bakit kaya ganun

October 25, 2013 (3 years ago)
Posted in Confession: True Story, Tagalog | Categories: Reluctance | Tags:

gusto ko sanang magkaroon nang babaeng maaaring maging kaibigan,. may asawa ako, pero pareho kaming abala sa aming mga ginagawa...hindi ko sya sinisisi sa ganitong sitwasyon, pero dumating ako sa kalagayang gusto kong magkaroon ng kaibigan..kaibigang pwedeng pagkwentuhan ang lahat..pagtawanan, kadebatihan at kasundo sa lahat ng aspeto ng usapin at nararamdaman. lumaki ako sa hirap, nagsumikap at nakapagtapos naman..dati tambay ako, maraming kaibigan, natutulog sa kung saang lugar malasing, walang dereksyon, happy go lucky ika nga..pero, magsimula ng magdesisyon akong magsumikap at magaral, tinalikuran ko ang buhay na yun. sa mahabang panahon, pamilya, eskwelahan, trabaho at bahay ang naging mundo ko..ngayung nakakapagsimula na akong makaalagwa ng kaunti sa buhay, bigla na mimiss ko ang buhay na yun, yung may saya, may libangan, may kaibigan, may katawanan....at may babaeng kaagapay .... panahon nga naman,,, sana maging kaibigan kita.. sana makilala kita, yung maari nating pagusapan ang lahat...ang buhay buhay, kahit pa walang kabuhay buhay...basta maging masaya lang, parang wala lang,,,yung naguusap ng pantasya,,ng gustong gawin ng walang takot,,tulad ni fredie aguilar at kahit anu mang oras hangang walang tulugan..na sana'y maging himalang magkaibigan tayu tulad ng pelikula ni nora aunor..at mag body body dance na katulad ng pelikula ni maricel..sana maging inosente uli ang lahat....na pelikula ni lala montelibano..sana makakita ako ng kaibigan na pangmatagalan di tulad ng hiwalayan nila guy at pip, billy at nikki, jennelyn at luis, angel at phil....sana we can talk our fantasies together....sana---ni kristina paner at florante...sana makilala kita.... 

madali akong kausap kahit na sa mahabang panahon, pinilit kong hindi sumama sa agos ng sirkulasyon...palabiro ako, masayang kausap..kahit na sa nakalipas na panahon...ang kasambahay ko... Read More

About the Author :

Joined: September 25, 2013 (3 years old)
Writings: 1

Send PM · Male · Offline

18 comments   0 favorite   1,347 views