Dekada

August 2, 2016 (4 months ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: First Time, Romance | Tags: ,

DEKADA

For Sam. Inang, MLC, Bella, Shobe, Dina76 , Candace  at sa lahat ng mga romantics, na may duda man, ay umaasa  pa ring may "Forever".

---------------------------------

Unang kabanata.

1990-2000

Excited  si  Soraya habang hinihintay ang pagdating ang donor ng lupa para sa shelter.  Ang shelter ay matagal ng project ng   ”SinagPagasa,  ang NGO na  kanyang pinamumunuan. Para ito sa mga mahihirap na kababaihang  biktima ng pangaabuso  at kaharasan.

Marami ng pakakataon na parang  nawawalan na si Soraya  ng pag-asang maitatayo pa ang shelter, pero hindi niya magawang sumuko  tuwing maiisip ang mga  kawawang  kababaihan.

Hanggang  himalang may nag donate ng isang   hektaryang lupa  dito sa isang bayan sa Laguna.  Maganda ang lugar,  marami ng  subdivision  ang sinisumulan na sa paligid. Kaya naman, hindi makapaniwala si Soraya sa kanyang suwerte.  

Ngayon ang groundbreaking ng  project. Masaya si Soraya dahil tinanggap ng  donor  ang  imbitasyon niya upang  ito na mismo ang  maghatag ng “corner stone”.   Ngayon lang din makikila ni Soraya ang espesyal na panauhin dahil   foundation  to foundation lang  ang  naging transaction.  Pagkakataon  niya rin  upang  personal na  makapagpasalamat.     

Hindi naman nagtagal,  dumating na ang hinihintay ni Soraya,   sakay  ito  ng isang   luxury vehicle na angkop lamang sa  multi-millionaire  nitong pasahero.

Kumilos si Soraya  upang salubungin ang bagong dating   na nuon naman  ay  palapit na rin sa  kanyang kinaroronan.   Biglang natigilan si Soraya,   lumakas ang kaba ng dibdib ng makilala  ang panauhin.  Iisang  tao lamang ang nagpapatibok ng ganito sa kanyang puso. 

“Mam Soraya  Garcia, this  is  Sir Gerard Montesser.”  Pakilala ng  kasamang assistant ni  Gerard.

Matipid ang ngiti ni Soraya,  makahulugan naman ang kay  Gerard.  

“Raya”  Anang tinig na kay tagal ng  inaasam  na marinig ni Soraya.

“Gerard” 

Nagkamayan.  Mahigpit na nagdaop ang mga palad... 

Dama pa rin ang   hiwaga, ang haplos ng nakaraan sa init ng kanilang mga palad.  Sa kanilang mga mata  ay   ang pagtanggap sa katotohanang  habang buhay  silang bilanggo ng takda nilang  kapalaran

Tulad ng kanilang naramdaman  nuong una silang nagka-daupang palad,   tatlong dekada na ang nakaraan.

--------------------------- 

Dekada 1970-1980

1970

Kasing init ng tag-araw   ang   alab ng damdamin ng mga militanteng grupo laban sa  pamahalaan ni Pangulong Marcos. Bunga  ito ng   madugo at marahas na  pagbuwag  ng militar sa  mga  kilos  protesta  laban sa gobyerno nuong    unang tatlong buwan ng taon.  Ang  kaganapang yun ay  tinaguriang ng mga anti-Marcos  militants na “Unang Sigwa ng Kuwarto”  (The First  Quarter Storm).

Sa panahong yun, may mga  namatay, nalumpo, at nabugbog ng todo  sa hanay ng mga demonstrador . Hindi sinasanto maging ang mga babae.   Pero sa halip na  masupil,  lalo lamang itong nagpasiklab sa  galit ng mga militanteng grupo.  Nagpatuloy ang kabi-kabilang  kilos protesta, partikular na sa   Mendiola.   Parang kabute ring nagsulputan  ang mga organisasyon mula sa   hanay ng mga radikal  at moderate  na mga magaaral,  manggagawa, at iba pang sektor ng lipunan.  

Isa sa mga grupong moderate ay ang “Samahang Kamanyang” ng Philippine  College  of Commerce (PCC), sa university belt ng  Sampaloc, Manila.  (Bago pa ito naging PUP nuong 1978 at  nailipat sa Sta Mesa, Manila).     Ginagamit nito ang sining upang imulat ang mata ng mga mamamayan  sa  tunay na estado ng lipunan.

