BAKIT KAYA????

April 28, 2014 (2 years ago)
Posted in Confession: True Story, Taglish | Categories: Romance | Tags: , ,

Bakit kaya???

How can I miss you this much??? 

Loving you really made me the happiest but being so far away from you somehow makes me sad. 

Alam ko, hindi perfect ang lahat sa atin, at may mga pagkakataon na hindi tayo madalas na  magkakausap man lang at ito ay aking labis na ikinalulungkot subalit batid ko na magkakaroon na naman ng ngiti sa aking mga labi when you will be with me again.  

Akala ko ay madali ang malayo sa iyo pero mali pala ako kasi palaging ikaw ang nasa isip ko sa bawat minutong dumaraan. 

Kahit na sa pag-uusap o sa chat lamang natin, ang mga problema seems so small at ang kaligayang aking nadarama ay hindi matutumbasan. 

Kung wala ka, ang buhay ko ay isang napakalaking problema sapagkat hindi ako masaya.Sa bawat gabi, kalungkutan ang aking palaging kapiling. 

Mula nung natagpuan kita, alam kong nabubuhay ako hindi upang maging mag isa kundi ang mabuhay ng kasama ka. 

Malayo man ang aking lakbayin, hindi ko mapigilan ang isipin ka. . . umaga hanggang gabi at maging sa pagtulog ay nasa isip kita. 

Ngayon, sa aking pagtulog, habang ang kalungkutan ay unti unting bumabalot sa kwartong aking kinaroroonan, hindi ko maiwasang gunitain ang mga nagdaaang araw na palagi tayong nag uusap. . . nagtatawanan. . . nagkukulitan. . . magkasama sa chat room. . . pati na nga yung pinag uusapan natin ang buhay ng may buhay. . . at hindi ko mawari kung bakit kailangan kong gawin ito. . .ang maging malayo sa iyo. 
... Read More

About the Author :
17 comments   0 favorite   1,167 views