Desserts For Weeks

November 20, 2014 (2 years ago)
Posted in Blog: Taglish | Categories: Non-Erotic | Tags:

"Gusto kasi ni Boss Ronnie ng mga New Wave." narinig kong reklamo ng bagong tropa ni Papa. S'ya yung bassist sa baba. Tumango lang ako. Ewan ko, pakiramdam ko gusto kong umalis muna saglit. Nakakasakal na ang paligid.

Nag angat ng mukha ang bassist mula sa pag kakatutok sa lumang song book at nag tanong. "Kuya, may alam ka pa?"

Sa ilang beses na pag lipat ng tingin ko sa kanya at sa monitor ng desktop ay parang lalong bumigat ang hangin sa paligid. Kuya? Ganoon na ba katanda ang twenty-six?

"Wala na kong matandaan." Pag karinig nito ay bumalik na sya sa pag lipat ng pahina.

Client's interest above all. Nag re-replay ang mga salita ni Tita kanina.

"Gusto ko na s'yang habulin ng itak, Tita."

"Pamangkin, una sa lahat, wala kang itak d'yan." sabay tawa. "Nagsisimula ka pa lang. Mabait pa yan. Isipan mo ng paraan. I-text mo lang decision mo."

Natapos ang tawag at unti-unting bumalik ang pamilyar na kirot sa sentido. Hindi ko talaga alam kung paano ko sasagot sa kliyenteng iyon kanina kung hindi ako nakahinga kay Mahal ng sama ng loob.

So inhale exhale then watch something funny or maglaro ka ng chopper mo.

Pero mabigat pa rin. Hindi na yata kaya ng mga stress-reliever ang mag ta-tatlong linggo routine na ito.

Sya zzz na ako think of something that will make you smile... If you cant think of one try thinking abt me nitezzzz

Napangiti ako sa kanyang mensahe.

Ayun, tulog na si Tita, tulog na si Mahal. Gusto ko na ring matulog...

"Although loneliness has always been a friend of mine, I'm leavin' my life in your hands~" napatingin na lang ako kay Papa at sa tropa nyang bumabanat ng Backstreet Boys.

"Pa, hindi bagay." reklamo ko. Pag banat ng chorus, wala na, natangay na ko. Sige kanta. Hindi ko alam kung anong nagyari pero natagpuan ko na lang ang sarili kong nakaupo sa P-box at nakikidagdag ng ingay. Mula sa Backstreet Boys, napadpad kami sa Bachman Turner Overdrive, tapos Abba, tapos Toto, tapos ewan ko, magulo na. Kanya-kanya na ng intro.

Nang makabalik ako sa harap ng desktop, nagkakantahan pa rin kami. May sakit pa rin sa ulo at bigat sa likod pero sa palagay ko naman kahit humawak na ko ng itak wala na kong hahabulin. Wala na ang galit. Tanging pagod na lang ang naroon. Muli kong sinapo ang aking ulo at pumikit.

"Ate Manu." naalala ko ang pag bating ginawa ko sa Manager ng bar sa baba kaninang nag re-stock ako ng Vitamilk sa office.

"Hoy, RF, pansin ko laging alas singko na bukas ka pa rin. Natutulog ka pa ba?"

Para namang nananadya talaga ang tadhana. Isang tipid na iling lang ang sinagot ko tapos lumakad na ko papuntang 7-11.

Tuluyan na kong yumuko sa spot ko at naantala ang pag kanta nila Papa. Hindi ko na kaya. Kailangan ko na mag sulat. Kahit ano. Kahit tungkol saan. Pagkatapos nito, mag babakasyon ako ng dalawang araw. Mag hahanap ako ng piyesa para sa tatlong deck ko sa Magic -sa Infect, sa Boros, at sa RW Token. Pupunta ako... Read More

About the Author :

Joined: November 18, 2013 (3 years old)
Writings: 9

Send PM · Male · Offline

Nako si RF ba? Ay pucha, tol wag yan. Matindi yan. Ngiti pa lang nakakapag paluwag na ng garter ng panty. Alam mo bang pinag sabay nyan si Anne Curtis at si Cristine Reyes tapos hiniwalayan para kay Anne Hathaway? Yung account nya sa FB? Susmaryosep tol, ini-stalk ng lahat ng chickas. Oras oras nga raw may nagmakaawang makipag date sa-- Huh? Sinong rhythmfreak? Aba malay ko.. Hindi ko kilala yon. Ipagtanong mo sa iba.
2 comments   1 favorite   579 views