Book 2 - Langit Nasaan Ka Ba? Chapter 10

November 26, 2015 (1 year ago)
Posted in Story: Fiction, Taglish | Categories: Mature | Tags: ,

     Binuklat ni Eddie ang sulat na iniwan sa kanya ni Bogart at nagsimulang magbasa.

     - Pre hanggang dito na lang ako, habang binabasa mo 'to eh nagkita na kami ni Debra pero hanggang tinginan lang kami dahil siya sa langit ako malamang sa impyerno hehe! 

     Gusto kong magpasalamat sa'yo pre, mula pa nung maliliit tayo ay marami ka ng nagawang kabutihan sa akin, naalala mo ba yung binosohan ko yung anak ni Aling Nena, sinaway moko sakto namang may dumaan kaya ikaw ang napagbintangan, nakatikim ka tuloy ng malupit na palo sa lola mo, pero wag ka mag-alala Eddie boy dahil inamin ko sa lola mo at kay Aling Nena na ako talaga ang may kasalanan. Yun nga lang puro latay ka na hahaha! 

     Marami na talaga akong kalokohan noon pero ikaw ang laging sumasalo, hanggang sa nagbinata na tayo ay ganun parin, tinuruan pa kitang mamakla, alam ko namang ayaw mo nun napilitan ka lang dahil sa pamimilit ko, mas pogi ka kasi kaya kapag may kumursunada sa'yong bakla e damay narin ako, yun kasi lagi ang sinasabi ko na dapat tayong dalawa hindi lang ikaw haha! Ang utak ko no?.

     Pre maraming salamat sa lahat ng kabaitan mo hindi lang sa akin kundi sa pamilya ko, kasabay ng thank you ko ay sorry, patawarin mo ako, napakalaki ng nagawa kong kasalanan pero sa huli ay ako parin ang inisip mo. Alam ko naman na hindi ka mapalagay noon sa kalagayan ko sa kulungan, ramdam ko yun pre, magkadikit bituka natin e. Sa pagkakataong ito ay hinahabilin ko sa'yo ang anak ko at ang bahay namin. 

     Wag mo papabayaan si Jomer, para mo narin siyang anak diba? Pre habang lumalaki siya ay ikuwento mo kami ng Mama niya, at request ko lang pre na sana wag mo na ipaalam sa kanya ang mga naging kasamaan ko. Palakihin mo siyang mabait katulad mo. Napakabuti mong tao Eddie Boy kaya naman pinagpapala ka. 

     Pre mag-ingat ka. Kelan ko lang nalaman ito, inamin sa akin ni Gusting bago siya namatay. Akala ko nung una ay aakyatin lang namin ang bahay na yun na kayo pala ang may-ari at pagnanakawan, pero inutusan pala si Gusting ng kasamahan niya sa sindikato at isinama lang ako, ang utos ay limasin ang lahat ng alahas sa bahay. Yun lang daw ang binanggit sa kanya pero narinig niya daw ang usapan ng kasamahan niya at ng nag-utos na pagnakawan at iba ang pagbibintangan. Mr. Valerio ang nabanggit sa akin ni Gusting na pangalan, hindi ko sigurado kung tama dahil walang mga ngipin ang gago kaya hindi malinaw ang salita pero yun ang intindi ko o katunog nun. Pagnanakaw lang talaga dapat, dinimonyo lang ako ni Gusting na dalihin ang asawa mo, patawarin mo ako pero ang totoo ay ako lang ang nakagalaw sa kanya at nung mahuli mo ako ay kakasimula ko palang nun, kung anu-ano lang ang sinasabi namin dahil sa high na kami sa droga. Patawarin mo ako pre. Puntahan mo ang address na nakasulat sa nakahiwalay na papel, bahay yan ng asawa ni Gusting baka may alam siya.

     Naisip ko lang na kung ikaw ang nakatira dun ay malamang na ikaw ang gustong pagbintangan, mukang may taong galit sa'yo pre kaya mag-ingat ka. Masama akong tao pero hindi ko kailanman ginusto na masaktan ka. Mahal kita pre na parang tunay na kapatid.

