Cheating in September 6

July 21, 2015 (1 year ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Wife Lovers, Romance | Tags: , , , , ,

Cheating in September 6IKAANIM - Malungkot na Kaligayahan

Ganoon na lamang ang pasasalamat ni Soledad dahil hindi natuloy ang kaniyang tangkang pagtataksil, sapagkat pagdating niya sa bahay ay nadatnan niya si Samuel na nasa tapat ng kanilang pintuan.

"Soledad? Soledad mahal ko, ako'y nandirito." sigaw nito habang sunod-sunod na katok ang ibinabato sa pinto. Hindi niya alam na ang kanyang asawa ay nakatayo na sa likuran niya at nalulunod na sa sariling luha.

"M-mahal ko..." mababaw na tinig at nasasakdal na boses ang narinig niyang nagsalita sa kaniyang likuran.

Paglingon ni Samuel ay nagulat na lamang siya nang makita niya ang hitsura at gayak ng kaniyang sinisinta. Napabitaw siya sa kanyang bitbit na bagahe at mabilis niyang linapitan si Soledad.

"Mahal ko, ano ang nangyari, bakit ikaw ay umiiyak?" tanong ni Samuel kasunod ay yakap matapos nitong punasan ang luhang dumadaloy sa pisngi ni Soledad.

Gumanti ng mahigpit na yapos si Soledad sa mga kamay na nakagapos sa kanyang katawan, "W-wala mahal ko... Ako'y nagulat lamang at nagagalak sapagkat ikaw ay bumalik na. Ang buong akala ko ay hindi mo na ako uuwian..." naisagot na lamang ni Soledad, ngunit ang katotohanan ay luha ito na idinulot ng matandang konsehal.

"Patawarin mo ako mahal ko kung ako ay ngayon lamang nagbalik. Mangyari ay nagkaroon lamang ako ng kaunting suliranin sa Siyudad ng Maynila..."

"Huwag mo na itong alalahanin irog ko, datapwa't ang mahalaga sa akin ngayon ay nandito ka na..."

Tumindi ang pagtangis ni Soledad, lalong lumakas ang kanyang paghagulgol sa bisig ng kanyang asawa.

"Tahan na Soledad..."

Pagpasok nila sa bahay ay nagtimpla kaagad ng maiinom na kape si Soledad para kay Samuel. Hindi pa rin humuhupa ang kaba sa kaniyang dibdib, at hindi pa rin nawawaglit sa kaniyang gunita ang nangyari sa kanila ni konsehal Dutarte.

"Mahal, maiwan muna kita, gusto ko sanang maligo muna bago kita harapin." natabunan na ang mga gustong itanong ni Soledad, dapat sana'y kukumustahin nito ang tungkol kay Samuel at sa nabasa niya sa pahayagan ngunit gusto muna niyang ibabad sa tubig ang kanyang katawan.

"Sige lang mahal ko..." maiksing tugon ni Samuel habang humihigog ng kape sa tasa.

Pagpasok ni Soledad sa banyo ay mas nauna pang bumuhos ang kanyang luha kaysa sa pagbuhos ng tubig mula sa kanyang hawak na tabo. Gusto niyang banlawan ang katawang kahit papaano ay nadungisan ng konsehal.

Matapos niyang makapagbuhos ng dalawang tabong tubig ay doon na niya naisipang hubarin ang suot niyang daster. Hindi niya malabanan ang patuloy na lumalamon sa kanyang kaisipan na pilit na nagsasabing siya ay isang maruming babae.

Pagkatapos niyang maisabit ang nahubad na daster ay umupo na siya sa isang bangkito sa tabi ng dalawang baldeng tubig, at sa pagsalok pa lang ng tabong kaniyang hawak ay muli na namang bumagsak ang luha sa kanyang mga mata.

Animo'y isang babaeng pinagtaksilan ng tadhana, tila isang mababang ibon na diring-diri sa kaniyang sarili sapagkat ayaw niya sa nangyayari. Na umaasang muling malinisan ang katawan sa pamamagitan ng pagliligo.

Bawat pahid ng sabon sa kanyang katawan ay punong-puno ng poot. Kulang na lamang ay magasgas na ito sa tindi ng kaniyang paghihilod. Lalo na sa kanyang kaselanang walang humpay na hinalik-halikan at dinila-dilaan.

Mga ilang saglit pa ay biglang bumukas ang pinto at pumasok ang kaniyang asawa, na sa mga oras na yaon ay hubo't-hubad na rin.

