Confession ng Panget

April 28, 2014 (2 years ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Mature, Romance | Tags: , , ,

Confession ng Panget(Wanna feel the pleasure while reading? Relax your mind. Take your time, read it slowly. Do not skip lines, understand the plot. Use your imagination. Get your senses involved. Try to feel what those characters felt, to see what they saw.)

Confession ng Panget
(Sino tumira sa babaeng yun)
by: Fiction-Factory

HOW DOES IT FEELS TO BE THE MOST SEXIEST FILIPINA?:
Great! I never thought na ako yung mapipili of all the beautiful women around the world.

WELL, YOU DESERVES IT. SO WHAT MAKES YOU JOINED THE 100SEXIEST FILIPINA?:
Actually matagal ko ng pangarap 'to. Ngayon lang talaga ako nagkaroon ng lakas ng loob na sumali. Of course to do those sexy pose, daring talaga. Salamat na lang dun sa nabasa kong quote, "If life gives you curves, flaunt it."

AMAZING! YOU REALLY DO HAVE GUTS, SINCE THAT 2014 COVER POSE. THANKS TO THAT MEANINGFUL QUOTE:
And also thanks to you guys behind FSS Magazine, for making my dream come true.

NO. YOU MADE YOUR DREAM COME TRUE, FSSM IS JUST YOUR MATERIAL. WE'RE GLAD TO HAVE YOU HERE. SO, WHAT'S NEXT?:
Ha ha Pelikula. I met a Producer and He asked me kung gusto ko daw mag-artista. I said, why not?.

GREAT! WE'RE EXCITED! THE MASS NEED TO KNOW, DO YOU HAVE A BOYFRIEND?:
None. Since birth? Ha ha

OHW! PLEASE DON'T PLAY WITH US. HOW DO YOU THINK WE BELIEVE THAT A BEAUTIFUL WOMAN LIKE YOU NEVER HAD A BOYFRIEND AND, EVERSINCE?:
....................

Oops! Bakit ba ayaw nilang maniwala sa t'wing sasabihin kong wala pa akong nagiging boyfriend?
Haizt...

(Ang inyong mababasa ay pawang kathang isip lamang. Ano mang pagkakahalintulad ng Pangalan, Lugar at Kwento sa tunay na buhay ay purong nagkataon lang at hindi sinadya ng may Akda.)

The name is Betty. Since my grade school, puro pangit na environment ko, dagdagan pa ng pangit kong mukha.

Well, hindi naman sa pangit talaga, reyna lang naman ako ng pimples, may makapal na kilay, kwadradong mukha at kulot na buhok, tapos wala pang curves katawan ko, puro humps! Tumataba na ata talaga ako.
Paano pa ako sasali niyan sa 100sexiest filipina?! Hmp!

Sa secondary course ko, sandamakmak na pangangantyaw at pang-aasar inaabot ko sa mga klasmeyt ko.
Ayoko silang pansinin pero nakakainis talaga eh!

Bakit ba kaming mga pangit ang lagi nilang napapansin, mga walang modo at walang magawa sa buhay, kung tutuusin mas pangit pa sila sa'kin.

I am beautiful, no matter what they say, words can't bring me down...
Marami namang nagsasabi na maganda ako, si Mama, si Mother, si Inay, si Mommy, si Ima, si Mudra, at syempre si Nanay!
O, 'diba?

Sa Kolehiyo, ayun walang pumapansin sa'kin. May mga friends naman ako pero alam kong mga huwad lang sila.

Tulad ni Ana, sus! Kunwari mabait sa'kin pero pagtalikod ko alam ko namang nilalait din ako.
Sa sitwasyon ko, mahirap para sa'kin ang magtiwala.

Ganito kalungkot ang buhay ko, ang buhay ng isang pangit na katulad ko. Mali man ang pananaw ko, pero tanggap ko na ang katotohanan na hindi ko talaga matanggap sa sarili ko na ipinanganak akong 'Panget'.

Sabi nila hindi daw mahalaga ang physical appearance, mas importante daw yung Inner Beauty.
Helloo! Gising na gising ako sa reyalidad noh!

Advantage pa rin kapag maganda ka, at advantage yun sa lahat ng bagay.
Halimbawa, may dalawang aplikante, isang maganda, isang pangit, sino kaya sa tingin niyo pipiliin ng employer?

Eh sa lalaki kaya? Sino liligawan, si maganda o si panget?
Correct! Laging si Maganda ang pipiliin!
Teka! Love story ko? Sa awa ng Maykapal meron! Heto, panoorin niyo...malakas lang sana sikmura niyo...

