa buhay ko. Si Itay at si Marco.

(This is an imaginary fiction. Any material used in this story are product of the Author's Imagination. Resemblance to an atual names, events and places are entirely coincidental)

Kinabukasan, nagising ako na tulala pa rin. Hindi matanggal sa isipan ko ang nangyari kagabi.
Alam kong iba na ang magiging ikot ng mundo ko mula sa araw na ito.
Hindi magiging madali at parang magsisimula ako ng panibagong buhay.
Pero ayos na rin dahil at least alam na nila na isa akong binabae, at ngayon handa ko ng pasukin ang mundo ng mga Diwatita, handa na akong kumerengkeng.

Paglabas ko, nakita ko si Itay na mukhang lango sa alak, nagtataka ako dahil hindi naman siya dating umiinom ng ganito kaaga.
Nagulat nalang ako nang bigla nalang niya akong suntukin, at muli't-muli'y ginulpi na naman niya ako.

Ganito ang naging ikot ng relasyon namin ni Itay araw-araw.
Sa tuwing makikita niya ako'y ginugulpi niya ako.
Pati nga pag-aaral ko'y parang napapabayaan ko na.

Hanggang dumating sa puntong hindi ko na makayanan.
Hiniram ko ang make-up ni Ate, pati maikling dress niya ay hiniram ko rin.

Ako na isang maton ay naka-dress at naka-make up na lumabas ng bahay isang gabi, handa ko ng ipakita sa mundo kung sino talaga ako.

Bawat madaanan ko ay gulat na gulat, mapa-babae o lalaki, lahat nagbubulong-bulungan.
No'ng una medyo nahihiya pa ako, pero alam kong masasanay din ako.

"Aba! Dalagang-dalaga na si Paul! Whoo Hahaha"
lahat ng mga binata ay nagsisipaghiyawan.

"HUWAG NIYONG PAGTAWANAN ANG MGA BAKLA! AKALA MO KUNG SINO KAYONG MGA GWAPO O MAGANDA! MAS KATAWA-TAWA NAMAN ANG MGA PANGIT NIYONG UGALI."
naisigaw ko nalang bigla.

Ngunit ang kinainis ko ay ang mga batang naglalaro sa kalye.

"Multong bakla! Bakla! Bakla!"
walang tigil nilang kasisigaw sa akin at pinagtatawanan nila ako ng matindi.

Dito na ako nakarandam ng pagka-hiya sa sarili ko, napaiyak na lang ako.
MAY MASAMA BA SA PAGSUOT KO NG PAMBABAENG DAMIT? KUNG TUTUUSIN AY MAS MASAMA PA NGA ANG GINAGAWA NILANG PANLALAIT SA AKIN. WALA NAMAN AKONG GINAGAWANG MASAMA, PERO SILA, BUONG PAGKATAO KO NA ANG INAAPAKAN.

Tumakbo ako pabalik ng bahay habang yakap-yakap ang aking sarili.
Laking gulat ko nalang makita ko si Itay na nakatayo sa tapat ng pinto namin.
Akala ko tulog na sila pero heto siya ngayon sa harapan ko at mukhang galit na galit.

"I-itay?!"
nasambit ko nang mapansin kong hawak niya ang mga damit ko.

"Deputa ka! Lumayas ka dito!! Wala akong anak na bakla! Bakla! Bakla!"

Sinubukan ko pang magmakaawa pero hindi man lang niya ako pinakinggan.
Bakit gano'n-gano'n nalang kung palayasin niya ako?
MAS MAHALAGA BA ANG SARILING EGO NIYA KAYSA KAPAKANAN NG SARILING ANAK NIYA?

Ngayon, alam kong malaya na ako sa mga bagay na gusto kong gawin, ngunit makokonsidera bang kalayaan ang mapalayas ng sarili mong ama?

Hindi ko alam kung saan ako pupunta.
Naglakad-lakad lang ako sa kalye, hanggang may pumaradang magandang sasakyan sa tabi ko, pagbukas ng bintana ay isang magandang babae ang dumungaw.

"Hoy Bakla! Mukhang maganda ang taste mo sa fashion ha!"
sabi niya habang tinitignan ang suot kong Dress ng fashionista kong Ate.

"Mukhang pinalayas ka ha! Gusto mo bang sumama sa'kin?"
patuloy niya.

Hindi ko alam kung bakit sumama ako sa kanya, pero ang tadhana na siguro ang nagdidikta na ang babaeng ito ay magiging parte ng buhay ko.

