Ayaw Ko Pero...

July 13, 2016 (4 months ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Erotic Couplings, Exhibitionist and Voyeur, First Time, Wife Lovers, Mature, Reluctance, One Night Stand | Tags: , , ,

“Iha, heto ang bayad ko sa upa para sa susunod na buwan…” masiglang inabot ng boarder na si Nani ang pera kay Wanda.

“Naku pasensya ka na Mang Nani…talagang gipit lang ako ngayon gawa ng bayaran ng matrikula ng anak ko …nagkasakit pa si Ruel…”

Ganito na lang ang sitwasyon palagi sa bahay ni Wanda: kapag walang maentrega si Ruel ang kanyang asawa ay kusang tumutulong si Nani.

Dating OFW si Ruel sa Saudi bilang drayber ng oil truck. Pero nang ipatupad ng gobyerno ang   “Saudization Law”, ay napilitan siyang umuwi na lang sa Pinas at bumili ng taxi panghanap-buhay.

Ang trenta anyos namang si Wanda ay isang simpleng maybahay na may sampung taong gulang na anak na lalaki; tumutulong din siya sa kanyang asawa bilang mananahi.

Nang pumanaw ang mga magulang  ni Wanda ay ipinamana sa kanya ang isang lumang bungalow na may dalawang palapag at apat na kuwarto; kinalaunan ay pinaupahan ang dalawang kuwarto sa unang palapag ng bahay.

Pero nang mga nakaraang buwan ay inabot ng kagipitan ang mag-asawa: nagka-pneumonia si Ruel at naospital nang ilang buwan; may diabetes din ang lalaki sa edad na trenta y singko kaya ang naipong pera ay halos naubos rin dahil sa mga bayarin sa gamot at ospital.

Dahil sa sakit ng asawang si Ruel ay napilitang dalhin ni Wanda ang kanilang anak sa kaniyang kapatid na dalaga para tulungan siyang magpa-aral sa anak at para makaiwas na rin muna ito sa iniindang sakit ni Ruel.

Sa mga panahong ding iyon ay nabakante ang dalawang kuwarto sa apartment ng mag-asawa dahil may kamahalan ang upa; halos lahat ng mga naging boarder nila ay hindi tumatagal sa pagtira dito.

Mabuti na lang at dumating si Mang Nani, isang inhinyero na may ginagawang proyekto na gusali ilang kilometro ang layo sa lugar ng mag-asawa.

“Salamat sa inyo Wanda…Ruel,  kung hindi sa inyo ay baka magbibiyahe ako sa Laguna araw-araw gamit ang kotse ko. Eh kung uupa ako, hindi pa ako pagod; pwedeng  lingguhan na lang ang pag-uwi ko kay misis.”

Agad na nagkapalagayang loob ni Wanda si Mang Nani na isang masayahin, malambing at pilyong matanda.

Dati kasi, kapag umuuwi si Mang Nani ay kaswal na bati ang ginagawa ng matanda; nang magkapalagayan na sila ng loob ay nasanay na sa pagtapik-tapik  si Mang Nani kay Wanda na kadalasang pinatatamaan sa kanyang pwet; minsan naman ay yayakapin ng matanda angginang nang panakaw.

Inunawa na lang ito ng babae dahil naisip niya na nangungulila lang si Mang Nani sa asawa at paraan lang niya ang maging mapagbiro para mabawasan ang pangungulila niya.

Pero habang tumatagal ay nagiging “agresibo” na si Mang Nani: madalas na kasi ang mga panakaw na yakap at halik na ginagawang matanda kay Wanda hanggang sa napapansin ng ginang na dumadampi na ang paghalik ng lalaki sa kanyang labi kahit  daplis lang ito.

“Hello iha!” bati ni Mang Nani na galing sa trabaho kay Wanda sabay yakap niya sa ginang.

“Mang Nani! Nakakagulat naman po kayo…teka baka dumating na si Ruel..”

“Hindi pa  dumadating mister mo?”

“Hindi pa po …”

“Ganoon ba? Pa-kiss uli!” sabay panakawa na halik sa labi ng batang ginang kaya hindi agad nakapalag ang babae.

“Wow! Sinigang, my favorite…” sabi ng matanda sabay tapik uli sa pwet ng ginang at naglakad pabalik sa kanyang kuwarto.

Tulala si Wanda sa nangyari; gusto man niyang magalit ay hindi niya magawa dahil malaki na ang utang na loob nilang mag-asawa kay Mang Nani.