That was friday night. I'm walking along the road, nag-overtime ako sa office, wala na akong masakyan kaya napilitan akong maglakad.

Well, medyo delikado na maglakad sa gabi ng nag-iisa. Pero sa isang tulad ko, delikado nga ba?

Pagdaan ko sa tulay, nanginig buong katawan ko nang may nakita akong isang nilalang na nakatayo sa ibabaw ng tulay.

Akala ko nung una multo, nakaputi kasi pero paglapit ko, isang gwapong lalaki ang nakita ko.

Dumiretso na ako, hindi ko na naisip kung rapist siya. Well, sana nga rapist!
Aba, pumunta siya sa dulo ng tulay at mukhang tatalon ata.
Nataranta ako, linapitan ko siya.

"Hoy Kuya! Magpapakamatay ka ba?!"
sigaw ko.

Hindi niya ako pinansin, diretso pa rin siya. Pahiya naman ako.
Naalala ko yung pelikulang Titanic.

"Sige, pag tumalon ka, tatalon din ako! I'm involved now. May pananagutan ako 'pag tumalon ka."
sabi ko sakanya, at pumuwesto na rin ako.

"Ano 'to, Titanic?! Pakialam ko sayo! Edi tumalon ka rin!"

Naku, pahiya nanaman ako!
Pero infairness pinanood din niya yung Titanic ah!

"Ano bang problema mo?!"
patuloy ko.

"Huwag kang makialam dito!"
sinigawan niya na ako.

"Siguro iniwan ka ng shota mo noh! Naku sa gwapo mong yan i'm very sure makakahanap ka pa ng iba."
kahit ano sinabi ko na.

Buti na lang tama hula ko. Napaiyak siya sa sinabi ko, ngayon lang ako nakakita ng lalaking umiiyak para sa babae.

"Mahal ko siya eh!"
nasabi lang niya.

"Pero iniwan ka niya, it only means na hindi ka niya mahal. Tignan mo 'ko!"
lumapit pa ako sa kanya.

"Tignan mo naman 'tong hitsura ko. Maswerte ka nga naranasan mong magmahal at masaktan, eh ako?! I'm 21 na pero wala pa ring nagiging boyfriend! Pero ni minsan di ko inisip magpakamatay!"
talumpati ko.

"Huwag mo 'kong itulad sayo!"

"Talagang magkaiba tayo! Naku gwapo ka nga, pero tanga ka naman! Ako pangit man, ginagamit ko naman utak ko! D'yan ka na nga! Magpakamatay ka kung gusto mo!"
sigaw ko sa kanya.

I left him. Bahala siya kung magpakamatay man! Hindi ko na siya liningon pa at dumiretso na ako sa paglalakad. Ayokong madamay sa pagkamatay niya kung sakali.

Pagdating ko sa bahay hindi pa rin matanggal sa isip ko yung lalaking yon. Hindi ko alam kung nakatulong yung mga sinabi ko o kung natigok na siya ngayon.

Katulad ng gabi-gabi kong nararanasan ng paulit-ulit, bago matulog nagsesentimyento.
Naiisip ko yung mga magagandang babae na nakita ko o nakasalubong sa buong maghapon.

Naiinggit talaga ako sa mga bebot at may guwapong boyfriend.
Alam kong mali ang mainggit, but i'm only human eh! Hindi ko maiwasan, at hindi ko maiwasang magreklamo sa mukhang iginawad sa'kin.

Mahirap para sa'kin ang sumaya, ni hindi ako makapagsuot ng eyeglasses eh, dumudulas kasi sa pango kong ilong.

Ang sarap sigurong magkaboyfriend, ang sarap sigurong magkaroon ng magandang love story, at hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap ang katotohanang hindi ko mararanasan ang mga yon. Hindi ko matanggap na walang lalaking papatol sa'kin.

Umiiyak ako gabi-gabi. Ang buong buhay ko puro pagdurusa, parang sumpa na kahit pangit na Prince Charming, hindi mag-aabalang tanggalin.

Naudlot ang pagmumuni-muni ko nang kumatok si Mama sa pinto ng kwarto ko.

"Pasok Ma, bukas po yan!"
sigaw ko sabay punas ng luha ko.

"O anak, umiiyak ka na naman ba?"
tanong niya at niyakap ako.