     Yung taong yun ang alam kong nagpapatay kay Gusting at alam ko na ako na ang kasunod kaya ginawa ko na agad ang sulat na'to. 

     Pre ituloy mo ang buhay mo, ipagpatuloy mo ang kabutihan ng puso mo, wala na ako pero alam kong andiyan lang ako sa isip at puso mo, yun lang masaya na ako.

     Paalam na pareng Eddie Boy. Maraming salamat at patawarin mo ako sa lahat ng nagawa ko. 

     Bogart - 

     Hilam sa luha ang mga mata ni Eddie nang itiklop at ibalik sa sobre ang sulat. Valerio? Malapit sa Valero, hindi kaya isa sa kapamilya ang may pakana ng lahat at gustong sirain siya? Naisip ni Eddie. Kailangang malaman niya ang katotohanan, may isang Valero na gustong mawala siya sa eksena, naisip niya pa at pinasibad na ang sasakyan. 

     "O bakit ang tagal mo ata?" Tanong ni Ela kay Joey nang dumating ito.

     "Ah sumakit ang tiyan ko e, puntahan ko lang ang construction." Paalam niya at agad na umalis.

     "Hi babe! Umalis ka ba ulit? Masayang bati ni Patricia sa nobyo nang makita niya itong pumasok sa pintuan ng bahay.

     "No baby kakarating ko lang, come aalis tayo." Sagot ng binata, nagtaka naman si Patricia sa naging sagot nito dahil ang alam niya ay umuwi na ito kanina at may nangyari pa nga sa kanila, magtatanong sana siya pero naramdaman niyang hinawakan nito ang kanyang kamay at naglakad na sila palabas ng bahay. 

     Saktong paglabas nila ng pintuan ay siya namang dating ni Caloy, kasama nito si Joey. Agad na sumakay ang magnobyo sa likod ng kotse at iniabot ni Eddie ang papel sa driver.

     "Punta tayo dito Mang Caloy." Utos ng binata. Tinignan ni Caloy ang nakasulat na address at pinaandar na ang kotse. 

     "Kuya Ed ano ang gagawin natin sa Angono? Tanong ni Joey habang binabasa ang address sa papel.

     "May kakausapin lang ako, I wan't you to stay here in the car with Patricia, sasamahan ako ni Caloy." Si Eddie.

     Mga isang oras din silang bumiyahe hanggang sa tumigil sila sa isang kanto. Lumabas ng kotse si Caloy at nagtanong sa mga taong naroroon. Maya-maya ay muli itong sumakay ng kotse.

     "Dalawang kanto pa raw Boss." Sabi nito.

     Pagdating nila sa ikalawang kanto ay bumaba na ng sasakyan si Eddie at Caloy, nagtanong-tanong sila kung saan ang address at may isang nakapagturo sa kanila. 

     Sa loob ng kotse ay hindi mapalagay si Joey, sa unahan siya nakaupo at sa likod naman si Patricia. Hindi parin mapalagay ang babae sa nalaman na hindi umuwi si Eddie kanina, kung ganon ay sino ang naka sex ko? Tanong niya sa sarili.

     Hindi lumilingon si Joey sa among babae at hindi rin siya nagsasalita. Hindi niya maalis sa isip na kanina lang ay may nangyari sa kanilang dalawa, mukang hindi nito alam na siya ang kumantot dito kaya alam niyang walang problema pero nakukunsensiya parin siya.

     "Where were you kanina Joey? Umuwi ka ba ng bahay kanina? Tanong ni Patirica, hindi na siya nakatiis, kailangang malaman niya ang totoo kung sino ang lalakeng 'yon para narin sa ikakapanatag niya. Ngayon niya naisip na pinaglaruan siya ng imahinasyon niya kanina at hindi totoong si Eddie ang nakita niya, at sa pagbalik tanaw sa nangyari ay namumukaan niya na ang unang itsura na nakita niya. 

     Nanginig sa nerbiyos si Joey sa narinig, hindi siya pwedeng magsinungaling dahil malalaman din naman nito sa iba na umuwi siya kanina.

