Carnal

October 17, 2014 (2 years ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Romance | Tags:



Chapter XX: Day Off!

Nagkatinginan kami ni papa at napailing nalang siya at sabing "hintayin kita sa labas" at tumalikod siya at bumaba ng hagdanan, tumingin ako sa pintoan ng kwarto ko baka kasi sumilip si ma'am Chello bago ako sumunod sa baba at naupo sa tabi ni papa sa labas ng bahay. Pareho kaming nakatingin sa gate at ni wala sa amin ang nagsalita, naririnig ko pang tumataghoy ang papa ko na alam ko na ang ibig niyang iparating. Pagdating kasi sa personal na bagay hindi ka niya tatanongin hihintayin ka lang niya na ikaw ang magkwento tungkol nito kaya siya tumataghoy para ipaalam sa akin na binibigyan niya ako ng pagkakataon na sabihin, ipaliwanag o ikwento sa kanya ang totoo. "Pa" panimula ko na tumigil siya sa kakataghoy at tumingin siya sa akin "opo" sabi ko na inakbayan niya ako at nginitian ako.

Tumingin siya sa loob ng bahay bago sabing "ok lang naman sa akin yan anak, girlfriend mo ang boss mo, ok lang talaga sa akin, wala naman akong pinipili basta ang importante maging totoo kayo sa isa't-isa at nagmamahalan kayo" sabi niya. Tahimik lang ako "kilala mo naman ako hindi ba?" tanong niya sa akin habang nakangiti parin siya sa akin "opo" sagot ko "haaayyyy hindi kana talaga bata" sabi ni papa sa akin na ginulo pa ang buhok ko. "Huwag niyo muna sabihin kay mama alam mo naman yun" sabi ko sa kanya "hahahaha ako na bahala sa mama mo, basta tandaan mo Dave, ayaw ko na ng sekreto, para naman hindi tayo magbuddy niyan" sabi ng papa ko. "Pangako po pa" sabi ko sa kanya "ngayon, sabihin mo sa akin" sabi niya sabay turo sa kotse ko na napakamot ako sa batok at natawa ako "haayyyy, mahal ka talaga niya" sabi ng papa ko na natawa din siya.

"Pero me problema po ako" sabi ko sa kanya na tumingin siya sa akin "sabihin mo, baka makatulong ako" sabi niya sa akin "naalala niyo pa ba si Gina?" tanong ko sa kanya na nag-isip ito ng sandali at sabing "ah oo, naalala ko, bakit?" tanong niya. "Me nangyari na po sa amin bago pa kami ni ma'am Chello at ngayon ginugulo niya ako" sabi ko sa kanya na napa-iling siya at sabing "tama ngang pinangalan kita sa lolo mo" na natawa nalang ako ng mahina. "Pero seryoso anak me nangyari talaga sa inyo?" seryosong tanong niya sa akin "opo pa" sagot ko "haayy, so ginugulo ka niya dahil?" tanong niya "dahil umayaw na ako sa kanya" sabi ko na napailing nalang si papa. "Mana ka talaga sa lolo mo. hmmmm.... gusto mo kausapin ko siya?" tanong niya "kumplikado po eh, kinausap ko na siya pero ayaw talaga akong tantanan" sabi ko sa kanya.

"Problema nga yan, alam ba ito ng nobya mo?" tanong ni papa na napangiti ako nung tinawag niyang nobya ko si ma'am Chello "hindi ko po sinabi sa kanya" "teka, paano nga ba kayo naging mag nobyo at nobya?" pagtatakang tanong ng papa ko sa akin na hindi ko masagot at tawa at ngiti lang ang sinagot ko. "Davideo!?" sabi ng papa ko na natahimik ako "sabihin mo sa akin ang totoo" sabi niya na napayuko ako at sabi "nakakahiya po eh" sabi ko sa kanya "bakit?" tanong niya "sabihin nalang natin pa na walang ligawan na nangyari at basta nalang naging kami" sabi ko sa kanya. Tiningnan niya ako at sabing "tsk! tama ngang pinangalanan kita sa lolo mo" na natawa kami pareho "bakit pa, ano ho ba si lolo?" tanong ko sa kanya "hindi rin kasi yun nanligaw kay nanay, isang araw naging sila na at kalaunan nagpasakal na sila" kwento niya sa akin. "Nagmana pala ako kay lolo" "parang ganun na nga" sabi niya na natawa kami pareho.

"Pero seryoso anak, ano ang plano mo?" tanong niya sa akin "isa lang naman pa, mag stay ako kay ma'am Chello" sagot ko sa kanya "teka, sagotin mo nga ako ng diretso Dave" "ano yun pa?" "pinili mo siya dahil ba..." tumingin siya sa kotse.  "Hindi, hindi pa! wala naman sa akin kung ano ang status niya sa buhay" sagot ko sa kanya "kung yun ang target at intensyon ko di sana naging kami na noon ni Caroline" sabi ko sa kanya. Classmate ko dati si Caroline noong nasa college pa ako, seatmate ko sa CPA classes ko na naging ka MU ko at ka date ko pa nung nag acquintance party ang CPA department ng university. Mayaman sila Caroline at kilala ang pamilya niya pagdating sa real state at shipping liners dito sa Pilipinas at sa ibang bansa "kung yun ang punto ko pa kaya pinili ko si ma'am Chello kay Caroline palang siguro noon pa" rason ko sa papa ko na tumango siya at tumingin sa gate.

