Estudyante

January 26, 2016 (10 months ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Wife Lovers | Tags: , , ,

Katatapos pa lang ng high-school ni Sherilan nang ipakasal siya ng kanyang mga magulang sa kanyang boyfriend na si Jun kaya’t sa edad ng 19 ay nagkaroon agad sila ng anak. Hiwalay na ang mga magulang ni Jun at naiwan ito sa pangangalaga ng kanyang lolo at lola. Sa dahilang si Jun ay kaisa-isang apo, lumaki itong spoiled kaya’t walang gasinong alam na hanap-buhay.

Si Sherilan ang bunso sa kanilang magkakapatid, tanging ang isa sa mga kapatid n’ya na may asawa ang nangangalaga sa kanya dahilang ang mga magulang nito at iba pang mga kapatid ay nasa ibang bansa. Nang mabuntis si Sherilan, hindi pumayag ang mga magulang nito na hindi sila ipakasal.

Sa ngayon, nagsasama sina Jun at Sherilan ng hiwalay sa poder ng magkabilang panig ng pamilya. Nangungupahan ang mag-asawa ng bahay at karamihan ng kanilang panustos sa araw-araw, kasama ang iba pang mga pangangailangan ay mula sa sustento ng mga magulang at kapatid ni Sherilan – bagay na ikinayayamot nito sa asawa dahil hindi ito nagsusumikap na gumawa ng paraan para sa kanilang sarili.

Binigyan ng mga magulang ni Sherilan ng tricycle si Jun upang ipamasada subalit tamad ito at ipinagagamit sa iba. Ibina-boundary na lamang ang tricycle kaya’t nahahati pa ang dapat na buong kita nito maghapon. Hindi lumilipas ang isang linggo na hindi nag-aaway ang mag-asawa kaya’t madalas na wala si Jun sa bahay dahil umuuwi ito sa matatanda upang magpalipas. May mga panahong ‘pag matindi ang kanilang bangayan, halos dalawang linggo bago umuwing muli si Jun sa asawa.

Hindi naman gasinong nahihirapan sa panggastos si Sherilan kahit wala si Jun dahil sa regular na sustento ng mga magulang at mga kapatid. Minsa’y pumapabor pa ito sa kanya dahil nababawasan ang kanyang gastos. Ang kanyang anak naman ay sa kanya dumedede kaya’t hindi siya namomroblema sa gatas. Tanging diaper lamang at iba pang pangangailangan ng sanggol ang kanyang tanging binibili.

Dahil gusto din naman ni Sherilan na kumita na mula sa kanyang sarili, nagpasya siyang mag-aral ng maiksing kurso at upang makapaglibang. Nag-enroll siya ng computer course na tuwing sabado lamang ang pasok at dahil wala siyang mapag-iiwanan sa kanyang anak, isinasama n’ya ito sa eskuwelahan sakay ng stroller nito at bitbit ang iba pang mga paraphernalia ng sanggol.

Maraming mga kalalakihang estudyante ang nagkainteres sa kanya subalit walang nagtangkang manligaw dahil nga mayroon siyang asawa. Puro palipad-hangin na ikinikibit-balikat n’ya na lang at dinadaan sa ngiti.

Maganda si Sherilan, bilugan ang muka, hindi ito kaputian subalit makinis, may dalawang biloy sa pisngi na kitang-kita lalo ‘pag siya ay ngumiti. Hindi siya matangkad subalit tama lang ang kanyang taas sa hubog ng kanyang katawan.

Naging malapit siya sa kanyang guro na si Mark na noo’y 30 anyos na subalit wala pa ring asawa. May mga araw ng pasok na naiiwan si Sherilan sa eskuwelahan upang makipagkuwentuhan sa kanyang guro at kumuha pa ng dagdag kaalaman. Mabilis silang nagkapalagayan ng loob dahil likas na mabiro ang guro at si Sherilan naman ay hindi basta-basta napipikon at siya ang tipo ng babaeng game sa lahat ng oras.

