Cold Case

April 14, 2014 (2 years ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Sci-Fi and Fantasy | Tags:

Chapter V: Psychic-Link!

"I don't think tama itong gagawin natin, Susan" sabi ko sa kanya na dinikit niya ang katawan niya sa akin na napasandal ako sa gilid ng hagdanan "Anton" tawag sa akin ni Igme na nakalutang lang ito sa likuran ko. "Ah.. pasensya kana talaga kakatapos lang namin ni misis kaya ubos na ang lakas ko" nakangiting sabi ko sa kanya na pansin kong ayaw nitong bitawan ang alaga ko kaya hinawakan ko ito at pilit inalis sa harapan ko. "Bakit si Leslie pinagbigyan mo eh ako hindi, dahil ba maganda at seksi siya kesa sa akin? hmp!" sabi niya sa akin na nararamdaman ko na ang lamig ni Igme sa likuran ko "ah.. hin.. hindi naman sa ganun hehehe.. kakatapos lang talaga namin ni Lara kaya wala na akong lakas na maibibigay sayo" sabi ko sa kanya na kita kong dadakmain na sana niya uli ang alaga ko ng pinigilan ko ang kamay niya.

"Seryoso ako Susan, i'm sorry" sabi ko sa kanya na hinawakan ko siya sa balikat at nilayo ko siya sa akin at nginitian ko siya. Umakyat na ako sa hagdanan, nakita kong napayuko ang ulo nito na tila nasaktan ata sa pagtanggi ko sa advances niya. "Tama lang yun, Anton" sabi ni Igme sa akin at pagpasok ko ng kwarto nakita kong nakahiga na sa kama si Jessica at nakatagilid itong nakatalikod sa akin kaya di ko nalang siya pinansin at nagbihis nalang ako dahil medyo lumalamig narin kasi ang gabi. Matapos makapagbihis inayos ko na ang higaan ko sa sahig at nahiga na ako at napa "aahhh..." dahil sa pagod "pagod ba?" tanong ni Igme sa akin "oo, pero natatawa parin ako sa ginawa natin kanina" natatawa ako ng mahina "hahaha oo nga eh. Akalain mo tumakbo silang bitbit ang mga damit nila hahaha" natatawang sabi ni Igme.

"sshh.. baka magising si Jessica" mahinang sabi ko sa kanya na narinig kong umuga yung kama "silipin ko" sabi ni Igme na napangiti ito bigla "bakit?" mahinang tanong ko "tulog" sabi niya "akala ko pa naman kung ano na" sabi ko sa kanya. "Matulog ka na Anton, magbabantay ako" sabi niya sa akin na lumutang ito palabas ng pinto "salamat Igme" sabi ko sa kanya na pinikit ko na ang mata ko at nagkumot narin ako. "Anton... Anton..... Anton....." "ha.. si.. sino yan?" mahinang sagot ko "Anton... Anton... Anton.... " boses ng babae na tumatawag sa akin kaya bumangon ako at tumingin sa me pintoan "Anton.... tumakbo ka na... tumakbo ka na Anton..." sabi nito sa akin "sa.. saan... saan ako tatakbo?" tanong ko sa kanya "tumakbo ka na.. mapanganib dito.... Anton...." "si... sino ka ba? A-ano ang kailangan mo sa akin?" tanong ko sa kanya na nakita ko itong nakatalikod sa akin at tinuro nito ang lumang gusali na pinuntahan ko kanina.

Tumayo ako at tiningnan ang babaeng tumatawag sa akin "Anton... dali na.. tumakbo ka na.." sabi niya sa akin "te... teka...sino ka ba?" tanong ko sa kanya na dahan-dahan itong lumingon sa akin at napatigil nalang ako nung humarap ito sa akin. Napakaamo ng mukha niya, mapula ang labi, matangos ang ilong, mahaba ang buhok abot hanggang sa dibdib niya... ang mga mata niya.. parang mga mata ng isang anghel. "Anton... halika samahan na kita doon.. " sabay turo uli niya sa lumang gusali na dahan-dahan na rin akong humakbang papalapit sa kanya. "Halika... lumapit ka..." sabi niya sa akin na parang nagagayuma na ako sa kagandahan niya "Anton.... Anton.... Anton...." me ibang boses na tumawag sa akin "ha..." "Anton... ANTON!" na biglang me sumampal sa mukha ko dahilan para magising ako at nakita kong nasa harapan ko na pala si Jessica.