"Me punto ka doon anak, hangga't hindi yun ang rason kaya mo siya pinili agree ako sa relasyon niyo" sabi niya sa akin na nabuhayan ako ng loob "talaga pa?" tanong ko sa kanya "oo naman, naniniwala ako sayo Dave". "Talaga?" tanong ko na nilagay ang kamay niya sa ulo ko "papa mo ako hindi ba?" nakangiting tanong niya sa akin "opo!" "kagaya ng lolo mo, naniniwala din siya sa akin kaya bagay lang na ibigay ko din sayo ang tiwalang binigay sa akin ng papa ko, kaya nga pinangalanan kita sa kanya hindi ba?" napangiti ako sa sinabi niya. "OPO!" natutuwang sagot ko sa kanya "haayy, huwag muna natin sabihin sa mama mo ang relasyon niyo baka magwala yun alam mo naman na ayaw na ayaw pa niyang magka girlfriend ka" sabi ni papa sa akin "oonga po eh yun nga po ang pinag-alala ko" "ako na bahala sa kanya" sabi ng papa ko.

Marami pa kaming napag-usapan ni papa, na ikwento pa niya sa akin ang mga naging nobya niya noon nung nag-aaral pa siya sa kolehiyo pati narin yung mga naging nobya-nobyahan niya daw noon bago pa sila nagkakilala ni mama. "Paano mo nga ba nakilala si mama?" tanong ko sa papa ko na ngumiti lang siya at tumingin sa gate "pa?" na ayaw niya akong tingnan "ano kasi anak, sabihin narin nating walang ligawan ang nangyari sa amin ng mama mo" sabay nahihiyang tawa niya na napatawa narin ako dahil pareho kaming tatlo ni lolo. "Yung lolo mo, ako at ikaw pareho talaga tayo ng kapalaran" sabi ng papa ko na nagtawanan kaming dalawa. Mag-aalas singko na nung pumasok muli kami sa bahay "matulog kana, papasok ka pa ba mamaya?" tanong niya dahil alam niyang kulang ako sa tulog "tingnan ko nalang po" sabi ko sa kanya at pumasok na ako sa kwarto ni Dominic.

Kinaumagahan ginising ako ni Dominic para mag-agahan "anong oras na?" tanong ko sa kanya "alas siyete na kuya" sabi niya "alas siyete? hala!" bumangon agad ako na bigla akong nahilo "hahaha tanga talaga to" natatawang kapatid ko dahil natumba uli ako sa kama. "Tsk tsk tsk" dinig ko galing sa kanya nung palabas ito ng kwarto, hinawakan ko ang ulo ko at napatingin sa me pintoan at kita kong bukas ang kwarto ko "si ma'am Chello". Naalala ko bigla kaya daha-dahan akong tumayo at nung ok-ok na ako lumabas ako ng kwarto at kumatok sa kwarto ko "ma'am Chello" tawag ko sa kanya na sumilip ako sa loob wala siya. "Dave" tawag ng papa ko "pa?" "halikana sa baba kakain na tayo, nasa baba narin siya" sabi niya sa akin "ah sige pa" sabi ko at sumunod ako sa kanya.

Pagdating namin sa kusina nakaupo na si ma'am Chello sa inupoan noon ni Gina "good morning!" bati niya nung nakita kami ni papa "good morning!" bati ko sa kanya at naupo sa tabi niya. "How was your sleep?" tanong niya sa akin "bitin" sabi ko na binigyan ako ng kape ni mama "pampagising" sabi niya. "Nakatulog ka ba ng maayos ma'am?" tanong ni papa sa kanya "opo" sagot ni ma'am Chello "pasensya kana kung ito lang ang maihanda namin" sabi ni papa na naghanda si mama ng itlog, hotdog, slice bread me fried rice pa at ininit niyang sinigang na baboy na inulam namin kagabi. "No, its ok po" sagot ni ma'am Chello sa kanya na kumuha siya ng sliced bread at hotdog at nilagay sa plato niya. Tumingin pa si Dominic sa kanya nung kumagat siya ng hotdog kaya pinatid ko ito sa ilalim ng mesa "aray!" "Dominic!" sigaw sa kanya ni mama at tiningnan din siya ni papa kaya yumuko siya at kumain.

"Papasok ba kayo?" tanong ni mama sa amin na nagkatinginan kami ni ma'am Chello "late na kayo nagising" dagdag niya "baka magpaalam ako sa boss ko na mag off ako ngayon" sabi ko habang nakatingin kay ma'am Chello. "Davideo, since we are not in my office I am not your boss" sabi niya sa akin "sino nga ba ang boss?" tanong ni Dominic "kumain ka nalang dyan" sabi ni papa sa kanya na natahimik siya at natawa kami ni ma'am Chello. Nagbihis na si ma'am Chello at nagpaalam na siya sa magulang ko "salamat po tito, tita" sabi niya "walang anuman ma'am" sabi ni papa "bisita ka uli dito kung me time ka iha" sabi ni mama na tiningnan siya ni papa. "Bakit?" tanong ni mama "wala" sagot ni papa, hinatid ko siya sa kotse niya habang binuksan naman ni Dominic ang gate.

"Take the day off, Dave" sabi ni ma'am chello sa akin "papasok ka ba?" tanong ko sa kanya na nakita kong nag-isip siya "huwag kana pumasok" sabi ko sa kanya na tiningnan niya ako. "Alam kong wala namang gagawin sa work eh kasi lahat naka schedule para next week" sabi ko sa kanya na tumaas ang isang kilay niya. "How did you know?" tanong niya "nag send ng e-mail si ma'am Divina about it, yung mga reports na gagawin this week para sa next week pa ipepresent yun" sabi ko sa kanya na ngumiti siya at kinurot ako sa pisngi. "Smart!" sabi niya "mag off ka nalang para makapagpahinga ka ng maayos" sabi ko sa kanya "eh wala akong gagawin sa condo" sabi niya "pasyal nalang tayo kung gusto mo?" sabi ko sa kanya na nilagay sa loob ang bag niya at sumakay siya sa kotse niya. "Well, how about this (pinaandar niya ang kotse niya) doon ka nalang mag lunch sa condo mamaya and let see what we can do for the rest of the day" sabi niya "alright, its a date then" sabi ko na nginitian niya ako.