------------------------

Isang araw,  na sa kalagitnaan ng “protest play” ang Kamanyang  sa gitna  ng kalye Lepanto sa harap ng PCC.

“Tol,   hanep sa ganda  ang chick na yun.” Ani Alex sa best friend na si Gerard, habang nakaturo sa  isa sa mga  babaeng nagtatanghal.   

 Kabilang ang magkaibigan sa hanay ng mga usisero  at ibang mga tagasuporta  na nasa  bangketa  at nanood.  

“Ibagsak ang rehimeng Marcos!”

”Ibagsak”

 Ibagsak ang  pasistang tuta ng  imperyalistang Amerika”

“Ibagsak”

“Makibaka, huwag Matakot.”

  Makibaka, huwag Matakot”

Sagutan ang sigaw ng mga grupo.  Halatang   sanay na sa ganitong gawain.

Parang wala namang naririnig si Gerard.  Na sa magandang  babae na tinuran ni Alex ang kanyang atensyon.

Matangkad, morena at  gandang Filipina ang babae.  Hindi yun ang type ni Gerard.  Lahat ng kanyang naging syota , ay mestisa, sexy at “game.”

Pero , bukod sa maganda , may kakaibang dating ang babae  na pumukaw sa interes ng binata. Hindi sinasadyang nagtama ang kanilang  paningin.  Makalaglag panty ang ngiti   ni Gerard. Mabilis namang  umiwas ng tingin ang babae.

Makisig na lalaki si Gerard.  Malakas ang appeal,  may aura ng isang taong  may kompiyansa sa sarile.  Lutang ito  sa kanyang  kilos at pananalita, bunga marahil ito ng  ilang salin ng henerasyon ng  pamilyang  may kaya at maimpluwensya.    Matangkad at katamtaman ang katawan,  larawan si Gerard  ng isang modelo sa suot na  bell bottom na blue jeans at  puting tshirt.  Parang si  Kristo sa  buhok at  balbas .  Tulad ng kanyang idolong  si  John Lennon.   

“Bangon bayan ko,  bangon sa pagkakagupiling”  Sigaw  ng babae  bilang pagtatapos ng pagtatanghal. 

Bakas sa mukha nito  ang  sidhi ng makabayang adhikain.

“Makibaka, Huwag matakot”  Sagot ng mga manood sabay sa pagtaas ng mga kamao.

Matapos ito, nagmartsa  na papuntang  Mendiola  ang grupo  kung saan nag ra-rally  ang  iba pang militanteng  samahan.   

Tinangka ni Gerard  na sundan ang grupo,  pero pinigilan siya ni  Alex

“Tol, tara  na, late  na tayo  sa klase.  At saka, baka magkagulo na naman, madamay pa tayo.”

Hindi estudyante ng PCC ang magkaibigang  Alex at Gerard.  Classmates sila sa UST,   third  year  sa kursong architecture.  Hindi nila gawain ang magsasama sa mga rally,  nagkataon  lang na vacant period nila at naisipang mag-usyoso sa mga nagaganap na protesta.

 “Tol,  may kakilala ka ba sa PCC?” Tanong ni Gerard habang naglalakad sila pabalik sa UST.

“Wala, tol, alam ko na takbo ng isip mo. Yung chick kanina ano?   Kabisado na ni Alex ang kaibigan.

“Oo tol, gusto ko siyang makilala”

“Milagro, kalian ka pa  nangailangan  ng tulay para makalapit sa chicks”

“Mukhang Iba  siya  tol,  baka mahirapan ako dito”

“Ikaw pa?”

--------------------------

“Soraya, kilala mo ba yung  lalakeng tingin ng tingin sayo kanina habang nagpeperform tayo.” Wika  ni Aida , ang  close friend , board mate at classmate ni Soraya.

“Hindi , bakit?” 

“Ang  pogi  niya, sayang , akala ko sa akin ngumiti eh,  sa iyo pala. Mukhang type ka yata ah.

 “Wala akong panahon para  diyan.  Halika na, bilisan natin at naiiwan na tayo ng grupo”  Ani Soraya sabay hila sa kamay  ng kaibigan.

 Maganda si Soraya. Karaniwan na siya ang muse sa mga events sa PCC, bagay na napipilitan niyang tanggapin  kahit asiwa ang pakiramdam .  Hindi naman kasi siya conscious sa taglay na gandang pisikal at personalidad. Ang pokus niya ay sa pagaaral.  Valedictorian  siya  sa elementarya  at sa  high school sa isang paaralan sa  Nueva Ecija.  Kasalukuyang  second year  commerce student  at scholar ng PCC.