Una, inupahan na rin ni Mang Nani ang katabing kuwarto sa ibaba dahil doon na rin ginagawa ng lalaki ang mga design niya sa kanyang proyekto bukod sa iba pang mga gamit ang dinadala doon.

Pangalawa, dahil sa mga “vale” na kinuha niya kay Mang Nani noong mga nakaraang buwan.

Pangatlo, lihim niyang hinahangaan ang matanda dahil sa kabila ng kanyang edad na singkwenta ay makisig pa rin siya.

Dahil dito, hindi maiwasan ng ginang na makaramdam ng kiliti sa pagiging presko at malambing ni Nani dahil hindi kailanman ginagawa ito ng kanyang asawa sa kanya.  

Pero kailangang malaman ni Mang Nani na dapat magkaroon ng limitasyon ang kanilang pagiging magkaibigan; na si mang Nani ay boarder sa kanilang bahay at siya ang kahera.

At tulad ng dati, dumating si Nani galing sa trabaho habang nagluluto ng hapunan si Wanda. Nandoon din si Ruel na kadadating lang sa pamamasada at nagpapahinga sa sala.

“Gandang gabi sa inyo!”

“Gandang gabi rin po Mang Nani. May dala kang serbesa? Okey ah!”

“Sweldo kasi ngayon, at tyempo namang nandito ka kaya naisip ko po na baka pwedeng mag-unwind muna.”

“Naku Mang Nani huwag mong tuksuhin si Ruel at umiinom na ng gamot iyan na pang maintenance!” paalala ni Wanda kay Mang Nani.

“Anong mentenans ka diyan? Kita mong nagdala si Manong  ng pampa-relax, tatanggihan ko ba, libre na nga? Tatlong bote lang naman at saka minsan lang naman ito kaya hayaan mo na kami!”

“Ay ewan bahala ka! Pero hayaan mo munang kumain si Manong ng hapunan…  gutom na si Manong.”

Niyaya ni Wanda ang matanda na kumain na kaya agad na umupo si Nani at kumain ng hapunan habang hinihintay siya ni Ruel sa sala. Nang matapos sa pagkain ang matanda ay saka nag-iinuman na ang dalawang lalaki.

Inabot din ng dalawang oras bago naglakad nang pasuray-suray pabalik si Ruel sa kanilang kuwarto na habang inalalayan siya ni Wanda.  

Dahil hindi hiyang sa inuman si Ruel ay agad itong tinamaan ng pagkalasing; ilang minuto pa at mahimbing nang natutulog ito habang inaayos ni Wanda ang pagkakahiga ng asawa.

Nang maayos na ng ginang ang mister ay tahimik naglakad ito sa kuwarto ni Nani na nagpapatugtog ng "Smoke Gets in Your Eyes" ni Kenny G; huminga muna siya nang malalim bago kumatok sa pinto.

“Mang Nani?”

“Wanda?…oh, bakit?”

“Gusto po sana kitang makausap…busy po kayo?”

“Hindi naman…saglit lang ha, nagbibihis ako…”

Ilang minuto pa at nakarinig na ng paglapit sa pinto si Wanda sabay bukas nito at napabuntunghinga ang ginang nang bumulaga sa harapan niya si Mang Nani na walang damit pang-itaas at naka boxer shorts. Kahit may edad na ang lalaki ay lantad pa rin ang kakisigan ng katawan ala Stallone.

“Pasok ka iha…ano ba ang pag-uusapan natin?”

“Ah…g-gusto ko po sanang makausap kita tungkol sa…gawi mo.”

“Ano yun?”

“A-ang paghalik mo sa akin kapag dumadating ka bilang pagbati mo…naaasiwa ako.”

Napakunot-noo si Mang Nani.

“What do you mean?”

“Naasiwa akong hinahalikan mo ako, hindi mo po dapat ginagawa iyon sa akin.”

“Bakit?”

“May asawa ka…may asawa ako…hindi maganda!”

“Walang malisya sa akin iyon, iha. Tanda lang po ng malaking respeto ko sa inyo. Yun nga lang, kung binibigyan mo ng malisya…”

“Tumigil na po kayo Mang Nani…ayaw ko ng ganito…” humihingal na sagot ni Wanda habang nakatitig sa magandang hubog ng katawan ng matanda lalo na ang nakaumbok sa harapan niya.

“Alin ba ang ayaw mo, na makita ang itsura ko... Read More

Part #: 1

About the Author :

Joined: July 7, 2013 (3 years old)
Writings: 235

Send PM · Male · Offline

an introvert, chronic smoker, 80s man exploring the dark recesses of my mind and materializing those abstracts through the push of a pen or keyboard.
14 comments   9 favorites   11,054 views