May pagkakataong inihahatid ni Mark ang mag-ina sa bahay na inuupahan nito dahilang hirap itong umuwi kapag maraming dala-dalahan kaya’t nalaman ni Sherilan na dalawang kanto lamang ang layo nito sa bahay ng guro. Hindi lingid sa mga kaklase ni Sherilan na masyado silang malapit ng guro kaya’t hindi maiwasang may lumabas na tsismis na mayroon silang relasyon. Itinatanggi naman ito ng huli at sinasabing magkaibigan lamang sila at siya ay babaeng may asawa.

May mga pagkakataon ding tumatawag si Sherilan sa kanyang guro sa cellphone nito upang magtanong na nauuwi sa kuwentuhan at mahabang tawagan o kaya naman ay sa text messaging. Madalas ding hinihingahan ni Sherilan ang kanyang guro tungkol sa problema nilang mag-asawa at pinapayuhan naman ito ni Mark ng may halong biro kaya’t napapangiti ito at nababawasan ang dinadalang suliranin.

Isang gabi, tumawag si Sherilan sa kanyang guro at hiniling na pumunta siya sa bahay na inuupahan nito.

“Hello… Sir…”

“Hello… O… She… bakit?”

“Puwede ka bang pumunta dito sa bahay?”

“Ha?... bakit anong meron?”

“Wala po… basta punta ka.”

Nagtanong pang muli si Mark bago ito tuluyang pumayag.

“May problema ba?”

“Wala po Sir… basta punta ka… kailangan kita… Ay!… hihihi… may kailangan ako sa ‘yo… ano ba yan? hihihi…” Nangingiting sambit ni Sherilan habang kausap ang guro sa kabilang linya. Napatawa naman si Mark sa kanyang narinig subalit hindi n’ya ito gasinong binigyan ng kahulugan.

“Sige… sige… ‘punta ako d’yan.”

“Sige po Sir… bilisan mo ha…”

“OK.”

May pagka-isolated ang dating ng bahay na inuupahan ng mag-asawang Jun at Sherilan. Hindi ito kagaya ng tipikal na paupahan na isang linya at dikit-dikit na pinto. Marahil ito’y isang bahay na dating tinitirahan ng may-ari na lumipat o nangibang-bansa at pinaupahan na lamang. Mayroon itong mataas na bakod at garahe sa loob.

Hindi nakakandado ang gate ng bahay kaya’t pumasok na si Mark sa loob. Nakita pa nito ang tricycle na nakagarahe kaya’t napaisip siya na bakit siya pinapupunta ni Sherilan kung naroon ang asawa nito. Nakilala na rin ni Mark si Jun nang minsa’y sunduin nito ang kanyang mag-ina sa eskuwelahang kanyang pinapasukan.

Madilim ang loob ng kabahayan at tanging ang ilaw lang na nagmumula sa kusina ang bukas kaya’t alanganin pang kumatok si Mark sa pintuan. Subalit dahil naroon na rin lamang siya, itinuloy pa rin n’ya ang pagkatok.

“She… she…” tawag nito sa kanyang estudyante habang kumakatok sa pinto.

Maya-maya pa, bumukas ang pinto at si Sherilan ang nagbukas nito. Nakasuot lamang ito ng maiksing palda at manipis at maluwag na t-shirt. Nahalata ni Mark na wala itong suot na bra dahil sa pagbakat ng mga utong nito sa tuwing dumidikit sa kanyang dibdib ang tela ng sandong suot nito.

Ngumiti si Sherilan sa kanya at niyaya siya papasok sa loob ng bahay.

“Sir… pasok po…”

Pumasok naman si Mark at palinga-linga sa kabuuan ng bahay para bang bago lang nakarating dito gayong makailang beses n’ya na itong naihatid. Nauuna sa kanya si Sherilan kaya’t kitang-kita nito ang pagkembot ng puwitan nito habang naglalakad. Lumingon pa ito sa kanya at nakangiting nagtanong.

“Kumain na ba kayo Sir?

“Oo… kanina pa… bago ka tumawag.”

“E… ikaw? Kumain ka na ba?”

“Opo.”

Tumungo si Sherilan sa kusina upang magluto at sumunod naman si Mark dito. Humatak siya ng isang silya at naupo sa harap ng hapag-kainan. Si Sherilan naman ay tuloy lang sa paghahanda ng kanyang iluluto.  