Isinama niya ako sa isang malaking patahian ng damit.
Nagulat nalang ako at namangha ng mapansin ko ang mga nagtatrabaho dito, lahat sila puro mga bading.

"OKAY LANG NAMAN NA MAG-SUOT NG DAMIT PAMBABAE ANG MGA BAKLA, PERO KUNG HINDI MO NAMAN ITO BAGAY, ABA'Y HUWAG MO NG PILITIN DAHIL MAGMUMUKHA KA LANG TANGA AT KATAWA-TAWA.
MAGSUOT KA NG SIMPLE LANG, KOMPORTABLE, MALINIS AT PRESENTABLE."
sambit niya bago niya ako iniwan sa factory.

Tama siya, may punto siya, at sa sinabi niya ay nakabuo ako ng isang pangarap, ang maging isang Dress Maker, para makagawa ako ng mga damit na pambabae na hindi magmumukhang masagwa kapag tulad kong bakla ang nag-suot.

Sa madaling salita ay nagtrabaho ako sa patahian niya at hindi lang iyon, pinag-aral pa niya ako sa kursong Dressmaking.
Kinasanayan ko rin ang fashion designing, hinasa ko ng husto ang sarili ko dito.

Sa mga panahong nagdaan ay nakilala ko siya ng husto. Ang factory pala niya ay hindi lang basta negosyo kundi isa ring nagsilbing foundation para sa mga ulila at inabandonang bakla sa kalye. Ibang klase rin, sa dinami-dami ng mga magagaling na mananahi ay bakit bading pa ang napili niya.

Inalam ko ang dahilan kung bakit puro bakla ang mga trabahador niya. Nagulat nalang ako sa sinabi niya.

"Alam mo ba kung bakit mas maraming pinagpipiliang damit ang mga babae kaysa mga lalaki? 'yon ay dahil karamihan ng mga fashion designer ay mga babae, iilan lang ang mga lalaki, dito papasok ang kahalagahan ng mga bading, para mabalanse ang mga damit. Pambabae at panglalaki."

Dito na ako nakabuo ng mga ideya, gumawa ako ng mga sarili kong disenyo na pwedeng isuot ng babae at pwede ring isuot ng mga lalaki, mga disenyong hindi masagwang tignan lalo na sa mga bading na tulad ko.

Nagustuhan naman niya mga disenyo ko at nagdesisyong magpagawa. Mabilis na lumaganap ang mga damit na likha ko, tinangkilik agad ito ng madla, hanggang maging ganap na akong fashion designer.

Lumaki na ang kinikita ko, ngunit ang kasabay nito ay ang paghahanap ng katawan ko ng mainit at malinamnam na laman.
Dahil puro mga bading ang kasama ko ay alam na alam nila kung saan makakahagilap ng callboy.
At dahil wala pa akong karanasan ay sabik na sabik ako, at dahil sabik na sabik ako ay kumuha agad ako ng isa.

Nakipagtagpo ako sa isang bar, at doon na rin mismo sa likod ng bar ko siya sinuso. Niluhuran, Chinupa at pinagsawaan, gigil na gigil ako at libog na libog, ngunit sa kalagitnaan ng aming pagpapaligaya ay bigla nalang siyang dumating.

"Anong ginagawa mo?! Sumakay ka sa kotse ngayon din."

Nahuli niya akong may katalik, at dahil sa lakas ng tinig niya ay napilitan akong sumakay na lang sa kotse.

"Nag-aral ka diba?!"
tanong niya habang nagmamaneho.

"Opo."

"NAG-ARAL KA NGA PERO PARANG WALA KA NAMAN NATUTUNAN, PINAGAWA MO LANG ATA SA RECTO ANG DIPLOMA MO EH!"
malakas ang pagkakasabi niya.
Parang tumatagos sa akin ang bawat salita niya. Aaminin kong masakit, pero naging bukas ang aking isipan, alam kong para sa akin din ito.

"MAY PANGANGAILANGAN DIN PO AKO, WALA NAMAN PO SIGURONG MASAMA DAHIL PAREHO KAMING SINGLE, KAYSA PO SA IBA NA NAKIKIAPID SA ASAWA NG MAY ASAWA."
pangangatwiran ko.

