Closet Stories: Jay (Si Pinsang Anee)

June 28, 2015 (1 year ago)
Posted in Story: True Story, Tagalog | Categories: Erotic Couplings, Exhibitionist and Voyeur, Reluctance, One Night Stand | Tags: , , , ,

Kinabukasan ay tahimik akong kumakain ng almusal sa harapan nilang dalawa, pilit kong winawaksi ang eksenang nakita ko kagabi. Tulad ng dati, masyadong makuwento pa rin si Auntie Meng, habang tahimik namang kumakain si Uncle Sixto. May narinig silang tawag sa labas ng bakuran kaya agad na lumabas si Auntie Meng pumunta para alamin kung sino iyon.

“Ay…Jay, kilala mo pa ba ang kumag na ito?” sabay kutos sa binatang pumasok sa bahay.

“Pinsang Bobot kumusta ka na? Long time no see ha…”

“Insang Jay! Anong balita sa iyo? Ikaw ha hindi ka man lang dumaan muna sa bahay…”

“Pasensiya ka na napagod kasi ako kagabi sa biyahe kaya hindi na ako nakadaan sa bahay. Laking tao mo na pambihira ka, kung iisipin mo nga naman, dati eh nong naglalaro tayo hindi ka pa nagsusuot ng salawal noon…” biro ng binata sa pinsan.

“Oo na at huwag mo nang ungkatin ang nakaraan, matagal na iyon. Nandito kasi ako para ipaalam sa iyo na may sayawan sa kalye natin, sagot ng SK kaya sama tayo mamaya. Ako ang bahala sa mga date nating tsiks.”

“Oo sige ba. Hindi ko aatrasan iyan pinsan. Pero iyan ay kung papayag si Auntie Meng na sumama ako…”

“Eto naman…bakit naman kita pipigilan?”

“Baka po kasi magalit kayo kapag may kasama akong tsiks. Isumbong niyo pa ako kay mama…”

“Pasaway ka…sa edad mong iyan kailangan mo pa ng tsaperon? Kaya mo nang gumawa ng sarili mong desisyon. Nasa iyo iyan kung gusto mo nang magkaroon ng girlpren, di ba Sixto?”

“Hmp!” Sabay tawanan ang tatlo.

Alas singko ng hapon. Malakas na ang pagpapatunog ng disco music sa gitna ng kalsada ng barangay na binakuran ng mga kahoy ng ipil at dahon ng niyog. Unti unti namang napupuno ang mga lamesa at upuan ng mga kabataan na tila hindi na makapaghintay na makasayaw ang kani-kanilang mga kapareha.

Dumating si Bobot na may kasamang dalawang magandang dalaga. Nakasuot sila ng tubeless na blouse at naka short shorts halos makita mo na ang mga singit. Sa itsura at sa mga kilos nito, halatang mga sanay sa gimik.

“Jay, si Malu at Anee. Hindi mo ito alam pero mga pinsan natin sila, sa malayong kamag-anak lang. Doon sila nakatira sila sa Albay ”

“Hi kuya…ang guwapo naman ng pinsan ko…” sabi ng dalawa habang nakikipag-kamayan ako sa kanila.

Lumabas saglit si Bobot habang nagkukuwentuhan kami ng mga pinsan ko. Pagbalik niya ay may dala na itong isang case ng grande at mga tsitsirya. Pinagsaluhan namin ito habang nagsasayawan na ang mga kabataan sa tugtog ng disco. Ilang minuto pa at nagsayawan na rin kami at ng mga pinsan ko. Pagkatapos naming sumayaw ay tuloy uli ang aming inuman nang pinatugtog ang kantang “Heaven” ni Bryan Adams. Niyaya ako ni Anee na sumayaw.

“S-sige insan…pass muna ako…kayo na muna ni Bobot ang magpartner medyo tipsy na ako eh….”

“Kaya nga dapat isayaw mo iyan kuya para mawala ang hilo mo….huwag kang mag-alala, aalalayan kita…tutal slow dance lang naman eh…sige na…favorite song ko yung pinapatugtog eh…sige na pleassse?”

Dahil makulit si Anee, pumayag na rin ako kaya hinawakan ko na si pinsan sa makurba nitong balakang habang idinantay naman niya ang kamay niya sa balikat ko at sinimulang sumayaw kami nang dahan dahan sa mabagal na tugtog ng musika.

Salamat kuya ha? Paborito ko lang talaga itong kanta. Theme song kasi namin ito ng boyfriend ko eh.”