Mula pa nuong highschool, marami  na ang manliligaw ni  Soraya. Lalo na ng mapasok siya sa PCC. Kabi-kabila ang  dumidiskarte  sa school. Marami din ang mga dumadalaw sa  kanyang boarding house.  Pero  hanggang kaibigan lang ang turing  ng dalaga  sa kanila. Sa edad na 19 , never pang nagka boyfriend si Soraya.  

----------------------------

Biernes . Maaga pa  lang ay nagsimula ng magsilabasan  ang mga estudyante mula sa iba’t- ibang paaralan  sa university belt para sa ikinasang  “protest walkout” .  Nagmamadaling  patungo si Gerard sa PCC, umaasang makikitang muli  ang babaeng pumukaw sa kanyang interes.  Pero,  katatapos lang magtanghal ng  “Kamanyang” ng dumating sa lugar  si Gerard. Nakita pa niya ang grupo na  naglalakad na papuntang Mendiola. Mabilis na sumunod  ang binata.

Hind pa nakakalayo si Gerard  ng biglang  sumambulat ang kaguluhan sa Mendiola.  Maririnig ang putok  ng baril (minsan rubber bullets, minsan tutoong bala),  ang pagsabog ng pillbox at  Molotov cocktail, habang umuulan  ng  mga bote,  bato  at kahoy sa gitna ng  nakakasulasok na  usok  ng   “tear gas.”

Kasabay nito ay ang nagpupulasang   mga demonstrador mula sa Mendiola  patungo sa iba ibang direksyon habang hinahabol ng  mga  miyembro ng anti-riot  police  na  walang habas na  namamalo ng  hawak na yantok na “truncheon”. Sinusuntok, sinisipa  rin  ang  malas na maabutan at  makursunadahan.  Walang sinisino.

Nagulat  si Gerard ng makita ang malaking grupo  na tarantang tumatakbo pasalubong sa kanya. Layon ng mga ito ang agad makapasok so loob ng PCC at  sa kalapit  na University of the East tulad ng nakagawian nila tuwing hahabulin ng militar.   Sumabay  na lang si Gerard sa agos ng mga  tao.   

Sa gitna ng kaguluhan, nakita niya ang hinahanap niyang babae  na nakaupo sa bangketa . Bakas  sa mukha nito ang sakit habang hawak  ang isang paa.    Tinatanggihan naman nito ang  ang mga gustong tumulong. .  Nang makita ni Gerard na palapit na ang mga “aso” ni Marcos (mga  miyembro ng  anti-riot  ng METROCOM) ,  mabilis niyang  nilapitan   ang babae.  Walang sabe sabe na  kinarga  niya  ito  kahit tigas ang pagtutol.    Ilang hakbang lang naman ay  suwerteng  nakasingit sila Gerard  papasok sa isang maliit na restaurant bago pa naisara ng may ari ang pinto..  Sa loob, siksikan ang  ibang mga  militanteng nauna ng nagtago duon. 

Sa labas, dinig ang  mga kaguluhan, putukan, sigawan, at kalabugan.

Pabalagbag na  inupo ni Gerard  ang dalaga  sa isang maliit na mesa.  

“What you did is stupid, bakit ayaw mong magpatulong,  you could have been  seriously hurt”  Galit na wika ni  Gerard habang  hinihilot ang  paa  ng babae.   

“Salamat,  but,  I didn’t ask for your help,  I could have managed  by myself.”  Inis din nitong sagot at  pilit na inaalis ang paa sa kamay  ni Gerard .

“Oo nga naman ano.  Akala mo siguro porke maganda ka,  hindi ka  nila papatulan”  Ani Gerard .

   “I cant understand why  you  people are doing this?  Risking  life ang limbs and  for what?. 

“What you are trying to prove?.” Dugtong pa ng binata.

“Talagang hindi mo maiintindihan dahil  mukha kang burgis,  naghaharing uri.! Mga walang  pakialam   sa nangyayari sa ating bayan. Basta  lang komportable ang buhay nila.    

“Kasalanan ko pa ngayon?” Sadyang napadiin ang paghilot ni Gerard sa paa ng magandang aktibista

“Araaaay, masakit ”.

“Opps sorry”  Nangingiting wika ni Gerard.

