Bakit ba kay hirap magpatawad?

August 28, 2014 (2 years ago)
Posted in Story: True Story, Tagalog | Categories: Reluctance | Tags:

(Ehemmn hindi po ito erotic na topic and it’s not about love. It’s all based from my experiences and my hatred towards my father na until now ang hirap kalimutan. I can’t really talk about it with my sisters and mother although nakausap ko na sila parehas lang ang sinasabi nila forgive and forget but then.., how to do it? Ang hirap kalimutan ng mga nangyari. I know naman na may mga taong mas may masasalimuot na karanasan but then pagbigyan niyo na lang poe akers ng mabawasan naman sama ng loob ko. Tuwing naaalala ko kasi parang sasabog ang puso ko sa sakit. Writing it seems better para naman mabawasan ng konti sakit.)

            Lima kaming magkakapatid na babae. Wala kaming kapatid na lalaki. Mahirap lang kami although kahit naman mahirap kami ay pinaghirapan ng aming ama na kaming lahat ay makatapos sa pag-aaral. Isang jeepney driver lang ang aking ama. Apat na kaming nakatapos sa kolehiyo, isang taon pa at makakatapos na rin sa kolehiyo an gaming bunsong kapatid. Nagsipag-asawa na rin ang aking mga ate. Kasama ko ang isa kong ate, ang kanyang asawa at ang aming bunsong kapatid. Si nanay at tatay naman ay nasa probinsya kasama ang aming panganay na kapatid magmula noong nagkastroke si tatay doon na siya nanirahan.

            Alam ko at nararamdaman ko noon pa man na hindi ako mahal ng aming ama. Nararamdaman ko sa paraan ng pagtrato niya sa akin noon pa man. I remember, I was in first year high school, nag- away kami ng bunso kong kapatid. Ganun kami aso’t pusa talaga. Nagulat na lang ako ng nagbabangayan kaming magkapatid ng biglang lumabas ng kwaryo ang aming ama at pumagitna galit na galit na nakatingin sa akin. Sabay sampal sa akin ng pagkalakas naaalala ko pa nga medyo nabingi ng ilang minuto ang kaliwa kong tenga. But I can remember what he said, “Anong karapatan mong saktan ang anak ko! Pinapakain at pinag-aaral na nga kita sasaktan mo pa ang anak ko! Layas!” After noon nakita ko pang binelatan ako nung bunso kong kapatid. Sapo ko ang mukha ko pumasok na lang ako sa kuwarto ko at umiyak. Wala noon si nanay lumabas ng bahay. Hindi ko na kinuwento. Hindi na rin ako lumabas ng kwarto ko hanggang umaga. Magmula ng nangyari yon ilang beses na ipinakita ng aking ama ang disgusto niya sa akin. Nandiyan na kumakain kami o nanonood ng telebisyon titingin siya sa akin sabay sasabihing “Ayoko sa pagmumukha mo umalis ka nga sa harap ko.” Ang sakit sakit na sasabihan ka ng ganoon. Tuwing ganoon ang sinasabi niya aalis na lang ako papasok sa aking kwarto at iiyak ng tahimik para hindi marinig ng mga kapatid ko. Wala akong masyadong mga kaibigan dahil ang buhay ko noon school at bahay lang. Takot ko lang na gabihin at baka mapasama na naman ako kay tatay.  Kaya wala akong mapagkwentuhan noon sa mga problema ko. Loner bah.

            Tuwing mag-aaway kami ng bunso kong kapatid si bunso na lang palaging pinapanigan ni tatay kaya hayon ang tapang ni bunsong mang-away sa akin. Kahit pa nga nanananihik ako ang galling niyang mang-asar. Ako naman pikunin madaling maasar hala sige away. Isang araw nag-away kami ulit sag alit ng ama ko binato niya yung walang laman na LPG sa pintuan ng kwarto ko. Ung ulo nung LPG pumasok ng mahagya sa kwarto ko tapos hayun sa stuck yung LPG sa pintuan mismo. Buti na lang walang laman. Kaya sa bahay yung mga pintuan ng mga dati kong naging kwarto sira o may tapal na ply wood kasi nga sinisira iyon n gaming ama kapag nagagalit siya sa akin. Hindi lang naman dahil sa pag-aaway naming magkapatid. Kung minsan sutil talaga ako.  