“Ganoon ba? Siguro love na love ka ng bf mo ano kasi feel na feel mo ang tugtog habang sumasayaw ka eh…”

“Hindi rin kuya…kasi…nakipag-break siya sa akin eh…”

“Ha? Bakit naman?”

“Ewan ko eh. Basta hindi na raw niya ako mahal, yun lang sinabi niya bago siya umalis pa-Maynila…” sagot ng pinsan ko na mangiyak-ngiyak.

“So sorry…no…I mean…I’m sorry for him kung bakit kasi siya nakipag-break sa iyo…hindi siya kawalan…maganda kang babae…marami ka pang makikilala…”

“Talaga kuya? Salamat ha…nauunawaan mo ang heartache ko…” biglang yumakap sa akin si Anee kaya naramdaman ko ang pagdantay ng malulusog niyang suso sa dibdib ko sabay halik sa labi ko na siya ko namang ikinagulat.

Napatingin tuloy ako sa kinaroroonan ni Bobot na matiyaga palang nanonood sa aming dalawa habang sumasayaw. Halata ring nakita niya ang paghalik ni Anee sa lips ko kaya nag-thumbs pa siya na tila aprubado sa nangyari sa amin.

Nang matapos ang slow dance ay bumalik na kami ni Anee sa pwesto namin sa lamesa at umupo para magpahinga. Habang pabalik kami ng upuan ay nakayakap na sa braso ko si pinsan na tila siya pa ngayon ang nalasing dahil medyo na-out balance pa siya sa paglakad kaya inalalayan ko na rin sa balakang. Ramdam ko tuloy ang lambot ng kanyang balakang.

Ilang minuto pa kaming nagkuwentuhan tungkol sa pami-pamilya namin, kung paano kami naging magpinsan, sa mga lovelife namin at kung anu-ano pa. Dahil nakailang tungga na naman ako ng baso ng beer ay bumalik na naman ang pagka-tipsy ko.

“Okey ka pa Kuya Jay? Lasing ka na yata eh…”

“Medyo naparami na naman yata ang inom ko eh…”

“Ano, sayaw uli tayo para mabawasan uli yang pagka-tipsy mo?”

“No…pagod na rin ako eh…uupo na lang ako dito…”

Kukulitin pa sana uli ako ni Anee na sumayaw pa pero may isang binata rin na nagyayang sumayaw silang dalawa. Tatanggi pa sana si Anee pero ako na ang pumilit sa kanya na tanggapin na ang alok ng lalaki kaya kahit nag-aalangan siyang iwan ako ay pumunta na rin siya sa gitna ng sayawan kasama ang binata.

Pangiti-ngiti pa akong kumakaway at pumapalakpak sa kanilang apat pero nang tumagal ay talagang tinalo na ako ng hilo kaya napayuko na lang ako sa lamesa.

“Kuya Jay…halika lakad tayo sa dagat…” sabi ni Anee na nasa tabi ko na pala uli kasama sina Bobot at Malu sa lamesa.

“Oo nga naman insan…maglakad-lakad muna kayo ni Anee sa pampang ng dagat…tutal low-tide naman ang dagat ngayon kaya okey lang na maglakad lakad doon…maliwanag pa ang buwan…sige na insan, baka masermonan pa ako ni Tita Meng nito kasi pinainom pa kita ng beer. Kabilin-bilinan pa naman niya na kapag iniuwi kita sa bahay dapat naglalakad ka sa sarili mong paa…” pakiusap ni Bobot.

Para wala nang masabi ang pinsan ko ay pumayag na ako sa gusto nila. Dahan-dahan akong tumayo habang hinawakan ako ni Anee sa balakang habang inaalalayan ako.

Maya maya pa at naglalakad na kami sa pampang ng dagat, magkahawak sa balakang na tila magsyota. Mabuti nga lang at madalang ang mga tao doon na karamihan ay abala sa pagpunta sa dagat dala-dala ang kanilang mga sakag panghuli ng hipon at alimasag.

“Alam mo Kuya Jay natutuwa ako at nagkakilala tayo…”

“Ako rin Anee, natutuwa ako kasi may nakilala na naman akong pinsan…”... Read More


About the Author :

Joined: July 7, 2013 (3 years old)
Writings: 235

Send PM · Male · Offline

an introvert, chronic smoker, 80s man exploring the dark recesses of my mind and materializing those abstracts through the push of a pen or keyboard.
13 comments   1 favorite   7,966 views