Cheating in September 3

July 18, 2015 (1 year ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Wife Lovers, Romance | Tags: , , ,

Cheating in September 3IKATLO - Ang Paghihintay

Telegrama, o kahit sulat man lang ay walang natatanggap si Soledad mula sa kanyang lumisan na asawa. Nawawalan na siya ng pag-asa para sa pinanghahawakan niyang tiwala kay Samuel. Mahigit dalawang buwan na rin ang lumipas mula noong umalis siya, at mahigit dalawang linggo na rin ang nakakaraan buhat noong masira ang pangakong pagbabalik ni Samuel.

Nababahala na ang kalooban ni Soledad. Paubos na rin ang salaping iniwan sa kanya ni Samuel. Ang iniisip niya ngayon ay kung paano kikita ng salapi upang maitawid niya ang kanyang sarili hanggang sa muling pagbabalik ni Samuel. Oo, umaasa pa rin siya na isang araw ay muling magpapakita sa kanya ang lalaking kanyang pinakamamahal.

Isang araw ay kumatok sa kanyang pintuan si Aling Mirasol. Nang pagbuksan siya ni Soledad ay isa lamang ang unang sumagi sa kanyang isipan,
"Ginang Mirasol, maari po ba akong makiusap sa inyo na kung maari sana'y sa isang linggo ko na lamang po iaabot sa inyo ang singil sa renta?"

"Ah. Nagkakamali ka hija, hindi ako naparito upang maningil ng paupa." habang nagsasalita ay binuklat nito ang hawak niyang pahayagan sa harap ni Soledad atsaka nagpatuloy, "Nais ko lamang ipasilip sa iyo ang nilalaman ng pahayagang ito. Hindi ba't Samuel De Belen ang ngalan ng iyong asawa?"

Biglang kinabahan si Soledad nang matumbok ni Aling Mirasol ang pangalan ng asawa nito. Mabilis niyang tiningnan ang artikulo sa pahayagan kung saan nabasa ni Aling Mirasol ang balita tungkol kay Samuel.

Ukol sa kanyang nabasa ay kanyang napag-alaman na ang pangalan ng kanyang asawa, Samuel De Belen ay nasangkot sa isang malaking kalakalan ng bawal na gamot, na nasakote ng mga Pulis Maynila sa mismong siyudad.

"Ayon dito, ang asawa mo ay kasama sa mga nakatakas at ngayon ay kasalukuyang pinaghahanap ng kapulisan sa Maynila..."

"Ako'y mawalang galang na po Ginang Mirasol, hindi po ako sang-ayon sa tabas ng inyong dila. Kung maari po sana ay huwag kayong manalita laban sa aking asawa. Hindi po ba ninyo naisip na maaring kapangalan lamang po ng asawa ko ang lalaking binabanggit dito sa pahayagan?"

Bagaman paulit-ulit na nabasa ni Soledad ang nasabing laman ng pahayagan ay ayaw pa rin nitong maniwala. Para sa kaniya ay isang mabuting tao ang kanyang Mister, at ni katiting na buhangin sa dagat ay hindi magagawa ni Samuel ang ganitong uri ng gawain.

"Ipagpaumanhin mo hija, ang sa akin lamang ay pag-aalala para sa iyong asawa."

Pag-alis ni Aling Mirasol ay siya ring pagtulo ng luha sa mga mata ni Soledad. Masasabing sa kaniyang puso't isipan ay hindi siya naniniwala sa kanyang nabalitaan, ngunit hindi niya maikaila ang alinlangan at pangamba sa kanyang gunita.

Malaki rin ang posibilidad na maaring ang asawa nga niya ang inutukoy sa pahayagan.

Dito nabuo ang desisyon niya na sundan ang kanyang asawa, kahit hindi niya mawari sa sulok ng kaniyang isipan kung papaano hahanapin si Samuel sa malaking siyudad ng Maynila.

At paano ba niya ito gagawin kung nag-iisa na lamang siya sa buhay? Alam niya na hindi na siya maaaring bumalik sa kaniyang pamilya upang hingan ng tulong, sa kadahilanang itinakwil na nga siya ng mga ito at natitiyak niya na hindi na siya tatanggapin pang muli sapagkat mas mahalaga ang puri at dangal kaysa sa kanilang sariling anak.

Isa na lamang ang pumapasok sa isip niya na natitiyaak niyang makakatuloong sa kaniyang mabigat na pinagdadaanang suliranin... Ang Konsehal!

Minsan kasing nabanggit ni Konsehal Dutarte kay Soledad na kung sakali mang kailanganin niya ang tulong nito ay huwag siyang mag-aatubiling magsabi. Ano mang oras ay handa niya itong tulungan.

Noong oras ding yaon ay lumisan si Soledad upang puntahan si Mang Berting upang isangguni ang nais nitong hangarin kay Konsehal.

"Manong Berting, may pakay po sana ako sa inyo ukol kay Konsehal Dutarte." paunang kataga ni Soledad nang magkaharap na sila.

"Ano ang nais mong ipabatid sa kanya? At aking sasabihin kapag nagkasalubong kami ng landas."