Noong namatay ang asawa ng panganay kong kapatid ay sinamahan na siya ni Mama sa probinsya. Sa probinsya na rin nanirahan ang pangalawa kong ate at doon na rin nakahanap ng kanyang asawa. Ang naiwan na lamang sa siyudad ay si tatay, ang pangatlong ate ko, si bunso at ako. Noong hindi na naming kasama si nanay mas lalong naging magalitin si tatay. Minsan pagdating niya sa bahay, nakita niya ako namamalantsa ng aking uniporme para bukas, si ate at si bunso ay tulog na. Nagpunta si tatay sa kusina ng bigla na lang binato niya ang martilyo sa akin. Buti na lang lasing siya at nagmintis tumama sa pintuan ng aking kuwarto. “Walang hiya kang babae ka! Nakikitira ka na nga lang sa bahay ko ang tamad tamad mo pa! Ni walang mainit na tubig na nakahanda! Bwiset! Alam mo pwede kitang patayin kung gugustuhin ko eh!” Tapos ay naglakad na papasok sa kanyang kwarto. Nanginginig lang ako sa takot noon. Ipinasok ko na ang aking uniporme kahit hindi pa tapos na maplantsa. Inilock ko ang pinto at nakiramdam sa nangyayari sa paligid. Walang lock ang pintuan ko dahil sira ang doorknob ng aking pinto pati yung hook na nilolock nasira rin hindi ko pa naayos noon. Ang daming kong iniisip noon na mga psibleng mangyari kung papasok man si tatay sa loob ng kwarto ko anong gagawin ko at kung anu ano pa. Hindi ako makatulog. Nang maisip ko yung itak sa kusina. Pumunta ako ng kusina kinuha ko ang itak at nagmamadali akong pumasok ng aking kwarto. Ginamit kong harang sa pintuan ko ang aking lamesa at yung itak naman yakap-yakap kong natulog sa kama. Kung papasok man siya sa aking kwarto lalabanan ko siya. Ewan ko kung narinig ng aking mga kapatid ang away pero sigurado ako na kung narinig man nila ay takot din silang lumabas ng kani-kanilang kwarto noon.

Kinaumagahan ay maaga akong lumabas ng bahay. Ayokong makaharap ang aking ama. Nang hapon ding iyon inayos ko ang lock ng pintuan ko. Hindi na ako kumain ng hapunan. Sumunod na araw ay parang walang nangyari.

Ngunit noong nasa kolehiyo ako bago magsimula ang klase muntik na talaga akong patayin ng aking ama. Nag-away kami ng aming bunsong kapatid. Sabi ko nga hindi ba para kaming aso at pusa..,hanggang ngayon. Syempre pa pinagtanggol ng aking ama si bunso. Hinabol niya ako pero buti na lang mas mabilis akong tumakbo. Tinakbo ko ang aking kwarto at nilock ang pinto. Takot na takot akong nagtago sa ilalim ng aking kama. Hawak- hawak ko ang cutter ko, yun lang ang pwede kong gamitin sakaling masira niya ang aking pintuan. Habang nangingnig ako sa takot ay pinagsisipa naman niya ang pintuan tumagal yata iyong ng limang minuto. Nasisira na ang aking pintuan. Konti pang sipa at masisira ng tuluyan ang aking pintuan at makakapasok na siya. Ngunit ewan ko kung anong nangyari ng puwede na siyang pumasok sa kwaro ko kung itutulak niya ang pintuan ko pero tumigil siya at pumasok na sa kanyang kwarto. Nang gabing yon hindi ako natulog. Binantayan ko ang aking pintuan at baka pumasok siya anytime. Nung umaga namamaga ang aking mata. Walang ligo, hilamos lang palit ng damit at pumasok na ako ng paaralan. Pag-uwi ko nalaman ko na lamang na umuwi ng probinsya si tatay.

