Boystowner The Sex Story Part 3

February 16, 2016 (9 months ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Romance | Tags:

Boystowner Part 3

(Paalala: Ang mga kwentong ito ay pawang kathang isip lamang. Anumang pagkakahawig sa mga tauhan, lugar at pangyayari na nakapaloob sa kwentong ito ay hindi sinasadya at pawang aksidente at nagkataon lamang)

Habang umiiyak si Joanne ay naglabas ng panyo si Brian upang punasan ang luha niya. Matapos punasan ay niyakap siya ni Brian. Di naman pumalag si Joanne at gumanti ng matinding yakap. Di maiiwasang tumulong muli ang mga luha ni Joanne pero luha na ito ng saya.

Dito sinariwa ni Joanne ang nangyari kung bakit hindi niya nasabihan si Brian tungkol sa kanyang pagbubntis. Kinumpiska kasi ng kanyang ama ang cellphone niya at binigyan siya ng bagong numero. Tinagka niyang i-text si Brian tungkol sa kanyang pagdadalang tao ngunit siya ay bigo. Nahuli siya ng kanyang ama at napagbuhatan siya ng kamay. Tanging ang madrasta lamang niya ang takbuhan niya ng mga oras na yon.

Nanghinayang si Brian sa mga panahong wala siya sa piling ng kanyang anak. Napahagulgul siya sa iyak ng mga sandaling iyon dahil madalas din siyang naghahanap ng balita tungkol sa kanya pero bigo siya. Pareho silang menor de edad ng mga panahong yon at wala silang magawa sa sitwasyon. Kung pwede lang nilang balikan ang nakaraam ay ginawa na nila ito.

Dito nalaman ni Joanne na hindi sumuko si Brian sa kanilang relasyon. Palagi pala siyang pumupunta sa bahay nila upang kumustahin siya ngunit di siya pinapapasok ng mga ito.

Matapos ang kanilang paguusap ay kinuha na nila ang bagong cellphone number ng isat isa at nangakong ibabalik ang kanilang komunikasyon. Umuwi na si Joanne sa kanilang tahanan ganun din si Brian. Dito halo halong emosyon ang naramdaman ng binata. Alam niyang may nangyari sa kanila ni Joanne pero hindi niya alam yung tungkol sa bunga ng kanilang pagmamahalan.

Pagkarating ni Joanne sa kanilang bahay ay masaya niyang ibinalita sa kanyang anak na malapit nang pumunta ang kanyang tatay sa bahay nila. Tuwang tuwa si Ryan sa balitang ito at excited na siyang makita ang kanyang ama. Niyakap naman siya ng kanyang amang si Robert pati na ng kanyang madrasta na si Berna. Todo suporta na ang binigay ngayon ni Robert sa kanyang anak lalo na't nahanap na niya si Brian.

Sa kabilang dako naman ay naikwento ni Brian sa kanyang pamilya na nagbunga ang pagmamahalan nila ni Joanne. Mixed emotions ang nararamdaman ng binata kaya't humingi siya ng payo sa mga ito. Pinayuhan siya ng mga ito na humanap ng tyempo o pagkakataon para ipa DNA test ang bata.

Kinabukasan ay tinawagan ni Brian si Joanne upang dumalaw sa kanilang bahay at makita ang bunga ng kanilang pagmamahalan na si Ryan. Pag dating niya sa bahay nila Joanne ay mainit naman niya itong sinalubong at tumakbo sa kanya ang kanilang anak na si Ryan. Yumakap sa kanya ang bata at naramdaman ni Brian ang lukso ng dugo at pinakilala na sila ni Joanne sa isat isa. Nararamdaman niya na anak niya ito pero maraming bagay pa rin ang bumabagabag sa kanyang isipan. Habang nasa bahay nila Joanne ay tinawag naman ni Robert si Brian upang kausapin ng masinsinan sa kanyang opisina.

Dito humingi siya ng tawad sa nagawa niya sa kanya. Nadala kadi siya ng kanyang emosyon ng mga oras na iyon. Matagal din siyang hinanap ni Robert upang makipag ayos pero di sila nagtatagpo. Dito lang din nalaman ni Brian na buntis na pala si Joanne nung nangyari ang di inaasahan nung bakasyon na yon pitonh taon na ang nakakalipas. Panay ang panghingi ng tawad ni Robert sa nagawa niya at tinaggap naman ito ni Brian. Mahal na mahal pa rin niya si Joanne kaya't hindi na siya naghanap pa ng ibang babae.