"Ma, ang bigat na sa loob eh! Saan mo ba ako pinaglihi at napakamiserable ng mukha ko?"
pagtangis ko sakanya.

"Anak, huwag mong sabihin yan. Hindi mo ba alam na nasasaktan ako sa tuwing sasabihin mo 'yan? Kase anak, ikaw ang reflection ko eh! Kung ano ka, ganun din ako, kaya kapag sinabi mong pangit ka, para mo na ring sinabing pangit din ako..."

Nagulat ako sa sinabi sa akin ni Mama, napakalas ako sa yakap niya at nagkatinginan kami.

"Teka Ma, eh pangit ka rin naman ah!"
sagot ko sakanya.

"Ha Ha Palabiro ka talaga. Basta anak, lagi mo lang tandaan na ang anyo ng tao pagdating ng araw kukupas din, pero ang mabait na puso, mamamatay na lahat ng maganda sa mundo hindi pa rin yan maglalaho."
sambit niya.

"Anak, nasabi ko na ba sayong proud ako? Dahil lumaki ka na may mabuting puso. Ikaw ang nagiisang beauty queen sa puso ko."
dagdag pa niya.

Mabait talaga si Mama, paano na lang kung wala siya.
Kahit papa'no nababawasan ang dinadala ko dahil sa kanya, pero hindi pa rin sapat ang mga salita ni Mama para magbago ako.
Ang kailangan ko milagro! Isang fairy godmother na magpapaganda sa akin.

Hanggang pumasok sa buhay ko si Mark. Office mate ko siya. Nagtataka ako kung bakit sa tagal na naming magkatrabaho, bigla na lang niya akong niyayang mag-date.

Mabait si Mark, hindi nga lang kagwapuhan, kumbaga tablado lang kami ng pagmumukha, quits lang! Hehe Mukhang sincere siya kaya pinagbigyan ko siya.

Dinala niya ako sa isang hindi naman kagandahang restaurant, tama lang, pwede na rin.
Umorder kami, para di halata matakaw, konti lang kinain ko.

"Alam mo Betty, matagal na akong may gusto sayo, 'di ko lang masabi dahil, natatakot nga ako."
wika ni Mark.

Habang tinitignan ko siya, kinikilig ako, hindi ko naisip na magkakagusto siya sa akin. Actually he's not that ugly at all, luge pa rin siya sa akin.

Nasabik ako, sabi ko sa sarili ko ito na yung pagkakataon ko para magkaboyfriend.

Each day napakasweet ng pagtrato sa akin ni Mark, at siya mismo walang pakialam kahit pa pinaguusapan na kami sa opisina at pinagtatawanan.

Mga intrigerang palaka! Akala mo naman ganun na kagwapo at kagaganda, kung makakantyaw wagas!

Buti na lang at may isang kaibigan ako na makakampihan dito.
Si Amy, bestfriend ko. Syempre sino ba naman ang magtutulungan kundi ang mga pangit din na tulad namin.

Pero si Amy, kahit papano sexy at malakas ang sex appeal. Siya nga rin lang ang nagpasok sa'kin dito eh. Siya yung nagtatanggol sa'kin sa tuwing inookray ako sa office.

Kaya lang ayaw niya kay Mark. Lagi niyang sinasabi sa'kin na,
"Lolokohin ka lang nun!"
Alam ko paalala lang yun kaya ok lang sa'kin.
Medyo nasasaktan lang ako dahil parang wala akong karapatang magpaligaw, I mean, walang matinong lalaking manliligaw sa'kin.
Madali bang maloko ang panget? Fuck!

Biyernes. Nakahanda ko ng sagutin si Mark, ilang minuto na lang magkakajowa na rin ako sa wakas.
Napakasaya ng araw, masiglang-masigla ako.

Napadaan ako sa office ni Sir Ace, napatigil ako sa tapat ng pinto dahil narinig ko ang boses ni Mark.

"Pare, malapit na! Konting panahon na lang mapapasagot ko na siya."
narinig kong sinabi ni Mark.

Kinilig pa ako dahil mukhang excited na siya. It feels like i'm the most happiest woman on earth.

"Talaga Pare? Naku, sinasabi ko sayo, malabo yan! Hindi ka sasagutin non!"
si Sir Ace.

