Breadwinner Series: May Part 3

July 20, 2016 (4 months ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Taboo | Tags:

Habang patuloy ang pag iyak ni May ay nakayakap pa rin si Alex sa kanya. Hinalikan ni Alex si May sa labi pero pumalag ito.

May: ALEX ANO BA!

Alex: May mahal kita!

May: Alex mali ito! May asawa at anak na ako. Alex makakahanap ka pa ng mas ok kesa sa akin.

Hindi na muna pinilit ni Alex si May at umalis na ito sa kanyang opisina. Habang pauwi naman siya ay muli niyang nakita si Brent sa isang restaurant na may kasamang ibang babae. Magkahawak sila ng kamay at naghahalikan pa sa labi. Sa pagkakataong ito ay hindi na nag dalawang isip si May na kumprontahin ang kanyang asawa.

May: SINO SIYA?

Brent: ah eh ahente ng insurance.

Girl: ANONG AHENTE NG INSURANCE? GIRLFRIEND MO AKO AH! SINO BA SIYA?

May: AKO LANG NAMAN ANG ASAWA NG LALAKENG YAN!

Saktong may dalawang basong malamig na tubig sa lamesa malapit kay May. Kinuha niya ang mga ito at tinapunan ng tubig sa mukha si Brent pati na ang chicks nito.

Umuwi agad si May sa kanilang tahanan at nag impake ng kanyang gamit pati na gamit ng mga bata. Isinama na niya ito papunta sa bahay ng nanay niya. Naging emosyonal ang mag ina nang magkita sila. Di naman papahuli ang kapatid niyang si Michael pati na ang girlfriend nitong si Donna sa pagyakap kay May.

Michael: Ate basta nandito lang kami para sa inyong tatlo.

Donna: Oo nga ate. Ako na muna bahala sa mga bata.

May: Mike, Donna, salamat ha.

Donna: Sus wala yun ate.

Nang nakapanik na sa itaas ang mga bata ay dito na ikinuwento ni May ang nangyari pati na ang nasaksihan niya. Galit na galit na si Michael nang mga oras na iyon at handa na siyang patayin si Brent oras na makita niya ito.

Kinagabihan ay sumugod si Brent sa tahanan nila Michael.

Brent: MAY! LUMABAS KA DYAN!

Hindi lumabas si May pero lumabas ang kapatid niyang si Michael na may sukbit na Glock 19 pistol bilang proteksyon. Kinompronta niya ang kanyang bayaw.

Michael: Brent umalis ka na! Ayaw ka niyang kausapin!

Brent: Hindi ko siya kailangan! Asan mga anak ko? Sila ang kukunin ko!

Nagtangkang sumugod si Brent pero agad pero mabilis namang nabunot ni Michael ang kanyang Glock 19 pistol at tinutukan agad ang kanyang bayaw.

Michael: ISANG HAKBANG MO PA BRENT AT HINDI AKO MAGDADALAWANG ISIP GAMITIN ITO SA IYO!

Napa atras si Brent kay Michael habang nakatutok sa kanya ang baril nito. Dito na sinubukan ni Brent na magmaka awa sa kanyang bayaw.

Brent: Bayaw parang awa mo na. Gusto ko lang makita mga anak ko.

Michael: Magkita na lang tayo sa korte! UMALIS KA NA AT BAKA MAPATAY PA KITA!

Walang nagawa si Brent kung hindi umalis sa bahay nila May.

Kinabukasan ay humingi na ng proteksyon sila Michael at May sa korte laban kay Brent. Pinilahan na rin nila ito ng kasong adultery at pinadalhan na ito ng subpoena.

Nang matanggap ni Brent ang subpoena ay sinubukan niyang makiusap kay May upang i-atras ang kaso pero buo na ang loob nito. Walang nagawa si Brent kung hindi labanan si May sa korte. Maliban sa kapatid ni May na abogado ay nakatanggap din sila ng iba pang tulong lalo na kay Donna. Ninong kasi niya si Atty. Joselito Mendoza. Isang batikang de kampanilyang abogado at abogado din ng Pangulo ng Pilipinas.

Mainit ang naging labanan nila sa korte at nagpagalingan sa pag dedebate ang prosekusyon at depensa. Hindi naman natinag si May nang siya na ang sumalin sa witness stand at id... Read More


About the Author :

Joined: December 29, 2015 (11 months old)
Writings: 95

Send PM · Male · Offline

I am a very friendly person. I hate people who are credit grabbers
0 comment   0 favorite   4,812 views