Bumawi si Brian sa pitong taong pagkukulang niya sa kanyang anak pati na kay Joanne. Dito palagi siyang sumasama sa mga school affairs lalo na tuwing family day pati na mga field trip. Madalas din silang magpunta ng mall para mamasyal at out of town naman tuwing may long weekend. Di maipinta ang saya ni Ryan na kasama na niya ang kanyang ama. Si Joanne naman ay parang nabunutan ng malaking tinik sa dibdib nang nabuo na ang kanilang pamilya.

Isang araw kailangan nang magpagupit ni Ryan dahil sa haicut requirement nila sa eskwelahan. Dito nakakita na ng tyempo si Ryan na makakuha ng DNA sample. Sinamahan niya si Ryan na magpagupit sa mall habang si Joanne naman ay namili ng mga kakailanganin nila sa bahay. Habang ginugupitan si Ryan ay patago siyang kumuha ng ginupit na buhok at inilagay sa plastic bag. Plano niya itong ipasuri sa laboratoryo. Matapos gupitan si Ryan ay pinuntahan na sila ni Joanne upang makapag tanghalian na at mag arcade. Ito kasi ang kinagisnan niyang bonding kasama ang kanyang nanay. Nawala na ang inggit ni Ryan ang inggit sa kanyang mga ka klase maging sa kanyang mga kalaro lalo na't kasama na niya ang kanyang tatay.

Ipinasuri ni Brian ang buhok sa isang laboratoryo upang malaman niya kung anak nga niya talaga si Ryan. Pagkatapos suriin ay ibinigay na ng medtech ang resulta sa kanya. Possitive ang resulta. Anak nga niya si Ryan. Umuwi agad si Brian sa kanilang tahanan upang ipaalam ang balitang ito. Tuwang tuwa naman ang mga kapatid nito at sabik na silang makilala si Ryan. Ipinaliwanag na lamang ng kanyang Ate Leslie sa kanilang mga magulang ang sitwasyon upang hindi sila mabigla lalo na't lolo at lola na sila. Wala kasi silang ideya na nagmahal pala si Brian at nagbunga pa ito.

Parang nabunutan din ng malaking tinik sa puso si Brian nang malaman na anak talaga niya si Ryan. Dito wala na talaga siyang pinalagpas na pagkakataon. Tuwing libre siya ay palagi niyang dinadalaw ang mag ina niya.
Ipinakilala na rin niya si Joanne pati si Ryan sa kanyang pamilya. Mainit naman siyang tinaggap ng mga ito lalong lalo na kay Ryan. Sobrang bibbo kasi nito at sobrang magalang pa.

Tuwing weekend ay natutulog si Ryan sa kanyang ama upang maka bonding naman niya ang kanyang lolo, lola at mga tita. Sobrang saya ni Ryan na madaming tao pala ang nagmamahal sa kanya. Super spoiled ito sa mga kapatid ni Brian maging sa mga magulang nito. Dala na rin siguro ng pitong taong pagkukulang nila dito at unang apo at pamangkin sa pamilya.

Muling binuo ni Brian ang relasyon nila ni Joanne. Todo din ang pagbawi niya dito lalo na't madami siyang hindi napunan nung mga oras na iyon. Masaya nilang sinimulan ang matamis na pag ibig at dito naramdaman nila na mahal pa rin nila ang isat isa. Kahit na pareho silang may nararamdaman sa isat isa ay dumaan pa rin sa proseso si Brian. Niligawan niyang muli si Joanne tulad ng panunuyo niya dati nung nasa Boystown pa siya. Dito muling naramdaman ni Joanne ang pagiging tapat ni Brian sa usaping pag ibig at makalipas ang ilang buwan ay muling nakuha ni Brian ang matamis na OO ni... Read More


About the Author :

Joined: December 29, 2015 (11 months old)
Writings: 95

Send PM · Male · Offline

I am a very friendly person. I hate people who are credit grabbers
0 comment   0 favorite   3,198 views