Dapat pa ba?

May 23, 2015 (1 year ago)
Posted in Blog: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags:

Dapat pa ba? Kailangan pa ba? Tanong na nasa isip lalo na at marami ng nangyari sa isang relasyon. Ang iba masasagot na "tama na", ang iba " kaya pa" pero ano ba ang mga dapat munang isaisip para mabigyan ng sagot ang mga ganyang tanong?

"Tama na", isa sa mga sagot, pero bakit? Dahil hindi na puede? Hindi maayos? Wala na bang kaayusan? O dahil mas inisip ang sarili, mas binigyan pansin ang iba, mas pinansin ang mga mali kaysa sa masasayang aalala na nangyari? Binalewala ang mga totoo sa bawat isa, natakot sa mga hindi pa nangyayari o mangyayari? Hindi nagtiwala na may magandang resulta sa huli? Pero bakit bumitaw, kung mahal mo bakit mo kailangan saktan pa? Hindi ba naisip na sobrang sakit para kanya na kalimutan na mahal ka niya?

"Kaya pa", huling sagot sa tanong. Dahil mahal mo? O dahil ayaw mo lang maging mag isa? Ayaw mo matanggap na hindi ka na mahal ng taong binigyan mo na importansya? Dahil ibinigay mo lahat para kanya at wala kang tinira sa sarili mo? Dahil nabulag ka sa pagmamahal mo sa kanya? O ganun ka magmahal? Nanghihinayang sa panahon na ibinigay mo para intindihin ang mahal mo? Dahil kahit hindi mo hingin, in... Read More

About the Author :

Joined: May 14, 2015 (1 year old)
Writings: 14

Send PM · Male · Offline

I'm a loving individual. I'm devoted, eager & zealous. I'm 75% Romantic, 19% Playful & 6% Obsessive.
7 comments   0 favorite   707 views