"Bye po ma'am!" paalam ni Dominic sa kanya nung dumaan siya sa gate "bye Dominic" at umalis na siya "swerte mo kuya" sabi ni Dominic sa akin pagkatapos isara ang gate at pumasok na siya sa bahay. "Dave!" tawag ng papa ko "po?" "papasok ka ba ngayon?" tanong niya sa akin "hindi po, bakit?" tanong ko "matulog ka" sabi niya bitbit ang bag niya dahil papasok na siya sa trabaho "kailanganin mo yan" dagdag niya nung palabas na siya ng gate namin na napangiti lang ako. "Dave" tawag ng mama ko nung pumasok na ako sa loob ng bahay "ma?" "papasok ka ba?" tanong niya "hindi po, pero aalis ako mamaya dahil me meeting kami" sabi ko nalang sa kanya "ah ganun ba? maganda yung amo mo" "hehehe mama talaga". "Totoo naman eh, teka ilang taon na ba yun?" "bakit? ilang taon ba sa tingin mo?" tanong ko sa kanya "parang kasing edad mo lang yun, siguro mas bata pa sayo ng isa o dalawang taon" sabi niya sa akin "oo, yun po ang edad niya" sabi ko sa kanya na tiningnan niya ako kaya nginitain ko lang siya at umakyat na ako sa taas.

Pumasok ako sa kwarto ko at nahiga sa kama, naaamoy ko pa ang pabango ni ma'am Chello sa unan ko "ang bango" sabi ko ng biglang tumunog ang phone ko at kita kong nag text si ma'am Chello para ipaalam na malapit na siya sa condo niya. "Ingat ka" reply ko sa kanya at sinet ko ang alarm ng phone ko at nilagay ko ito sa tabi ng unan at natulog na ako. Ginising ako ng kapatid ko dahil kanina pa daw nag-iingay ang alarm ng celfon ko, sa sobrang antok siguro hindi ko na namalayan na kanina pa pala tumutunog ang celfon ko. Bumangon ako at medjo ngarag pa nung tiningnan ko ang phone ko "mag-aalas onse na pala" sabi ko kaya tumayo na ako at kinuha ang tuwalya at pumunta sa banyo at naligo. Pagkatapos maligo at makapagbihis nagpaalam ako sa mama ko na aalis ako at baka late ako makakauwi mamaya "bakit?" tanong ng mama ko "baka matagalan ako sa meeting namin ma" sabi ko sa kanya na hindi na siya nagtatanong at pinaalis na ako baka daw ma late ako na kinatuwa ko naman.

Sakay sa pink kong kotse tinawanan ako ng kababata kong si Ronnie nung nadaanan ko siya nung papasok siya sa trabaho niya "langya ka naman man, sa lahat ng kulay ito pa ang napili mo" sabi niya nung sinakay ko siya para ihatid sa trabaho niya. "Pinagamit lang kasi ito sa akin kaya tinanggap ko sayang din naman hindi ba?" sabi ko sa kanya "sabagay at least me sasakyan kang magamit hindi kana magkocommute" sabi niya. "Tama! tsaka wala naman sa kulay hindi ba?" sabi ko sa kanya na natawa siya, "salamat man" sabi niya nung bumaba na siya sa kanto malapit sa pinapasokan niya "sige Ron ingat" sabi ko sa kanya. "Ikaw mag-ingat man hehehe" sabi niya sa akin na natawa din ako at umalis na ako at pumunta sa condo ni ma'am Chello at kinawayan ko lang yung guard at pinarada ko na yung kotse sa loob ng garahe at sumakay sa elevator paakyat sa condo niya.

Gamit ang susi binuksan ko yung pinto at naamoy ko ang mabangong niluluto niya sa me pintoan palang ako "i'm home!" sigaw ko na lumabas siya sa kusina at nginitian ako "welcome home!" sigaw niya na kita kong naka apron siya at naka paa lang. "Wow, seksi naman ng cook ko" sabi ko sa kanya nung lumapit ako sa kanya na natuwa pa siya "lunch is almost ready, wash up" sabi niya na nakita kong naka cycling shorts siya at naka sports bra na parang galing work out ito sa gym niya. "Seksi talaga" sabi ko na tumingin siya sa akin at sabing "get ready, kakain na tayo" sabi niya at umupo na ako. Naghanda siya ng masarap na pagkain kaya naparami ang kain ko na hinayaan lang niya ako "ang sarap talaga" sabi ko nung matapos kaming magtanghalian "busog ka ba?" tanong niya. "Oo, sobra!" natutuwang sabi ko "nakatulog ka ba kanina pag-alis ko?" tanong niya habang nagliligpit ng plato "oo, sa sarap ng tulog ko hindi ko na nga namalayan kanina pa pala tumutunog ang alarm ko" sabi ko sa kanya.

