Bumigay sa Biyenan Part 2

December 30, 2015 (11 months ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Wife Lovers | Tags: , ,

Kadarating lang ng asawa ni Carla na si Alex mula sa abroad at ng gabing iyon, magkainuman ang kanyang ama na biyenan ni Carla, si Mang Carding.

Kasalukuyang nanonood si Carla ng TV sa sala at ang mag-ama naman ay nasa hapag-kainan at doon nag-iinuman. Tiningnan ni Carla ang orasan at ng makita n’yang alas-onse na ng gabi, tumayo ito at lumapit sa asawa at naupo sa silyang kalapit nito.

“Hon, tama na yan. Mukang madami na kayong naiinom e… lasing ka na.” Sabay tingin sa biyenan. 

“Tapusin na lang namin ‘to Hon, kakaunti na lang naman e.”

“Oo nga iha, uubusin na lang namin ‘to. Hindi ko na nga pinadagdagan e. Saka bago ko lang ulit nakainuman itong asawa mo… ”

Hinawakan ni Alex ang palad ng misis n’ya at tinanong ito. “Tulog na ba si Princess?” tinutukoy ang kaisa-isa nilang anak.

“Oo, kanina pa.”

Muling sumabat ang biyenan sa kanilang mag-asawa.

“Mabuti pa tumagay ka at tulungan mo kaming ubusin ito.”

“Ayoko po… amoy nga lang ng alak, masusuka na ako, yun pang inumin.”

“Hon, kinukumusta ko kayo ni Princess kay tatay, sabi n’ya ok lang naman daw kayo dito.”

“Oo naman. Wala naman kaming problema kay tatay.. saka close silang dalawa ng apo n’ya… mas close pa nga ang anak mo kay tatay kesa sa akin e..” Sabay lingon sa biyenan na may makahulugang ngiti na noo’y nakaupo sa kabilang panig ng mesa katapat n’ya.  

Nagkataon namang tahong ang isa sa mga pulutan ng mag-ama kaya kumuha si Mang Carding ng isa. Nang tiyempong hindi nakatingin si Alex, ibinuka nito ang kabibe at hinimod ang laman sa loob nito habang nakatingin sa manugang dahilan upang makaramdam ng kakaibang kiliti si Carla sa kanyang ibaba.

Iniiwas ni Carla ang tingin n’ya sa biyenan subalit palihim na natatawa. Halos hindi na n’ya maintindihan ang sinasabi ng asawa dahil sa pagmumuni-muni sa mga panahong sila lang dalawa ng biyenan ang nasa bahay. Ang anak nila na si Princess ay inihahatid sa umaga at sinusundo sa hapon sa eskuwelahan kung kaya’t sila lang dalawa ng biyenan ang nasa bahay sa pagitan ng ganoong oras. May mga pagkakataong sa tuwing sila’y nanananghalian ng sabay, may kapilyahang aalisin ni Carla sa harapan ng biyenan ang pagkain nito at uupo siya sa mesa paharap sa biyenan. Ipapatong nito ang dalawang paa sa magkabilang hita ni Mang Carding na nakaupo sa silya, itutuon ang kanyang dalawang kamay sa ibabaw ng mesa at patingkayad na ibubuka ang dalawang hita habang binibigyan ng malanding ngiti ang biyenan.