"Nando'n na ako, naiintindihan ko 'yun, pero sumasahod ka naman di ba? Wala ka bang pambayad ng hotel o kahit motel man lang?!"
mukhang napakasiryoso niya talaga. Nababara na tuloy ako at hindi malaman kung ano ang isasagot.

"ANG BAGAY NA NAKAKASAMA SA GINAWA MO AY ANG LANTARAN, HINDI NAMAN KAYO MGA ASO DIBA? ITAGO MO SA MADLA, HUWAG DO'N SA MGA MADIDILIM LANG NA TABI-TABI, DAHIL KAPAG MAY IBANG MAPANGHUSGANG MATANG NAKAKITA SA INYO, KASIRAAN SA PAGKATAO MO 'YON, AT HINDI LANG SA IYO, LAHAT NG MGA BAKLA DAMAY NA!"

mukhang ito ang dahilan kung bakit hindi matanggap ng ibang tao ang mga bakla, dahil ang tingin nila ay pare-pareho lang sila, dahil sa ganitong gawain ng ibang bakla.
Ang bait talaga niya, gusto niya akong ibukod sa mga imoral na bakla.

"KUNG WALA KANG SAPAT NA SALAPING PANG-MOTEL, HUWAG KA NA LANG MANLALAKI. YOU MUST KEEP YOUR SECRETS IN SECRET PLACES."
dagdag pa niya.

Ngayon, nauunawaan ko na ang nais niyang iparating.
Gusto niyang magkaroon ako ng DIGNIDAD sa aking sarili para ako ay iRESPETO ng ibang tao.
O MAS MABUTI PA NA HINDI NALANG AKO MAKIPAGTALIK SA LALAKING HINDI KO NAMAN KARELASYON, IIWAS NALANG AKO SA ESKANDALONG MAAARING MAKASIRA SA REPUTASYON NAMING MGA BAKLA, TUTAL BABAE ANG TURIN KO SA AKING SARILI, MAS MABUTI PA NA MAMUHAY NA NGA LANG AKO NA PARANG BUHAY NG ISANG ORDINARYONG BABAE.

Laking pasasalamat ko at nakilala ko ang babaeng ito, marami siyang itinuro sa akin at marami talaga akong natutunan sa kanya. Hindi bilang isang bakla, kundi bilang isang tao.

MAHIRAP TALAGANG MAGPAKATAO, AT HINDI BASEHAN ANG KASARIAN PARA SUKATIN AT HUSGAHAN ANG PAGKATAO NG ISANG NILALANG, KUNDI SA UGALI, KARAKTER AT GAWAIN, MAPA-LALAKI MAN O MAPA-BABAE.

Sa paglipas pa ng panahon ay naging tuloy-tuloy ang buhos ng grasya sa buhay ko.
Mas lalong naging popular ang mga disenyo kong damit, pati ang Pangalan ko ay sumikat din, sa diaryo, radyo at maging sa telebisyon ay kinilala ako at ang kumpanya ng babaeng tumulong sa akin.

Isang selebrasyon ang iginawad niya sa tagumpay na aming nakamit, at para sa akin. HINDI ITO ANG TAGUMPAY SA PAGKAKAROON KO NG PANGALAN SA INDUSTRIYA O SA MALAKING SALAPING NASA AKING BULSA, KUNDI TAGUMPAY KO SA AKING SARILI BILANG ISANG TUNAY NA MAKATAO SA MAMAMAYAN. WALANG INAAPAKAN AT HANDANG TUMULONG SA MGA NANGANGAILANGAN.

Oo, tumutulong ako, halos kalahati ng sweldo ko ay ibinibigay ko sa charity, simbahan, bahay-ampunan at kung saan-saan pa.
GUSTO KONG PATUNAYAN SA SARILI KO NA KAHIT BAKLA AKO NA PURO PANGHUHUSGA ANG NAKUKUHA SA IBA AY MAY ISANG BAGAY PA RIN SA AKIN NA AKING MAIPAGMAMALAKI NA HINDI KAYANG MAKITA NG IBA.

Nagpunta kami sa isang Comedy Bar kung saan karamihan sa mga performer ay bakla din.
Halos mamatay siya sa kakatawa pero ako, tahimik lang at nag-iisip.
Sa isang sulok kasi ng aking puso ay nami-miss ko na sina Itay, mga kapatid ko at maging si Marco.
Malamang galit pa sa akin si Itay.
Sana'y natatanggap nila ang mga pinapadala kong pera kahit pa walang nakalagay kung kanino ito galing, basta pinapadalhan ko sila, hindi na mahalaga sa akin kung hindi man nila malaman na sa akin ito nanggagaling.