            Noong bakasyon, hinarap ko ang aking ina at tinanong kung bakit ganoon na lamang si tatay sa akin at bakit sinasabi niya na hindi niya ako anak. Nagulat ang aking ina. Kinuwento ko lahat ng nangyari noon at napabuntong hininga na lamang siya. Doon ko nalaman ang kwento.

            Noong ako ay ipinagbubuntis ng aking ina ay siya ang treasurer sa barangay. Isang araw daw, habang nag iinuman ang aming ama at ang kanyang mga kasamahan ay nagbiro ang mga kasamahan nito. Kinuwento nila na magkasama daw na pumunta ng sentro sina Mama at ang isang lalaki. Ang laking tanga naman ng aking ama at naniwala agad sa tsismis at biro. Paliwanag ng aking ina nagpunta siya ng sentro kasama ang barangay kapitan at hindi kung sinu mang lalaki. Akala na siguro ng ama ko ay nakikikabit ang ina ko. Bwiset na tsismis.

            Kaya pala ayaw na ayaw sa akin ng aking ama ay dahil sa napaniwala siya sa tsismis. Kung pwede lang malaman kung sino ang nagtsismis ng makwento ko sa kanya kung ano ang mga resulta ng gawa-gawang kwento nila mga bwiset.

            Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero magmula ng kausapin ko si nanay ay nanahimik na ang aking ama. Hindi na niya sinasabi sa akin na hindi niya ako anak or watevah. Pero galit pa rin ako sa kanya.

            Nagsikap ako at nakatapos sa pag-aaral. Noong graduation ko walang handa hindi tulad noong nagsipagtapos ang aking mga kapatid. Sabi ko naman sa sarili ko hindi bale na. So long as nakatapos ako. (Yun lang ang sinasabi ko pero actually nagtatampo ako noon. I remember noong high school baccalaureate mass walang naki misa sa akin. Noong graduation ko sa high school si mama lang ang pumunta. Noong elementary naman walang pumunta noong graduation ko dahil sabay kaming nag graduate nung ate ko sa kolehiyo ako naman sa elementary lang.Sabi ko rin sa sarili ko okay lang kasama ko naman si  Si Tita Annie but then kakatampopo pa rin sa totoo lang. Si nanay at tatay pumunta sa graduation ni ate. Naiiyak lang ako noong token giving pero syempre pinigil ko na lang kakahiya. Syempre pa may konting handa nasali lang ako sa handa ni ate. Lahat ng mga ate ko may handa after ng graduation nila ako lang ang wala. Titignan ko pagnagraduate si bunso I so know na mayroon. Anyway noong pumasa naman ako ng exam then nagkatrabaho nagselebrate na lang akong mag-isa. But still, naiinggit pa rin ako sa mga ate ko. Sinasabi ko na lang sa sarili ko “Gora lang Olie carry mo yan. Kapag nagtrabaho ka naman magparty ka mag-isa mo… Harhar).  

            Pagkagraduate umuwi ako ng probinsya at doon nagselfreview na lang ako para sa LET sa March 2012. At least lumayo ako kay tatay ng ilang buwan din. Sa awa naman ng Diyos nakapasa ako harhar. Right after that natanggap din naman ako sa dating school ko where I work now.

            September 2012, nagkastroke ang aking ama. Alas kwatro ng umaga nagising ako sa iyak ng aking mga kapatid.., “Daddy!” Doon ko nakita ang aming ama na natutumba na sa tabi ng pintuan sa kusina. Paralized left side ng kanyang katawan. Hindi siya makatayo noon. Nagstay siya sa hospital for 3 weeks then after noon sinama siya ni mama sa province at doon na sila nanirahan kasama si ate.

            December 2012 bakasyon binisita namin si tatay. Medjo nag improve na siya nakakatayo na siya at nakakalakad sa tulong ng saklay. Sa sala natutulog si tatay kasama si nanay sa baba kasi nga hindi nakakalakad ng histo si tatay hindi niya kayang umakyat ng hagdan. Okupado na ang mga kwarto noon sa taas kaya ako na lang ang nakitulog sa baba kasama si mama at tatay.  