“Ano nga palang kailangan mo?” tanong nito.

Napatawa si Sherilan sa pag-amin nito sa kanyang ginawang alibi.

“Hihihi… wala… naiinip lang ako… yayayain sana kitang mag-inom e… umiinom ba kau?”

“Ha-ha… oo umiinom ako… akala ko naman kung ano… nag-away na naman ba kau ni Jun?”

“Yup!... kahapon… kaya… hayun… umalis na naman… gusto ko na ngang hiwalayan e… nakakainis na.”

“Aba! ‘wag… kawawa ang bata… kulang lang kayo sa pag-uusap.”

“Kahit naman kausapin ko… pasok sa isang tenga… labas sa kabila.”

“O… e … hayaan mo muna… at baka banda-banda d’yan e… maisip din n’ya na mali siya… ‘Wag kang magpadalos-dalos at baka pagsisihan mo din sa huli.”

Hindi na lamang kumibo si Sherilan at maya-maya’y binago na ang usapan.

“Ano bang gusto mong pulutan Sir?”

“Kahit ano… basta maanghang.”

“Maaghang? ‘wag ‘yun.”

“O?... akala ko ba e mahilig ka din sa maanghang.”

“Oo… pero ‘wag ngayon… maaanghangan ‘yan dila mo.”

“E ano ngayon? dila ko naman ‘to.”

“Baka gamitin mo e… hihihi.” saka nakangiting tumingin sa kanyang guro kasabay ng pagtaas ng dalawang kilay nito. Sumulyap pang muli si Sherilan kay Mark bago ito tumalikod upang tumungo sa kalan na malapit lang sa hapag-kainan.

Nakatingin naman si Mark sa kanyang estudyante na sinisipat ang buong katawan nito. Dahil sa biro nito tungkol sa dila n’ya, sa isip-isip nito, “Mukang may mangyayari ah…” 

Guwapo din naman si Mark. Marami din siyang naging mga estudyanteng babae na nagpapalipad-hangin sa kanya – dalaga man o may asawa. Hindi n’ya lang ito gasinong sineseryoso kahit na wala siyang asawa sapagkat mahalaga sa kanya ang kanyang propesyon at alam n’yang bawal sa isang guro ang magkaroon ng relasyon sa kanyang estudyante. Subalit sa ganitong pagkakataon, inutil ang manok kung hindi n’ya tutukain ang palay na kusang lumalapit upang magpatuka.

“Wala ka bang ibang damit?” tanong ni Mark kay Sherilan. Lumingon naman ito sa kanya sabay tanong ng, “Bakit po?... masagwa ba ang suot ko?”

“Hindi naman… kaya lang e… kitang-kita na ‘yang kaluluwa mo d’yan sa suot mo.”

Napatawa si Sherilan sa tinuran ng guro at saka sumagot, “maganda naman ah…”

“Maganda nga… kaya lang sobra namang iksi.” at dineretsa na rin ito ni Mark sa pagsasabing, “Mukang wala ka rin suot na bra?”

“Wala nga.” sabay talikod upang harapin ang kanyang niluluto. “Wala nga rin akong panty e… hihihi…”

“Ano? hahaha!”

Nagkatawanan muna ang dalawa at pagkatapos ay nagsalita muli si Sherilan.

“Joke lang… hihihi… meron naman ano?” sabay taas ng laylayan ng kanyang palda upang ipakita sa guro habang siya ay nakatalikod dito kaya’t kitang-kita ni Mark ang katambukan ng puwit nito.

Hindi naman mapakali si Mark sa kinauupuan dahil sa pagpipigil ng kanyang panggigigil sa kanyang estudyante. Narooong hawakan n’ya ang kanyang harapan na parang pinipigilan ito sa pagtayo. Napapamura siya sa kanyang isip na sinasabing,

“Putang-ina kang babae ka… gumanyan-ganyan ka pa’t… titirahin kita mamaya.”

Nang matapos si Sherilan sa pagluluto ng pulutan, inaya na nito ang kanyang guro sa sala upang doon sila pumuwesto ng inuman. Umupo si Sherilan sa mahabang sopa samantalang si Mark naman ay sa pang-isahan. Matagal-tagal din silang nagkuwentuhan tungkol sa kanilang buhay na may halong seryoso at biruan hanggang nauwi ito sa pribado at may tema ng kalibugan.

