Ewan

December 8, 2014 (2 years ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags:

EwanAlam mo ano masaya?
Yung palagi tayong magkasama at magkahawak-kamay.
Lagi lang tayong nagtatawanan at nagkukulitan.
Walang katumbas ang saya kapag kapiling ka.

Alam mo ano kakilig?
Yung magkatitigan tayo habang
sinasabihan mo ako ng "I love you".
Sa twing hahaplosin mo aking pisngi.

Alam mo ano masarap?
Yung mahigpit na yakap habang magkahalikan mga labi natin.
Ang bawat titig mo may halong panunukso ng damdamin.
Ikaw ang langit sa buhay ko.

Alam mo ano malungkot?
Yung wala ka sa tabi ko at hinahanap-hanap kita.
Hindi makatulog dahil sobrang miss na miss kita.
Hindi mahintay ang bukas na muling makita ka.

Alam mo ano matamis?
Yung sa twing nagtatampo ako sayo tapos nilalambing mo ako.
Tapos hindi mo pa malaman kung paano mo ako susuyuin.
Natataranta ka at kapag ngumiti na ako babatukan mo na ako.

Alam mo ano nakakatawa?
Yung matalisod sa daan dahil sa kakaisip sa iyo.
Parang praning na tumatawa mag-isa kahit saan.
Basta naalala ka, iisipin na kita buong maghapon.

Alam mo ano weirdo?
Yung kahit sa pagtulog ko ikaw pa rin laman ng panaginip ko.
Kung saan-saan kita nakikita.
Ang mukha mo tumatak na sa puso ko.

Alam mo ano kainis?
Yung feeling na halos mabaliw ako sa twing pinag-aalala mo ako.
Hindi mapakali hangga't hindi natitiyak na okay ka.
Tapos bilang parusa mo gugulpihin kita.

Alam mo ano mahalaga?
Yung pinadama mo sa aking pag-ibig na sobrang iniingatan ko.
Yung mga pangako mo na hindi ko bibitawan.
Kahit gaano kahirap, hihinga pa rin ako,
dahil sa ikaw ang pangarap ko.

Alam mo ano kakatakot?
Yung unti-unti kang nawawala sa buhay ko ng hindi ko namamalayan.
Parang awit na pagdating sa dulo kusang nagpi-fade.
Ayaw ko dumating ang araw na wala ka na sa tabi ko.

Alam mo ano sayang?
Yung iginuhit mong ligaya sa puso ko na ikaw din mismo ang bumura.
Pinintahan mo ng kulay ang mundo ko kaso hindi mo tinapos ang obra.
Ang ganda ng pagkaka-sketch mo tapos hanggang drawing lang pala.

Alam mo ano mapait?
Yung bumitaw ka sa mga pangarap na magkasama nating binuo.
Yung sinanay mo ako sa kultura mo at sa tradisyon.
Sinanay mo ako sa mga bagay na hindi mo naman pala kayang panindigan.

Alam mo ano mahirap?
Yung sariwain ang magaganda nating alaala na alam kong kailanman hindi na maibabalik.
Yung masaya, kakilig, masarap, malungkot, matamis, kainis at lahat ng mga alaala na gustong-gusto kong MARANASAN muli pero wala ka na.

Alam mo ano masakit?
Yung ma... Read More

About the Author :

Joined: July 10, 2013 (3 years old)
Writings: 177

Send PM · Male · Offline

I dreamt of being a published writer of inspirational and motivational stories, cause I want to inspire those who have physical disabilities and less fortunate people whom are downhearted. I want to bring hope into their hearts and I want them to see a beautiful world that's full of dreams.

I also want to share my thoughts about unconditional love, life's regrets and marital failures through Erotic stories. I may not change your world, but I wish, with my simple works, i've touched your hearts.
23 comments   4 favorites   1,290 views