"Kanina pa kita tinatawag" "ha? ah... so..sorry" sabi ko sa kanya na natauhan ako bigla "ha? ah.. ano ang nangyari?" tanong ko sa kanya na parang nagulohan itong nakatingin sa akin "binabangogot ka ata eh" sabi niya sa akin "ha? ah... so.. sorry talaga si..sige matulog kana" sabi ko sa kanya na humiga uli ako sa sahig at kita kong tiningnan lang ako nito. "Oh God... Marasigan me dapat ka bang sabihin sa akin?" tanong ni Jessica na umupo ito sa gilid ng kama. "Wala, sige matulog ka na me pasok pa tayo mamaya" sabi ko sa kanya sabay tagilid ko at nagkunwaring natulog ako "alam kong gising ka pa, I know this is not the right time pero.. I need to know something" sabi niya "ano?" tanong ko "harapin mo ako Marasigan, wag kang bastos!" sabi niya sa akin na bumangon ako at umupo ako paharap sa kanya na para akong batang nakaupo sa sahig at pinapagalitan ng mama niya.

"Ano?" tanong ko "sabihin mo sa akin ang totoo" sabi niya "ang ano?" tanong ko "Hah! What is wrong with you?" tanong niya sa akin na napailing lang ako at tumingin sa relo ko "wala na tayong oras oh tingnan mo mag-aalas tres na" sabi niya. "I don't care, I need to know if I can trust you!" sabi niya sa akin na umiling lang ako "shake your head again one more time and I will kick you where you sit!" sabi niya sa akin. "Ano ito Doc, one of your sessions?" sabi ko sa kanya na tumayo ito bigla at tinaas nito ang paa niya na parang tatadyakan niya ako "teka!" sabi ko na hinarang ko ang dalawang kamay ko sa harapan ko. Umupo uli ito at sabing "Now tell me, I need to know If I can trust you" ulit niya na napa "haayyy.." nalang ako "yes, you can trust me" sagot ko sa kanya "now, do you trust me?" tanong niya sa akin na napatingin ako sa kanya "answer me!" sabi niya na tiningnan ko siya sa mata at sabing "yes, I trust you"

"Good, now tell me what's wrong with you?" tanong niya sa akin na wala na akong nagawa kundi sabihin sa kanya ang totoo "haayy... I don't know Doc kung maniniwala kayo sa akin o hindi" sabi ko "try me" sabi niya. "Well, bago ko sasabihin sayo ang tungkol sa akin me tanong lang ako sayo" "ano yun?" tanong niya "simula kasi nung unang araw na nagkita tayo sa office ni Sir Raymund me gusto lang akong itanong sayo tungkol dun sa kasama mo" sabi ko sa kanya "si.. sinong kasama ko?" takang tanong niya sa akin "yung babaeng naka blouse na puti na me bulaklak sa me kaliwang dibdib nito at itim na palda na tila tailor made ito para lang sa kanya, sino siya?" tanong ko na nabigla ito at napatakip sa bibig nya. "Ba.. bakit mo natanong?" "kasi... pansin ko parang matagal na ata siyang sumusunod sayo na parang binabantayan ka niya" sabi ko.

Kita kong naluha ito "uy, bakit ka naiyak?" tanong ko sa kanya "*(sniff)... lola ko yun....." sabi niya sa akin "sampung taon na siyang patay" dagdag niya na napangiti nalang ako "kaya naman pala eh, kita ko sa mata niya na natutuwa siya sa kinalalabasan mo ngayon pero parang nalulungkot siya.." sabi ko "bakit?" naluluhang tanong niya "kasi... yung pangarap niyang mag-asawa kana bago ka man lang umabot ng trenta.." di ko natuloy dahil tinadyakan niya ako sa mukha kaya napasandal ako sa pader. "Aray!" napasigaw ako sa sakit na biglang pumasok sa loob si Igme kaya tinaas ko ang kamay ko para pigilan siya "huhu... niloloko mo ba ako? ha!" naiiyak niyang sabi sa akin. Umayos ako ng upo at hinimas ko ang ulo ko na tumama sa pader kanina "di kita niloloko Doktora" sabi ko sa kanya "gusto mong malaman kung ano ang mali sa akin? well, nakakakita ako ng kaluluwa" kumpisal ko sa kanya na napaatras ito palayo na tila natatakot ito sa akin.