“ Shit,  ang taray, ang tapang, pero ang ganda  talaga,  hindi nakakasawang pagmasdan, lalong  gumaganda habang tinititigan”. Kulang na lang ay bigkasin ni Gerard ang nasa isip.    

“Gerard Montesser”  Pagpapakilala ni Gerard ,   matapos niyang talian  ng  panyo ang paa ni Soraya.

“Soraya  Luna”  Tinanggap ng dalaga ang  nakalahad na kamay ng binata.

Nagdaop ang kanilang mga palad,    habang nakatitig sa isat isa. 

May  mahiwagang pakiramdam na lumukob sa kanilang katauhanng mga sandaling yun. . Ang pakiramdam  na   parang  may tinakda sa kanilang kapalaran.  

Tahimik na sa labas , wala na ang kaguluhan, , malayo na ang mga naghahabulan.  Karamihan sa mga nagpulasang militanteng estudyante ay nasa loob na ng  PCC at UE  ang iba ay  sa kalapit na  unibersidad Ang  NCBA at PSBA,  umabot pa hanggang  sa FEU. 

“Sige na, iwan mo na ako. I am  okay now. Salamat uli.”  Sa  unang pagkakataon,  na conscious si Soraya sa harap ng isang lalake.

“ I’ll see you home, I insist”  Giit ni Gerard.

“Huwag na, malapit lang naman ako dito. Kaya ko na”

Hindi nagpaawat si Gerard , inihatid  niya si Soraya sa  boarding house nito. 

---------------------

Ng gabing iyun, laman ng isip ni Gerard  si Soraya at ang  eksena ng kanilang  pagkikilala.

Hindi rin makatulog si Soraya. Panay  kasi ang kulit ni Aida sa kanya, kahit paulit ulit na niyang naikuwento ang mga pangyayari nuong umaga.  

  “Kinarga ka at iniligtas, wow  ang sweet naman, your knight in shining armor.  Kung ako yun,  magsyota  na kami ngayon.

“Gaga,  Matulog  ka na.”

-------------------------

Maraming extra curricular activities si Soraya. Hindi  lang dahil sa nakakadagdag puntos yun sa kanyang pagiging iskolar.  Likas sa dalaga ang  pagiging aktibo basta  para  sa magandang layunin  ng magaaral at  ng lipunan.  

Madalas ding maimbitahan ang “Kamanyang”  para  magtanghal sa  kilos-protesta ng  mga grupo mula sa  iba ibang paaralan.  Kaya kilala na rin si Soraya maging sa labas PCC.

----------------------------- 

Isang hapon, palabas ng  PCC  si Soraya, kasama  si Ricky,  ang  pinakamalapit niyang  kaibigang lalake,  at si Aida.

“Sis, si pogi  oh, palapit sa akin, este sa iyo pala”  Ani Aida.

“Hi” masayang bati ni Gerard. 

Matapos maipakilala ni Soraya ang dalawang kasama, inimbitahan sila ni Gerard na mag snack.

Nagpaunlak  naman si Soraya,  bilang ganti sa ginawang pagtulong sa kanya ng binata. At  saka kasama naman sina Ricky at  Aida.

Pero  iba ang plano ni Aida, gusto nitong magkasarile ang dalawa.

“Thank you na lang Gerard,  pero kanina pa ako nagpapasama  dito  kay Ricky  na bumili ng gamit para sa project namin.”   

“Ha eh,   hindi.....”  Sasagot pa sana ang nabiglang si Ricky. Pero, hinila na ito ni Aida  papalayo.

 Walang  nagawa si  Soraya  kung hindi  ang sumama  mag isa.

Sa una, ay medyo awkward pa ang  usapan  nina Gerard at Soraya.  Parehong asiwa. Tipong isang tanong, isang sagot lang, habang  kumakain sila ng halo-halo sa “ Little Quiapo”.   Pero, ng lumaon ay naging komportable na sila sa isa’t isa.

Simple lang naman pala si Soraya. Magaang  dalhin.    Mababaw lang ang kaligayahan.  Walang pretensions.  Pero,  mababasa sa  mukha niya  ang isang babaeng may karakter, talino at  determinasyon.  Hindi siya pangkaraniwang babae.

Ito ang nasa isip ni Gerard habang nakatingin sa magandang mukha ng dalaga.  Lalong tumaas ang pagtingin niya dito. Hindi siya nagkamali  sa kanyang unang impression kay Soraya.

Ang nagkamali  ng impression ay si Soraya.

