Death-marked love affair

June 23, 2014 (2 years ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Romance | Tags: , ,

Death-marked love affair"I dreamed a dream tonight; In bed asleep, when you do the dreaming, things are true."
-Romeo

"My grave is like to be my wedding-bed. My only love sprung from my only hate. Too early seen unknown and known too late. Strange birth of love it is to me. That I must love a hatred enemy."
-Juliet

(Wanna feel the pleasure while reading? Relax your mind. Take your time, read it slowly. Do not skip lines, understand the plot. Use your imagination. Get your senses involved. Try to feel what those characters felt, to see what they saw.)

PANIMULA

Sa isang lugar sa lungsod ng Maynila ay may dalawang tanyag na pamilya ang nagbabangayan. Mula sa kompitensya sa negosyo hanggang sa personal na alitan ng kanilang mga lahi. Ang mga Montague at ang mga Capulet. Dalawa sa pinakamayayaman sa kanilang lungsod. Parehong magkaiba ng pananaw, parehong matigas at parehong handang pumatay.
Sa pagitan ng kanilang hidwaan at hindi pagkakasundo ay may nabuong pag-ibig, isang bawal at peligrosong pagmamahalan na ang katumbas ay kamatayan. Dumanak ang dugo sa syudad ng Maynila, at ang tumatak sa puso ng bawat mamamayan ay ang kanilang pag-ibig hanggang kamatayan.

"Death-marked love affair"
by: Fiction-Factory

SCENE 1 (A public place)
Persons represented:
Montague's kinsmen; Sampson, Gregory and Benvolio-cousins to Romeo;
Capulet's kinsmen; Abraham and Baltazar-cousins to Juliet, and Tybalt her only brother.

Sa loob ng isang grocery, nagbabayad sa cashier ang magkapatid na Sampson at Gregory, ang dalawa sa mga Montague na mga pinsan ni Romeo.

Gregory.. Ang mga Capulet na yan, kahit kailan hindi ko hahayaang maghari-harian dito sa Tondo, hangga't nabubuhay ako. Hindi kailanman.

Sampson.. Kuya, kailan lang nabalitaan ko na may ginulo na namang silang baryo. Pumasok na naman sila sa lugar natin.

Gregory.. Pasalamat sila at hindi nila ako nakaharap, kundi dadanak na talaga ang dugo nila sa lupa ng Tondo.

Sampson.. Pero balita ko mabagsik daw ang panganay na anak ni Don Capulet.

Gregory.. Huwag mong sabihing natatakot ka? Tandaan mo 'to, walang duwag sa pamilya Montague!

Sa kalagitnaan ng kanilang pag-uusap, biglang dumating ang magpinsan na Abraham at Baltazar, ang dalawa sa lahi ng mga Capulet. At ang una nilang napuna pagpasok sa grocery ay ang dalawang Montague sa casier.

Sampson.. Kuya, tignan mo kung sino'ng paparating, ang dalawa sa mga Capulet.

Gregory.. Humanda ka! Tatambangan natin sila!

Sampson.. Lalaban ba tayo? Pero masyadong maraming tao dito?

Gregory.. Pare-pareho kayong duwag ng mga Capulet na yan!

Sampson.. Nagiingat lang ako. Paano kung makulong tayo? Hindi tayo pwedeng pumatay sa harapan ng maraming tao.

Gregory.. Hum. May punto ka! Sige, hayaan nating sila ang magsimula ng away. Para sa atin ang panig ng batas.

Sampson.. Paano?

Gregory.. Bastusin mo sila!

Paglapit ni Abraham at Baltazar, napansin agad nila ang sentrong daliri ni Sampson na nakatutok sa kanila.

Abraham.. Pina-fuck you mo ba kami?

Sampson.. Nagpa-fuckyou lang ako Sir.

Abraham.. Kami ba ang pina-fuckyou mo?

Sampson.. (kay Gregory) Kuya, nasa panig ba natin ang batas kapag sumagot ako ng oo?

Gregory.. Hindi!

Sampson.. (kay Abraham) Hindi Sir. Hindi ko kayo pina-fuckyou, pero nagpa-fuckyou ako Sir.

Gregory.. (Sumabat) Naghahanap ka ba ng away Sir?

Abraham.. Hindi Sir. Hindi ako naghahanap ng away!

Sampson.. Pero kung matapang ka, sige, bunutin mo yang baril mo!

Abraham.. Huwag nyo kaming susubukan!

Biglang binunot ni Abraham at Baltazar ang kanilang baril, ganundin sina Sampson at Gregory. Nagkasahan sila at nagtutukan ng baril. Mukha sa mukha.
Nangangati na ang mga daliring kalabitin ang gatilyo, pero biglang dumating ang isa pang Montague para awatin sila, si Benvolio, ang isa sa mga mababait sa kanilang lahi.

Benvolio.. Ano'ng ginagawa nyo? Bakit kayo nakikipag-away sa harapan ng maraming tao. Mga hangal! Ibaba nyo mga baril nyo!

Sampson.. Hindi mo ba nakikita? Mga Capulet ang mga yan! Ang lakas naman ng loob nilang umapak sa teritoryo natin.

Benvolio.. Hayaan nyo na lang sila. Tayong mga Montague, hindi sa atin nagmumula ang gulo, kundi sa mga walang kwentang mga Capulet na yan!

Gregory.. Ngunit hindi ko hahayaang makalabas ng buhay ang dalawang yan sa teritoryo natin.

Biglang pumasok ang panganay na anak ni Don Capulet, ang panganay na kapatid ni Juliet. Si Tybalt, ang pinakamatindi sa kanilang lahi.
Pagpasok nya, bigla nalang nyang pinaputukan ang tatlong Montague.
Mabilis silang nagsipagtaguan at nakipagpalitan ng putok sa mga Capulet.
Nagkagulo ang lahat ng tao sa loob ng grocery dahil sa kanilang paglalaban.

Tybalt.. Ang dami nyong satsat. Kung talagang matapang kayo, lumabas kayo dyan at harapin nyo kami!