"Bakit ka umatras?" tanong ko sa kanya na tumayo ako at hinarap siya "Jessica, hindi ako multo!" sabi ko sa kanya na umiling ito "hi.. hindi.. impossible ang ganitong... ganitong... haa... imposible!" sabi niya sa akin. "Ano ang ganito? na magkaroon ng kakayahang makakita ng kaluluwa ang isang tao?" tanong ko sa kanya "OO, wala ito... wala ito sa mga pinag-aralan ko.. isa.. isa itong imahinasyon lang... oh God... what I... (bigla itong tumayo at kinuha ang bag niya at me hinanap ito sa loob).. it's... it's impossible.. impossible.. " parang nababaliw ito dahil kinakausap na niya ang sarili niya. "Anton.." tawag ni Igme sa akin na nagkatinginan kami "Jessica... ok ka lang ba?" tanong ko sa kanya na kinuha nito ang notes niya at me hinanap ito sa mga pages at nung nakita na niya "It is impossible for one to see a spirit or a ghost for such entity does not exist" basa niya sa notes niya.

"So, how can you see a ghost if they don't exist?" tanong niya sa akin na kita kong lumaki ang mga mata nito na narinig kong tumawa nalang si Igme kaya kinawayan ko ito para tumahimik "sorry Anton" sabi niya sa akin. "Jessica.." nilapitan ko siya na bigla itong umatras palayo sa akin kaya hinawakan ko siya sa kamay na nagpupumiglas ito bigla "would you please... aray" dahil kinagat ako nito sa kamay. "Seryoso ka!" sabi ko sa kanya na napatayo ako at tiningnan ang kamay ko "hahaha.. di mo nalang sana sinabi sa kanya Anton" sabi ni Igme sa akin "di ako tatantanan niyan eh" sagot ko sa kanya "Oh God, sino ang kausap mo? nababaliw ka na no?" natatakot nitong tanong sa akin na kinuha niya ang bag niya na hinahampas-hampas niya ito sa ere "ano ba ang ginagawa mo?" tanong ko sa kanya "parang na baliw si Doktora" sabi ni Igme sa akin.

"Jessica.. please makinig ka sa akin" sabi ko sa kanya na hinampas niya ako ng bag "ano.. akala ko ba open-minded ka?" tanong ko sa kanya na nahuli ko ang bag niya at hinila ko ito palayo sa kanya at nilagay ito sa gilid ng kama "please.. maupo ka..." sabi ko sa kanya na tumakbo si Jessica malapit sa bintana. "Dr. Dela Rosa!" tawag ko sa kanya na biglang tumigil ito at tumingin ito sa akin "please... " sabay turo ko sa kama para paupoin siya. "Ayaw ko.." sabi niya "haayyy... " sabi ko nalang na umupo ako sa sahig sa harapan niya at niyaya siyang umupo sa harap ko "ayaw ko.." sabi uli niya na lumingon ako kay Igme at tumango lang ito at lumutang ito palapit kay Jessica na sinundot niya ito sa braso na napatalon ito at napatili sa takot. Narinig tuloy namin ang pagbukas ng mga pintoan sa labas na alam kong kakatokin kami nito kaya tumayo ako at lumapit sa pintoan. "Edwin.. ok lang ba kayo dyan?" kinatok kami at tinanong kami ni Alan kaya binuksan ko ito at nakangiti akong humarap sa kanila.

