Chubby Ruby - II

February 16, 2016 (9 months ago)
Posted in Story: Fiction, Taglish | Categories: Erotic Couplings, Romance | Tags: ,

Hindi ko alam kung ano ang dahilan ni Edwin at gusto na niyang makipag break sa akin. Naguguluhan na ako, ang daming pumapasok na hinala sa isip ko.  

"Please tell me, ano ang nagawa ko? Saan ako nagkamali?" tanong ko kay Edwin.

"Its not you Ruby, its me."

"Stop that movie line bullshit Edwin, tell me right here, right now. Ano'ng nangyari sa atin?" 

"I told you its me. Nagbago na ako, nagbago na yung feelings ko. Kaya Ruby...let's end this."

"Hindi mo na ako mahal?"

Hindi makatingin si Edwin ng diretso sa mga mata ko. I feel that he's hiding something.

"Y-yes...hindi na."

Pinigil ko ang aking sarili. Gusto kong humagulgol at magmakaawa sa kanya pero nagpakatatag ako. 

"Bakit? Dahil may iba ka na? Dahil sa mataba na ako?"

"Y-yes..."

"Fine, goodbye." 

Tumayo ako at diretsong lumabas ng coffee shop. Pagkalabas ko ay sumabog na ang kinikimkim kong emosyon. 

Masakit. Ang sakit sakit ng ginawa ni Edwin. Dahil lang sa lumobo ang katawan ko ay naghanap na siya ng iba! 

Akala ko malalim ang pagmamahal niya sa akin. Yun pala kasing nipis lang ng payat niyang biceps!

Paglabas ko ng Trinoma ay agad akong tumawag ng taxi. Sumakay ako sa backseat at nagpahatid sa Valenzuela.

Habang nasa biyahe ay walang tigil ang ulan kasabay ng pagbagsak ng mga luha ko. Tapos ay sinabayan pa ng makabagbag damdaming kanta ng The Carpenters sa background.

"You got to love me for what I am for simply being me."

Don't love me for what you intend or hope that I will be.

And if you're only using me to feed your fantasy...

You're really not in love so let me go, I must me free."

Yes, I do want to be free.

Gusto ko ng makalimot agad, gusto ko ng mag move on at alisin ang mabigat na pakiramdam sa dibdib ko. 

But I can't...

Mahal na mahal ko pa din siya.

"………"

Sunday, exactly 2:15AM. Nagising ako ng maaga dahil sa depression. Kinuha ko ang laptop ko at nag-Facebook. 

Buburahin ko na ang mga pictures namin ni Edwin. Tatanggalin ko na ang relationship status namin. I'm single and ready to mingle!

Pagbukas ko ng FB ay malakas na kumabog ang dibdib ko dahil sa aking nakita. Nabago na ni Edwin ang relationship status niya, burado na ang mga pics namin and what's more shocking is yung status niya.

"Finally! We're together, forever! #myoneandonly" 

Tapos ay nakalagay ang picture nila ng bago niyang girlfriend. Sexy at maganda. Mukhang walang pambili ng pagkain.

I feel so insecure. 

Madaling-araw pa lang sobrang sakit agad ang nararamdaman ko habang binubura ang mga pictures ni Edwin sa FB at Instagram. After deleting his fucked up face in my social media accounts ay blocked na siya sa akin.

I'll move on. I must.

"………"

4:26PM, To help me ease the pain ay nakipagkita ako kay Claire at Grace Sa kanilang dalawa ko sinabi lahat ng sama ng loob na nasa dibdib ko.

Sa bahay nila Grace kami nagpunta at uminom ng alak. 

"Kleng! Manloloko talaga ang mga lalake! Mga user!"

"Ssshh...there, okay lang yan."

"Ruby eto'ng tagay mo, uminom ka na." alok ni Grace.

"Ayaw ko, Gracia naman! Alam mo'ng hindi ako umiinom."

"Diba kapag nasugatan nilalagyan dapat ng alcohol? Oh inom na at i-disinfect mo yang sugat sa puso mo." 

Uminom kaming tatlo. Masakit sa ulo pero nasabi ko lahat ng dapat kong sabihin. Hanggang sa may sinabi si Claire,

"Ruby bakit hindi ka mag gym? Ibalik ang mala-diyosang figure? Tapos kapag bumalik siya sayo durugin mo! Reject mo! Haha!" 

Tama si Claire. Magsisisi siya na iniwan niya ako. Makikita mo Edwin!

Babangon ako at maglalaway ka.

"………"

Wednesday 6:04PM, buo ang loob at puno ng kumpiyansa sa sarili ay nagpunta ako sa Walter Mart Muñoz upang mag workout sa Gold's Gym.

I'm wearing lose t-shirt to hide my belly at jogging pants para secured ang mga pata tim.

Habang hinihintay ang aking trainer ay nagsimula na akong mag warm up. I stretched my body at nagsa-shadowboxing para mawala ang very light na kaba.

"Hi Ikaw ba si Ms. Ruby?" 

Lumingon ako sa tumawag sa akin and my jaw almost dropped upon seeing his face.

OMG...conscious, pressure, ang hot! 

For while, akala ko talaga si Derek ang kaharap ko, ready na ang vocal cords ko para tumili, handa ang ang pagkatao ko para magwala.

Para yumakap at humalik!

"Y-yes, ako nga Sir."

"I'm Jason, your trainer. Nice to meet you." inabot ni Jason ang kanang kamay niya.

Ipinunas ko muna ang kaliwang kamay ko sa aking jogging pants, pasmado kasi ako. After that ay nag-shake hands na kami.

Shake hands pa lang orgasmic na! 

"Uhm, can we begin our training?" tanong ni Jason habang mahigpit pa din ang hawak ko sa kamay niya.

"Aaay! Opo, sige Sir push!"

Naupo kami sa isang sulok ng gym. Magkadikit ang balikat namin kaya halos mawalan ako ng malay habang nag-uusap kami.

"I have some questions, please give me your honest answer."

"Bakit ka nasa gym? Ano ang goals mo?"

Dahil honest ako ay sinabi ko ang lahat kay Jason. Gusto kong gumanti at ipakita sa EXBF kong si Edwin na nagkamali siya ng iniwanan. 

"What a stupid reason." sambit ni Jason habang umiiling.

"Change for your own good, not for other people. Dito dapat magsimula ang motivation." he said sabay hawak sa dibdib ko. 

Nakaramdam ako ng kakaibang init habang hawak niya ang dibdib ko. 

"Okay let's begin some light exercises for today." he said.

"………"

After our workout, Jason invited me to dinner, hindi na ako nagpakipot dahil gutom ako. Dinala niya ako sa Shakeys na nasa loob din ng Walter Mart. 

He ordered one party size Manager's Choice pizza, pasta plater, bucket of mojos & chicken at bottomless iced tea. The scent of freshly cooked pizza instantly removes the pain of my heart.

Habang kumakain kami ay si... Read More


About the Author :

Joined: November 10, 2015 (1 year old)
Writings: 59

Send PM · Male · Offline

SEO Copywriter & Entrepreneur
23 comments   0 favorite   3,102 views