Benvolio.. Sir, ang hangad namin ay katahimikan para sa lugar namin. Kaya kami lumalaban ay dahil ipinagtatanggol lang namin ang aming mga sarili.

Tybalt.. Ano kamo?! Katahimikan?! Wala sa bokabularyo naming mga Capulet ang salitang katahimikan! Para lang yan sa mga duwag! Sa mga duwag na tulad nyo! Kinasusuklaman ko kayo tulad ng pagkasuklam ko sa impyerno! Papatayin ko kayong lahat.

Napapaatras ang mga Montague sa tindi ng galit ni Tybalt. Hindi sila makalaban ng maayos dahil naunahan sila. At kung hindi pa dumating ang mga pulis, malamang hindi pa tumigil sa pagpapaputok ang mga Capulet.

Abraham.. Tara na pinsan! Nandyan na ang mga pulis.

Tybalt.. Sinuswerte kayo ngayong araw Benvolio! Pero sa susunod, sisiguraduhin kong papatayin ko na kayo!

SCENE 2. (Authority office)
Persons represented:
Mayor-city mayor; Officer-a police; Don Montague and Lady Montague; Don Capulet and Lady Capulet; Benvolio; Citizen-a witness; Tybalt.

Citizen.. Yung kahera, yung mga paninda, halos buong grocery nasira! Winasak ng mga Montague! Winasak ng mga Capulet. Muntik pa kaming madamay sa barilan nila.

Officer.. Huwag kang mag-alala at ipapabayad natin ang lahat ng naperwisyo nila.

Naunang dumating ang mga Capulet sa Prisinto, at ang hitsura ni Don Capulet ay talagang nanggagalaiti sa galit.

Don Capulet.. Nasa'n na ang mga Montague? Nasa'n ang baril ko? Papatayin ko silang lahat.

Lady Capulet.. Huminahon ka Senyor, hayaan na natin ang batas ang gumawa ng kanilang trabaho.

Tybalt.. (kay Officer) Sir, bumibili lang po kami sa grocery nang bigla nila kaming paputukan.

Sumunod na dumating ang mga Montague.

Benvolio.. Sinungaling ka! Hangad namin ay katahimikan, kayo itong nanggugulo!

Don Montague.. Ang gusto nyo ata tapusin na natin ngayon to! Nasa'n na ang baril ko! Madali kayo!

Muli nanaman silang nagkainitan, mabuti na lang at dumating na ang Mayor sampu ng kanyang mga bodyguard para sya na mismo ang personal na umareglo sa hindi matapos-tapos na alitan ng dalawang malalaking pamilyang ito.

Mayor.. Mga kriminal! Kailan ba kayo hihinto sa bangayan nyo? Imbes na parisan kayo ng taong-bayan dahil sa inyong katanyagan, kayo pa itong lumalabas na salot sa lipunan! Ang gobyerno sawa na sa sari-saring apela laban sa inyo dahil sa kaguluhang kinakalat nyo dito sa Tondo. Kung ano-anong lagim ang naidudulot ng mga armas nyo. Mga armas na dapat sana'y proteksyon ngunit ginagamit sa dahas. Ilang tao pa kaya ang madadamay? Na halos lahat na ata ng mga residente takot na sa inyo.
Ito ba ang gusto nyo? Ang katakutan?
May natanggap akong utos mula sa taas, at dapat ito'y inyong tuparin at sundin.
Don Capulet, sumunod ka sa'kin sa opisina ko, at ikaw Don Montague, mamayang hapon mo ako puntahan. Nang sa gayon hindi kayo magkita, at baka pati opisina ko gawin nyong labanan.
Baka naman pati ako na Mayor ay hindi nyo na galangin at irespeto?

Yun lang ang sinabi ni Mayor at saka na sya tumayo. Sumunod ang kampo ni Don Capulet sakanya tulad ng kanyang iniutos. Naiwan lang ang kampo ng mga Montague.

Benvolio.. Pasensya na po kayo sa nangyari. Pinagtanggol lang po namin ang aming mga sarili. Ngunit talagang halang lang ang kaluluwa ng Tybalt na yon.

Lady Montague.. Hayaan mo na. Nangyari na ang nangyari. Basta huwag nyo na lang sanang uulitin. Mabuti na lang at hindi kayo kawangis ng anak ko. Mabuti ang paglaki nya, magalang at nirerespeto ng ibang tao. Ba't hindi nyo nalang sya tularan at ng magkaroon naman ng direksyon ang mga buhay nyo?

Benvolio.. Tunay ang sinabi mo, mabuti nga si Romeo. Hangad din nya'y kapayapaan.

Lady Montague.. Nasa'n na nga ba si Romeo? Nakita mo na ba sya ngayong araw? Mabuti nalang at hindi sya nasangkot sa gulo, at kung sakaling nando'n sya, siguradong hindi matutuloy ang away.

Benvolio.. Kaninang umaga bago mangyari ang gulo, nakita ko po sya do'n sa dalampasigan sa public resort natin. Siguradong nagmumuni-muni nanaman sya do'n.

Don Montague.. Napapansin ko yang si Romeo. Lagi lang syang mag-isa, tapos kung ano-ano pa ang binabanggit tungkol sa pag-ibig. Binata na talaga ang anak ko, pero parang wala syang interes sa negosyo, pawang pag-ibig lang ata ang alam.

Benvolio.. Pansin ko rin po yon Tito. Mas gusto pa nyang mag-isa kaysa kasama kaming mga pinsan nya. Parang may sarili syang mundo, at nalulong na sa kahahanap ng magagandang babae.

Don Montague.. Lagi din syang nagkukulong sa kwarto, nagsusulat ng kung ano-anong artikulo. Hindi ko talaga maintindihan. Kakaiba talaga ang kinikilos nya.

Benvolio.. Ano po kayang dahilan?

Don Montague.. Hindi ko rin alam, ni hindi ko mabasa ang Isip nya.

Benvolio.. Baka naman napagalitan nyo po sya, o kaya'y may nasabi kayong hindi nya nagustuhan?

