Come Saturday (complete story)

October 8, 2015 (1 year ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Romance | Tags:

Come Saturday  (complete story)

by starst1949 aka stardust1949

This is a revised edition of my  original story posted here before. I intended to write an English version of this story  but deemed it unwise due to severe  nose and internal bleeding.  Rededicated to somebodyuused2 know. 

Thursday  9.00 P.M.

Pagpasok sa condo, nabungaran ni Weng na nakaupo sa sofa ang kaibigang si Carissa.  Umiinom ito  ng red wine. Sigurado siyang may mabigat na problema ang kaibigan. Hindi nainom ito ng magisa, lalo na sa bahay. Tinawagan siya nito kanina. Kailangan daw ng kasama. 

“Mukhang mabigat ang problema ni friendship ha”  Bungad ni Weng matapos umupo sa tabi ng kaibigan. Napansin niya na namumugto ang mga mata nito. 

“Kabisado ko na ang lungkot sa  mukha mo. At dalawang tao lamang ang alam kong  dahilan ng pagiyak mo.   Ang nanay mo at ang jowa mo.  Nakausap ko kanina sa phone si mommy kaya alam kong ok lang siya.”

 “So ano ang problema mo kay  Carlo? Ang magaling mong jowa.  May babae ba siya,  nagaway ba kayo, sinasaktan ka ba niya?”    

Tahimik  lang si Carissa. 

“Ewan ko nga ba sa iyo friendship, hindi ko talaga  maintindihan kung ano ang nakita mo sa doctor na yan. Oo,  may itsura pero hindi naman guwapo, may kaya pero hindi naman mayaman.. Higit sa lahat, may asawa at anak pa!”

“Hay naku Carissa, maiintindihan ko pa yung mga pumapatol sa may asawa  dahil  sa pangangailangan.  Mayroong kailangang  pagaaralin ang sarile, ang mga kapatid, , buhayin ang  pamilya. Yung iba  sabik sa material na bagay, bahay, kotse, alahas,  signature stuff, travel abroad, bakasyon grande  at iba pa. Marami din ang trip ay kapangyarihan.  Dagdag ko pa yung mga libog lang ang dahilan.” Sa tutoo lang, pokpok  lang din ang tingin sa kanila ng marami. High maintenance nga lang.” 

“Hindi naman lahat ganyan Weng” depensa ni Carissa.

“Oo na andun nako, may mga naloko lang at hindi na  makakalas. Pero ilan lang ba ang talagang  dahil sa tunay na pagibig.”

“Pero ikaw  friendship, pang beauty queen ang ganda ng mukha at katawan mo,  edukada, mataas ang posisyon sa trabaho. Galing ka pa sa buena pamilya. Hindi naman kung saan ka lang niya dinampot no!”  “Hindi ko talaga lubos maisip kung ano ang nakita mo dun at pumatol ka sa may asawa. Kung ano pinakain sa iyo nun at nagustuhan mo siya”.

”Alam ko na,  siguro malaki ang titi ni Carlo, ano.   Yun ang pinakain niya  sayo.  Kilala kitang babae ka, malibog ka!”

“Weng!” Natawa si Carissa sabay hampas ng throw pillow sa kaibigan.

“Ikaw talaga, kahit kalian ang bastos bastos ng bibig mo.”

“Pero kung kantot lang naman friendship, hindi  ka naman virgin nung makuha ni Carlo. Beterana ka na sex sa dame ng nakarelasyon mo. Mga hunks, mayaman, popular na tao, mga miyembro ng alta sosyadad katulad ng pamilya mo”

“Nagmahal lang ako ,Weng. Mahal ko si Carlo,  Weng.  Mahal na mahal!”  Halos pabulong na sagot ni Carissa. Kay lungkot ng kanyang mga mata. 