"Huh! Sa gwapo kong 'to! Ang kapal naman ng mukha non kung hindi niya ako sagutin! Kaya kung ako sayo Pare, ihanda mo na ang sampung libo mo, dahil tiyak na mananalo ako! Ha Ha"

Madapaka! Nanlambot bigla ang katawan ko, ang puso ko biglang nadurog, nadaganan ng bumagsak na Earth! Ang sakit! Niloloko lang pala niya ako! Tama nga ang sinabi sa akin nina Mama at Amy, na ang isang tulad ko, lolokohin lang ng lalaki.

Tumakbo ako papuntang banyo, inilublob ko ang mukha ko sa tubig tapos humarap ako sa salamin.

"Isinusumpa ko, mula sa araw na 'to hinding-hindi na ako iiyak, hinding-hindi na ako masasaktan, at mula sa araw na 'to, gaganda na ako, hahabulin ako ng mga lalaki, maglalaho na ang panget! Isinusumpa ko!!"
pangako ko sa sarili.

Ngayon, desidido na ako na isagawa ang matagal ko ng pinagdedesisyunan. Ang last resort ko. Plastic Surgery.

Nag-research ako sa Internet ng magaling na Surgeon, una kong nakita si Dr. Calawan. Hindi na ako nagdalawang isip, pinuntahan ko agad ang clinic niya.
Siya mismo ang kinausap ko.

"Doc, gusto ko sana magparetoke."
pauna ko.

"You made the right decision and you're in the right place. So ano ipapapalit mo, ipapadagdag o ipapabawas?"

"Doc, gusto ko po sana lahat..."

Nagulat siya at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Pailing-iling at mukhang nangangamba.

"Tsk tsk Misis, sigu-"

"Miss pa po Doc!"
pagku-correct ko.

"Ohw Miss, sigurado ka ba sa sinasabi mo? Aba, sa dami ng papalitan sayo gagastos ka ng milyones. Yang kilay mo, ilong, labi, tabas ng mukha mo, buhok. Aba mukhang magiiba talaga hitsura mo. At yun na nga! Milyon-milyon ang gagastusin mo."

Nanlaki ang mga malalaki kong mata sa sinabi niya. Milyon-milyon? Akala ko pa naman sapat na yung naipon ko.
Tumayo ako at hinarap ko si Dr. Calawan.

"Doc, wala po bang discount? O kung gusto niyo ang katawan ko nalang ang pambayad ko!"

Napatda siya, gulat na gulat na nakatitig sa'kin, tapos muli niya akong tinignan mula ulo hanggang paa.
Napailing at napasimangot.

"Doc, I mean, pagkatapos ng surgery dun ko ipapagalaw katawan ko. O diba? Maganda na ako nun! Huh! Ano Doc, what an offer. Pumayag ka na!"
pagmamaktol ko sakanya.

"Nahihibang ka na ba? Imposible yang sinasabi mo! Mabuti pa umalis ka na dito! Sinasayang mo oras ko eh!"

Nalungkot naman ako... Wala na atang chance na gumanda ako.
Palabas na sana ako ng pinto nang bigla itong bumukas. Nagulat ako sa lalaking pumasok, nagulat ako dahil nakilala ko siya.

"Ikaw?!"

"Ikaw din?!"

Siya yung gwapong lalaking nagpapakamatay dun sa tulay.
So hindi pala siya natuloy matigok.
What a tiny world.

"Magkakilala kayo?"
maging si Dr. Calawan nagulat.

"Opo Dad."
tugon naman ng lalaki.

"Dad?! Ama mo siya?!"
pagkagulat ko.

Tumango lang siya.

"By the way, ano na nga pangalan mo? Hanep ka! Paano mo nagawang iwan ang isang taong magpapakamatay?"
magiliw siya.

"Ohw. Just call me Betty. Betty La Fea. Ikaw kasi eh! Ang kulit mo kaya iniwan nalang kita!"

"Betty. At last na-meet na kita. Actually nung iwan mo 'ko, dun ako nakapag-isipisip eh! Kaya I wanna thank you, for saving my life. I'm Adonis."

"Nice to meet you Adonis, it's truly very nice to meet you!"

Ang saya! Parang nagkaroon ako ng chance kay Dr. Calawan. Shit! Gaganda na aketch!

Muli kong nilingon si Dr. Calawan.
"So paano Doc? Narinig mo naman, utang ni Adonis sa 'kin ang buhay niya. So, papagandahin mo na ba ako?!"

"You're crazy li'l thing! Okay!"

Yes! Napakasaya ko! Tumayo si Doc at may kinuha sa kanyang drawer, parang booklet na inabot niya sa akin.