"Sorry kung nagising namin kayo, ito kasing si misis sobrang sensitive hahahaha" natatawang sabi ko sa kanila "sus nagparayganay ra diay (sus, naglalambingan lang pala)" dinig kong sabi ni Susan kay Jake. "Pasensya na kayo" sabi ko sa kanila na isa-isa narin silang bumalik sa kwarto nila "sige pare, sa susunod wag masyadong alam mo na ha?" nakangiting sabi ni Alan sa akin "sige pare" sabi ko na kita kong nakatingin sa akin si Leslie at kinindatan ako nito bago sumunod kay Alan sa kwarto nila. Sinara ko na ang pinto at ni lock ko ito na kita kong nasa tabi parin ng bintana si Jessica "haayy... para maniwala ka sa akin..." "Anton...wag!" sabi ni Igme sa akin "wala akong choice Igme" sabi ko sa kanya "meron" sabi niya "ano?" tanong ko "kumbinsihin mo siya" sabi niya na napailing lang ako at kita kong tinitingnan ako ni Jessica na parang nababaliw ako dahil parang kinakausap ko lang ang sarili ko.

Lumapit ako kay Jessica at naupo sa sahig at tinaas ko ang dalawang kamay ko "halika ka" yaya ko sa kanya na umiling lang ito "para maniwala ka sa akin, halika umupo ka sa harap ko" sabi ko sa kanya na di parin ito gumalaw. "Gusto mo maramdaman uli ang naramdaman mo kanina?' sabi ko sa kanya na aktong lilingon na sana ako kay Igme na bigla itong umupo sa harapan ko at hinawakan ang mga kamay ko. "Hahaha.." natawa ako sa reaction niya "di nakakatawa" sabi niya kaya tumigil ako sa kakatawa at naging seryoso ako "anyway, haayyy.. walang ibang paraan kaya gagawin natin ito" sabi ko sa kanya na nanlalamig at nanginginig ang mga kamay nito sa takot. "Relax ka lang" sabi ko sa kanya "huminga ka ng malalim at ipikit mo ang mga mata mo" utos ko sa kanya na di niya ito ginawa "come on Jessica, ipikit mo ang mga mata mo at huminga ka ng malalim" sabi ko sa kanya na pinikit nito ang mga mata niya at huminga ito ng malalim "good, isa pa" sabi ko na huminga uli ito ng malalim "good, isa pa" sabi ko na ginawa niya uli ito at pansin kong kumalma na ito.

"Good, now clear your mind.. relax... just clear your mind" sabi ko sa kanya na naramdaman kong nawawala na ang panginginig sa kamay niya at bumalik narin ang init nito kaya napangiti ako at kita kong umupo sa gilid namin si Igme. "Seryoso ka ba, Anton?" tanong niya sa akin "oo" sagot ko na kita kong relax na relax na si Jessica "sige Igme, gawin mo na" sabi ko sa kanya na hinawakan ni Igme ang mga ulo namin na naging tulay siya para magkaroon kami ng psychic-link ni Jessica. "Jessica...." tawag ko sa kanya "naririnig mo ba ako?" tanong ko sa kanya "A...Anton? na... nasaan ka?" tanong niya sa akin "andito lang ako sa harapan mo" sagot ko sa kanya "ba.. bakit ang dilim? teka...; bakit naririnig kita sa... Anton!" sabi niya sa akin "hahaha.. " natawa si Igme "si... sino yun? ikaw ba yun Anton?" takang tanong ni Jessica sa akin. "Bakit di mo ibuka ang mata mo para makita mo siya" sabi ko kay Jessica na dahan-dahan nitong binuka ang mga mata niya at napangiti itong nakatingin sa amin ni Igme "hi" bati ni Igme sa kanya na nag "hi" din si Jessica sa kanya sabay bagsak nito sa sahig at hinimatay ito. "patay!" sabay sabi namin ni Igme.

Alas sais na ng umaga nung nagising si Jessica at tila parang panaginip lang sa kanya ang nangyari kanina na nginitian pa ako nito nung bumangon ito at nag stretch "hmmmm.. ang sarap ng tulog ko" sabi niya sa akin na kinuha ang tuwalya niya at gamit pangligo at lumabas ng kwarto. Nakabihis narin ako at hinanda ang mga dokyumento para ipresenta namin mamaya sa principal ng school na pagtuturoan namin. Makalipas ang ilang minuto bumalik na si Jessica at nginitian pa ako ng pagkatamis-tamis kaya ginantihan ko din siya ng ngiti at lumabas na ako ng kwarto dala ang folder para makapagbihis narin siya. Kaming dalawa palang sa hapagkainan nung nag almusal kami dahil yung iba mamaya pa magigising at naghahum pa si Jessica habang kumakain ng pandesal, nagkatinginan lang kami ni Igme na tila di kami nito pinansin.