Sa kalagitnaan ng aking pag-iisip kasabay ng mga maiingay na speaker ay bigla siyang nagsalita.

"Hahaha PAANO NA LANG KUNG WALANG MGA BAKLA SA MUNDO? WALA KASING NAGPAPATAWA SA AKIN NG GANITO? ANG MGA BAKLA AY TUNAY NA MAGALING NA PERFORMER, COMEDIAN, HOST, MAKE-UP ARTIST, PERFUME MAKER, FASION DESIGNER, ACTORESS, AT KUNG ANO-ANO PA. Hahaha"
walang humpay ang pag-tawa niya.

Kahit papa'no, proud pa rin ako sa pagiging bakla ko, kahit pa ang tingin ng iba sa amin ay mga salot sa lipunan, SINO NGA BA ANG TUNAY NA SALOT? KAMING MGA BAKLA BA O ANG MGA TAONG MADALING MANGHUSGA GAMIT ANG MALALAKI NILANG MATA AT MAKIKITID NA ISIPAN?
Wala na akong paki-alam sa mga taong kung maka-puna ng tartar sa ngipin ay ganun-ganun nalang, samantalang badbreath naman sila.

"Mukhang malungkot ka ata?"
napansin ata niya ang aura ko.

"Ah hindi naman po..."
sagot ko, ngunit hindi ko mapigilan ang pagluha ko.

Dumikit siya sa akin at inakbayan ako, sabay tagay sa serbesa.

"O KAYO D'YAN, KAPAG NALALASING NA KAYO, HUWAG KAYONG GARAPAL SA MGA LALAKI AH! TANDAAN NIYO NA ANG KASIRAAN NG KARAKTER NG ISANG BAKLA AY KASIRAAN DIN NG LAHAT NG BAKLA, KAYA PASIMPLE LANG KAYO HA?!"
sigaw naman niya sa mga kasama pa naming nagiinuman na bading, tapos ay muli niya akong kinausap.

"Open ako kahit ano, drama, aksyon, puso, kahit ano. Iniwan ka ba ng boylet mo?"
sambit niya.

Matagal na kaming magkasama pero ni minsan ay hindi pa ako nag-open ng problemang puso sa kanya.

"Naku hindi po. Wala po akong boylet. Tulad po ng sabi niyo ay iniiwasan ko na pong manlalaki."
sagot ko.

"Ano ka ba?! Hindi ko sinabing iwasan mo. NAGKAKAMALI ANG BAKLA, HINDI DAHIL BAKLA SILA, KUNDI DAHIL TAO LANG DIN SILA, TAO NA MAY PUSO AT DAMDAMIN NA PWEDENG MAGMAHAL DIN. WALANG TAONG MAAARING HUMUSGA SA RELASYONG LALAKI AT BAKLA DAHIL WALA SILANG KARAPATAN, TANGING ANG MAYKAPAL LANG ANG MAY KARAPATANG HUMUSGA, AT SA ARAW NA 'YON, ANG TITIGNAN NIYA AY ANG PAG-IBIG SA ISANG RELASYON. Kaya ayos lang na magka-boylet ka, HUWAG LANG SOBRA, LAHAT NG SOBRA, NAKAKASAMA NA."

medyo nalito ako sa sinabi niya pero alam kong balang araw ay mauunawaan ko rin ng lubusan.

Naalala ko tuloy ang Mama ko sa kanya, at ngayon unti-unti ko ng naiintindihan ang mga iniwan niyang aral sa akin.

"Opo. Pasensiya na. Naalala ko lang po kasi si Itay."

"ah. Ang Itay mo. Ba't ka nga pala pinalayas sa inyo?"

"Hindi po kasi niya matanggap na Bakla po ako."
bigla nalang siyang napatawa sa sinabi ko.