"Heto kunin mo. Yan lang ang makakaya ko Betty para matulungan ka. Dalhin mo na 'to for free."
nasabi lang ni Doc.

Pagtingin ko sa booklet, "The beauty beyond imperfection (tagalog version)" ang title.

"Ano 'to?!"

"Matutulungan ka ng librong yan. Natural way muna, at kapag nakapagisip-isip ka na, dun ka magdesisyon kung gusto mo nga ba talagang magparetoke."
si Adonis ang sumagot.

"Pero..."

"Huwag kang mag-alala Betty. Tutulungan kita."
sambit ni Adonis.

Ngumiti na lang ako, sabay bukas sa librong hawak ko.

"The Beauty beyond imperfection"

"Everything starts with cleanliness"

Chapter 1 (Neat needed)

Gifted yung mga taong ipinanganak na maganda, may matangos na ilong, magandang mata, makinis na balat.
Pero kahit na nasa iyo na ang lahat ng ito, kung hindi ka naman malinis sa katawan, wala ring saysay, pagka't pangit pa rin ang tingin sayo ng iba.

Pero kahit hindi ka man kagandahan ngunit malinis sa katawan, aba, siguradong magnining-ning ka sa paningin ng iba. Tandaan "A good-looking person is always hot and sizzling."

Maraming paraan para mapanatili ang kalinisan ng katawan. Gumamit ka ng mga beauty products para kuminis ang iyong balat. Huwag kang manghinayang na ipagupit ang mahaba mong buhok, lalo na kung hindi mo naman talaga ito bagay. Huwag mong pilitin, magpagupit ka, maikli man 'to, basta magpagupit ka lang hanggang makuha mo ang gupit na babagay sa 'yo.

Mag-ahit ka! Hindi ka gaganda kung puro reklamo ka lang, dapat kumilos ka!

Haay! Teka! Teka! Awat na! Ano ba yan! Nakakatamad mag-basa! Pero may point din ang librong to ah! Kung pangit ka, idaan mo sa linis ng katawan, ang importante good looking ka at properly groomed! Ayos!

Bumili ako ng mga beauty products. Pantanggal pimples, pekas, skin infection at pampaputi at pampakinis.

Gusto ko sana magpaparlor kaya lang nahihiya ako, baka kasi pagtawanan lang nila ako dun eh!

"Anak! May bisita ka!"
sigaw ni Mama.

Sino naman kaya yun at keaga-aga bumisita? Laking gulat ko nang makita ko si Adonis, tapos may kasama siyang magandang babae.

"O Adonis, tuloy kayo. Paano mo nalaman bahay namin? Teka, ba't ka naparito?"

"Ah. Nandito ako Betty, para tuparin ang sinabi ko sayong tutulungan kita."

"Huh?! Paano?"

"Heto!"
sabay lingon sa kasama niya.

"Si Kate, kaibigan ko. Isang beauty expert."
pagpapakilala niya sa kasama niya.

Napakasaya ko. Tinulungan ako ni Kate ng mga tamang gagawin. Medyo maubliga nga lang pero kakayanin ko, gumanda lang ako.
Jogging, yoga, exercise, diet at kung ano-ano pa ang pinagawa sa akin.

Nung una ganadong-ganado ako, dedicated na dedicated, hanggang sa makaramdam na ako ng pagod.
Wala, tao lang ako, isa pa limang buwan na ang lumipas pero mataba parin ako at pangit.

Kasama kong nag-jogging si Adonis non eh! Sa may plaza kaming dalawa lang.
Lagi niya akong ini-encourage, sinusuportahan talaga niya ako sa ginagawa ko.
Pero talagang mahina ako eh!

"Pahinga muna tayo!"
hiling ko nang matapat kami sa isang wooden bench sa plaza.

Sabay inom ng tubig, sabay upo.
Tinitignan ako ni Adonis, tinabihan niya ako.

"Betty, bakit ba big deal sayo ang pagiging maganda? I mean, it's not the sun that matters, it's not the mountain nor the green trees, but, it's all about how you see the landscape, on how you can accept its wonders."
siryosong bigkas niya.

"Naiintindihan kita Adonis, pero alam ko din na napakadali lang sa 'yong banggitin ang mga salitang 'to, kase ipinanganak kang gwapo eh! Hindi mo naranasan ang lait-laitin ng iba, hindi mo natikman ang pangungutya nila, hindi mo alam ang pakiramdam kung papaano mapahiya sa harapan ng maraming tao! Ang maloko, ang maging tanga! Ako... Naranasan ko lahat 'yan! Buong buhay ko puro nalang panghuhusga! Buong buhay ko puro nalang luha, luha sa mga walang kwentang tao na akala mo kung sino kung manlait!"

Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang mga sinabi ko, pero ang mga katagang ito ang tunay na nagpaiyak sa akin. At napansin kong nagpaiyak din kay Adonis.

Hindi na siya sumagot bagkus binigyan niya ako ng isang mahigpit na yapos. Buong puso niya akong niyakap.

"Gusto mo ba talagang gumanda?"
tanong niya matapos ang ilang minuto ng iyakan namin.

Tumango lang ako.

"O sige, kakausapin ko si Daddy. May kaibigan siya na alam kong makakatulong sayo. Kaya humanda ka. Lilipad tayo sa Amerika."

Pumunta kami ng Amerika, napakasaya ko at nakilala ko si Adonis. Tuloy na tuloy na talaga ang pagpapa-retoke ko.

Si Dr. Calawan at ang kaibigan niyang si Dr. Behlo na isa ring Pinay ang magsasagawa ng operasyon.

"Iha, posible ang gusto mo, nasa 5th generation na ang technology dito, pero sigurado ka na ba sa gagawin mo?"
kinausap muna ako ni Dr. Behlo bago simulan ang operasyon.

"Opo."

At ang sumunod na nangyari, hindi ko na alam dahil pinatulog nila ako.

Paggising ko, nakahiga na ako, nakabalot ng benda ang buong mukha ko pati na buong katawan. Sakto lang nagkasiwang ang mga mata ko.
Tatlong araw na pala ang lumipas at ngayon lang ako nagising.

Salamat kay Adonis dahil hindi niya ako iniwan. Ilang linggo din akong namalagi sa ospital, sinuri pa nila ako ng mabuti.
Successful ang operasyon, ngayon maghihintay na lang ako para tuluyang gumaling.

Kung ano-ano naiisip ko, alam kong pagkatapos nito magbabago na ang takbo ng buhay ko.
Hanggang dumating ang araw na pinakahihintay ko. Tatanggalin na nila ang bendang nakabalot sa buong katawan ko.

"Now witness our creation Doc."
sambit ni Dra. Behlo kay Dr. Calawan.

Siya ang nagtanggal ng benda sa'kin. Inumpisahan niya sa ulo ko.
Binigyan naman ako ng maliit na salamin ni Adonis na nandito din at nanonood.

I'm so excited with my new face, the new me. Tutok na tutok ako sa hawak kong salamin.
Unti-unti ng pinapaikot ni Doc ang benda sa ulo ko. Unang lumantad ang kulay itim kong buhok, pansin ko agad ang pagka-shiny.

Maganda. Tunay na maganda.
Pinaikot pa ni Doc, lumantad ang noo ko, oh ang kinis ng balat ko, ang puti! Gusto ko ng maiyak.
Ang mga kilay ko, numipis na, parang kilay na talaga ng babae, at ang mga mata ko tila sumingkit, marikit.

Ang ilong ko, hindi ako makapaniwalang ganito na katangos, ang mga pisngi ko, blushy, kutis porselana sa magandang tabas ng mukha.

Sumunod na lumantad, ang mga labi ko. Hugis puso! Kissable at pulang-pula! Natural na kulay! Walang paglagyan ang galak ko!

Ang mga kamay ko, makikinis, malakandila, daig ko pa ang mga artista!

Paglingon ko sa dalawang bihasang Doktor pareho silang umiiyak.

"Look! Our finest creation! You're a God Doc! Congratulations, we did it!"
nauna pa talaga silang umiyak sa akin.

Kahit hubo't-hubad ako, wala na akong pakialam. Lumapit ako sa wall mirror para tignan ko ang buong ako. Titig na titig naman sa akin si Adonis, napapalunok at nagba-blush.

"From now on, Betty La Fea is dead!"
nasambit ko nalang sa tapat ng salamin kasabay ng patulo ng luha ko.

Parang ibang tao ang nakita ko sa salamin. Wala na yung dating mataba at pangit na hitsura ko.
Tamang laki ng boobs, tamang umbok ng pwet.
Ngayon parang taglay ko ang kagandahan ni Maria Osawa, ang tinaguriang 'perfect beauty'.

"And from now on, another me was finally born. I will now be a hottie and beautiful babe...Beatriz Pengson."
patuloy ko.

