Boystowner (The Love Story Part 2)

March 30, 2016 (8 months ago)
Posted in Story: Fiction, Taglish | Categories: Romance | Tags:

Umuwi si Brian sa bahay nila ngunit imbes na kumustahin ay sinermonan siya ng mga magulang niya pati na mga ate nya. Akala nila ay nakipag basag ulo nanaman si Brian ngunit hindi nila alam na ang tanging kasalanan lamang niya ay ang umibig.

Tatay: ANO ITO? KAKALABAS MO LANG NG BOYSTOWN BASAG ULO KA NANAMAN? ANO BA TALAGA PROBLEMA MO?

Brian: Dad hindi naman ako nakipag basag ulo eh. Nagmahal nang naman ako.

Tatay: LINTIK NA PAGMAMAHAL YAN! PASOK SA KWARTO MO!

Pumasok na sa kwarto si Brian at inilabas ang sama ng loob sa pag iyak. Kumatok naman si Rachel at Julie upang kumustahin siya.

Rachel: Kuya papasok kami ni Julie ha.

Brian: tuloy lang kayo.

Rachel: kuya ano ba nangyari?

Brian: umibig lang naman ako Rachel, Julie. Pero ginulpi ako ng ama niya nung malaman niyang taga Boystown ako.

Ipinakita ni Brian sa kanyang dalawang kapatid larawan nila ni Joanne na kuha sa isang sikat sa photo studio.

Rachel: ang ganda niya kuya.

Julie: oo kuya ang ganda niya.

Rachel: kuya balang araw magkakatuluyan din kayo.

Niyakap nila Julie at Rachel ang kanilang kuya matapos marinig ang kwento ng kanilang kuya. Dito naramdaman ni Brian na may nagmamahal pala sa kanya. Sila Rachel at Julie.

Nagsimula na ang pasukan at dito sinimulan na ni Brian ang pagsusunog ng kilay. Toka na din niya ang paghatid sundo sa mga kapatid niya dahil on the way din naman ito papuntang eskwelahan at pabalik ng bahay nila. Mas naging malapit si Brian kila Rachel at Julie sa isat isa. Dito nila tuluyang nakilala ang ugali ng kanilang kuya. Mabait naman pala ito at malayong malayo sa sinasabi nila Leslie at Eileen. Minsan kung may hindi sila maintindihan sa kanilang assignment o kaya naman sa lesson ay si Brian ang kanilang takbuhan. Hindi rin maramot so Brian. Pag birthday ng dalawa niyang nakababatang kapatid ay may regalo siya sa dalawang ito.

Nasubsob si Brian sa pag aaral. Kailangan kasi niyang patunayan sa kanyang mga magulang maging sa kanyang mga ate na mali sila sa pagkaka kilala sa kanya. Sila na kasi ang humahawak ng nesgosyo nila at lagi nilang sinusumbat kay Brian ang kanyang matrikula. Tinatapalan na lamang niya ang mga dila nito ng matataas na grado.

Makalipas ang apat na taon ay nagtapos si Brian bilang Summa Cum Laude. Tuwang tuwa ang mga magulang nito maging sila Rachel at Julie. Tanging sila Leslie at Eileen lamang ang hindi masaya para sa kanya. Dala na rin siguro ng inggit. Di kasi nila lubos na maisip na tinalo sila ng isang Boystowner. Nagtapos nga sila sa Ateneo at La Salle pero hanggang Dean's Lister lang sila.

Gusto ni Brian na tumulong sa kanilang negosyo ngunit kumontra nanaman ang dalawa niyang ate.

Brian: dad ngayong graduate na ako baka pwede akong tumulong sa negosyo.

Leslie: ano itutulong mo eh kaka graduate mo lang?

Eileen: baka kung gusto mo kargador!

Brian: mga ate naman hindi ako nag aral ng engineering para maging kargador. Kaya nga turuan niyo ako para naman makatulong ako. O baka naman may milagro kayong ginagawa kaya ayaw niyong tumulong ako.

Tatay: Anak wag na wag kang mambibintang ng wala kang sapat na katibayan. Sige na hayaan mo na ang mga ate mo. Maghanap ka muna ng experience sa ibang kumpanya.

Naghanap na lang muna ng trabaho si Brian. Nagturo muna siya sa isang private school habang nag aaral para sa kanyang board exam. Nang makapasa siya ay natanggap naman siya sa isang sikat na engi... Read More


About the Author :

Joined: December 29, 2015 (11 months old)
Writings: 95

Send PM · Male · Offline

I am a very friendly person. I hate people who are credit grabbers
1 comment   0 favorite   1,749 views