"HINDI TOTOONG HINDI KA NIYA TANGGAP, IKAW LANG ANG NAG-IISIP NIYAN. Alam mo kung ano ang totoo? NATATAKOT LANG SIYA NA BAKA ISANG ARAW AY MAKITA KA NIYA NA HINUHUSGAHAN NG IBA, NATATAKOT SIYA NA BAKA LOKOHIN KA LANG NG MGA LALAKI, PERAHAN AT SAKTAN. NATATAKOT SIYA NA BAKA MATULAD KA SA IBANG BAKLA NA KUNG SINO-SINONG LALAKI ANG KINAKASAMA, AT HIGIT SA LAHAT, NATATAKOT SIYANG MAKAPAG-ASAWA KA NG KAPWA MO LALAKI. OO, LALAKI KA PARIN KAHIT ANONG BIHIS PAMBABAE PA ANG GAWIN MO. LALAKI KA PA RIN KUNG KAYA'T NATATAKOT SIYANG MAKARAMDAM NG HIYA KAPAG NANGYARI NA ANG LAHAT NG SINABI KO. KAYA'T SURIIN MONG MABUTI ANG MGA KILOS MO AT ANG MGA DESISYON MO SA BUHAY"
paliwanag niya.

"Ibig niyo pong sabihin, ikakahiya niya ako dahil bakla ako?"

"HINDI. SABIHIN NALANG NATING NAHIHIYA SIYA PARA SA IYO. PERO DAHIL ISA KANG MABUTING TAO, ASAHAN MONG IMBES NA MAHIYA SIYA AY MAGIGING PROUD PA SIYA SA IYO. ANG PAGIGING BAKLA AY SA PANLABAS LAMANG, PERO ANG PAGIGING TAO AY NASA PUSO'T-ISIPAN. Ika nga: 'HINDI NASUSUKAT SA BIGOTE AT BALBAS ANG PAGKALALAKI, DAHIL MINSAN, HIGIT NA MAS LALAKI PA SA LALAKI ANG BAKLA' gets mo ba 'yun?!"

"Ang ibig niyo pong sabihin, MAGING RESPONSABLE AKONG BAKLA SA ANO MANG BAGAY?"

"Hmm.. Gano'n na nga siguro. Ba't di mo puntahan ang Itay mo? Baka hinihintay ka na no'n, malay mo nakalimutan niya na ang lumipas, at malay mo namimiss ka na rin niya. Mahal na mahal ka no'n sigurado."

Nagdesisyon akong bumalik sa bahay.
Laking gulat ko nang mabalitaan kong patay na si Itay, at ang mga kapatid ko ay may kanya-kanya ng pamilya.
Wala na akong nadatnan sa bahay kundi ang isang liham na iniwan ni Itay para sa akin.

Pagbukas ko ng liham, walang ibang nasa isipan ko kundi ang hitsura ni Itay kasabay ng pagtulo ng Luha ko.
Napakasakit, hindi ko man lang siya nakita sa huling pagkakataon.

"Anak, nakita kita sa telebisyon, ibang-iba na ang hitsura mo, pero nagpapasalamat ako dahil nasa mabuti kang kalagayan.
Anak, patawarin mo ako sa lahat ng masamang nagawa ko sa 'yo. KUNG TUTUUSIN AY MAS LALAKI KA PA SA AKIN, NAGING MAHINA AKO HABANG IKAW AY NANATILING MALAKAS. NAGING DUWAG AKO HABANG IKAW AY NANATILING MATAPANG. Anak, bata ka pa lang ay alam na namin ng Mama mo na bakla ka, at ngayon lang naging malinaw ang sinabi sa akin ng Mama mo, 'ANG PAGIGING BAKLA AY HINDI IKANAKAHIYA NGUNIT HINDI RIN IPINAGMAMALAKI; ANG PAGIGING MASAMANG TAO ANG DAPAT IKAHIYA, AT ANG PAGIGING MABUTING TAO ANG DAPAT IPAGMALAKI.'
Anak, gusto kong malaman mo na ipinagmamalaki ko na ikaw na isang bakla ay naging anak ko. Ipinagmamalaki kita."

Punong-puno ako ng pag-sisisi para sa mahabang panahong wala ako sa tabi niya.
Bakit puro pasakit nalang at puro paghihirap ang dinaranas ko? Samantalang ang nais ko lang naman ay lumigaya.

Pagkatapos kong bumisita sa puntod ni Itay ay bumalik na ako sa trabaho.
Pakiramdam ko parang patay na ang kalahating katawan ko. Lagi nalang akong umiiyak, hindi malaman kung saan hahanapin si Itay, gusto ko siyang yakapin ng mahigpit.
Para akong nag-iisa sa mundong ito.

Lumipas ang mga araw, linggo, buwan at taon ng napakabagal.
Pero hindi parin ako nagbago, pinili ko pa rin ang magpaka-buti.