Nagpaalam na kami kay manang Bebang na papasok na kami at sumakay na kami sa kotse namin na maganda ang mood ni Jessica kaya hinayaan ko nalang ito at umalis na kami papuntang skwelahan. "Pansin ko parang maganda ata ang gising mo ah?" tanong ko sa kanya nung nasa daan na kami "yeah.. ang sarap ng tulog ko, ikaw nakatulog ka ba ng maayos?" tanong niya "ah... medyo" sagot ko na napatingin ako kay Igme sa rearview mirror. "Ok lang ba siya Anton?" tanong ni Igme sa akin "oo, ok lang ako" sagot ni Jessica na bigla nalang itong natahimik at dahan-dahan lumingon sa likuran at kita kong nagbago ang expression sa mukha niya kaya pinarada ko agad ang kotse sa gilid ng kalye at hinanda ang sarili ko. "HAAAAAAAA....." sumigaw ito ng malakas na napatakip ako sa tenga ko at mabilis na lumipad palabas ng kotse si Igme dahil sa takot. Nagmamadaling lumabas ng kotse si Jessica kaya lumabas din ako "Jessica!" tawag ko sa kanya dahil tumakbo ito palayo sa amin.

"JESSICA!" tawag ko sa kanya na tinanggal ko muna yung susi ng kotse at hinabol siya "HOY! BUMALIK KA DITO!" tawag ko sa kanya na mabilis pa itong tumakbo sa akin "Anton!" tawag sa akin ni Igme na nasa likuran ko na pala ito. "Haa..haa... habolin mo..haa.." hinihingal ako "sige" sabi niya na lumipad ito ng mabilis papunta kay Jessica at kita kong bumalik ito nung sumulpot sa harapan niya si Igme at nagsisigaw pa ito nung tumakbo ito pabalik sa akin. "MULTO!!!" sigaw ni Jessica na kita kong nagpapanic na talaga ito kaya wala akong choice kundi yakapin ito at buti nalang nakabalance ako dahi kung hindi natumba na kami sa lupa. "BITAWAN MO AKO! ME MULTO.. ANTON ME MULTO!" pagsisigaw ni Jessica na tinakpan ko ang bibig nito at buti nalang walang tao sa paligid kundi malaking gulo ang mangyari.

"Ito ang sinasabi ko... aray... tama na!" sabi ko sa kanya na pilit itong kumawala sa akin na tinulak ako palayo at muntik pa akong kagatin nito "hiiiiiii ayan na siya.. ayan na siya... huhuhuhu..." napaiyak niyang sabi na napailing nalang ako. "Igme, umalis ka muna" utos ko sa kanya na tumango ito "sorry, Doktora" sabi ni Igme at naging transparent ito at maya-maya ay nawala na ito sa paningin namin "ayan, wala na siya" sabi ko kay Jessica na nanginginig pa ito "si..sigurado ka?" tanong niya "oo, haayyy.. tara balik na tayo sa kotse" yaya ko sa kanya na palingon-lingon pa ito nung naglakad na kami pabalik sa kotse. Nung nasa loob na kami tinulongan ko pa siyang isuot ang seatbelt niya bago ko pinaandar ang kotse "haayy..." nalang ako na tumingin ito sa akin sabay suntok ni Jessica sa braso ko "ARAY!" napasigaw ako sa sakit dahil tumama sa buto ko yung singsing niya.