Don Montague.. Wala naman akong natatandaan. Masyadong malihim si Romeo, hindi sya nagbabanggit sa akin, at magaling talaga syang magtago ng sikreto. Sinasarili nya ang kung ano mang nararamdaman nya, at hindi nya yun basta-basta ipagtatapat.

Benvolio.. Hayaan nyo po't susubukan kong alamin.

Don Montague.. Mabuti pa nga. Tara na, umuwi na tayo.

SCENE 3 (Oceanshore)
Persons represented:
Benvolio; Servant-a servant to Capulet; Romeo.

Kinabukasan, hinanap ni Benvolio si Romeo sa kanilang public beach resort. Hindi nga sya nagkamali, nandun nga si Romeo, nakaupo sa isang nakatumbang punong-kahoy malapit sa baybay-dagat.

Romeo.. O mahal ko kailan ka darating? Kaytagal na kitang hinihintay. Sana'y puntahan mo na ako at nang ako'y sumigla. Madaling umibig, pero tila kay hirap magkaroon ng aalayan. Mabuti pa ang araw, sumisikat para sa daigdig, lumulubog para sa buwan at mga bitwin.
Kailan ko mararanasan ang sumaya dahil sa pagmamahal, ang umiyak, ang mabaliw sa minamahal?
Kailan ko mararamdaman ang tamis ng isang halik. Mga mapupulang labi, makinis na balat na kay sarap haplosin, magandang katawan na kay sarap makatalik.

Sa pagmumuni ni Romeo sa dalampasigan, bigla syang nilapitan ng kanyang pinsang si Benvolio.

Benvolio.. Good morning Romeo.

Romeo.. Maaga pa ba ang umaga?

Benvolio.. Sa tingin ko alas-nueve impunto na.

Romeo.. Ahh Heto nanaman ako, bakit ba humahaba ang oras kapag malungkot? Nasa'n si Ama? Siguradong maaga nanaman syang umalis.

Benvolio.. Oo nga. Ano ba yang kalungkutang nagpapahaba sa oras mo? Umiibig ka ba?

Romeo.. Nawalan...

Benvolio.. Nawalan ng pag-ibig?

Romeo.. Nawalan ng ganang umibig...

Benvolio.. O ang pag-ibig, kay sarap damhin, pero puro hirap at pasakit lang ang maidudulot nyan!

Romeo.. Ah baluktot ata ang pananaw mo sa pag-ibig? Ang pag-ibig, hindi yan makikita ng mata. Ano nga pala yung nabalitaan ko kahapon? Di bale na nga lang! Huwag mo ng sabihin, dahil narinig ko na ang lahat! Ano ba'ng mapapala nyo sa away ng dahil sa galit? Parang away-pag-ibig, pag-ibig sa galit, lahat ginagawa pero nung una pa lang wala pa naman talagang nagawa. Nabibigatan sa magaan na bagay, wala talagang kwenta! Maling pagtatalo pero sa kanilang kanya-kanyang pananaw sila ay tama. Parang maningning na usok sa malamig na apoy, gising ngunit tulog. Hindi ka ba natatawa? Umiibig ako pero wala akong maramdaman.

Benvolio.. Mas gusto kong maluha eh!

Romeo.. Ang bait mo naman pinsan! Lalo tuloy akong nalulungkot; "Love is a smoke raised in the fume of sighs, being purged, a fire sparkling in lover's eyes. Being vexed, a sea nourished with lover's tears." At ang tamis ay umaapaw ngunit may galit na nakatago. Kapag ito'y nailabas, hiwalayan ang kapupuntahan.

Benvolio.. Pinsan, sabihin mo. Sa kabila ng kalungkutan mo, sino yang minamahal mong babae?

Romeo.. Oo pinsan. In-love nga ako sa isang babae. Sa isang babaeng simple pero ubod ng bait, mahirap man, mayaman naman sa kagandahan. Isang babaeng walang armas at galit din sa dahas, sa isang babaeng hindi sakop sa alitan ng ating pamilya. In-love nga ako sa isang babaeng hindi ko pa nakikilala.

Benvolio.. Ano? Mahal mo ang isang babaeng hindi mo pa nakikita?

Romeo.. May masama ba don Benvolio?

Benvolio.. Walang masama sa umibig, pero ang umibig sa taong wala naman! Ah! yan marahil yung mga katangiang hinahanap mo sa isang babae? Ganun ba?
Maniwala ka sa'kin tigilan mo na ang kaiisip sa ganyang ilusyon!

Romeo.. Para mo naring sinabing kalimutan ko nang mag-isip...

Maging si Romeo, hindi maipaliwanag sa sarili kung bakit minamahal nya ang isang babaeng hindi pa nya nakikilala o nakikita man lang. Alam nyang sa puso nya, darating ang araw na pagtatagpuin din sila ng tadhana, uusbong ang tunay na pag-ibig sa kanila, at ang lahat ng pantasya nya ukol sa babaeng ito ay mabibigyang katuparan sa tunay na buhay.

Napansin ni Romeo ang pagdating ng isang Servant, alam nyang ang katiwalang ito ay galing sa mga Capulet.
Binunot agad ni Benvolio ang baril nya.

Benvolio.. Ang lakas ng loob ng isang to na pumasok sa resort natin!

Romeo.. Huminahon ka Benvolio. Akala ko ba'y ayaw mo ng gulo?

Benvolio.. Pero nakakainsulto naman na basta-basta lang nakakapasok ang mga Capulet sa lugar natin, dito pa talaga sa resort natin.

Romeo.. Bitawan mo yang baril mo! Ang away ay sa pagitan lamang ng mga Montague at Capulet. Huwag na nating idamay ang mga katiwala.

Lumapit ang dalawa sa kumpol ng mga taong nakapalibot sa Capulet's Servant para alamin kung ano ang kanilang pinagkakaguluhan.

Romeo.. Sir, ano po ba yang dala nyong balita?

Servant.. Makinig kayong mabuti dahil hindi ko na uulitin pa ang sasabihin ko. Ito ay isang open invitation para sa pagdiriwang ng kaarawan ng aking Among si Don Capulet. Lahat ng resedente ay inbitado, mahirap man o mayaman, lahat ng gustong dumalo ay maaaring pumunta, maliban na lang kung kayo ay Montague.