“Bakit nga pala hindi ka pa nag-aasawa Sir?... pihikan ka ba?”

“Hindi naman… kaya lang e… wala pa akong magustuhan…” sagot ni Mark

“Baka naman Mama’s boy ka?”

“Hindi ano?” depensa ni Mark. Saglit itong natigilan saka muling nagsalita. “Ewan ko ba… malalim kasi ang panlasa ko sa babae.”

Medyo may tama na ng alak si Sherilan kaya’t wala na itong kiyeme sa pagsasalita at pagbibiro.

“Ah... malalim pala ang gusto n’yo… e pano n’yo malalaman kung gaano kalalim at ‘yun lasa? Hahaha!” sabay tawa nito.

Napatawa naman si Mark dahil nakuha nito ang biro ni Sherilan. “Hahaha!... ibig kong sabihin… may hinahanap ako sa babae na hindi ko pa makita.”

“E di hubaran mo... para makita mo… hahaha!”

Napapailing si Mark habang nagtatawa dahil sa pagiging kalog ng estudyante nito. Kaya’t sinakyan na nito ang mga pinagsasabi nito.

“Hehehe.. e kung puwede nga lang hubaran habang namimili at pagkatapos susukatin kung gaano kalalim… ‘pag mababaw e di… ‘magbihis ka na… ayoko na’… hahaha!”

Tawa rin ng tawa si Sherilan sa pagsakay ng kanyang guro sa mga biro nito. Nang medyo tahimik na sa pagtatawanan ang dalawa, muling nagtanong si Sherilan.

“Hindi nga Sir… seryoso… ano bang hinahanap mo sa isang babae?

“Siyempre maganda, sexy, masipag… ayoko ng maarte at walang alam sa gawaing-bahay.”

“Alam ko na Sir kung saan ka makakakita… kaya lang madalang ang maganda at sexy… pero masipag… Katulong… hahaha!”

Dahil sa masayang kuwentuhan ng dalawa, wala na sa isip ni Sherilan ang pagtaas-baba ng kanyang paa sa sopa kaya nakikitaan na siya ng kanyang guro. Napapatingin si Mark dito subalit iniiiwas pa rin n’ya ang kanyang tingin dahil baka mahalata siya nito. Nang muling sumeryoso si Sherilan, “Mahihirapan ka ngang makakita ng mapapangasawa n’yan… masyadong mataas ang criteria n’yo pagdating sa babae.”

Sumandal muna si Mark sa sopa at tumingala sa kisame bago muling nagsalita nang may pasaring.

“Sayang… kung sana dalaga ka pa… e di niligawan kita.”

Saglit na napatingin si Sherilan sa tinuran ng kanyang guro subalit mabilis din itong nakatugon.  

“Bakit Sir? pasado ba ako kung sakali?”

Muling tumingin si Mark sa kanyang estudyante at seryosong sinabing, “Oo.”

Dumampot si Sherilan ng isang piraso ng kanilang pulutan at pabiro itong ibinato sa kanyang guro habang nagtatawa.

“Ang yabang naman nito… e 'di kung sakaling dalaga nga ako… ako pa itong parang nanliligaw sa ‘yo!”

“Hahaha… hindi naman… siyempre ako ang manliligaw sa ‘yo dahil ikaw ‘yung nagustuhan ko.” paliwanag ni Mark.

“Sus! Bolero!... e hindi naman ako maganda ah.” sagot ni Sherilan.

“Sinong may sabi?”

Pumihit muna sa pagkakaupo si Mark paharap kay Sherilan at sumandal sa armrest ng sopa bago muling nagsalita.

“Maganda ka She… sa totoo lang na-crushan kita noon pa.”

Nakangiting nakatingin sa kanya si Sherilan habang sinasabi ito ng guro.

“Talaga?” pagsisigurado nito. “E… bakit naman?”

“Ina!… e.. pauulit-ulitin pa ba natin? … alam mo na ‘yon.” ang sagot ni Mark.