Ngayon lang  nakita ni Weng  na ganung kalungkot ang kaibigan. Ang umiyak dahil sa pagibig…dahil lang sa isang lalake.!  Ano ang nagbigay sa lalakeng yun ng kapangyarihan  at nakasalalay sa kanya ang lungkot at ligaya ng kanyang kaibigan? 

Mahabang katahimikan.

“Eh friendship, ano nga ang nangyari at malungkot ka? 

“Inom na lang muna  tayo Weng”  Inabot ang isang kopita sa kaibigan.

“Anong okasyon,  buntis ka?”  Tanong ni Weng

“Weeeeeeeng!!”

“Joke lang friendship” Ano ba talaga ang dahilan?”.

“ Nakapag desisyon na ako Weng.  Matagal bago uli ito nagsalita.

“Iiwan ko na si Carlo. Tatapusin ko na ang relasyon namin.”  Pilit pinatatag ni Carissa ang kalooban. 

“Ha  bakit?, may ginawa ba siyang hindi maganda sa iyo?”

“Wala Weng, napakabuti niyang tao.” Ngayon lang ako nakakilala ng ganun klaseng tao na inuuna ang kapakanan ng iba bago ang kanyang sarile .  Nilaan niya ang kanyang oras, talino at propesyon para sa mga kababayan  nating malayo sa kabihasnan.  Mas pinili niyang magsilbi sa mga ito kesa kumita ng malaki sa ibang bansa.  Napakabait niyang tao!.”

“Kung mabait siya, bakit ka niya pinatulan. Alam niyang may asawa at anak na siya”

“Nagmahal lang din si Carlo. Mula ng magkakilala kami sa isang medical mission na pinamahalaan niya at inisponsor ng aming kompanya, ay naikwento na niya sa akin ang tungkol sa kanyang pamilya. Kung gaano niya pinahahalagaan ito.  Alam ng Diyos na pinilit naming  pigilan ang  maging malapit sa isat isa. Pero nangyari ang hindi dapat mangyari. Hindi ko  maipaliwanag  kung bakit.”   

“Pero friendship, halos apat na taon na ang inyong relasyon, bakit nagtagal ng ganun?”

“Weng, maraming beses na ginusto ni Carlo na tapusin na ang aming relasyon. Hindi dahil sa hindi niya na ako mahal kundi  naawa siya sa akin dahil sa sitwasyon namin. Isa pa,  halos wala na nga siyang panahon sa akin dahil sa mga mission niya. Sa tingin niya ay unfair para sa akin.” 

“Pero nagagalit ako tuwing babangitin niya ang tungkol duon  at inaway ko siya. Sabi ko sa kanya papayag lang ako kung sasabihin niyang hindi na niya ako mahal!”

“Eh bakit ngayon payag ka na.  Hindi ka na ba niya mahal?  Sinabi na ba niya sa iyo?”

“Mahal na mahal ako ni Carlo. Nakikita ko yun sa kanyang mga mata, sa kanyang mga  salita at gawa.  Ngayon lang may nagpahalaga sa akin ng ganun sa dinami- dame ng mga lalakeng nagdaan sa buhay ko.”

“Eh bakit nga friendship?”

“Nakita ko si Carlo at kanyang pamilya sa mall nuong Lingo ng hapon.” “ Hindi ko kinaya Weng…ang sakit”

“Bakit? Alam mo namang may asawa at anak yung tao!" 

“Oo madalas maikwento sa akin ni Carlo ang tungkol sa dalawa niyang anak na babae. Pero iba pala pag nakita mo  ng personal.  Para akong binuhusan ng napakalamig na tubig. Nanigas ako sa pagkakatayo ko. Mabuti na lang hindi nila ako kita sa kinatatayuan ko.  Masaya  silang naglalakad. Ang gaganda ng mga bata tulad ng nasa picture na pinakita sa akin ni Carlo.  Bigla akong natauhan. Tinamaan ako Weng. Ang tingin ko sa sarile ko ay napakasama kong tao!”