Hanggang dumating ang isang araw na nakita kong muli si Marco, ang first and only love of my life ko.

Hindi pa rin siya nagbabago, gwapo pa rin siya, mabait at lalaking-lalaki.
Hindi na siya galit sa akin, mukhang tanggap na niya ang pagka-bading ko.
Ngunit sa muli naming pagkikita ay talagang nasaktan ako ng todo.

Nakita ko siya sa loob ng condo ng babaeng tumulong sa akin.
Napakasakit sa akin nang ipakilala niya sa akin si Marco bilang kanyang boyfriend.

Pakiramdam ko muli na namang bumagsak ang langit, sapul na sapul ang sentro ng aking puso.

Dahil wala naman akong pinanghahawakan kay Marco ay wala akong karapatang mag-inarte.
Hindi ko rin naman pwedeng sabihing inagaw niya si Marco sa akin dahil hindi naman niya alam na magkakilala kami ni Marco, at syempre, wala naman kaming relasyon ni Marco.

Pinapatay ako ng selos sa tuwing makikita ko silang magkasama.
Wala akong magawa kundi pilitin lang buuing muli ang nawawasak at nagkapira-piraso kong puso.

HANEP MA-INLOVE ANG BAKLA, GAGAWIN ANG LAHAT 'WAG LANG MAWALA ANG LALAKING PINAKAMAMAHAL NIYA, pero iba ako, hindi ako maghahabol, lalo na kung babae ang kakumpitensya ko.

Higit akong nasaktan nang sabihin niya sa akin na;

"Naku Paula, pinaglalaruan ko lang si Marco, hindi ko naman siya talaga mahal."

Niloloko lang niya ang lalaking pinakamamahal ko.
Sabagay, sinabi din naman sa akin ni Marco na pineperahan lang naman daw niya ang babae, kaya pareho lang silang naglolokohan.

Hindi ko maintindihan kung ano ang tumatakbo sa isip niya, niyaya nalang bigla ako sa isang Threesome Sex, siya, ako at si Marco.

"Minsan lang ako hihiling sa 'yo, kaya wag na wag kang tatanggi."
dahil malaki ang utang na loob ko sa kanya ay napilitan akong pumayag.

Sabay pa kaming pumunta sa Condo niya.
Sa loob ng kanyang kwarto na namin hinintay si Marco.
Dumiretso siya sa banyo at agad na nag-shower, habang ako ay naiwang nakaupo sa malambot na kama.
Hindi matanggal sa isip ko ang pag-iimagine, hindi ko inakalang matitikman ko ngayong gabi ang first love kong si Marco.

Napansin ko ang isang larawan na nakasabit sa dingding.
Isang larawan ng binatilyong lalaki na sobrang gwapo. Oo, ubod ng gwapo.

Mga ilang saglit pa ay lumabas na siya mula sa banyo.

"Sino po yung nasa larawan? First love niyo?!"
agad kong tanong pagkalabas niya.

"Ah. Ano ka ba! Kung ano-anong napapansin mo eh!"

Naka-bathrob lang siya at naaaninag ko ang mga utong niyang bumabakat, hindi na siya nag-bra, ngunit nag-panty siya na black na naaaninag ko rin.

"Hindi ka ba maliligo?"
tanong niya sabay upo sa tabi ko.

"Ah hindi na po, kakaligo ko lang po eh!"

"Ano ka ba?! 'wag mo na akong pinu-po, tumatanda ako sa'yo eh!"
pagbibiro pa niya habang sinusuklayan ang mahaba niyang buhok.

"Ang tagal naman ni Marco..."
pagkainip ko makalipas ang ilang minuto ng katahimikan.

Nagulat nalang ako sa kamay niya na bigla nalang gumapang sa ibabaw ng hita ko.

"Magpa-init na kaya tayo habang hinihintay natin si Marco?"
hiling niya na may halong panunukso at panlalandi habang hinihimas-himas ang hita ko.

"Ah...uhm..."
hindi ko alam ang isasagot ko.

"Sshhh...."

bigla nalang niya akong itinulak pahiga sa kama, tapos ay bigla nalang siyang sumalampak sa ibabaw ko at inupuan niya ang ari ko, tapos bigla nalang niya akong hinalikan sa labi.