Benvolio.. Lahat ng tao inbitado maliban lang sa mga Montague?

Servant.. Alam naman natin na ang Amo ko ay ang puno ng mga Capulet, at alam nating mortal na kalaban nya ang mga Montague. Kaya kung isa kang Montague Ginoo, pasensya na. Hindi ka makakadalo.

Pagkasabi'y agad ding umalis ang Servant. Si Benvolio naman ay inis na inis, kung di lang sya inaawat ni Romeo ay baka kung ano nang nagawa nya sa Servant.

SCENE 4 (Room in Capulet's house)
Persons Represented:
Lady Capulet; Nurse-personal attendant to Juliet; Servant; Juliet.

Isang salo-salo ang gaganapin sa mansyon ng mga Capulet. Ang lahat ay abala sa paghahanda. Si Lady Capulet ay maagang nagbibihis at talagang sabik na sabik sa nasabing handaan.
Ngunit si Juliet, walang gana. Nakadungaw lang siya sa bintana sa may kwarto nya. Parang simpleng araw lang ito para sa kanya.
Kaya naman pinuntahan sya ng kanyang Ina sa kanyang silid.

Lady Capulet.. Juliet! Juliet! Nasa'n ka na ba?! Juliet!

Nurse.. Madam, ipagpaumanhin nyo po pero ayaw po atang paistorbo ni Senyora.

Lady Capulet.. Umalis ka dyan sa pinto kung ayaw mong masisante! Letche! Juliet! Juliet!

Juliet.. Ma, nandito lang ako sa loob. Huwag mo syang pagalitan dahil sinusunod lang nya ang aking ipinag-utos.

Lady Capulet.. Ano'ng oras na?! Bakit hindi ka pa bihis?!

Juliet.. Maaga pa Ma. Mamaya na ako magbibihis.

Lady Capulet.. Juliet, Iha, alam mo naman na ang pagdiriwang na ito ay hindi naman talaga para sa kaarawan ng Ama mo. Kundi para ipakilala kita sa anak ni Mayor.

Juliet.. Opo Ma, malinaw po sa akin yan. Ang kinalulungkot ko lang ay kung bakit hindi nyo ako hayaang magdesisyon kung sino ang lalaking papakasalan ko at mamahalin ko...

Lady Capulet.. Diba napag-usapan na natin 'to?! Kapag napangasawa mo ang anak ni Mayor. Lalakas na tayo sa lugar na ito, at ang mga Montague na yan hindi na papanigan ng batas.

Juliet.. Bakit hindi nyo pa wakasan ang alitan na yan, at mabuhay na lang kayo sa kapayapaan at pagmamahalan? At bakit pati ako na sarili nyong anak ay nagagawa nyong idamay sa gulo?

Lady Capulet.. Anak, mauunawaan mo rin balang araw, basta mamaya, huwag mo sana akong ipahiya sa harapan ni Mayor at sa kanyang anak.

Juliet.. Opo Ma...

Bakas na bakas ang kalungkutan sa mukha ni Juliet. Tutol na tutol ang kalooban nya sa hangarin ng kanyang mga magulang na ipakasal sya sa anak ni Mayor.
Paglabas ni Lady Capulet sa kwarto, kinausap ni Nurse si Juliet nang mapansin nito ang kalungkutan ng dalaga.

Juliet.. Bakit kaylupit ng tadhana? Kailan pa naging mapili ang pag-ibig? Maganda ba ako?

Nurse.. Opo. Kayo ang pinakamagandang babae na aking napagsilbihan.

Juliet.. Ano'ng saysay ng kagandahan ng mukha, kung ang mundong ginagalawan ay daig pa ang impyerno? Nahihirapan na ako. Ang karangalang ito ay hindi ko pinangarap kailanman. Ang gusto ko'y simple lang. Ang buhay kung saan ang puso ko ang magdidikta sa kung sinong aking iibigin.

Nurse.. Ngunit kayo po'y dugong Capulet. Anak ng isa sa mga pinakamayayaman at pinakamaimpluwensyang tao sa mundo. Asahan nyo nang darating ang ganitong pagkakataon. Balita ko po gwapo ang isa sa mga anak ni Mayor na si Paris. Malamang sya po ang ipapakilala sayo. Tiyak bagay na bagay kayo.

Juliet.. Uhm. Maaari bang iwan mo muna ako saglit?

Paglabas ni Nurse, tumayo si Juliet at humakbang papunta sa bintana ng kanyang kwarto. Nagpahangin at pilit na sinasagot ang mga katanungan sa kanyang sarili mismo.

Juliet.. Prince Charming ko kailan ka darating? Kailan mo ako kukunin sa impyernong lugar na ito? Kailan kita iibigin at kailan mo ako iibigin? Tuluyan na ba akong ililibing? Sana'y dumating ka na...

Servant.. Senyora, pasensya na sa abala. Dumating na po ang mga bisita, at ang lahat ay nakagayak na.

Juliet.. Sige, susunod na ako. Magbibihis lang.

SCENE 5 (Montague's beach resort)
Persons represented:
Romeo; Benvolio; Mercutio-cousin and bestfriend to Romeo.

Hinihikayat ni Benvolio si Romeo na pumunta sila sa pagdiriwang ng mga Capulet, pero ayaw pumayag ni Romeo dahil alam nyang magkakagulo kapag pumunta sila.
Biglang dumating si Mercutio, ang bestfriend ni Romeo.

Romeo.. Alam mong delikado pumunta do'n pinsan. Ano'ng idadahilan natin kapag nakita tayo? Hindi tayo imbitado kaya wag na tayong pumunta.

Benvolio.. Ito na ang pagkakataon natin para makaganti. Sila, labas-masok sa lugar natin, sinusukat kung hanggang saan ang tapang natin. Tayo naman ngayon ang susukat sa tapang nila, at siguradong matatakot sila dahil mismong mansyon nila ang papasukin natin.