“Alam mong galing ako sa broken family.  May ibang pamilya si papa. Alam ko ang sakit na dulot nito sa aking mama, sa aming magkakapatid.  Ayokong  maranasan yun ng mga anak ni Carlo. Ayoko ring patuloy na  nakawin pa ang  kakaunting panahon ni Carlo para sa kanila.”

“Paano ka friendship, kakayanin mo ba”

“Kailangan,  Weng., .bahala na. Sasabihin ko sa kanya. Pupunta siya dito sa Sabado ng gabi. Anibersaryo namin yun.  Na sa  medical mission siya ngayon  sa Compostela Valley. Sabado ng hapon  ang balik niya sa Manila. “  

“Naku,  friendship, kawawa naman kayo. Sana maging maayos ang lahat”

Tahimik na lang na naginuman ang magkaibigan. Napupuna ni Weng na malayo ang isip ni Carissa.

“O paano friendship, mauna na ako matulog at  may presentation pa kame sa kliyente bukas. Alam mo naman ang pressure  sa advertising.”

Tumuloy sa kuwarto si Weng.  Sanay na siyang matulog dito. May sarile nga siyang susi ng condo. Hati sila Carlo at Carissa sa upa nito. Ayaw ni Carissa na si Carlo lang  ang magbayad nito kahit anong pilit nito.

 Hindi pa talaga inaantok si Weng. Kaya lang, alam niyang kailangan na ng kaibigan na mapagisa. Hatinggabi na ng siya ay  makatulog.

Friday  2:00 A.M. 

Magulo ang isip  ni Carissa. Inaalala ang magiging eksena bukas. ….kung paano sisimulang sabihin ang kanyang desisyon na makipagkalas na kay Carlo. Hindi niya akalain na magtatapos sa ganito ang kanilang pagibig.  Matapos ang lahat ng kanilang  pinagdaanan para ipaglaban ito.  

Kabit, mistress,  husband stealer, home wrecker, pokpok  iisa lang ang ibig sabihin….nakikiapid siya sa asawa ng may asawa. Masakit  mang  isipin,  tutuo lahat yan.  Ang selebrasyon nila ng  pasko, bagong taon, Valentine’s day at birthday ni Carlo , laging kung hindi advanced ay delayed. Ang birthday niya , suwerte na lang pag tumama sa araw na libre si Carlo.

Ang kaba tuwing tutunog ang cell phone ni Carlo pag sila ay magkapiling sa condo. Tuwing maririnig ang doorbell. Ang mga  panakaw na tingin ni Carlo sa kanyang relo. Bihira rin silang lumabas dahil sa takot na baka may makakilala sa kanila.  Kung lumabas man sila ay patago na parang mga kriminal.   

Pero nawawala ang lahat ng sakit na ito kapag  magkapiling na  sila ni Carlo  gaano mang kaikli ang panahon para sa kanila.  Siguro hindi niya na malilimutan nuong first time na nag sex sila.  Medyo awkward pa nun  kasi nagkakahiyaan pa sila.  Napaiyak siya nun  dahil sa sobrang ligaya. Pakiramdam niya ay  nuon lang siya tunay na nahalikan, tunay na nahipo,  tunay na nakantot sa kabila ng  mga lalakeng nakapiling.  Kasi ngayun lang din siya nagmahal ng tutoo. At sa may asawa pa. Mapait ang ngiti niya sa sarile.  Masakit pala . Mabuti pa nuon sa iba niyang  nakarelasyon,  hindi siya kundi sila lang ang  nagmahal. Sila lang ang nasaktan. 

Friday  11:50  P.M.

 Hindi makatulog si Carissa. Pinipilit  tanggapin ang napipintong pagkawala ng pagibig. Lumabas siya k... Read More

About the Author :

Joined: December 10, 2014 (1 year old)
Writings: 3

Send PM · Male · Offline

Suggested writings:
11 comments   1 favorite   1,919 views