Blog

dobleoke

May 31, 2014 (2 years ago)
Posted in Blog: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags:

Mag ingat sa mga taong akala mo sya yung taong kakilala mo, kopyang kopya parang sya yung lihitimo. Gayang gaya ang korte ng ilong, laki ng mata at lapad ng mukha maging ang . Mula ulo hanggang paa na nga lang.. Bakit nga ba dumarating ang ganito? Pagkakataoon lang ba o sinadya talaga? Nakita ko kasi ang kababata ko na si sam sakanya. Parang sya nga ang kababata ko, sa mga kilos ata galaw kopyang kopya. Alam din nya ang oras ng pagligo at kung anong application ang nakalagay sa wishlist nya sa app store. Naku naman, masyado bang naging publiko ang aking kaibigan o marami lang akong naikwento tungkol sakanya sa ibang tao?

Nag alangan tuloy ako sa kababata ko na si sam dahil sa mga pinag gagagawa nya nitong nakaraang araw. Malambing pero may masamang patatas – binibilog nya ang kanyang kulangot saka papagulungin sa sahig. Holy cow! Kamote tong kaibigan ko bakit ba nya dinudumihan nya ang kanyang sariling damit na alam kong paborito nyang labhan at handang makipag away sa ibang tao kung kasalanan nila ang pagtalsik ng dumi. Lumalayo na ang loob ko sa kanya kasi kamote na sya, kamote na itatanim sa lupa at paglipas ng panahon na may lumaki na sa ilalim pwede ng hukayin muli at lagain.

Lumipas ang mga panahon tamang ngiti lang pag nagkikita kami kasi nabawasan na ang ngiti na abot tenga na parang si mcdonald na katropa si jolibee nung dating kainitan pa ng kapeng bigas na tinutong. Hanggang isang araw umatake ang pagiging pranka ko at naabutan ko sya sa yahoo messenger na naka online at tinanong ko sya kung bakit sya ganun kaninang umaga.. nagtaka sya sa aking tanong, ano daw ang ginawa nya hindi pa daw kami naguusap o nagkita man lang ngayong araw, baka di daw sya yun kasi abala sya sa paghahanda para sa kasal ng kanyang kapatid. Tsk tsk tsk! Sino kayang  damuho na yun ang sarap ipitin sa pinto ang kanyang kamay habang sinasaksak yun ng lapis at iniiwan ang talim kaya dapat may hawak na pantasa para tasahan muli.

Kalaunan sinakyan ko nalang ang  nagbabalat kami na kahit hawig na hawig sya at may pagkakaparehas sa pananalita ng kababata ko may pagkakaiba pa rin pala nung tinitigan ko sya ng  titig na kahit ang mata ng illuminati ay mapapakurap.. peke walang laman ampaw lang ang kamao, Malaki man ang mga ito wala naman pala lakas kulang sa kanin. Hindi kayang makipagdikdikan at gumiling ng palay para maging bigas kung walang makina na gagamitin. dun sya nabuko di na kayang mabuhay sa kagubatan ng pilipinas na isang toothbrush lang at toothpaste ang dala, baka sa kagubatan lang ng kilikili nya.

Dumating na ang araw na nagpang abot kami ng gumagaya sa aking kaibigan tinanong ko sya kung bakit ngunit wala naman sya imik. Kaya pumasok na lang sa isipan ko na baka idolo nya o gusto nya siraan o baka gusto nyang maging sya, pinag aralan nya ang mga kilos at galaw ng kababata ko di lang nya alam kung kelan ang kasal ng kapatid nun. Kaya mag ingat tayo sa mapanuksong maskara ni rey mysterio na akala mo ay kilala mo na ang nasa likod nito pero iba pa... Read More

About the Author :

Joined: March 30, 2014 (2 years old)
Writings: 4

Send PM · Male · Offline

8 comments   0 favorite   936 views