"That's good, so... well rested ka pala?" tanong niya sa akin nung pagkatapos niyang magligpit ng kinainan namin "oo, well rested and ready for anything" nakangiti kong sabi sa kanya na kita kong ngumiti siya at kinagat ang labi niya. "Uy... hehehe gusto ko yan" sabi ko sa kanya na lumapit siya at kinindatan pa ako at kumandong sa akin "hmmmm..." narinig ko galing sa kanya na nilapit niya ang mukha sa mukha ko. Akala ko maghahalikan kami pero biglang dumiretso ito sa tenga ko at bumulong na "gym time!" sabay halik sa pisngi ko at umalis ito sa kandungan ko. "Huh?" napatingin ako sa kanya na hinawakan niya ako sa kamay at hinila ako palabas ng kusina papunta sa gym niya. "Ano ang gagawin natin dun?" tanong ko "workout" sabi niya "hindi naman sabado ah?" sabi ko sa kanya "babe, hindi dahil hindi sabado ngayon hindi na tayo pwede mag workout" sabi niya na binuksan ang pintoan ng gym at hinila ako papasok sa loob.

"Hindi ako suited para mag gym ngayon kita mo ang suot ko oh?" sabi ko sa kanya na tiningnan ako mula ulo hanggang paa at sabing "no worries you can always workout in your underwear" sabi niya na napanganga ako. "Eh, kakatapos lang natin kumain ah?" sabi ko sa kanya "no excuses babe, I allowed you to ate as much food earlier so enough reason din para tunawin ko yan" sabi niya na kumuha ng boxing gloves at pinasa ito sa akin. "Boxing? magbaboxing tayo?" pag-alalang tanong ko sa kanya na tumawa lang siya "idiot as always, we are not going to box each other" "ano pala?" tanong ko "well, since you are my boy I think its high time for me to teach you some few moves" sabi niya sa akin. Nabuhayan ako akala ko kasi mag sparing kami ngayon "talaga?" "yeah, so take of your clothes so we can start" sabi niya na nag-aalanganin ako "what's wrong?" tanong niya "ah hehehe ano kasi ah hehehe.." "what!?" "huwag kang magagalit ha?" na tiningnan niya ako ng masama "what now Davideo?" tanong niya "eh.. wala akong suot sa ilalim" sabi ko sa kanya na biglang nagdilim ang paningin ko nung tumama ang kamao niya sa panga ko.

"Aahhh raaayyyy..." nasabi ko nung nagising ako at napahawak sa panga ko "ahh saakiitt.." me narinig akong ingay at tumingin sa direksyon na yun at kita kong nasa spinning cycle pala siya nagwoworkout. Bumangon ako at naupo na minasahe ang panga ko "ang sakit nun ah?" sabi ko na tumigil siya at nagpahid ng pawis sa mukha at leeg at lumapit ito sa akin. Tumingala ako para tingnan siya ng binato niya ako ng tuwalya at tinadyakan ako sa dibdib dahilan para mapahiga muli ako sa floormat "aray!" sabi ko na inupoan ako sa dibdib at kinuha ang tuwalya at nagpahid uli siya ng pawis sa noo niya. "Sorry" sabi ko na tiningnan niya ako ng masama "i'm sorry babe" sabi ko uli "i'm disappointed in you Davideo" sabi niya sa akin. "....." "you think by asking you to have lunch with me here in my home gaves you the idea that we are going to fuck?" inis na sabi niya sa akin na hindi ako nakapagsalita "answer me!" na sinuntok ang floormat malapit sa mukha ko "oh-oh so-sorry talaga ma'am Chello" nabigkas ko na pinindot ang ilong ko at sabing "you have to hit me first before you can fuck me, you idiot!!" "ha!?" nalang ako at kita kong ngumiti siya at umalis sa ibabaw ko.

"Come on boy! take off your clothes so we can start" sabi niya na parang nangarag pa ako nung tumayo ako "wala na ako sa condition" sabi ko sa kanya "pfftt excuses, excuses, excuses take off your clothes so that we can start, I mean how can you fuck this (sabay himas niya sa katawan niya) if you won't try? hmm?" sabi niya sa akin na napaisip ako. "Tama ka nga" sabi ko sa kanya kaya hinubad ko na yung damit ko at natawa siya nung nahubad ko ang pantalon ko "you really are not kidding hahahaha" natatawang sabi niya dahil akala niya niloloko ko siya nung sinabi kong wala akong suot na brief. "I thought you were kidding nung sinabi mong wala kang suot na brief" natatawang sabi niya "akala mo nagsisinungaling ako?" tanong ko. "Yeah, why do you think I punched you?" "haayyy" nalang ako at sinuot ang boxing gloves "hehehe i'm sorry baby" sabi niya na niyakap pa ako at hinalikan ako sa pisngi sabay tulak sa akin at sabi "come on, let me see what you've got!" at pumurma narin siya. "Akala ko ba di tayo mag sparing?" tanong ko "well, I lied" na ngumiti siya at sigaw na "FIGHT!!!" kaya pumorma ako para depensahan ang sarili ko.

Magaling talaga si ma'am Chello pagdating sa depensa at atake lalo na yung mga suntok niya na akala mo tatama sa mukha mo pupunta pala sa katawan mo kaya nung makailang suntok siya napaluhod ako nung tumama ang isa sa tiyan ko at muntik pa akong masuka. "Come on! You can't hit me when you're on your knees" sabi niya na tumatalon-talon pa siya ng konte habang sumusuntok siya "ayaw ko na" sabi ko sa kanya na tumigil siya. "Come on Davideo, how will you touch this" sabi niya na hinawakan ang dalawang dede niya at tinaas-taas ito. "Oh shit" nasabi ko at tumayo uli ako at pumorma para depensahan ang sarili ko. Maganda ang porma ni ma'am Chello hindi siya bumibigay ng opening kaya hindi pumapasok ang mga suntok ko kaya nainis ako dahil kulang ako sa abilidad para tamaan siya ng biglang naalala ko ang sinabi ng lolo ko sa akin nung bata pa ako. "Lahat ng bagay me paraan" sabi niya isang hapon nung umuwi akong me pasa sa mukha galing skwelahan.