Romeo.. Huwag nyo akong idamay sa kalokohan nyo! Alam nyo namang hindi ako humahawak ng baril.

Mercutio.. Hindi mahal kong Romeo, hindi ka hahawak ng baril. Paminsan-minsan sumayaw ka, maglibang ka. Sumama ka na.

Romeo.. Maniwala ka sakin pinsan, hindi ako sumasayaw. Ako'y alipin ng pag-ibig at hindi ng sayaw.

Mercutio.. Pag-ibig! Pag-ibig! Pag-ibig! Nalulong ka na atang talaga sa pag-ibig na yan? Dahan-dahan lang, baka malunod ka.

Romeo.. Nakakalulong ba ang pag-ibig? Hindi. Pagka't ito'y matigas, marupok at nakakasakit.

Benvolio.. Ang sabihin mo, iniisip mo na naman ang babaeng yon!

Mercutio.. Sinong babae?

Benvolio.. Ang babae sa kanyang panaginip. Ang babaeng ni minsan hindi pa nya nakita.

Mercutio.. Panaginip? Magising ka nga Romeo! Ang panaginip ay sinungaling. Lilinlangin ka lang! Kaya gumising ka na sa pantasya mo!

Romeo.. Sa gabi sa pagtulog mo, habang nananaginip ka, totoo ang lahat ng nakikita mo!

Mercutio.. At sa umaga pagmulat mo, magigising ka sa katotohanang panaginip pa rin ang lahat ng nakita mo! Balita ko, dadalo ang bunsong anak ni Mayor. Si Rosaline.

Benvolio.. Pumunta ka Romeo. Baka si Rosaline na ang babae sa panaginip mo!
At pag nagkataon, sa atin na papanig si Mayor kapag kayo ni Rosaline ang nagkatuluyan.

Romeo.. Hindi! Matagal ko nang kilala si Rosaline, at malabong maging siya ang babae sa panaginip ko.

Mercutio.. Huwag kang magsalita ng tapos pinsan. Ang pagibig, mahiwaga, pwedeng magbago at baguhin ng panahon. Bakit hindi mo subukan?

Benvolio.. Baka naman natatakot ka sa mga Capulet?

Romeo.. Wala akong kinatatakutan!

Mercutio.. Isa yung Masquerade ball, kaya walang makakakilala sa atin, magsuot lang tayo ng maskara.

Nakahanda na si Mercutio. Kinuha nya sa loob ng kanyang kotse ang mga maskarang yari sa metal.
Ang kanilang mga costume ay pare-parehong Spartan armour.

Romeo.. Sa tingin nyo ba matatago na ang mga katauhan natin sa mga maskarang ito? Hindi ko akalaing makikipagtipan tayo sa ating mga kalaban.

Benvolio.. Tara na! Baka mahuli pa tayo sa handaang 'yon!

Romeo.. Maaga pa Benvolio, huwag kang atat! Baka pagdating mo don madismaya ka lang. Pupunta ako bilang pakikisama ko sa inyo, ngunit kapag nagkataong nagkagulo, asahan nyong magpapagitna ako at isisigaw ang kapayapaan!

Mercutio.. Huwag mong isiping magkakagulo, pupunta lang tayo para makisaya.

SCENE 6 (A hall in Capulet's house)
Persons represented:
Tybalt; Don Capulet; Nurse; Paris and Rosaline-children to Mayor; Mercutio; Benvolio; Servant-servant to Capulet; Romeo and Juliet.

Pasado alas-siete na ng gabi nang makarating sina Romeo sa Mansyon ng mga Capulet. Dahil open party ang nasabing event, hindi man lang sila sinabat ng mga guardia sa gate, at dahil na rin hindi sila nakikila dahil sa mga suot nilang maskara.

Don Capulet.. Welcome Gents and Ladies! Tuloy kayo! Salamat sa inyong pagdalo, hindi ko akalaing ganito karamin bisita! Oh Mayor and his son Paris! Welcome Gents! Magdiwang! Magsaya! Lagyan ng musika! Sino'ng babae ang hindi mapapasayaw sa mga naggagandahang binatang ito.

Tumugtog ang malamlam na musika, ang lahat ay sumayaw. Binata't-dalaga, magkasintahan at mag-asawa, at ang mga walang kapareha ay nakisayaw na rin, at ang iba'y nakaupo at nakatayo lang sa isang tabi. Tulad ng binatang si Romeo, tanaw nya si Rosaline mula sa kanyang kinatatayuan, ngunit walang gana, habang si Rosaline ay umaasa sa kanya at malungkot sa upuan sa kahihintay.

Sina Benvolio at Mercutio, halos lahat ng babae ay naisayaw na, uminom ng alak, kumain at sinulit ang gabi.
Wala namang kaalam-alam ang mga Capulet na may mga Montague ng nakaapak sa mismong loob ng mansyon nila.

Ilang minuto ang lumipas at sa wakas, lumabas na rin si Juliet. Naglalakad mula sa taas, pababa sa malawak na hagdanan, at ang binatang si Romeo hindi matanggal ang paningin sa napakagandang prinsesang si Juliet.

Sinalubong ni Paris si Juliet, kinuha ang kamay at inalalayan pababa ng hagdan.

Romeo.. Sino ang babaeng yon na hawak ng isang matipunong lalaki?

Servant.. Hindi ko po alam Sir.

Romeo.. Pinaningning nya ang gabi. Para syang palamuti at ang mukha nya'y tila alahas na daig pa ang dyamante. Walang katulad. O puso ko, sabihin mo, ikaw ba'y umiibig na ngayon? Tunay! Dahil hindi pa ako nakakita ng tunay na kagandahan liban lang ngayong gabi.

Napatulala si Romeo. Nakatingin sa mukha ni Juliet, sa kanyang mga mapupulang labi, makutitap na mata, matangos na ilong, at balingkinitan na pangangatawan.

Ang mali lang ni Romeo, tinanggal nya ang kanyang maskara para matignan ng mabuti ang mukha ng dalagang si Juliet. Napansin tuloy sya ni Tybalt at umusok ang tenga sa galit nang makilala nya si Romeo.

