Boystowner (The Love Story Part 4)

March 31, 2016 (8 months ago)
Posted in Story: Fiction, Taglish | Categories: Romance | Tags:

Makalipas ang dalawang taon ay naiahon nilang muli ang kanilang negosyo. Nabayaran nila ang kanilang mga utang pero hinahabol pa rin sila ng kanilng supplier ngunit hindi para singilin ngunit para muling bigyan ng mas magandang terms at discount. Naibalik ni Brian ang tatlong set ng alahas na ibinenta ng kanyang ina. Dinoble na niya ang presyo sa pinagbentahan ng nanay niya para maibalik sa kanila. Alam kasi niyang mahal na mahal ito ng kanyang ina.

Pinaayos din ni Brian ang kanilang bahay lalo na't nabili pa nila ang dalawang loteng katabi nito ngunit hinabilin na ng kanilang ama kila Julie at Rachel ang dalawang lupa upang may tirahan sila kapag kinasal na sila. Binili rin ni Raymond ang bakanteng lote sa tapat ng bahay nila. Plano din kasi niyang bumukod kapag ikinasal na siya. Todo kanchaw naman siya mula sa mga magulang hanggang kay Rachel at Julie sa usaping pag ibig.

Julie: kuya masyado ka namang advance. Wala ka pa ngang girlfriend eh.

Brian: alam niyo naman kung sino ang hinahanap ko.

Rachel: bakit di mo ulit subukang hanapin. Malay mo magtagumpay ka na.

Masyang masaya ang pamilya ni Brian at sagana na sila sa pang araw araw nilang gastusin.

Minsan kapag nag uusap silang mag ama at mag ina ay humihingi ito ng pagpapatawad sa kanya ngunit tinatanggihan ito ni Brian. Pilit niyang ipinapahiwatig sa kanila na wala silang kasalanan. Nagpapasalamat pa siya dahil dito siya natutong tumayo sa kanyang sariling paa.

Dahil sa sakripisyo niya sa kanyang pamilya ay hindi naman siya pinabayaan ng Maykapal. Habang kumakain sila sa isang restaurant ay may kumalabit sa kanya.

Joanne: Brian?

Napalingon si Brian at nagulat siya sa kanyang nakita. Si Joanne ito. Ang babaeng nagpatibok ng kanyang puso.

Brian: Joanne? Kumusta?

Joanne: Eto mabuti. Ikaw?

Brian: mabuti naman. Ay sya nga pala parents ko at mga kapatid kong sila Rachel at Julie.

Joanne: hello.

Brian: come and join us.

Joanne: thanks.

Habang kumakain ay kinilala naman ng pamilya ni Brian ang babaeng nagpatibok ng kanyang puso. Mabilis namang nakapalagayan ng loob nila Rachel at Julie si Joanne. Matapos silang kumain ay nagpasya na silang iwan ang kanilang kuya upang makipag bond sa babaeng nagpatibok ng kanyang puso.

Rachel: kuya pahiram susi.

Brian: pano ako uuwi.

Joanne: Brian ako na maghahatid sa iyo.

Brian: ok. Rachel ingat sa pagmamaneho ha.

Rachel: thanks kuya.

Matapos kumain sa restaurant ay niyaya ni Joanne si Brian sa isang lugar kung saan sila pwedeng mag usap ng masinsinan. Nagpunta sila sa condo unit ni Joanne at dito nag usap sila ng masinsinan. Mahigit sampung taon silang hindi nagkita at maraming kwento silang naibahagi sa isat isa.

Brian: ganda ng condo mo Joanne.

Joanne: loko huwag kang mabilib sa akin. Hindi sa akin ito. Umuupa lang ako.

Brian: seryoso?

Joanne: yup. Sagot naman ng kumpanya ang gastos kaya ok na rin. Maupo ka.

Umupo naman si Brian sa sofa at sinamahan naman siya ni Joanne. Dito muli nilang sinariwa ang kanilang matatamis na alaala. Naging emosyonal din sila sa mga ilang tagpo lalo na't hindi maganda ang kanilang paghihiwalay.

Brian: palagi kitang pinupuntahan sa bahay niyo. Nag babakasakaling magkikita tayong muli pero wala nang tao dun.