"Ang totoo po Manong Berting, nais ko po sana na mata sa mata ko itong sambitin kay Konsehal."

"Ang ibig mo bang sabihin hija ay gusto mong makaharap si Kumpadre upang aktwal mong ihayag sa kaniya ang iyong nais?"

"Kung inyo pong mamarapatin, ganoon na nga po ang ibig kong mangyari."

Napangiti ng palihim si Mang Berting nang sumagi sa kanyang isipan ang naging usapan nila ni Konsehal Dutarte. Sa wari niya ay dumating na ang matagal ng hinihintay ng kanyang matalik na kumpadre. Ang lapitan siya ng babaeng matagal na niyang inaasam.

Walang padaka-daka'y matulin na nagpalit si Mang Berting ng kasuotan at sinamahan niya ang kawawang si Soledad sa tirahan ni Konsehal Dutarte.

"Tuloy kayo mga giliw kong panauhin. Huwag kayong mahiya. Umupo kayo."

Galak na galak si Konsehal Dutarte nang makita niya si Mang Berting na may kasamang Anghel. Si Soledad, na ngayon mukhang hindi na Anghel sa kaniyang paningin kundi isang Dyosa na ng kagandahan. Lalo naman kasing gumanda itong binibini mula noong huli niya itong makita.

"Magandang buhay kagalang-galang na Konsehal." ang naging bati sa kanya ni Soledad.

"Kumusta ka Kumpadre?" ani Mang Berting, "Aking sinamahan si Binibining Soledad pagkat mayroon daw siyang nais isangguni sa iyo." patuloy niya.

Hindi matanggal ang mga mata ng konsehal sa kakatanaw sa magandang pangangatawan ni Soledad. Pinagmamasdan niya ito mula ulo hanggang paa, at isa lang ang nasabi niya sa kaniyang sarili, 'Dumating na ang araw na matitikman ko na ang kalangitan ng isang dyosa.'

"Ibuka mo ang iyong mapupulang labi binibining Soledad at sabihin sa akin ang iyong pakay." litanya ni Konsehal Dutarte nang makaalis na si Mang Berting. At ngayon ay sila na lamang ni Soledad ang natitira sa kanyang tahanan.

Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Soledad at diretsahan niyang sinabi ang kanyang problema, "Salapi Ginoong Dutarte, salapi mo ang ipinagparito ko."

Napatindig si Konsehal Dutarte sa kanyang narinig, "Aba binibini, hindi ko inaakalang ganyan ka pala kadiresahan kung magsalita. Ngunit inaamin ko na bilib ako sa tapang na pinapakita mo. Saan mo ba gagamitin ang pera?"

"Mangyari po ay gusto ko sanang sundan ang aking asawa na naparoon sa siyudad ng Maynila. Ako po'y lubos na nag-aalala na sa kanya sapagkat mahigit dalawang buwan na po siyang hindi bumabalik..." malungkot na sambit ni Soledad.

"Marahil ay ganoon na lamang ang pagsinta mo sa iyong irog, ngunit hindi mo ba naiisip na baka wala nang balak pang umuwi sa iyo ang iyong katipan?"

Napayuko si Soledad at tila lalong nalungkot sa kanyang narinig, "Huwag niyo naman po sanang sabihin ang ganyang bagay Ginoo. Ako po ay lumalapit sa inyo upang ako'y tulungan, hindi para husgahan ang aking asawa."

"Tingin ko sa iyo ay matalinong babae... Sayang ka at sa ganoong uri ka ng lalake nakiulayaw. Sayang ang iyong kagandahan."

Ang hindi alam ni Soledad ay pinapaikot lang siya sa mga salita ni Konsehal Dutarte.

"Iyan po ay pagmamalabis na at pang-iinsulto na kay Samuel. Hindi niyo po siya kilala, sa kanya po ay marami ding maipagmamalaki, kaya't nakikiusap po ako sa inyo na huwag siyang laitin ni maliitin."

Pagkasabi ni Soledad sa mga bagay na ito ay biglang tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Umiyak siya sa harapan ni Konsehal Dutarte. Magkaharap silang nakaupo sa isang maliit na mesa na may nakapatong na dalawang tasang kape.

"Tahan na hija. Ipagpaumanhin mo ang aking kalapastanganan. Madali para sa akin ang dalhin ka sa Maynila, kada linggo ako'y lumuluwas lulan ng aking sasakyan, sapagkat may mga negosyo ako doon." napatahan si Soledad sa kanyang narinig at nagtuon ng atensyon sa kanilang pag-uusap,
"Madali rin para sa akin ang hanapin ang asawa m... Read More


About the Author :

Joined: July 10, 2013 (3 years old)
Writings: 177

Send PM · Male · Offline

I dreamt of being a published writer of inspirational and motivational stories, cause I want to inspire those who have physical disabilities and less fortunate people whom are downhearted. I want to bring hope into their hearts and I want them to see a beautiful world that's full of dreams.

I also want to share my thoughts about unconditional love, life's regrets and marital failures through Erotic stories. I may not change your world, but I wish, with my simple works, i've touched your hearts.
24 comments   0 favorite   4,464 views