Hindi na muling nagtanong si Sherilan bagkus muli itong nagbukas ng maberdeng biro.

“O baka naman Sir… ang mga babae ang umaayaw sa inyo dahil maliit… hihihi?”

“Alin ang maliit?” tanong ni Mark na pakunwaring hindi alam ang tinutukoy nito.

“’Yan… ‘yang… ano mo… hihihi.” sabay nguso sa harapan nito.

“Putsa!... marami na itong pinatirik ang mata… hahaha.” ganting sagot ni Mark kay Sherilan.

“Oooowwwss… hihihi… baka naman nakakakiliti lang… hahaha!”

“E gusto mong makita?” hamon ni Mark sa kanyang estudyante na hindi naman mapapahiya sapagkat likas na malaki ang kanyang alaga at kanina pang tigas na tigas dahil sa tema ng kanilang usapan.

Nagtatawang tumingala si Sherilan at kitang-kita ang pangingintab ng mga mata nito. Saglit muna siyang tumungo habang nakangiti at pagkatapos ay sinabing, “Sige nga… patingin nga...”

Lumiyad si Mark sa pagkakaupo upang buksan ang zipper ng kanyang pantalon saka inilabas ang naghuhumindig n’yang alaga.

Nagtatawa namang hinablot ni Sherilan ang maliit na unan na nasa kanyang tabi at ibinato ito sapol sa harapan ng kanyang guro.

“Hahaha! Ano ba ‘yan Sir?!... ipasok mo nga ‘yan!… hahaha!”

“Hehehe ikaw pala e… akala mo hindi ko gagawin ha?… baka kahit ikaw… hanap-hanapin mo ito.”

Subalit tila hindi napansin ni Sherilan ang huling sinabi ng guro kaya’t tuloy pa rin ito sa paghagikhik. May pagkakilig pa nitong sinabing, “Grabe ang laki!... hihihi!”

Nakasandal si Sherilan sa sopa habang pasimpleng bumubukas-sara ang kanyang mga hita tanda ng libog na nararamdaman. Tuloy-tuloy pa rin ang kanyang pagtatanong sa guro habang nakangiti ito at paminsan-minsa’y mapapakagat sa kanyang labi. Hindi naman lingid kay Mark ang reaksyon ni Sherilan kaya’t halata n’yang nalilibugan na din ito.

“Ilang babae naman ang napasukan n’yo n’yan Sir?... hihihi.”

“Konti lang naman… pero lahat sila nahibang… hehehe.”

Pinaikot pa ni Sherilan ang kanyang mga mata habang nakangiti at nakatingin sa kawalan. Nagkibit-balikat muna siya bago tuluyang sumagot.

“Hmmmm… ewan?... siguro?… ang laki e… hihihi…”

Nasundan pa ang kanyang sinabi na nagpataas lalo ng libog ni Mark at nagbigay dito ng lakas-loob.

“Kapag ganyan kasi kalaki… hihihi… talagang masarap kumantot.” dugsong ni Sherilan

Sasagot pa sana si Mark subalit tumayo si Sherilan at saglit na nagpaalam.

“Sir tingnan ko lang ‘yun anak ko ha…”

Napanganga namang sumagot si Mark ng, “Ah… sige…”

Habang nagsosolo si Mark sa sala, nag-iisip ito kung itutuloy ba n’ya o hindi. Subalit pangitang-pangita naman na bibigay din si Sherilan at halos ito pa ang nagbigay ng motibo sa kanya.

Tumayo si Mark upang sundan si Sherilan sa kuwarto. Bukas ang pinto at sa kanyang pagsilip, nakita n’yang kinakapa ni Sherilan ang lampin ng anak upang tingnan kung basa ito. Agad ding natanawan ni Mark na palabas na ito ng kuwarto kaya’t sumandal siya sa dingding na kalapit ng pinto upang ikubli ang kanyang sarili.

Paglabas ni Sherilan, biglang kinabig ito ni Mark sa bewang upang siilin ito ng halik sa labi. Ikinagulat ito ni Sherilan kaya’t pinanlakihan ito ng mata habang nakadikit ang mga labi ng guro sa kanyang mga labi. Ipinihit ni Mark ang kanyang s... Read More