Ang inakala niyang isang iresponsableng  “hipping kulelat”ay may laman din pala  naman ang utak. Halata rin sa kilos at pananalita  ng binata ang maayos na breeding.   May pangarap din pala at direksyon  ang buhay sa likod ng moderno nitong lifestyle. Dagdag pa rito ang malakas na  sense  of humor.....at ang guwapo rin  ng maamong mukha.!

Hindi nila namalayan ang paglipas ng oras.

---------------------

Madilim na ng  ihatid ni Gerard si Soraya sa  boarding house.

“Kamusta ang date?” Agad na  tanong ni Aida  pagpasok ng  kaibigan.

“Date ba yun,nagmeryenda lang kame.”  

“Talaga lang ha, “ Tukso ni Aida.

Kakaiba  na kasi ang ngiti sa mga labi, , ang  ningning sa mga mata ni Soraya....ngayon lang nakita ni Aida na ganito ang kaibigan.

------------------------------

Ang snack sa “Little Quiapo” ay nasundan pa ng marami, kasama na ang lunch. Hanggang naging date  sa sine.  Pero palaging kasama si Aida.

Enjoy ang dalawa pag magkasama. Waring hindi  sila nauubusan ng paguusapan... mula sa makabuluhan hanggang sa kalokohan. Parehong   smart at witty.at strong- willed . Kaya minsan hindi maiwasan ang mainit na pagtatalo lalo na pag nadadako sa politika at religion ang usapan.  Anti-establishment si Soraya.  Pro-Status Quo naman si Gerard.  Saradong Katoliko Romano ang dalaga.  “Agnostic”  at “secularist “ naman ang binata.   Pero nirerespeto nila ang paniniwala ng  isa’t –isa.    

Hindi naman ligid kay Gerard ang maraming  manliligaw ni Soraya  sa loob at labas ng PCC.   Kaya naman pursigido  ang binata sa panliligaw kay Soraya.  Basta free time ni Gerard sa kanyang klase ay  pinupuntahan niya si Soraya. Pero dahill sa  dami ng extra curricular activities ng dalaga,  hindi  rin sila madalas magkasama.

Kaya minsan, kahit  araw ng Linggo, dumadalaw si Gerard  sa boarding house, nagbabasakaling  puwede silang lumabas ng dalaga. 

 Natutong  magsimba ang binata .

----------------------

Sa canteen ng UST.

“Tol, mukhang  iba na to ha, masama na  yata tama   mo  kay  Soraya.  Ngayon ka lang naging  ganitong kaseryoso sa babae. Aba,  nagseselos nako nyan, halos hind na tayo nagkakasama.”

Biro ni Alex sa  kaibigan habang  sila ay nagmimeryenda.

“Ewan ko nga ba  tol, hindi ko maipaliwanag. Ang alam ko lang tol, masaya ako pag kasama ko siya. Ngayon  lang ako nakaramdam ng ganito.“

“Syota mo na ba?

“Hindi pa nga eh”

“Tang na tol, ilang buwan na ba yan.  Lima,  anim?  Dati, nakaka -tatlong  syota  ka na nun.

Ngiti lang ang tugon  ni Gerard

“May pag asa  ka ba naman, tol?”

“Siguro naman...sana nga ...,ewan ko, tol”  Malayo ang tingin ni Gerard.

------------------------------ 

Nga ilang araw bago mag sem-break ,  sa boarding house ni Soraya.

“Raya” Ang pet name ni Gerard kay Soraya. Inabot nito ang dalang  malaking envelope sa dalaga.

“Ano to?”

“Birthday gift ko sayo” Masayang , malungkot ang mukha ni Gerard.

“Bakit, next week pa birthday ko” 

 “Alam ko, pero  aalis kasi ako”

Biglang nawala ang ngiti sa mukha ng dalaga.

“Bakit, saan ka pupunta” Halata ang lungkot sa tinig nito.

“Sa Australia, may sakit ang  lola ko, pinapupunta ako ng   mama ko,  ako na lang daw ang wala sa pamilya.”

------------------------ 

Yun na yata ang pinakama... Read More

Part #: 1

About the Author :

Joined: February 2, 2014 (2 years old)
Writings: 84

Send PM · Male · Offline

prefers love story with open-ended and sad endings, tragic settings/characters but writes about other erotic genre to suit readers' popular preferences.
, also writes poems and personal essays/blogs
28 comments   7 favorites   3,442 views