     "O..opo ma'am,...may pinakuha po kasi si Ela sa kwarto niya." Kinakabang sagot ng binata, nilakasan niya ang loob niya at lumingon sa kausap. Nakatingin lang ito sa kanya pero hindi niya mawari kung galit ba o hindi, basta ang nakikita niya ay ang maganda at maamong mukha nito.

     "So it was you, ano ba ang nangyari? Tell me everything and I will spare you, nangyari na eh." Mahinahong sagot ni Patricia. Hindi siya pwedeng basta magalit dahil alam niyang inatake siya kanina at kung wala ang binata ay malamang na nawala siya sa katinuan at nagwala sa loob ng silid, kung nagkataon ay tiyak na matatakot ang mga katulong na walang alam tungkol sa sakit niya. 

     "So...sorry po Ma'm..." simula ni Joey kasabay ng pagtulo ng mga luha niya. 

     "Hindi ko po sinasadya, akala ko po may nangyayaring masama sa inyo, gigisingin ko po sana kayo kaso lang ay bigla niyo akong hinalikan...patawarin niyo po ako Ma'am dahil hindi ako nakapagpigil, nadala po ako sa ganda niyo..huhuhu! Sana ay mapatawad niyo ako lalo na ni Kuya Eddie, napakabuti niya pero nakagawa ako ng mali sa kanya huhuhu!" Tuluyan nang humagulgol si Joey at napasubsob sa kanyang mga palad.

     Naawa naman si Patricia, alam niya ang dinadala ng lalake at alam niyang mabuti ito at hindi ginusto ang nangyari, kung tutuusin ay kasalana niya ang lahat, sino ba namang lalake ang uurong sa libreng sex? Sa isip niya. Kinuha niya ang kamay ng binata at hinila niya ito at pinatabi sa kanya sa likod na upuan ng kotse. 

     "Ssshhh...don't cry, wag na lang nating sabihin kay Eddie pero dapat ay hindi na ulit mangyari 'yon, it is my fault at wala kang kasalanan." Sa narinig ay napatingin si Joey sa kanya. 

     "Pano pong kasalanan niyo? E ako po ang gumalaw sa inyo, hindi ko na inisip na asawa kayo ni Kuya Eddie." Sagot ng binata. Hindi alam ni Patricia kung sasabihin ang totoo, pero naisip niyang mas maganda kung malalaman nito ang sakit niya para maintindihan nitong maigi. Magsisimula na siyang ipagtapat ang totoo nag matigilan siya, bigla siyang nakaramdam ng pag-iinit ng katawan.

     "Not now please....not now aaahhh..." bulong ni Patricia sa sarili, napansin naman ni Joey ang pagbabago sa kilos ng katabi kaya nag-alala siya.

     "Ma'am ok lang po kayo? Ano pong nangyayari? May masakit po ba?" alalang tanong nito sa babae, hindi niya alam kung hahawakan ba ito o hindi. Si Patricia naman ay yumuko at pilit pinaglalabanan ang nararamdaman, pero sa pagyuko niya ay nakita niya ang harapan ng nakaupong binata, naka fit na maong ito kaya kita ang umbok ng pagkalalaki. Dito na nawala sa katinuan si Patricia at agad na dinakma ang nakabukol na alaga sa kanyang harapan. 

     "Ma'am wag po" gulat na awat ni Joey sa babae, umurong siya ng upo hanggang sa masagad na siya sa pintuan ng kotse, pilit niyang tinatanong kung ano ang nangyayari pero ungol lang ang tanging sagot ni Patricia. Hinawakan ng binata ang kamay nito at inaalis sa kanyang harapan pero mas lalo itong dumidiin. 

     Napasandal si Joey sa pinto ng kotse nang maramdaman niya ang mga labi at dila ng babae sa kanyang leeg, nakikiliti siya pero pilit niyang pinaglalabanan, una ay ayaw niya ng magkasala at pangalawa ay baka may makakita sa kanila, tinted ang salamin ng kotse pero paano kung biglang bumalik ang kuya Eddie niya at mahuli sila. Hindi niya maintindihan ang nangyayari, bigla na lang nag-iba ang kilos ng among babae at animo'y hayok sa sex. 

