Dapat Bang Mahalin Ang Bestfriend?

September 28, 2015 (1 year ago)
Posted in Blog: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags:

Minsan sa buhay ko ay nag mahal ako ng tunay... Ang isang pagkakamali ko lang ay best friend ko pa ang taong minahal ko.. Oo pareho naming minahal ang isat isa... Dahil best friend ko sya ay napadali ang naging panliligaw ko sa kanya.. Dahil narin siguro sa magkakilala na kami ng lubos alam naming pareho ang sekreto ng bawat isa.. Wala kami tinago sa isat isa bawat araw,oras o minuto man lang na nagdaan sa buhay namin na hindi kami magkasama ay aming napag uusapan... Mahal namin ang isat isa nung mga araw na yun. Akala nga ng mga kaibigan namin ay kami na ang magkakatuluyan. Meron pa nga na may gustong maging brides made at best man. At meron din sa mga kamag anak nya at kamag anak ko na gustong maging ninong or ninang sila sa magiging kasal namin.

Sarap mag mahal diba? Pero lahat ng ito ay meron palang wakas. Ang akala ko at akala nya ay kami na talaga.. Pero hindi.! nalaman nalang nya sa bandang huli.. Ipinag tapat nya sa akin na hindi pala nya ako mahal. Ang akala nyang pag mamahal ay mali pala.. Ang lagi naming pagkikita,pag ku kwentuhan, at pagka miss nya sa akin sa tuwing hindi kami nag kakausap sa maghapon ay inakala nyang mahal nya ako.. Nabulag lang pala siya sa mga masasayang araw na magkasama kami. Masakit ang katotohanan pero kailngang tangapin.. Pero kahit masakit ay tinangap ko ang katotohanan. Ang hindi ko lang matangap ay ang nawalan ako ng best friend..

Hanggang ngayong nagka anak na sya ay hindi na kami nakapag usap man lang. Ni hindi manlang nya ako sinabihan na pumunta sa kanyang magarbong kasal o kinuhang ninong sa naging dalawa nyang anak. Kung hindi ko ba sya niligawan noon ay kasama ako sa mga larawan sa naging kasal nya? Naging ninong din ba kaya ako sa isa sa mga naging anak nya? Mag best friend pa kaya kami... Read More

About the Author :

Joined: September 3, 2015 (1 year old)
Writings: 1

Send PM · Male · Offline

17 comments   0 favorite   826 views