Nakaugalian na ni Carla na magsuot ng daster na hanggang hita lang ang laylayan at hindi ito nagsusuot ng pang-ibaba kaya’t pagbukaka nito, tapat na tapat sa muka ng biyenan ang magandang puke nito na alaga sa hugas at ahit. Ilalabas naman ni Mang Carding ang kanyang dila at paiikutin sa labas ng bibig nito na parang takam na takam sa pagkaing nakahain sa kanyang harapan at pagkatapos ay biglang isusubsob ang muka sa puke ng manugang upang lantakan ito. Matapos ang masaganang kainan, sa hapag mismo titirahin ng kantot ni Mang Carding ang manugang. May mga pagkakataon din habang nagluluto si Carla, naghuhugas ng pinggan o naglalaba, pag nakaramdam si Mang Carding ng libog, kahit saang parte ng bahay, pinalilipas nila ang kanilang init sa isa’t-isa. Bagay na nagustuhan ni Carla sa biyenan dahil sa sarap nitong kumain ng puke at sa nakakukumbulsiyon nitong kantot. Halos araw-araw ding sabay na naliligo ang dalawa at inaabot ng mahigit isang oras sa loob sa pagtatampisaw sa bawal na kaligayahan. Paglabas nila ng banyo, susundan siyang muli ng biyenan at muling babarurutin sa kuwarto nilang mag-asawa.    

Mabuti na lang at hindi nahalata ni Alex ang paglipad ng isip ng asawa habang kausap n’ya ito at agad na rumehistro sa isip ni Carla ang huling sinabi ng asawa kaya’t nakasagot agad ito.

“At saka sabi ni tatay… masarap ka daw magluto.”

“Asus!” ang tawa ni Carla.  “Maniwala ka d’yan sa tatay mo.”

“Oo nga… kaya nga daw malakas siya ngayon e… marami siyang nakakaing masusustansya… hindi kagaya noon.”

Natatawang tumayo si Carla sa kanyang kinauupuan at tumungo sa lababo upang maghugas ng kamay na namantikaan dahil sa pamumulutan.

“Hihihihi! Bolero kayong mag-ama! Magsama nga kayo!”

Sabay na nagtawanan ang mag-ama sa tinuran ni Carla.

Nagpaalam si Alex upang magtungo sa banyo. May maiksing pasilyo na nasa kaliwang bahagi ng kusina papunta sa dirty kitchen, at kalapit nito ang palikuran ng bahay. Tinitingnan ni Carla ang asawa na naglalakad ng medyo pasuray-suray sa pasilyo patungo sa palikuran at ng nakapasok na ito, winisikan n’ya ng tubig ang biyenan sa muka at nagtatawang umupong muli sa silyang kaninang inuupuan n’ya. May panunudya n’yang kinausap ang biyenan sa lakas na hindi maririnig ni Alex.

“Masarap?... Masustansya?... hihihi… ang sabihin n’yo tay… puke ko ang kinakain mo habang wala ‘yang anak n’yo… hihihi”

“Hehehe… sasabihin ko sa asawa mo?”

“Baliw talaga kayo… para namang kaya n’yong sabihin ah… hihihi...”

“Hehehe… aba’t siyempre hindi… e di nagwala yan.”

Lumingon muna si Mang Carding sa direksyon ng pasilyong daraanan ni Alex pabalik sa mesa bago muling nagsalita. “Ang tagal naman malasing n’yang asawa mo e.”

“Hihihi! Bakit tay? Atat na atat ka na? Hindi n’yo man lang ba ako ipauubaya sa asawa ko? Ngayon lang umuwi yan ah.”

“Tang-ina naman kasi yang suut-suotan mo… nakakalibog… wala ka pang bra… kanina pa naninigas itong titi ko.”

“Hihihihi! Hayok!”

Biglang nagulat si Carla sabay lingon sa direksyong panggagalingan ng asawa ‘pagkat gumapang ang kanyang biyenan sa ilalim ng mesa patungo sa silyang kinauupuan nya. Sinunggaban ni Mang Carding ang mga hita ng manugang at ibinuka ito upang sisirin ang pukeng natatakpan pa ng panty. Bahagyang napaatras ang silyang kinauupuan ni Carla dahil sa ginawang pagsaklang ni Mang Carding sa magkabilang hita ng manugang papatong sa kanyang balikat.

“Taaay! putang-ina ka! ano ka ba! baka…tang-ina naman… baka makita tayo ng asawa ko… ano ba?”