"Ano ang paraan lo?" tanong ko sa kanya "hindi ba sabi mo malaki yung nakalaban mo?" "opo" sagot ko "ito ang gawin mo apo" sabi niya at binigyan ako ng ilang paraan para matamaan at mapatumba ko ang kalaban ko. "Dapat nakahanda ka at hintayin mo din ang tamang oras at chansa mong umatake, timing lang yan apo" sabi niya sa akin. Napangiti ako sa sinabi sa akin ng lolo ko noon na pansin kong nagtaka si ma'am Chello "good, that's what i've been waiting" sabi nito nung makita akong nakangiti. Umatake na uli siya at bumigay siya ng mga suntok na tumatama sa braso ko pati narin sa gilid ng katawan ko "you can't have me if you can't hit me Davideo" sabi nito nung umaatras ako habang umaatake naman siya. "Hintayin mong sumuntok siya" naalala kong sabi ng lolo ko sa akin.

"Kahit gaano pa kagaling dumepensa ang kalaban mo magbibigay at magbibigay parin yan ng opening" "paano po?" tanong ko "hintayin mo, makikita mo yung opening mo" nakangiting sabi ng lolo ko sa akin kaya tinanggap ko ang mga suntok ni ma'am Chello habang hinihintay ang opening na sinabi ng lolo ko. Nagpalit ng position si ma'am Chello at sumuntok siya gamit ang kaliwang kamay niya kasunod ang kanan niya na napansin ko ang pagkakaiba ng dalawang position niya at yung timing ng mga suntok niya. "Nakuha mo ba ang punto ko, apo?" tanong ng lolo ko na napangiti ako at nung nagbago ng position si ma'am Chello binilang ko ang segundo bago sumunod ang pangalawang suntok niya at nagpalit uli siya ng position at ganun din ang ginawa ko hanggang sa nakuha ko naa ng rhythm niya.

"Umatras ka para bigyan mo ng distansya ang sarili mo sa kalaban mo" sabi ng lolo ko kaya umatras ako ng konte "hahabolin ka niyan kasi alam niya hindi mo siya matatamaan" sabi ng lolo ko at tama nga siya sumunod nga sa akin si ma'am Chello. "Makinig ka ng mabuti kasi delikado ang susunod na mangyayari" babala niya "bakit po lo?" tanong ko na nginitian niya ako "kasi dalawa lang ang pwedeng mangyari, either ikaw ang ma TKO o siya, lahat nakasalalay sa timing mo, kung hindi mo makuha ang timing mo pasensya nalang pero kung makuha mo" sabi nito sa akin. Kaya bumigay uli ako ng distansya sa pagitan namin para makaporma ako ng maayos at nung pumasok si ma'am Chello sa space na yun at sumuntok siya gamit ang kaliwa niya at bumilang ako ng mahina "isa... dalawa... tatlo..." at sumunod yung kanang kamao niya at kita kong bumaba ng konte ang kaliwang kamay kaya yumuko ako at umilag pakanan niya. Bumitaw ako ng suntok gamit ang kanang kamao ko at tumama ito sa kaliwang panga niya na bigla nalang siyang natumba at bumagsak sa sahig.

"Oh shit!" nasabi ko nung nakita ko siyang bumagsak sa sahig kaya hinubad ko agad ang gloves ko at tiningnan siya kung ok lang siya "baby... baby.. ok ka lang ba?" tanong ko sa kanya nung inangat ko siya at kita kong nakapikit ang mga mata niya. "Baby.. baby.. i'm sorry..." sabi ko na hinimas ko ang kaliwang panga niya "hmmm..." dinig ko galing sa kanya at bumuka ang mga mata niya at tumingin siya sa akin. "I'm sorry" sabi ko sa kanya na ngumiti siya at sinuntok ako sa mukha "aray!" sabi ko na kita kong ngumiti siya "ok ka lang ba?" tanong ko sa kanya "you got me and i'm ok babe" sagot niya. "So, ibig sabihin nito..." sabay tingin ko sa katawan niya "oh shut up Davideo and fuck me!" na natawa nalang ako at binuhat ko siya papunta sa kwarto niya at doon natanggap ko ang masarap na premyong pinangako niya sa akin na apat na beses pa niyang binigay sa akin. "Bakit?" tanong ko "you won't hit me twice" sabi niya "ok lang at least natamaan kita" sabi ko sa kanya na hinawakan ang titi ko at pinisil ito "HMP!" "aray, aray, araaayyyy..."

Nasa condo niya lang kami buong maghapon na ineenjoy ang day off naming dalawa "galing ng moves mo kanina babe ah?" sabi niya nung nasa bathtub niya kami habang naksandal siya sa akin "tinuro sa akin ng lolo ko yun" sabi ko sa kanya. "Talaga?" "oo, magaling yung lolo ko pagdating sa self-defense" sabi ko sa kanya "ganun din ang lolo ko, siya nga ang nagturo sa amin nung bata pa kami ni Divina pero yung mga ibang fighting styles na nalalaman ko sa mga sensei ko na yun" kenwto niya. Umikot siya para kumandong sa akin "hmm..." narinig ko galing sa kanya "ang ganda mo talaga babe" sabi ko sa kanya "yeah?" lambing niya na hinalikan ako sa labi. "Yeah... deadly din" sabi ko na sinampal ako ng mahina sa dibdib at sabing "so don't you even dare hurt me or else, HMP!" na pinakita pa sa akin ang kamao niya "hehehe I won't!" sagot ko na naghalikan kaming dalawa at doon sa bathtub niya kami muli nagtalik.