Tybalt.. Putang-awa! May mga Montague na nakapasok! Kunin ang baril ko, ihanda ang mga armas! Hindi ako pwedeng magkamali, si Romeo ang lalaking yon, at siguradong kasama nya si Benvolio at ang iba pang Montague!

Don Capulet.. Bakit? Bakit ka nagpatawag ng mga tauhan?

Tybalt.. Ama, may mga Montague na nakapasok. Ayun, tignan mo! Papatayin ko sya, papatayin ko silang lahat!

Don Capulet.. Hindi ba't si Romeo ang lalaking yon?

Tybalt.. Tumpak! Si Romeo, ang mortal nating kalaban.

Don Capulet.. Hayaan mo sya. Nandito sya para makisaya. Hindi ko hahayaan magkagulo sa bahay ko sa harapan ng maraming tao. Sa totoo lang, nababalitaan ko na si Romeo ay iginagalang at mahal ng taong bayan, dahil sa likas na kabaitan at pagiging matulungin. Kapag ginalaw mo sya dito sa loob ng bahay, siguradong masisira ang pangalan ko sa industriya.

Tybalt.. Hindi! Hindi ako papayag na ang isang kaaway ay iturin nyong bisita!

Don Capulet.. Huwag mong galawin si Romeo. Ikaw ba ang Puno dito o ako? Kapag sinabi kong huwag mo syang galawin, huwag!

Tybalt.. Hindi ba't isang kahihiyan na hayaan ang kalaban na pagala-gala sa teritoryo natin?

Don Capulet.. "Kahit magkalaban, nagrerespetuhan din!" Gayahin mo ang respetong pinapakita ni Romeo, kapag may ginawa syang masama, dun mo sya itumba! Sa ngayon hayaan mo lang sya, dahil alam kong wala syang balak manggulo.

Inis na inis si Tybalt pero wala syang magawa kundi pigilan ang galit para sa kapakanan ng kanyang Ama.
Mamanmanan nya sana si Romeo ngunit bigla nalang nawala ang binata sa kanyang paningin.

Sinundan pala ni Romeo si Juliet. Si Juliet na noo'y pabalik na sa kanyang silid. Pero sa paglalakad ni Romeo sa pasilyo, napatigil sya sa tapat ng isang malaking larawan na nakasabit sa dingding. Ang larawan ni Juliet.

Napahinto sa paglalakad si Juliet, nakaramdam ng kaba, biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Parang may humihila sa kanya na bumalik, hindi alam kung ano, hindi maipaliwanag ang ihip ng hangin, at sa kanyang paglingon, nakaita nya ang binatang si Romeo na nakatitig sa kanyang larawan.

Juliet.. Sino ang lalaking ito na nakatanaw sa aking larawan? Pinaningning nya ang gabi. Para syang palamuti at ang mukha nya'y tila alahas na daig pa ang dyamante. Walang katulad. O puso ko, sabihin mo, ikaw ba'y umiibig na ngayon? Tunay! Dahil hindi pa ako nakakita ng tunay na kakisigan liban lang ngayong gabi.

Napatulala si Juliet. Nakatingin sa mukha ni Romeo, sa kanyang mga mapupulang labi, makutitap na mata, matangos na ilong, at makisig na pangangatawan.

Juliet.. (habang papalapit) Inihatid ako ng simoy ng hangin tungo sa aking pag-ibig. Isang estranghero na ngayon ko lamang nakita ngunit alam ng puso ko na sya ang pinipintig nito.

Romeo.. (sumalubong) Ang langit, nagbaba ng Anghel, daig pa ang Dyosa, daig pa ang diwata. Ang puso ko'y tumatalon. Sa wakas ay natagpuan ko na ang babae sa paniginip ko. Alam kong ikaw yon! Alam kong ikaw yon! Ang tanging tinitibok ng aking puso.

Sa bawat hakbang, magkatinginan ang dalawa, mata sa mata, kaluluwa sa kaluluwa, at habang papalapit sa isa't-isa, lalong bumibilis ang pintig-tibok ng kanilang mga puso.
Nang magkaharap, kinuha ni Romeo ang kamay ni Juliet at kanyang hinalikan.

Romeo.. Masyadong malambot ang palad mo para hawakan ng magaspang kong kamay, at ang mga labi ko'y namumula para patamisin ang matabang na halik.

Juliet.. Walang masama sa magaspang na kamay kung ang katumbas nito'y matamis na debosyon ng kagandahang asal. Dahil ang pagdampi ng palad mo sa palad ko ay daig pa ang pinakamatamis na halik sa labi.

Romeo.. Kung ganon, hayaan mong gawin ng labi ko ang nagagawa ng palad ko.

Juliet.. Ang mga labi ko'y nananatiling nakatikom, hindi makagalaw, naghihintay lamang na malasahan ang mga labi mo.

Romeo.. Hayaan mong ako ang gumalaw para sayo.

Iginapos ni Romeo si Juliet sa kanyang bisig. Tagos sa kaluluwa ang kanilang malagkit na tinginan, animo'y inbitasyon para sa isa't-isa. Hinawi ni Romeo ang nakaharang na buhok sa mukha ni Juliet, inipit sa kanyang tenga at ang kagandahan nito'y lantad na lantad sa paningin ni Romeo.
Kusang gumalaw ang bawat isa, nagpadala sa agos ng kanilang nararamdaman, parehong kumakabog ang mga dibdib, malamlam na nagkakalapit ang kanilang mga labi, unti-unting bumubuka at nagbubuga ng mainit na hininga, at ang samyo'y humalimuyak.

Parehong napapikit nang maglapat ang kanilang mga labi. Humigpit ang yapos ni Romeo at ang katawan ni Juliet ay napapaangat. Parang gusto na nilang lumutang sa ere. Bawat buka ng mga labi, bawat dampi'y pawang kay sarap damhin. Bawat langhap ng hangin, nakakapang-wala sa sarili.

Juliet.. Ito ba ang tinatawag nilang 'pag-ibig sa unang pagkikita'?