Walang paglagyan ang kasiyahan ko. Nagpasalamat ako sa mga taong tumulong sa akin at nangakong darating ang araw babayaran ko sila.

Hindi na rin kami nagtagal sa Amerika, bumalik agad kami ng Pilipinas, pero bago 'yon pinag-shopping muna ako ni Adonis.

Ang ganda nung nabasa kong banner ng isang Dress Botiuqe.
"If life gives you curves, flaunt it."

Pinili ko yung mga sexy at daring na damit. Ang sarap! Ang sarap maging sexy, ang sarap ng maganda, kahit ano'ng isuot ko bagay, bagay na bagay. Nakakapagsuot na rin ako ng shades! Finally!

Pagbaba namin sa airport, point of attention ako. Lahat nakatingin sa'kin, mapababae man o lalaki. Bawat makasalubong ko napapasulyap sa akin.

Nahahabag ang damdamin ko, gusto kong maiyak! Of all my life, ngayon ko lang naranasan ang maging 'center of attraction'.

Habang namimili ako ng pasalubong sa airport, biglang may lumapit sa akin. Isang matandang lalaki pero mukhang kagalang-galang dahil naka-american suit.

"Ehem. Excuse me please."
nagulat pa ako sa laki ng boses niya.

"Hi. I'm Ricky Reynes of David's beauty products."
pagpapakilala niya at inabot ang kamay sa akin.

"Beatriz Pengson"
tugon ko at nakipag-shake hands.

"You know I don't usually do this but i'm ahm, looking you from a distance and finally convinced myself na pupwede ka!"
patuloy niya.

"What do you mean Sir?"
pagtataka ko.

"I'm offering you a modelling career for our beauty products! Commercials, magazines, all kinds of advertising."

"Huwwaaattt???"
sa gulat ko muntik na akong mapasigaw.

O, teka! Poise muna! Baka isipin niya just just lang ako. Tindig, poise and attitude!

"Ehem! Em! I'll think about it Sir."
sagot ko.

"Great! Just give me a ring whenever you're ready."
sambit niya at inabutan niya ako ng calling card.

"I'll wait for your call!"
pahabol pa niya bago tuluyang umalis.

OMG! OMG! OMG!
I could'nt believe this! Ako commercial model?! Ang sarap talagang maging maganda!
At sa sobrang tuwa ko hinalik-halikan ko pa yung calling card niya habang nagtatatalon.

Kinwento ko 'to kay Adonis nang nasa sasakyan na kami.
Tuwang-tuwa rin siya para sa'kin.

"Mukhang perpekto talaga operasyon mo ah! Biruin mo hindi man lang niya nahalatang retokada ka! Ha Ha"
pagbibiro pa ni Adonis.

"Ano ka ba! Tumigil ka nga dyan! Ang importante magiging modelo na ako!"

"Baka naman kapag sumikat ka, makalimutan mo na kami? Baka naman magbago ka ngayong maganda ka na?"
drama ni Adonis.

"Sus! Ang drama ha! Hindi ako magbabago kahit kailan noh! Ako ay ako pa rin hanggang huli!"

"Ah talaga lang huh! Baka naman pag natatamasa mo na ang katanyagan, kainin mo na yang sinasabi mo? Basta lagi mo lang tandaan Betty, este, Beatriz, itong quote na to,
'Good looks wins over the eyes, but personality catches the heart.'"

(Please do not skip lines in reading)

Pag-uwi ko sa bahay, dun na nagsimula ang kalbaryo ng buhay ko.
Hindi ko sinabi kay Mama na magpapa-retoke nga ako, nahirapan ko pang patunayan na ako nga ang anak niyang si Betty.
Salamat na lang at naniwala din siya, pero talagang hindi niya matanggap ang ginawa ko.

"Bakit mo ginawa 'to Betty?! Bakit hindi ka makuntento sa kung ano'ng binigay sayo ng Maykapal?!"
yan yung sinabi ni Mama.

Galit na galit siya sa akin, napakasama ng loob niya, kulang na lang ipagtabuyan niya na ako, pero dahil mahal niya ako hindi niya ako matiis.

Inasahan ko na 'to eh! At inaasahan ko rin na balang araw mauunawaan at matatanggap din niya ang ginawa ko. Ang mahirap lang, Betty pa rin ang tawag niya sa akin, kahit ilang beses ko ng sinabi sakanyang, "Beatriz po!".