Maggagabi na nung nagpaalam akong uuwi na sa amin, hinatid niya ako sa harap ng elevator at naghalikan muna kami bago ako tinulak papasok sa loob na nakabathrob lang siya "drive safely babe" sabi niya sa akin. "I will, sleepwell ok?" sabi ko "I will, bye" "see you tomorrow, love you" sabi ko nung pasara ang pinto ng elevator "love you too, ingat!" sabi niya at sumara na yung pinto at bumaba ito. Natutuwa akong sumakay sa kotse ko at umalis sa parking lot na kinawayan ko pa yung guard at nginitian ako nung dumaan ako sa booth nila. Nagmaneho na ako pauwi sa amin na nakikinig pa ako ng tugtog sa radyo at sumasabay din sa kanta ng singer "ang sarap ng feeling" sabi ko nung huminto ako sa traffic light at kumakanta-kanta din. Tumunog ang phone ko bigla at nakita kong si papa tumawag, hininaan ko yung radyo bago ko sinagot ang tawag niya "hello pa, napatawag ka?" tanong ko sa kanya "asan kana?" tanong niya. "Pauwi na ako ngayon, bakit me ipabibili ka ba?" tanong ko sa kanya "wala naman, ingat sa pagmaneho" sabi niya "sige po" sagot ko sa kanya at binaba ko yung phone.

Pagdating ko malapit sa amin nakita ko si Ronnie sa harap ng bahay nila hawak ang gitara niya kaya pumara ako sa tapat nila at bumaba ako "uy nandito na pala si barbie" biro niya sa akin na natawa pa siya. "Loko ka talaga parang hindi ka sumakay kanina" sabi ko na nag apir kami nung naupo na ako sa tabi niya "pare sino ba yung magandang chick na bumisita sa inyo kahapon?" tanong niya sa akin "ah boss ko yun sa trabaho" sabi ko sa kanya. "Ganda men, dinig ko doon daw natulog sa inyo?" tanong niya "ah oo, hindi na siya pinauwi ni papa nung bumagsak ang ulan kahapon alam mo naman ang lugar natin parang ilog" sabi ko. "Oonga tsk! teka me isang chicks pa ah? sino naman yun?" tanong niya "sino? ah yung unang dumalaw noon? si Gina yun kaibigan ko" sabi ko sa kanya "hindi noon, nasa bahay niyo ata ngayon eh" sabi niya na nagulat ako sa sinabi niya. "Me.. me bisita kami?" tanong ko sa kanya "gago ito hehehe nandun nga sa bahay niyo" sabi niya "Dave!" tawag sa akin ni Paul kapitbahay namin "pakilala mo naman kami sa mga chicks mo" sabi niya na napatayo agad ako "hoy! saan ka pupunta?" takang tanong ni Ronnie sa akin na hindi ko siya pinakinggan at sumakay ako sa kotse ko at umuwi sa bahay.

Pagdating ko sa amin pinarada ko ang kotse ko sa labas ng gate at bumaba ako para sumilip sa loob "huwag sana, huwag sana" sabi ko sa sarili ko nung sumilip ako sa gilid ng gate at tiningnan ko ng maayos kung totoo bang nasa loob si Gina. "Shit!" nasabi ko nung nakita ko siyang kinamayan si papa kaya tumakbo agad ako sa kotse ko at umalis sa harap ng bahay at hinanap kung saan naka park ang kotse niya. Pinarada ko ang kotse ko sa kabilang kanto sakto lang na kita ko ang kotse ni Gina at tinawagan ko si papa "hello" sagot niya "pa, huwag mong sabihin ang pangalan ko" "pareng Nald napatawag ka?" sabi nalang ni papa. "Kumpare ko, teka muna iha ha kakausapin ko lang sa labas" sabi ni papa at narinig ko siyang naglakad palabas ng bahay "bakit anak?" mahinang tanong niya sa akin "bakt nandyan si Gina?" tanong ko sa kanya. "Bumisita sa mama mo, nagdala nga ng pagkain eh" sabi ng papa ko "kelan ho ba siya dumating?" tanong ko "pagkatapos nating mag-usap kanina dumating siya" sabi nito "tsk! hindi muna ako uuwi pa" sabi ko sa kanya "ah pare, bakit naman?" sabi niya na nakuha ko ang sinabi niya na baka nasa paligid lang si Gina.

"Alam mo naman ang sitwasyon namin hindi ba?" tanong ko sa kanya "ah oo, walang problema pare basta ikaw" sabi ng papa ko "pasensya na pa, doon muna ako kina Ronnie tatambay" paalam ko sa kanya. "Sige pare, puntahan nalang kita pag me oras na ako me bisita pa kasi kami eh" sabi ng papa ko "salamat pa" "sige pare, mag ingat ka" sabi ng papa ko sabay baba niya ng phone. Naghintay ako sa kotse ko ng halos isang oras bago ko nakita si Gina naglakad papunta sa kotse niya at kita ko sa malayo parang naiinis siya dahil hindi niya ako nakita sa bahay. Galit siyang sumakay sa kotse niya na sinuntok pa ang manobela bago pinaandar ang kotse niya at me tinawagan ito. Narining kong tumunog ang phone ko kaya sinagot ko ito "bakit?" tanong ko agad sa kanya "asan ka?" tanong niya na umastang parang girlfriend ko siya "bakit?" tanong ko ulit. "Kanina pa kita hinintay sa inyo, siguro kasama mo ang puta mo no?" galit niyang sabi sa akin "ano ngayon kung kasama ko siya?" pang-aasar ko sa kanya "kung ako mapuno Dave papatayin ko yang putang babaeng yan" sabi niya na kinikilabotan ako.