Romeo.. Tunay! Dahil, nang una pa lang kitang masilayan, ako'y nabihag mo na, parang ninakaw ang aking puso at ngayo'y tila ayaw nang malayo sa iyong piling.

Juliet.. Ako ma'y nabuburan ng pag-ibig nang kita'y masilayan, at ngayo'y nananabik na matikman muli ang iyong mga labi.

Lumabas mula sa pintuan ng kwarto ang Nurse ni Juliet at nilapitan ang dalawa.

Nurse.. Senyora, hinihintay ka na ng iyong Ina sa kwarto mo.

Sa pagmamadali ni Juliet, tinalikdan lang nya si Romeo at hindi na nagawang magpaalam pa. Kasunod nya ang Nurse ngunit hinatak sya pabalik ni Romeo.

Romeo.. Ginang, sandali lang po. Bakit nagmamadali sya? Sino po ba ang Ina nya?

Nurse.. Binata, ang Ina nya ay ang may-ari ng bahay na ito. Isang mabuting babae, matalino at edukado. Pinagsisilbihan ko ang anak nya na nakausap mo kanina. Sinasabi ko sayo, hindi mo na sya pwedeng kitain ni hawakan, pagka't ikakasal na sya sa anak ni Mayor. Kay Paris.

Romeo.. Isa syang Capulet?! O love! Ang buhay ko'y utang sa 'king kaaway...

Tila nanlambot si Romeo, natulala at napatda, hindi dahil sa ikakasal na si Juliet, ni hindi ito sumagi sa isip nya, kundi dahil sa nalaman nya na ang babae sa panaginip nya na matagal na nyang inaasam ay ang prinsesa ng mga Capulet.

Naiwang tulala si Romeo, parang nagyelo ang buong katawan. Ilang saglit pa biglang dumating si Benvolio at Mercutio.

Benvolio.. Pinsan! Saan ka ba galing? Kanina ka pa namin hinahanap!

Ngunit hindi sumasagot si Romeo at nanatili lang itong nakatayo. Iniisip pa rin ang mga pangyayari. Hindi parin nya matanggap sa kanyang sarili na ang kauna-unahan at kaisa-isang babaeng minamahal nya ay isa sa mga mortal nilang kaaway.

Benvolio.. Tara na Romeo, umalis na tayo! Nabisto na nila tayo!

Romeo.. Sa tingin ko may mas higit pa akong dapat katakutan kaysa dyan mahal kong pinsan.

Kung hindi pa nila inakay palabas si Romeo, wala pa talaga syang balak umalis. Gusto pa nyang makausap si Juliet, gusto nyang linawin ang mga bagay-bagay, hindi bukas, kundi ngayon.

Pero walang nagawa si Romeo nang kaladkarin sya ng dalawa nyang pinsan palabas ng mansyon. Sa kabutihang palad ay pinalabas na lamang sila ng mga guardia.

Nang matapos na ang pagdiriwang, kinausap ni Juliet ang kanyang Nurse para kilalanin ang lalaking pinaniniwalaan nyang kanyang Prince Charming, ang lalaking estranghero na nakausap at nakahalikan lang nya kanina.

Juliet.. Nurse, halika ka nga dito saglit. Sino yung lalaking nakausap ko kanina?

Nurse.. Hindi ko po sya kilala Senyora.

Juliet.. Alamin mo kung sino sya. At kung sakaling nakatali na ang puso nya, ililibing na nga ako sa araw ng kasal ko.

Nagtanong-tanong ang Nurse sa mga guardia, at nang sapat na ang nakalap nyang inpormasyon binalikan nya si Juliet.

Nurse.. Ang pangalan nya'y Romeo, at, at isa syang Montague. Ang kaisa-isang anak ni Don at Lady Montague. Sya ang prinsepe ng mga mortal nyong kaaway.

Biglang tumamlay si Juliet. Kinabahan at nakadama ng takot at kalungkutan.

Juliet.. Ang natatangi kong pag-ibig ay ang natatanging kinamumuhian ng lahi ko. Hindi ko agad nalaman at ngayo'y huli na, dahil umusbong na ang naiibang pag-ibig sa aking puso...

Nurse.. Ano kamo ang sabi mo?!

Juliet.. Ah. Wala, tula lang yon na nabasa ko sa FSS.

Ngayon, ang pagnanasa nila sa isa't-isa ay nagmistulang kanilang mga libingan. Ang pagmamahal nakatuon ang pansin sa kung alin ang susundin. Ngayon pa lang sumiklab ang tapat na pag-ibig, ngunit ngayon lang din mamamatay. At sa pananaw ni Juliet, hindi ito makatuwiran, mahal na nya si Romeo, at gayun din si Romeo na napukaw sa marikit na kagandahan. Ngunit nang nakawin nya ang puso ng Prinsesa Capulet alam nyang kailangan nyang magpatawad. Hangga't may alitan sa pagitan ng kanilang mga lahi, alam nilang hindi nila magagawa ng malaya ang mga bagay na nagagawa ng mga magkasintahan. Si Juliet na lubos kung magmahal, alam nyang kailangan nya na ngayong maglihim sa kanyang pamilya, alam nyang ito lang ang paraan para makatagpo si Romeo sa kung saan man. At pinahiram sila ng kapangyarian ng kanilang pagnanasa. Tamang oras lang ang kailangan. Isang matamis at matinding tukso ang sa kanila'y namamagitan.

SCENE 7 (A garden to Juliet's window)
Persons represented:
Benvolio; Mercutio; Nurse; Romeo and Juliet.

Ngunit hindi talaga maawat ang pagnanasa ni Romeo na makausap si Juliet.
Paglabas nila ng mansyon, sa loob ng sasakyan, bigla itong pinahinto ni Romeo, at mabilis na bumaba ng sasakyan.

Romeo.. Makakaalis ba ako kung nandito ang puso ko? Malabo! Bumalik na kayo! Hahanapin ko ang pag-ibig ko.

Pagkasabi nya'y mabilis nyang inakyat ang mataas na pader na nababalutan ng mga halamang baging. Ang bakod ng mga Capulet sa kanilang hardin.