     Napaungol si Joey nang maramdaman ang mainit na bumalot sa kanyang burat, nabuksan na pala ni Patricia ang kanyang pantalon at subo na nito ang kanyang alaga, napahawak si Joey sa ulo ng babae at napapikit, masarap, ang sarap sobra! Sa isip niya, at unti-unti na siyang nadadarang pero bigla siyang natauhan at malakas na inangat ang ulo ng babaeng amo kaya nailuwa nito ang kanyang burat.

     "Sa....sa..bag ko....ung injection...ooohhh" paungol na sabi ni Patricia, nasa hiyas niya ang isa niyang kamay, mula sa gilid ng panty ay nakapasok ang isang daliri nito at kumakalikot sa hiwa nito.

     Agad na kinuha ni Joey ang bag sa gilid ng upuan, pero sa pagdukwang niya ay binitiwan niya ang ulo ng babae kaya bumalik ito sa kanyang alaga, ramdam ni Joey ang sarap ng ginagawang pag tsupa sa kanya kaya naman hindi niya agad mahanap ang sinasabi nitong injection.

     "Hayop!" Galit na anas ni Eddie habang nakikinig sa voice record na nakasave sa isang cellphone na inabot sa kanya ni Seding, ang asawa ni Gusting.

     Nang nahanap nila ang bahay ay agad na hinarap sila ng babae, at sa pag-uusap ay inamin nito na alam niya ang lahat ng ginagawa ng kanyang asawa, pero gusto na raw nitong magbago at tumiwalag sa sindikato, kaya lahat daw ng mga transaksiyon at pag-uusap ay vinivideohan nito ng palihim o kaya naman ay nirerecord ang usapan. Iniwan daw sa kanya ng asawa ang cellphone nito at sinabing nandoon lahat ng mga ebidensiya na magagamit para kung sakaling may mangyari dito ay malalalaman kung sino ang may gawa. 

     Nagngangalit ang mga bagang ni Eddie habang nakikinig, pamilyar sa kanya ang boses ng nag-uutos na pasukin ang bahay nila at nagtaasan ang lahat ng balahibo niya sa katawan ng makilala kung sino ito. Na record ang lahat ng usapan pati ang address dahil may isang lalake ang nagbasa ng malakas ng address na mukang sadyang sinabi para makuha sa recording na sa palagay ni Eddie ay si Gusting na kinompirma naman ng asawa nito.

     "Boss ako na ang gagawa nito, alam ko ang lugar, magsasama na lang ako ng kabatak ko." Sabi ng boses ni Gusting. 

     "Kayo na ang bahala, nakawin niyo lahat at gawin ang kahit anong gusto niyo, wala akong pakialam kahit may patayin pa kayo." Sabi ng pamilyar na boses sa recording. 

     "Opo kami na ang bahala basta ibigay niyo na ang kalahati ng bayad ngayon" sagot ng isa pa.

     "Haha! Mautak ka rin sige eto ang 200 thousand, another 300 thousand will be sent to your account kapag ok na ang pinapagawa ko." 

     Dito na pinatay ni Eddie ang cellphone. Hindi siya maaaring magkamali, kilala niya ang nag-utos, hindi niya lang matanggap na kaya nitong gumawa ng ganon kasamang bagay.

     Nagdididilim ang pangingin ni Eddie nang lumabas ng bahay, hiniram niya sa asawa ni Gusting ang cellphone para gamiting ebidensiya. Naglalakad na sila pabalik sa kotse ay hindi parin siya makapaniwala, hayop ka papatayin kita! Sigaw ni Eddie sa isip.

     Pagdating nila sa kotse ay agad na binuksan ni Eddie ang pintuan sa likod, at nagimbal siya sa nakita, tulog si Patirica at si Joey naman ay tulalang nakatingin sa kanya, may hawak itong injection at ang burat ay nakalabas sa pantalon. ... Read More


About the Author :

Joined: June 9, 2014 (2 years old)
Writings: 56

Send PM · Male · Offline

8 comments   0 favorite   2,493 views