"Alam mo ba ang sinasabi mo Gina? Parang nababaliw kana ata" sabi ko sa kanya "dahil sayo OO NABABALIW NA AKO DAHIL SAYO!" galit niyang sabi sa akin "sa oras na gagalawin mo o lalapit ka sa kanya ako mismo ang papatay sayo" banta ko sa kanya. "Yun kung mapapatay mo ako, tingnan lang natin kung sino ang mauna sa amin" banta niya "huwag na huwag mong gagalawin ang nobya ko kung ayaw mong ibulgar kita..." "kanino? sa uncle mong inutil? hahaha remember Dave ang nangyari sa atin, tingin mo ba makikinig ang uncle mo sayo?". "Paniniwalaan ako ng uncle ko" sabi ko sa kanya "hahaha goodluck sayo Dave, mas kilala ko ang uncle mo kesa sayo Dave kaya mag-ingat ka sa susunod mong sasabihin kasi baka ito ang dahilan kaya mapatay ko ang puta mo" banta niya sa akin. "Ano ba ang kailangan mo Gina? ano ba gagawin ko para layoan mo siya, layoan kami?" tanong ko sa kanya "isa lang naman Dave" "ano yun?" "sumama ka sa akin" sabi niya na napatigil ako at napatingin sa kanya sa malayo. "Hindi!" sagot ko sa kanya "then, pasensyahan nalang tayo" sabi niy sabay baba ng phone at kita kong umalis na siya sa pinarkingan niya palabas sa subdivison namin.

Hindi ako nakapagsalita ni hindi makapaniwala na aabot sa ganitong punto ang stiwasyon namin ni Gina, inayos ko ang sarili ko bago ako umuwi ng bahay at pagdating ko sa amin sinalubong agad ako ng papa ko at kinumusta ako. "Hindi maganda pa" sabi ko sa kanya na hinintay naming pumasok sa bahay si mama at nag-usap kami sa labas. "Binantaan ka?" mahinang tanong ng papa ko "oo, hindi na ito maganda pa" sabi ko sa kanya "hindi na nga, ano ba ang kailangan niya?" tanong niya "ako" sagot ko na napaatras ang papa ko. "Hindi naman pwede yun anak" sabi niya na inakbayan ako at sabing "gusto mo kausapin ko yung kaibigan kong pulis?" "huwag, ayaw kong umabot sa ganung sitwasyon" sabi ko sa kanya. "Anak, binantaan kana niya at ang nobya mo hihintayin mo pa bang aabot ka sa puntong isa sa inyo ang ma patay niya?" me punto naman ang papa ko pero hangga't makahanap pa ako ng paraan ayaw kong ma sabit ang pamilya ko at ang mga pulis sa sitwasyon ko. "Ako na po ang bahala pa" sabi ko sa kanya na tiningnan niya ako sa mata at sabing "nasa likod mo lang ako anak".

Tinext ko si ma'am Chello para ipaalam sa kanya na nakarating na ako ng bahay ng maayos "that's good, sleepwell alam kong pagod ka" sabi sa reply niya at matapos makapag paalam nahiga na ako sa kama at nag-isip ng paraan sa sitwasyon ko kay Gina. Kinabukasan pumasok ako sa trabaho at pag-akyat ko sa taas si Melissa lang ang nakita ko sa receptions desk "nasaan si Lisa?" tanong ko sa kanya "hindi pumasok pangalawang araw na, bakit hindi ka pumasok kahapon?" tanong nito sa akin. "Bumaha kasi sa amin hindi ako nakaalis" rason ko nalang sa kanya "ganun ba, dami nga din di nakapasok kahpon dahil sa baha pati narin si ma'am Chello" sabi niya. "Ah ganun ba?" "oo" sagot niya "mag-usap nalang tayo mamaya papasok na ako" paalam ko sa kanya at umupo uli ito sa likod ng desk niya at pumasok na ako sa loob. "Pare, kumusta?" tanong ni Erwin sa akin pagdating ko sa cubicle ko "baha man" sabi ko sa kanya "si Randy nga hindi pumasok kahapon parang ilog daw yung lugar nila, itong si Jun late" sabi ni Erwin sa akin.

"Ganun ba? sa amin nga din eh parang ilog din" sabi ko sa kanya "masaya nga dito kahapon" sabi ni Jun "bakit?" tanong ko "wala ang tigre hahaha" tumawa sila ni Erwin. "Balita ko nga wala si ma'am Chello" sabi ko sa dalawa na nag apir pa sila at sabi ni Erwin "kaya nga eh nag mini party kami dito kahapon" "hahaha kayo talaga" sabi ko nalang. Hindi nila alam na ako ang mas nag enjoy kahapon  dahil kasama ko si ma'am Chello "ayan na pala si Randy" turo ni Erwin sa kanya nung malapit na siya sa amin. "Pare" bati ko sa kanya na nag fist bump pa kami at ngumiti siya sa akin "maganda ata gising natin ngayon ah?" biro ko sa kanya "hindi naman" sagot niya. "Nag enjoy lang kahapon" dagdag niya "dinig ko nga nagkaroon daw kayo ng swimming pool kahapon?" biro ko na tumawa siya at sabing "kaya nga enjoy eh" na nagtawanan kaming apat at kita kong bumalik nanaman ang sigla sa pagkakaibigan namin, bumalik na uli ang ninja turtles sa opisina.