Subalit tuloy-tuloy pa rin si Mang Carding sa ginagawa nitong paghimod sa puke ng manugang. Nagmamakaawang itinutulak ni Carla ang ulo ng biyenan palayo sa pagitan ng kanyang mga hita na may panaka-nakang paglingon sa direksyon ng banyo dala ng kaba na baka mahuli sila ng kanyang asawa.

“Taaayyy.. tama na hooo.. baka makita tayo ng asawa ko… papatayin tayong pareho nun... taaaay..”

“Sandali lang ‘to iha… takam na takam na ako e… hmmmm… hmmmm… putsa! Ang bango mo…”

Nang marinig ni Carla na bumukas ang seradura ng pinto ng banyo, malakas n’yang tinapik sa balikat ang kanyang biyenan.

“Tay… putang-ina hayan na ang asawa ko!”

Bigla namang umatras pagapang sa ilalim ng mesa si Mang Carding at bahagyang nauntog pa ang ulo nito kaya’t nagkatawanan pa ang dalawa habang dali-daling inaayos ni Carla ang pagkakaupo at pagkakalilis ng kanyang daster. 

Kasalukuyan namang nakatungo si Alex habang naglalakad patungo sa mesa habang isinasara ang zipper ng pantalon. Takang-taka siya at papalit-palit ang tingin sa asawa at ama dahil sa pagtatawanan ng mga ito.

“O… parang nagkakatawanan kayong dalawa ah.”

Madaling nakaisip si Carla ng palusot.

“Hon, may sinasabi si tatay tungkol sa ‘yo.”

Naupo muna si Alex sa silya at saka nagtanong. “Ano daw?”

“Mas inuna mo pa daw siya kesa sa akin.”

“Hindi naman Hon, nagkakatuwaan lang kami ni tatay… bakit... nagseselos ba ang misis ko?”

Sa pagkarinig nito, medyo nainis si Carla dahil kahit paano nasasabik din siya sa asawa at totoong inuna pa n’ya ang tatay nito kesa sa kanya. Kahit sa kanya din nagmula ang mga palusot, tila ba bumuwelta ito sa kanya at nakaramdam ng konting tampo. Pairap itong humarap sa asawa at may pagkasarkastikong sinabing, “Hinde!”

Bumunghalit ng tawa si Mang Carding habang nakatingin sa dalawa. Tumingin din si Carla sa biyenan at pakunwaring nayayamot na sinabing, “Sige tay… tawa ka pa.”

Tumawa pang lalo si Mang Carding na parang iniinis ang manugang.

Inalo ni Alex ang kanyang asawa habang hawak-hawak ang kamay nito. “Sandali na lang ito Hon, matutulog na rin ako pagkatapos namin.”

Lalong lumakas ang tawa ni Mang Carding sa sinabi ng anak. “O… kita mo na iha? Tutulugan ka lang pala… hahahaha!”

“Gano’n?” sabay tayo ni Carla at, “D’yan na nga kayo… magsama kayong dalawa.”

“Hindi naman sa gano’n Hon… si tatay naman ginatungan pa.”

Panay lang ang tawa ni Mang Carding sa dalawa. Tumungo na si Carla sa kuwarto nilang mag-asawa. Hindi na ito sinundan ni Alex dahil sa isip-isip n’ya, lilipas din naman ang tampo nito.

Naalimpungatan si Carla mula sa pagkakatulog nito ng maulinigan n’yang kumakatok ang kanyang biyenan sa kuwarto nilang mag-asawa. Pagbukas n’ya ng pinto, nakaakbay ang kanyang asawa sa balikat ng ama dahil hindi na makalakad sa kalasingan.

“O… iha… eto ang asawa mo, kahit panlakad papunta dito sa kuwarto n’yo, hindi nagtira.”

Tinulungan ni Carla ang biyenan sa pag-akay nito sa asawa upang alalayan pahiga sa kama.

“Sabi ko sa ‘yo e… tutulugan ka lang nito… hehehe.”