Joanne: ibineta kasi ni Papa ang bahay namin matapos ang insidente. Maski ang madrasta kong si Tita Berna nagulat sa naging desisyon ni Papa.

Brian: saan naman kayo lumipat?

Joanne: Malapit sa Ateneo. Dun din kasi ako nakapasa at nag aral. Mas malapit din sa school kaya ok na rin.

Napapaluha na si Joanne habang nagkwekwento sa mga nangyari sa kanya sa buhay.

Joanne: naawa na nga din ako kay Tita Berna that time. Siya lang ang natatakbuhan ko tuwing may problema ako. Itinuring niya akong isang tunay na anak. Tuwing mainit ang ulo ni Papa eh ginagawa niyang punching bag si Tita.

Brian: eh yung mga kapatid mo?

Joanne: hindi na nagka anak sila Papa at Tita Berna. May problema sa matres si Tita. Awang awa nga ako sa kanya eh. Lagi na lang sinusumbat ni Papa sa kanya ang pagiging baog niya.

Brian: ganyan na ba talaga siya noon?

Joanne: hindi naman. Naging ganyan lang siya nung grade 4 ako. Namatay kasi si mama. Tapos after 2 years kinasal naman sila ni Tita Berna. She reached out for me that time na parang tunay na niya akong anak. Matagal na ng gusto ni Papa na magkaroon ng isa o dalawa pang anak. Nagkaproblema si Mama sa matres kaya hindi ito natupad. Tapos si Tita Berna naman may problema din sa matres.

Lalo pang lumakas ang hagulgul sa iyak ni Joanne nang maikwento niya ang pagtangka nilang kunin ang cellphone niyang kinumpiska ng ama niya.

Joanne: tinagka pa ni Tita Berna na ipuslit ang cellphone ko para sa akin. Para magkaroon ulit tayo ng communication pero nahuli kami ni Papa. Nasampal ako ni Papa habang walang tigil naman siya sa pambubugbog kay Tita Berna. Inako ko na nga lang ang kasalanan dahil awang awa ako sa kanya. Niyakap ko siya habang ginugulpi siya ni Papa kaya nakatikim din ako ng gulpi sa kanya.

Niyakap ni Brian si Joanne to give her comfort for the emotional stress she suffered. Nagulat si Brian sa pait ng sinapit ni Joanne sa kanyang ama. Tumigil si Joanne sa pag iyak at sinabihan niya si Brian na mag kwento sa nagyari sa kanya matapos ang insidente.

Joanne: ano ba yan napaiyak tuloy ako. Eh ikaw? Ano nangyari sa iyo after the incident?

Brian: pinagalitan ako ng tatay ko ng mga oras na yon. Akala niya nakipag basag ulo ako. Nung sinabi kong umibig lang ako pinagalitan pa rin ako. Pati nga sila Rachel at Julie eh kumuntik nang malason ang isip.

Joanne: ano ginawa mo?

Brian: pinatunayan kong mali sila sa pagkaka kilala sa akin. Lalo na kay Daddy at Mommy. Nagpursigi ako sa pag aaral at di ko na sila binigyan ng problema. Pero may mas malala na palang problema ang naka abang sa akin.

Joanne: ano yun?

Brian: nung pinaubaya ng dalawa kong ate ang negosyo namin baon na pala ito sa utang. Yung pera ng negosyo ibinili nila ng kapritso nila. Magarang condo, magarang sasakyan, alahas, magarang bag at kung ano ano pa. Napilitan nga si Mommy na ibenta ang mga alahas niya makaikot lang ako sa negosyo. Kaya nung nagka pera ako binili ko ulit ang mga ito. Alam ko kasing importente ang mga ito sa kanya. Hindi ko nga alam kung mapapatawad ko pa mga ate ko.

Nagulat din si Joanne sa pinag daanan ni Brian. Nagpatuloy ang kanilang kwentuhan hanggang napunta sa buhay pagibig ang kanilang usapan.

Joanne: Brian mga kapatid mo pa rin sila. Darating din yang pagpapatawad na yan. Hindi natutulog nag Diyos Brian.

Hinawakan ni Joanne ang mga kamay ng binata at iniba niya a... Read More


About the Author :

Joined: December 29, 2015 (11 months old)
Writings: 95

Send PM · Male · Offline

I am a very friendly person. I hate people who are credit grabbers
6 comments   0 favorite   1,741 views