            Maaga kaming nagising. Out of the blue, kinausap ako ni tatay. “Pasensyahan mo ako Olie.<My nick name> Sa mga nasabi ko na hindi kita anak? Sorry. Nasabi ko lang lahat ng iyon dahil sa galit. Patawad. “ Nakita kong lumuluha siya. Napaluha ako sa mga sinabi niya. Nanahimik lang ako. Wala akong sinabi. Nakikinig lang din si Mama. “Araw-araw kong iniisip ang mga nagawa at nasabi ko sa iyo Olie. Kaya naman ay pinaghirapan ko talaga na mapatapos ka sa pag-aaral para naman maibsan ang mga kasalanan ko sa iyo. Araw-araw kong iniisip kung paano ako makakabawi sa iyo, Olie.” Nanahimik lang ako, ayokong magsalita. “Sana mapatawad mo ako.” Pagkasabi niya noon ay lumabas ako ng bahay at iniyak ko na lang sa labas ng bahay.. Hindi ko na siya kinausap pang muli hanggang sa pag-uwi namin pabalik ng La Trinidad.

            Summer vacation noong 2013 doon kami nagbakasyon. Tumulong ako sa pagbabantay kay tatay. Napansin ko ako na lang palagi ang inuutusan niya. Nakakainis yung sunod-sunod niyang utos ginagawa mo ang unang iniutos sa iyo nagsasalita na naman para sa susunod na ipapagawa sa iyo. Tapos kapag hindi mo pa nagawa ng maayos magrereklamo.  Nakakairita, nainis ako ng isang araw. Nasabi ko na lamang sa kanya, “Bakit nga ba ako na lang palagi ang inuutusan mo? (Olie na lang siya ng Olie nakakainis.) Akala ko ba hindi mo ako anak? Ha? Bakit hindi mo utusan ang paborito mong mga anak? Bakit ako pa?  Ha?”sabay taas ng kilay. (Manerism ko na yata pagtaas ng kilay ko kaya nagmumukha akong sarcastic most of the time na kinaiinis na rin ng mga kapatid ko.) Naiirita na ako sa mga sunod-sunod niya utos kasi.

            Ang dami na niyang nasabi. But I remember him saying, “Diyos nga nagpapatawad, ikaw pa na anak ko bakit hindi mo ako mapatawad?” nasabi niya sa akin.

            Ang nasabi ko na lamang.., “Yun nga ang problema.., hindi ako Diyos.., tao lang ako.., hindi mo ba naaalala? Ikaw na mismo ang nagsabi sa akin noon tuwing may nagagawa akong mali? Walang gamut ang salitang sorry.”

            “O Diyos ko kung ganito rin lang na araw-araw ipapamukha sa akin ang mga kasalanan ko kunin mo na ang buhay ko!” sigaw pa ni tatay.

            Hindi ako nag-iisip noong sinabi ko, “Ang masamang damo mahirap mamatay. Marami ka pang kasalanan kaya imposibleng kunin ka ng Diyos. Buti nga at buhay ka pa. Inaalagaan and so on..,Hindi ka pa nagpapasalamat. Buti nga pasensyoso si Mama. Hindi ka pinabayaan. Kung sa iba na siguro yan pinabayaan ka nila. Pasalamat ka at sinusunod ko pa mga utos mo kahit na muntik mo na akong patayin.” Pagkasabi noon lumabas na ako ng bahay. Bahala na ang mga kapatid ko sa kanya marami naman sila doon nanonood lang ewan ko ba kung bakit ako ang type ng tatay kong tawag tawagin ang pangalan. Olie na lang ng Olie. Walang kapausang Olie kunin mo yun.., gawan mo ako ng.., samahan mo ako sa…, tulungan mo nga ako Olie.

            Kinausap na ako ng aking ina at mga kapatid. Porke ba maswerte pa rin daw ako dahil kahit na ganoon ang mga nangyari sa buhay ko at sa mga pinaggagagawa ni tatay ay hindi ko naisipang magsuicide. Buti daw at palaban ang kaluluwa ko at hindi sumuko. Tapos hindi naman daw masama ng husto si tatay dahil pinag-aral niya ako at pinagtapos. Hindi rin naman siya naniningil ng utang hindi tulad dawn g ibang mga magulang na sinisingil ang mga anak. Maswerte pa rin daw ako.