Medyo naniningkit ang mata ni Carla na tumingin sa biyenan at sinabing, “Paano naman hindi magkakaganyan yan e… nilasing n’yo.”

“Talaga lang mahina sa inuman itong asawa mo. nakatulog na nga dun sa mesa e.”

“Ah…. Sige po tay, ako na pong bahala dito.”

Subalit hindi agad umalis si Mang Carding sa likod ni Carla habang nakadukwang siya sa nakahigang asawa upang hubarin ang damit nito na nasukahan. Biglang sumuot si Mang Carding sa ilalim ng daster ni Carla kaya’t nagtatalak ito sa pagkagulat. Hindi malaman ni Carla kung saang direskyon pupunta at paikot-ikot sa kanyang kinatatayuan upang kapain ang ulo ng biyenan na nasa loob ng kanyang daster na panay ang halik sa bilugan at makikinis n’yang mga hita.  

“Taaaay! Ano ka ba? Hihihi! Ano baaaa? Putang-ina ka! Baka magising itong asawa ko… gago ka talaga… Hihihi! Aaaayyyy! Hahaha… Tama na… tay tama na…. nakikiliti ako… hihihi!”

Palakas-pahina ang boses ni Carla habang sinasaway ang biyenan. Biglang hinatak ni Mang Carding pababa ang panty ng manugang subalit pinigilan ito ni Carla sa pamamagitan ng pag-ipit nya ng kanyang hita at pagdikit ng kanyang dalawang tuhod. Hinimod naman ni Mang Carding ang likurang bahagi ng hita ng manugang mula sa binti pataas kaya’t napaangat ang isang paa nito sa kiliti dahilan upang tuluyang mahubad ang panty nito.  

Pumihit si Mang Carding patingala sa pagitan ng bahagyang nakabukang hita ng manugang at sinalo ng kanyang bibig ang puke nito. Dahil dito, napatingkayad si Carla at napahawak sa ulo ng biyenan na noo’y nakabukol sa loob ng kanyang daster. Dahil sa sarap at kiliting dala ng dila ni biyenan, nanlambot ang mga tuhod ni Carla kaya unti-unti siyang napaluhod. Si Mang Carding naman ay tuluyan ng nakahiga sa sahig habang nakaupo ang kanyang manugang sa kanyang muka at ang puke nito ay nakatapat sa kanyang bibig. Panay ang ulaol ni Mang Carding sa masarap na puke ng manugang habang nasa loob siya ng daster nito. Si Carla naman ay panay ang ungol at halinghing habang nakadaklot ang mga kamay sa kobre-kama.

“Taaaaayyy…. Ahhahhh… aaaaahhhh… uhhhhhh… ang sarapppp…. Ohhhhhh…. Uhhhhh… hayyyoooppp kaaaaa… ang galinggg mo talagaaaa…”

“Hmmmm… hhhhhmm…. Shluuurrrpp…shluurrrp..” maingay na tunog na likha ng pagkain ni Mang Carding sa puke ng manugang.

“Napakasarap ng kiki mo iha…. Hmmmm… hmmmm…. ang bango…. nakakagigil…. Hmmmmm…. Hrrmrmmmm…”

Biglang pumitik ang balakang ni Carla sa ginawang pagsipsip ng biyenan sa kanyang tinggil kaya’t napasubsob ang kanyang muka sa kama at kinagat-kagat ang telang nakabalot dito…

“Taaaaaannnnnngggg….inaaaaaa moooo kaaaangggg…. Hayooooppp kaaaaaaahhh… aaaaayyy!...Aaaaaayyy!... taaaaaayy!.... ang saraaap naman n’yaaaannn…. Uhhhhhh…. Uhhhhhhh…”

Nakatingin si Carla sa tulog na tulog na asawa habang kagat-kagat ang tela ng kobre-kama at panaka-nakang tumitirik ang mga mata sa sarap. Nanginginig na ang mga tu... Read More


About the Author :
8 comments   2 favorites   9,761 views