Di Masamang Magselos Lalo't Totoo

July 7, 2015 (1 year ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Erotic | Tags:

Isang kapulaan ang pagiging seloso
Ito’y ugaling medyo malisyoso
Nangyayari ito sa sobrang pagmamahal mo sa tao
Babae’y di alam totoong kahulugan nito. 

Ugat ito ng matinting pagtatalo
Lalo nat ang isa ay di nag sasabi ng totoo
May ka text na lalaki nahuli sa akto
Nag pilitang mabasa ang telepono. 

Ngunit babae’y katwira’y kaibigan lang ito
Pero sa nilalaman halata mong siya’ nag loloko
Sitwasyo’y nauwi sa pagtatalo
Ang lumabas pang masama ay ang kanyang nobyo. 

Sa pag uusap talagang protektado
Ayaw palutangin totoong pagkatao
Ito’y isang sinyales ng pag tatago ng totoo
Kaya mahirap makiusap sa taong isip ay sarado. 

Pinalipas araw ng tatlong linggo
Di man nagparamdam ang kanyang nobyo
Babaey napaisip kung bakit sya ganito
Saka nya naramdamang mahal nya yung tao.

Di inaasahang tagpo sa kanto
Sumikip ang dibdib dahil may kasamang iba ito
Salubong- lampas tungo ang kanyang ulo
Di nya kayang tingnan mukha ng mga ito. 

Sadyang tadhana’y lalaruin ka ng todo
Masaya ka noon habang sya’y niloloko
Ngunit masakit at malupit ang bawi nito
Sa di marunong magpahalaga sa kapwa tao. 

Di malinaw kung ano bang totoo
Kung i... Read More

About the Author :

Joined: June 27, 2015 (1 year old)
Writings: 10

Send PM · Male · Offline

0 comment   0 favorite   920 views