Nag-email sa akin si ma'am Chello at niyaya niya akong maglunch mamaya kasama daw si ma'am Divina "sige sama ako" sabi ko sa reply ko na hindi na siya nagsend ng e-mail. Tinawagan ko si Melissa para ipaalam sa kanya na sasabay ako sa dalawang amo namin mag lunch mamaya "ay paano ako?" tanong niya "sorry order ng boss eh" sabi ko sa kanya. "Hmp! madaya, sige ako nalang kakain mamaya" sabi niya "sorry talaga" sabi ko sa kanya "ano pa nga ba magagawa ko?" tanong niya "yun na nga" sagot ko sa kanya. "Sabay ka nalang sa kanilang tatlo" sabi ko sa kanya "huwag na!" sabi niya kaya natawa nalang ako. "Pare sasama ka ba sa amin mag lunch mamaya?" tanong ni Randy sa akin "sorry hindi ako pwede, kasama ko ang magkapatid mamaya" sabi ko sa kanya "oohh goodluck!" sabi ni Randy sa akin na kinausap niya si Erwin at si Jun at pumayag ang dalawa na sa buffet uli sila kakain. "Ingat nalang Dave" sabi sa akin ni Erwin "ipagdasal ka namin man" sabi naman ni Jun "mga gago talaga kayo hehehe" natawa kong sabi na tumawa din ang tatlo.

Lunchbreak na at una akong lumabas sa kanilang tatlo at nakita ko si Melissa naghahanda na para magbreak "lets go" sabi ni ma'am Chello nung lumabas siya "ma'am me meeting kayo mamayang alas tres sa conference room" paalala ni Melissa sa kanya. "Thank you, lets go Dave" sabi niya sa akin na tumingin ako kay Melissa at nginitian ko siya at kita kong nauna sa loob ng elevator si ma'am Chello at nung sumunod ako sa loob tiningnan niya ako ng masama at nung sumara ang pinto binayagan ako. "Davideo!" "sakit nun ah" sabi ko sa kanya na dinig kong nag "HMP!" siya at hindi ako pinansin hanggang sa bumukas yung pinto at lumabas na kami papunta sa parking lot. "What took you guys so long?" tanong ni ma'am Divina na naghihnintay sa tabi ng kotse ni ma'am Chello "shut up!" sabi ni ma'am Chello sa kanya na napailing lang ang ate niya "hi Dave" "hi ma'am Divina" "geeze, Divina" sabi niya at sumakay na kami sa kotse.

"I told you to call me Divina kung tayo lang, like miss tigress over here" sabi ni ma'am Divina sa akin na tiningnan siya ng masama ni ma'am Chello "ah ok po" sagot ko "so where are we going to eat?" tanong ni ma'am Divina kay ma'am Chello. "Where else" sagot niya "oh gosh I hate eating there" sabi ni ma'am Divina na napabugnot nalang siya "bakit po?" tanong ko na napangiti si ma'am Chello "saan nga ba tayo kakain?" tanong ko sa kanila. "Do you eat indian cuisine Dave?" tanong ni ma'am Divina sa akin "ha? Indian?" takang tanong ko "yeah, that is where she is taking us" sabi ni ma'am Divina na napatingin ako kay ma'am Chello. "Oh please you guys are such pussies, Davideo will eat whaveter food i'm eating specially Indian food, am I right, hmp!?" sabi ni ma'am Chello sa akin na wala akong choice kundi umagree sa kanya. "Now I know who wears the pants in this relationship" sabi ni ma'am Divina sa akin na pareho silang natawa sa akin "ha? anong pants?" takang tanong ko sa kanila na tumawa lang sila lalo na sa sinabi ko.

Si ma'am Chello ang umorder sa pagkain ko habang si ma'am Divina naman ay pinili lang ang salad "you'll love what I ordered for you Dave" sabi ni ma'am Chello sa akin na natawa lang si ma'am Divina sa expression ng mukha ko. "Goodluck" sabi niya nung dumating ang pagkain namin at kita kong curry pala ang inorder niya "eat up!" sabi ni ma'am Chello sa akin "curry naman pala ito eh" sabi ko at sumubo ako ng biglang napatigil ako at pareho silang napatingin sa akin. "Oh God, give him some water hurry!" sabi ni ma'am Divina nung makitang namumula ang mukha ko habang subo ko parin ang kutsara sa bibig ko "oh God, Davideo spit it out!" utos ni ma'am Chello sa akin kaya niluwa ko ito at mabilis kong kinuha ang baso at uminom ng tubig. "Hahahaha sabi ko sayo eh" sabi ni ma'am Divina kay ma'am Chello na tiningnan niya ito ng masama "ok ka na ba?" tanong niya sa akin "tubig.. tubig..." sabi ko kay ma'am Chello na tumakbo yung waiter namin para kumuha ng isang pitcher na tubig.

Dumaan kami sa drive-thru ng Jollibee at umorder ng pagkain "sorry" sabi ni ma'am Chello sa akin na katabi ko ngayon sa likod ng kotse habang si ma'am Divina naman ay umorder ng pagkain namin. "Our lunch is a huge disaster" sabi ni ma'am Divina nung kinain namin ang inorder niya sa Jollibee sa parking lot ng office building. "I'm not going out to lunch with you guys anymore, not again!"... Read More


About the Author :

Joined: February 5, 2014 (2 years old)
Writings: 114

Send PM · Male · Offline

17 comments   4 favorites   4,006 views