Pinuntahan ko rin si Amy sa office, syempre tulad ng inaasahan ko, lahat nakatingin sa akin. Lahat ng mga nangungutya at nangiinsulto sa kapangitan ko no'n, inggit na inggit sa kagandahan ko ngayon.
At lahat sila, tinataasan ko ng kilay.

Lalapitan ko na sana si Amy, pero naunahan ako ni Sir Ace.

"Amy, ano, hindi na ba talaga papasok si Betty?"
tanong niya kay Amy.

"Ewan ko nga po Sir. Hindi ko nga rin po siya makontak eh!"

"Ganun ba. Sayang naman. Magaling pa naman siya. Ba't di mo siya puntahan sa bahay nila?"

"Pinupuntahan ko po, kaya lang palaging walang tao sa bahay nila."
halata ko ang kalungkutan ni Amy.

"Ok. Basta sabihin mo sa kanya, welcome pa rin siya dito. I can't lose that girl."
pahuling salita ni Sir Ace atsaka na umalis.

Hindi ko inakalang manghihinayang siya sa pagkawala ko.

Bigla akong liningon ni Sir Ace nang mapansin niya ako.

"Ah. Miss, sino ka? Mukhang ngayon lang kita nakita dito?"
tanong niya sa akin pero nakatingin naman sa katawan ko.

"Ah. Eh. Aplikante po ako. Ang sabi po sa akin hanapin ko po daw si Ms. Amy Porez."
tugon ko.

Tinitigan ako ni Sir Ace mula ulo hanggang paa, may something. Tapos muli niyang nilingon si Amy.

"Amy, whenever you reached Betty, tell her she's terminated. Mukhang may papalit na sa puwesto niya."
sambit niya kay Amy, nginitian ako at tuluyan ng umalis.

Mga lalaki talaga! Putcha isang tingin lang niya sa alindog ko, pinalitan na agad niya si Betty na kanina lang sinasabi niyang magaling.

Ayos na rin dahil makakasama kong muli ang bestfriend ko. Walang kaalam-alam ang lahat na ang dating pangit na Betty La Fea, ako rin bilang magandang Beatriz Pengson.

Lahat ng kalalakihan dito dumidiskarte sa'kin, lalo na si Mark. Oo, si Mark. Gumanti ako sakanya, pinaasa ko siya, lagi ko siyang inaakit, pinaibig ko siya ng todo, pero sa bandang huli binasted ko siya. Pinahiya ko siya and he absolutely deserves it.

Hindi rin nagtagal nagtapat ako kay Amy na ako nga si Betty, na nagparetoke lang ako. Tulad ni Mama ayaw ding maniwala nung una, pero nung sabihin ko sa kanya ang tungkol sa malaking nunal niya sa singit, dun lang niya ako nakilala.

At tulad din ni Mama, nagalit din si Amy sa akin.
Ano ba?! Wala ba talaga akong karapatang sumaya?! Nung pangit ako, walang nagmamahal sa akin bukod kay Mama at kay Amy, ngayong maganda ako, minahal nga ako ng iba, nawala naman ang dalawang pinaka-importanteng tao sa buhay ko.
I realized something, indeed.

Tinawagan ko na si Ricky Reynes para tanggapin ang inaalok niya sa'kin.
Mula audition hanggang pictorials, pinag-workshop pa nila ako sa modelling, hanggang sa mapublish na ang mukha ko sa publiko.
Umusbong ang pangalang Beatriz Pengson sa industriya ng Pagmomodelo.

Sumikat ako, isang taon lang ang lumipas ginawaran na agad ako bilang "Best supermodel of the year" at dahil sa mabilis na pagsikat, bumilis din ang pagyaman ko. Ang problema, ni minsan hindi tumanggap ng pera si Mama mula sa pagmomodelo ko.

Ewan ko ba kung bakit galit pa rin siya sa'kin. Ang sabi ko pa sa sarili ko, "Bahala nga siya, laging nagiinarte! Ang pangit naman!"

Oo, nasabi ko yun kay Mama, hindi man niya n... Read More

About the Author :

Joined: July 10, 2013 (3 years old)
Writings: 177

Send PM · Male · Offline

I dreamt of being a published writer of inspirational and motivational stories, cause I want to inspire those who have physical disabilities and less fortunate people whom are downhearted. I want to bring hope into their hearts and I want them to see a beautiful world that's full of dreams.

I also want to share my thoughts about unconditional love, life's regrets and marital failures through Erotic stories. I may not change your world, but I wish, with my simple works, i've touched your hearts.
10 comments   1 favorite   2,699 views