Nung una medyo matabang at medyo nandidiri pa ako dahil pareho kaming bebot, pero unti-unting nagkalasa ang mga labi niya, habang nagtatagal ay parang tumatamis.
Nakita ko na lamang ang sarili ko na gumaganti na ng halik, kasabay ng paggapang ng mga kamay ko para himasin ang likod niya.

Pumikit nalang ako at iniimagine ko na si Marco ang kahalikan ko ngayon.
Napakainit, napakasenswal.

Dahan-dahan niyang hinubad ang suot niyang bathrob ng hindi pinapakawalan ang bibig ko.
Lumantad sa akin ang mga suso niya.

"Hawakan mo ang mga suso ko Paul atsaka mo lamasin...please..."
hiling niya sabay angat sa katawan niya.

Nagdadalawang isip pa akong salatin ang mga suso niya, nakakapangilabot.
Sa pagdampi ng mga kamay ay mabilis niyang hinawakan ang mga ito, parang tinuturaan niya ako kung papa'no lumamas ng suso.

Atras-abante ang puwet niya sa ibabaw ko, pilit niyang ikinikis-kis ang puke niya sa putotoy ko.
Syempre, lalakwe parin ako kung kaya't hindi maiwasan ang erection.
Nagre-react ang putotoy ko sa bawat pagkiskis ng puke niya, halos malukot na ang itim niyang panty sa sobrang diin ng paghagod niya.

Napapangiwi pa siya, nakapikit at parang sarap na sarap sa ginagawa, at dahil may male hormones parin ako ay unti-unting dumaloy ang libog sa buong katawan ko.

"Sana dumating na si Marco my love..."
ang paulit-ulit kong hiling sa isipan ko.

Sa wakas ay tumayo na siya habang ako ay naiwang nakahiga sa kama, buong akala ko ay titigil na siya, ngunit lalo ata siyang sumiri.
Bigla niyang hinubad ang panty niya, nanginig talaga ako nang makita ko ang pinakatatago niyang pagkababae, matapos ay ang suot ko namang maong na shorts ang hinili niya para hubarin, at pati ang brief ko ay hinubad niya rin.

Napayakap ako sa aking sarili, sa hitsura ko ay para akong virgin na ginagahasa ng isang manyak na babae.

Nagsitayuan ang mga balahibo ko nang bigla nalang niyang isubo ang naninigas ko ng putotoy.
Kinikilabutan ako ng husto, tinatakpan ko ng mga kamay ko ang mga mata ko, hindi ko siya kayang makitang patuka-tukang chinuchupa ang burat ko.

Haaist...kung alam lang niya kung gaano ako naiinggit sa ginagawa niya, gusto ko ring chumupa at sumipsip ng burat!

"Ah..uhm... Hintayin nalang kaya natin si Marco?!"
suwesyon ko para matigil na ang karumal-dumal na senaryong ito.

"Hmm... Bakit, hindi ka ba nag-eenjoy?!"
sambit niya kasabay ay napakalanding ngiti.

Obvious ba?! Naku kahit anong pang-aakit pa ang gawin mo mukhang patay-malisya lang ako.

Muli siyang umakyat sa kama at muling umibabaw sa akin. Pinuwesto niya ang puke niya sa nakatirik kong putotoy, mukhang uupuan niya at ipapasok sa puke niya.

"O teka po, teka! Ano'ng gagawin mo?!"
pag-awat ko sa gagawin niya.

"Ako?! Nagti-table tennis! Obvious ba?! Wow! Syempre ipapasok ko na!"
pagbibiro pa niya.

"Hindi po ba natin hihintayin si Marco?!"

"Ipasok mo na! Libog na libog na ako eh! Please Paul..."

Hindi naman ako makahindi, hinayaan ko nalang siya sa nais niya.
Nakita ko ang pag-lamon ng puke niya pababa sa putotoy ko.
Shit, pasok agad-agad, swak na swak, mukhang laspag na laspag na ang peg!

Nagsimula na siyang mag-pump, daig pa niya ang karerista sa... Read More

About the Author :

Joined: July 10, 2013 (3 years old)
Writings: 177

Send PM · Male · Offline

I dreamt of being a published writer of inspirational and motivational stories, cause I want to inspire those who have physical disabilities and less fortunate people whom are downhearted. I want to bring hope into their hearts and I want them to see a beautiful world that's full of dreams.

I also want to share my thoughts about unconditional love, life's regrets and marital failures through Erotic stories. I may not change your world, but I wish, with my simple works, i've touched your hearts.
5 comments   0 favorite   2,669 views