Benvolio.. Romeo! Bumalik ka rito Romeo!

Mercutio.. Hayaan mo na sya. Matalino sya! Alam kong alam nya ang kanyang ginagawa.

Benvolio.. Hayaan? Tignan mo naman, inakyat nya ang bakod ng mga Capulet! Baka may mangyaring masama sa kanya.

Mercutio.. Matigas ang ulo nya! Isa syang hangal kung inaakala nyang matatagpuan nya ang pag-ibig sa kuta ng mga Capulet! Isa syang hangal dahil hindi nya naisip na baka pinapainan lang sya ng mga Capulet, siya na hinirang na tagapagmana ng mga Montague. Bakit hindi nya maunawaan na maraming namamatay sa maling pag-ibig! Buhay ang katawan, patay ang kaluluwa!

Benvolio.. Huwag kang maingay, baka magalit sya kapag narinig ka nya, baka nakatago lang sya sa mga puno at hinihintay tayong umalis.

Mercutio.. Hindi nya ikagagalit ang mga sinabi ko! Nagsasalita lang ako ng totoo. Darating ang araw na mas magagalit sya dahil hindi ko sya pinigilan sa kahangalan nyang ito, na hinayaan ko syang mabaliw sa babae nya. Magsisisi sya!

Benvolio.. Kung gayon hanapin natin sya dahil bulag ang pag-ibig nya, baka maligaw sya sa kadiliman!

Mercutio.. "If love is blind, then the lover cannot hit the mark." Bahala sya sa gusto nya! Mas mabuti pang matulog na lang, kaysa hanapin ang taong ayaw namang magpakita. Goodnight Romeo. Tara na!

Buong tapang na pinasok ni Romeo ang hardin ng mga Capulet. Patago-tago na nilampasan ang mga guardia. At sa pagkakatago nya sa likod ng isang puno, biglang bumukas ang bintana ng isang silid sa taas, ang bintana sa kwarto ni Juliet.

Nanatili si Romeo sa likod ng puno hanggang dumungaw sa bintana ang dalagang si Juliet.

Romeo.. Nang-iwan ka ng pilat sa aking puso kahit hindi mo sinugatan.

Nakita ni Romeo si Juliet na nakadungaw sa bintana.

Romeo.. Oh ano'ng liwanag ang nakikita ko sa bintana? Tila araw na sumisikat sa silangan! Araw na dinaig ang liwanag ng buwan, at nangibabaw ang kagandahan sa mga bitwin. Ngunit sa kanyang mga mata'y may kalungkutan. Huh! Sya ang babae sa panaginip ko! Sya ang babaeng minamahal ko! Sana alam nya yon! Ano kaya ang kanyang ibinubulong sa hangin? Pero tila hindi ako ang binibigkas ng kanyang bibig.
Marahil kausap nya ang mga bitwin sa langit. Ang mga bitwin na hindi kayang tumbasan ang ningning ng kanyang mga pisngi, kung paanong dinaig ng sikat ng araw ang liwanag ng lampara. Nakatingala sya sa langit. O kay sarap ng pagkakasalo ng mga kamay nya sa kanyang mga pisngi, sana'y ako nalang ang mga palad nya na hahaplos sa malambot nyang pisngi.

Juliet.. Heto na naman ako!

Nakikita ni Romeo ang bawat pagbuka ng bibig ni Juliet, pero hindi malinaw ang mga katagang lumalabas mula rito.
Inakyat nya ang puno, at doon sa sanga na malapit sa bintana ni Juliet sya pumwesto. Nakatago lang sya sa mga dahon sa gilid ng bintana ni Juliet.

Romeo.. (sa sarili) Magsalita ka sana. Magsalita ka pa mahal kong Anghel. "You are as glorious to this night, being over my head, as a winged messenger of heaven, unto the white-upturned wondrous eyes of mortals that fall back to gaze at him. When he bestrides the lazy-pacing clouds, and sails upon the bosom of the air."

Juliet.. O Romeo, my Romeo, nasaan ka na ba? Huwag mong alalahanin ang aking Ama ni ang aking apelido. Dahil kung aaminin mo lang sa akin kung gaano mo ako kamahal, iiwan ko ang aking pagiging Capulet.

Romeo.. Sasagot na ba ako o makikinig pa?

Juliet.. Hindi ikaw ang kaaway ko kundi ang apelido mo lang! Ikaw at ikaw at hindi ka Montague. Ano nga bang meron sa pagiging Montague? Nasa nalakas na katawan ba, nasa mukha ba, sa balat o sa dinadalang apelido? Apelido lang naman yon, at kahit sino meron non! Sana si Romeo ay hindi nalang naging isang Romeo, na may pinanghahawakang titulo bilang isang Montague.

Romeo.. Sabihin mo lang na mahal mo ako at ngayon din tatalikdan ko ang pagiging Montague. Magpapabinyag ulit ako para sayo at magkakaroon ng panibagong Romeo.

Juliet.. Ha! Sino kang nagsalita ka?

Romeo.. Sa pangalan, hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo kung sino ako. Dahil ang pangalan ko, parang-awa, ay kinamumuhian ko, dahil ang pangalan ko ay ang pinaka-kaaway mo. Kung isusulat ko sa papel, ako mismo pupunitin ko.

Juliet.. Malinaw kong naririnig ang iyong sinasabi, at natitiyak kong kilala ng puso ko ang boses na yan. Ikaw ba si Romeo? Na isang Montague?

Romeo.. Depende, parang-... Read More

About the Author :

Joined: July 10, 2013 (3 years old)
Writings: 177

Send PM · Male · Offline

I dreamt of being a published writer of inspirational and motivational stories, cause I want to inspire those who have physical disabilities and less fortunate people whom are downhearted. I want to bring hope into their hearts and I want them to see a beautiful world that's full of dreams.

I also want to share my thoughts about unconditional love, life's regrets and marital failures through Erotic stories. I may not change your world, but I wish, with my simple works, i've touched your hearts.
7 comments   0 favorite   2,523 views