            If I think about it siguro maswerte ako dahil medjo naramdaman ko rin naman ang pagmamahal sa akin ng aking ama lalo na noong ako’y nagsimulang magtrabaho. Tuwing umaga bago ako papasok ay pinaghahanda niya kami n gaming baon sa paaralan para naman hindi kami mapagastos sa pagkain sa canteen daw. Sayang daw ang maiipon din namin. Pati baon kong tubig nkahanda na. Ang ginagawa lang naming noon gigising at maghahanda papuntang trabaho. Kaya nga masaabing spoiled din kami ni bunso sa gawaing bahay dahil si tatay na noon ang nagtatrabaho sa kusina magmula noong hindi na siya namamasada.

            Never din naman kaming nagutom. Well provider naman ang aking ama kahit na ganoon siya sa akin. He provided us with shelter, food, clothes and etcetera. Wala akong marereklamo doon. Hindi naman ako nagutom. Jan naman proud ako sa tatay ko. Kahit na mahirap lang kami wala namang utang si tatay kahit kanino. Noong naospital nga siya nung nastroke siya sariling pera niya ang nagastos sa hospital. Hindi siya humingi ng pera sa aming magkakapatid. Sabi nga niya itago daw naming ang pera naming at siya na ang bahala. Although kuripot si tatay, hindi naman siya nauubusan ng pera in times of emergency. Yun palagi ang sinasabi niya sa amin. Save for the future. Naaalala ko mga kwento niya. Like noon 3 pesos daw ang sweldo niya. Itatago niya ang two pesos gagastusin lang niya ang piso. Kami kasi na magkakapatid magastos sap era. Wala yatang nagmana sa kanya ng pagiging frugal niya. Lagi niyang sinasabi sa amin noon, actually pinagyayabang ang tawag.., “Ako mas mababa pa ang sweldo ko sa inyo tignan ninyo ako may dalawang bahay.” Sabay naman kami ng mga ate ko, “Daddy, iba noon, iba ngayon. Don’t compare okay.” Although we know naman na may point siya.

Thinking about it medyo nababawasna naman ang galit k okay tatay unti-unti. Maybe I don’t hate him that much… Oo thankful ako na pinag-aral niya ako pero hindi pa rin mawawaglit sa isip ko ang mga sinabi niya sa akin noon. But then, galit pa rin ako sa kanya. Nagpauto siya sa mga tsismosa. Ang bobo naman niyang naniwala agad sa mga iyon.  Mas lalo na sa mga tsismosa. Kung hindi dahil sa tsismis nila hindi mangyayari ang mga iyon sa amin. But still kasalanan niya. Naniwala siya  sa tsismis bwiset.Hanggang ngayon sa tuwing maaalala ko ang  mga nangyari naiinis ako sa mga tsismosa at sa aking bobong ama na nagpaniwala naman sa walang kwentang tsismis.

            Hanggang ngayon hindi pa kami nag-uusap ng husto ng aking ama. Kung umuuwi ako sa probinsya iniiwasan ko ang aking ama. Hindi ko siya kinakausap. Uutusan lang niya akong tulungan siya tumayo at maglakad tinutulungan ko naman siya hindi ko lang siya kinakausap tungkol doon.

            Sabi ng aking ina hinding- hindi daw ako magiging malaya kung hindi ko matututunang mapatawad ang aking ama. Kung kikimkimin ko ang galit sa aking loob.Ang sabi ko naman kung anong itinanim siyang aanihin. Galit at pagkamuhi ang mga ipinakita niya noon sa akin.., wat cha expect to hear from me?  Yeah I love you daddy and I forgive you?..., Like duhh…, (Yun yung actual na sagot ko kay mama. Tinignan niya lang ako ng masama sabay sabi na.., hi... Read More

About the Author :

Joined: July 21, 2014 (2 years old)
Writings: 1

Send PM · Female · Offline

20 comments   0 favorite   1,995 views