"BAKIT DI MO SINABI AGAD NA NAKAKAKITA KA PALA NG KALULUWA HA!" sigaw nito sa akin na pinagsasampal ako sa braso "eh.. hindi ka kasi nagtanong.." rason ko sa kanya "WHAT THE FUCK WAS I SUPPOSED TO DO, YOU STUPID IDIOT!" galit niyang sabi sa akin na hinawakan ko ang mga kamay niya para tumigil ito. "Kaya nga di ko sinasabi sayo ang kakayahan ko dahil alam kong di mo ito maiintindihan, yung mga kasamahan ko nga sa trabaho na ilang taon na kaming magkasama di nga nila maintindihan ikaw pa kaya na ilang araw palang tayong nagkakilala" sabi ko sa kanya. "WELL YOU COULD'VE OPENED IT TO ME!" sabi niya sa akin "oh yeah? ano parang ganito na HI my name is Agent Anthony Marasigan, oh by the way nakakakita ako ng multo, ganun ba?" sabi ko sa kanya na natahimik to at umayos ng upo sa upoan niya. "Well.. " sabi niya na sinampal ako sa hita at sinuntok ako sa braso "very professional Dr Dela Rosa" sabi ko sa kanya habang umiilag sa mga sampal niya.

Makalipas ang kalahating oras nakarating na kami ng skwelahan na tahimik lang kami. Nung nasa harapan na kami ng gate, nagpakilala kami sa guard na bagong teachers ng school at tinuro sa amin kung saan namin ipaparada ang kotse namin. "Mag-ayos ka" sabi ko sa kanya dahil nagugusot kasi ang damit niya "shut up!' sabi ni Jessica sa akin nung naglakad na kami papunta sa principal's office "hi, good morning" bati ko sa secretary ng principal at nagpakilala kami sa kanya "please have a seat. i'm going to inform ma'am Rowena that you guys are here" sabi nung secretary at naupo muna kami sa silya. "Don't say a word!" galit na sabi ni Jessica sa akin nung magsasalita sana ako "get the fuck away from me!" sabi ni Jessica kay Igme nung lumutang ito palapit sa amin kaya napaatras ito at lumabas ng office.

"Hi, good morning!" bati nung matabang babae sa amin "i'm Principal Rowena De Guzman. i'm glad you guys are here" sabi niya na nakipagkamayan kami sa kanya at niyaya niya kaming pumasok sa office niya. "Ingrid" tawag niya sa secretary niya "yes ma'am?" "pwede ipagtimpla mo kami ng kape" utos ni ma'am Rowena "right away ma'am" sagot niya at pumunta ito sa kabilang kwarto at naupo na kami sa harap ng desk ni Principal De Guzman. "Bisaya?" tanong niya sa amin "sorry po ma'am" sagot ko na napalingon ako kay Jessica na ngayon ay nakangiti na "well, I'm glad that you guys are here, two days na kasing walang subsitute teachers ang dalawang classrooms ko" sabi niya sa amin. "Ano po ba ang nangyari dun sa dalawang teachers ma'am?" tanong ni Jessica "Well, I cant' really say pero just for the sake of their reputation naging mag-on sila without their spouses consent" nakangiting sabi ni ma'am Rowena sa amin na narinig namin ni Jessica na tumawa si Igme.

Tiningnan ni ma'am Rowena ang credentials namin at ibang mga recommendations at matapos ang formal introductions sa ibang mga teachers at sfaff ng school dinala na niya kami sa classrooms namin. "Good luck, Sir Hernandez" sabi ni ma'am Rowena sa akin nung matapos na niya akong ipakilala sa mga studyante ko, "good luck hon!' sabi ni Jessica sa akin na nginitian ko ito at lumabas na sila ni ma'am Rowena para ihatid siya sa klase niya. "Anton, sigurado ka bang me matutonan ang mga studyante mo sayo?" birong tanong ni Igme sa akin na inignore ko lang siya "good morning class!" sabi ko na sabay silang nag good morning sa akin. "My name is Edwin Hernandez and i'm going to be your substitute teacher" sabi ko sa kanila na tiningnan ko sila isa-isa at sa dulong upoan malapit sa bintana nakita ko si Charito.

Tinuloy ko ang huling lesson na iniwan ng teacher nila nung umalis ito at habang nagbibigay ako ng lecture binabantayan ko naman si Charito na kita kong nasa likod lang din yung lalakeng kasama niya kagabi sa damohan. Iniwan ako ni Igme habang naglelecture ako at nung tumunog ang bell pahiwatig na tapos na ang klase ko isa-isa na silang nagsitayoan at nakita kong nagmamadaling lumabas ng kwarto si C... Read More


About the Author :

Joined: February 5, 2014 (2 years old)
Writings: 114

Send PM · Male · Offline

4 comments   1 favorite   2,139 views