"Mahal, ano ang ginagawa mo rito?" tanong ni Soledad na biglang natigilan sa pagsasabon sa kanyang sarili.

"Ipagpaumanhin mo aking mahal, ako ay tunay na nanabik na sa iyo..."

Mabuti na lamang ay hindi napansin ni Samuel ang luha ni Soledad na sa unang tingin ay aakalaing tubig. Lumapit si Samuel kay Soledad at hinawakan niya ang magkabilang braso nito upang alalayang tumayo.

"Ngunit mahal ko... Ang... Ang katawan ko ay hindi pa m-malinis." pagpupumiglas ni Soledad.

"Ha Ha Ha" napatawa si Samuel, "Ano ba ang iyong sinasabi? Hayaan mong ako na lang ang bumanlaw sa masabon mong katawan." patuloy niya.

Ngunit ang hindi alam ni Samuel ay iba ang tinutumbok ng kaniyang magandang asawa. Hindi literal na katawan ni Soledad ang kanyang ibig na sabihin, kundi ang kaluluwa nito na nadumihan sa piling ng konsehal.

Sumalok ng isang tabong tubig si Samuel at ibinuhos nito sa masabon na katawan ni Soledad. Umusad agad ang init sa buong katawan ni Samuel habang pinagmamasdan ang hubad at basang katawan ni Soledad.

Init din ang nararamdaman ni Soledad sa bawat haplos ng kamay ni Samuel habang pinaphiran nito pababa ang sabon sa kaniyang katawan. Senswal, malamlam at punong-puno ng pagmamahal ang kanilang malagkit na tinginan.

Sa mga oras na ito ay gustong kalimutan ni Soledad ang masaklap niyang naranasan sa kamay ni konsehal, at ituon na lamang ang kaniyang buong atensyon sa kanyang asawa.

"Mahal ko, ako ba'y iyong aakinin dito sa banyo? Ikaw ba'y hindi na makapaghintay sa aking paliligo at makarating sa ating kwarto?"

"Ganoon na nga irog ko, sapagkat ako'y sabik na sabik at punong-puno na ang salop..."

"Ha Ha" napangiti si Soledad, "Pilyo ka talaga mahal ko..." kasabay ng paglapat ng mga palad niya sa magkabilang balikat ni Samuel, "Nais mo na bang ilabas kung ano man yang naipon mo mahal?" habang magkasabay na hinihimas-himas ang magkabilang balikat ng kaharap niya, pababa sa dibdib nito.

"Bakit, ikaw ba mahal ko, ayaw mo ba, ha?" ang mga kamay naman ni Samuel ay humawak sa magkabilang baywang ni Soledad.

"Hmm... Sa tingin mo ba'y maglalambing ako ng ganito kung ayaw ko?"

Pagkasabi ni Soledad ay inabot niya ang mga labi ni Samuel upang halikan, at nang maglapat na ang kanilang mga labi ay magkasabay silang pumikit.

Nakatayo silang magkahalikan na tila ba ngayon lang natikman ang isa't-isa. Halikang tila ba wala ng bukas. Halikang puno ng emosyon at kaligayahan, halikang malasa na pinakapinapanabikan ni Soledad, at para sa kanya ay tanging si Samuel lang ang nakakapagbigay tamis.

"Ang sarap mo talagang humalik mahal ko..." nagsimula nang mag-init si Soledad.

"Mahal ko, ang sarap talaga ng mga labi mo..." nagsimula na ring manggigil si Samuel.

Sa sobrang panggigigil ni Samuel ay umusad ang mga kamay niyang nakahawak sa baywang, patungo sa magkabilang pisngi ng puwet ni Soledad.

Nadama kaagad ni Soledad ang magkabilang palad na ito, na ngayo'y banayad na hinihimas ang kaniyang puwetan. Napayakap siya kay Samuel at muli siyang nakipaghalikan.

Sa gitna ng natatamasang kaligayan ni Soledad sa mga oras na ito ay may munting kalungkutang namamalagi sa dulo ng kaniyang isipan, ngunit pilit niya itong binubura alang-alang sa g... Read More


About the Author :

Joined: July 10, 2013 (3 years old)
Writings: 177

Send PM · Male · Offline

I dreamt of being a published writer of inspirational and motivational stories, cause I want to inspire those who have physical disabilities and less fortunate people whom are downhearted. I want to bring hope into their hearts and I want them to see a beautiful world that's full of dreams.

I also want to share my thoughts about unconditional love, life's regrets and marital failures through Erotic stories. I may not change your world, but I wish, with my simple works, i've touched your hearts.
2 comments   0 favorite   3,426 views