Boystowner The Sex Story Part 2

February 14, 2016 (9 months ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Romance | Tags:


By: hardfucker69/Tonyong Bayawak

(Paalala: Ang mga kwentong ito ay pawang kathang isip lamang. Anumang pagkakahawig sa mga tauhan, lugar at pangyayari na nakapaloob sa kwentong ito ay hindi sinasadya at pawang aksidente at nagkataon lamang)

Makalipas ang pitong taon ay nakapag tapos na ng kursong engineering si Brian at nakapag patayo na ng isang engineering and construction firm. Lakas loob niya itong pinasok pagkatapos magtapos ng pag aaral at nang makapasa sa board exam. Si Joanne naman ay nakatapos ng kursong accountancy sa UST at nakapasa din sa board. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag aaral matapos siyang manganak. Nagbunga ang pagmamahalan nila ni Brian ng isang batang lalake. Si Ryan. Ito ang piniling pangalan ni Joanne dahil ito lamang ang alaala niya sa isang matamis na pagibig na minsan lang niyang naranasan. Umaasa pa rin siya na mabubuo ang relasyon nila ni Brian at magiging isang masayang pamilya sila.

Nagtatrabaho si Joanne sa isang sikat na accounting firm. Minsan kinukulit siya ni Ryan kung sino ba ang kanyang daddy. Naiinggit kasi siya sa mga kalaro at kaklase niyang may ama na nakakalaro nila at nakakasama tuwing namamasyal. Ang tanging dahilan na lamang ni Joanne kay Ryan ay nagtatrabaho sa ibang bansa ang kanyang ama at hindi pa makakauwi. Sabik na sabik ang bata na makita at makilala ang kanyang ama. Di pa rin kumukupas ang ganda niya pati na ang kanyang kutis porselanang katawan. Pati hubog ng katawan niya ay hindi pa rin nagbago kahit na nanganak na siya. Seksing seksi pa rin siya. Hot momma ika nga nila.

Nagkaayos na sila Joanne at ng kanyang ama. Pinayagan na niya ito na buhayin muli ang relasyon nila ni Brian kapag mabibigyan siya ng pagkakataon. Naging mahigpit kasi siya dito dahil taga Boystown si Brian. Madalas nasasaktan si Robert tuwing tatawaging disgrasyada ang kanyang anak. Pinutol din niya ang komunikasyon nila sa pamamagitan ng pagkumpiska ng kanyang cellphone at binigyan siya ng bagong numero. Minsan ay tinangka ni Joanne na i-text si Brian tungkol sa kanyang siywasyon pero napagbuhatan niya ito ng kamay. Puno ng pagsisisi si Robert at kung maibabalik lang niya ang panahon ay bibigyan niya ng pagkakataon si Brian. Byudo na si Robert nang magkakilala sila Brian at Joanne. Kaisa isang anak niya ito kaya todo bantay siya dito ngunit masyado siyang naging mahigpit sa anak niya. Todo todo ang pagsisisi niya sa nagawa niya. Pati ang kanyang bagong asawa na si Berna ay nahihigpitan sa ginagawa niya kay Joanne.

Si Berna lamang ang natatakbuhan ni Joanne nung high school pa siya at alam din niya ang tungkol kay Brian. Walang naging anak si Berna kay Robert dahil sa problema niya sa matress. Dahil dito ay itinuring niyang tunay na anak si Joanne. Di rin naman ligtas si Berna sa pagiging brutal ni Robert nang mga panahong iyon. Punching bag siya nito tuwing nagkaka problema siya sa negosyo niya. Bumait lamang si Robert nung ipinanganak na si Ryan. Bumawi naman si Berna kay Joanne sa pamamagitan ng pagaalaga sa anak niya habang siyanay nag aaral at nasa klase. Minsan na kasi niyang hindi naipagtanggol ang dalaga at ito lamang ang alam niyang paraan para makabawi sa kanya.

Sa kabilang dako naman ay nagkaayos din silang limang magkakapatid pati na rin sa kanilang magulang. Mas naging close siya sa kanyang mga kapatid na sila Leslie, Eileen, Rachel at Julie. Mas naging solid sila sa isat isa. Mula nang magtapos si Brian sa Boystown at La Salle ay hindi siya nagkaroon ng girlfriend. Nasa puso pa rin niya si Joanne. Naikwento na niya ito sa kanyang Ate Leslie. Nagulat ito sa inabot ni Brian sa ama ni Joanne. Naikwento din niya na may nangyari sa kanila at may kutob siya na nagbunga ang kanilang pagmamahalan. Pinayuhan naman ni Leslie si Brian na hanapin ang kanyang kaligayahan. Halos ginawa nila ang lahat ng paraan pero sila'y nabigo. Hindi pa rin nawawalan ng pag asa si Brian na mabubuong muli ang pag iibigan nila ni Joanne.

Nagpatuloy si Brian na pagbutihan ang kanyang negosyo at araw araw niyang ipinagdarasal na balang araw ay makakapiling niyang muli si Joanne. Wala nang pinalagpas na pagkakataon si Brian. Pati alumni directory nila sa Assumption ay di rin nakaligtas sa kanya. Ganun din naman ang ginawa ni Joanne. Madalas siyang pumupunta sa Boystown upang makahanap ng balita tungkol kay Brian pati na kung may update na sila dito. Hindi pa rin siya nawawalan ng pag asa.

Maganda ang takbo ng construction firm ni Brian. Halos nabibili na niya ang lahat ng gusto niya. Mula sa Toyota Land Cruiser, Rolex na relo, high end na cellphone at kung ano ano pa. Maganda din naman ang takbo ng negosyo ng kanilang pamilya at ipinaubaya na niya ito sa kanyang mga kapatid. Tumutulong din ang kanyang apat na kapatid sa paghahanap kay Joanne ngunit mailap yata ito sa kanila. Paraan na nila ito ng pagbawi sa mga nagawa nila kay Brian.

Pareho hinahanap nila Brian at Joanne ang isat isa at nagbunga din naman ito. Isang araw ay nagpunta nh Boystown si Brian upang magbigay ng donasyon na mga lumang damit at sapatos para sa mga bata dun. Pero sadyang maliit ang mundo para sa kanila. Sakto namang nandun din si Joanne upang kumuha ng balita tungkol kay Brian. Nagkita silang dalawa at pareho silang natulala.

Brian: Joanne?
Joanne: Brian?
Brian: kumusta ka na?
Joanne: eto mabuti. Eh ikaw?
Brian: mabuti din naman.

Nagpatuloy ang kanilang kwentuhan habang nililibot ang compound ng Boystown. Muli nilang sinariwa ang mga matatamis at masasayang alaala ng kahapon. Sa Boystown nagsimula ang kanilang pagkakaibigan at pag iibigan. Dito lang nila nalaman sa isat isa na pareho lamang silang sabik sa pagmamahal ng isang ina.

Ipinasok... Read More


About the Author :

Joined: December 29, 2015 (11 months old)
Writings: 95

Send PM · Male · Offline

I am a very friendly person. I hate people who are credit grabbers
3 comments   0 favorite   3,628 views