ano nga bang pamagat?

September 10, 2014 (2 years ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Wife Lovers, One Night Stand | Tags:

Ano nga bang pamagat?

Anuman pong pagkakahawig ng kwentong ito sa tunay na pangyayari ay hindi sinasadya ng sumulat. Ito ay isang kwentong nabuo ng author sa kanyang malayang pag-iisip. Paghingi ng pang-unawa sa malalaswang salita na mababasa sa kwentong ito. Hindi po ito tipikal na sex stories na alam ninyo.

Si Lloyd ang karakter na gustong gampanan ng author sa kwentong ito. Siya ay hindi naman katangkaran sa taas na 5’6 tipikal na sukat ng karaniwang pinoy, may magandang pangangatawan at sa edad na 35 ay masasabing may daya dahil aakalain mong nasa 26 pa lamang siya. May sarili siyang maliit na negosyo na pinatatakbo, hindi naman siya guwapo at hindi rin naman panget, ika nga nila sakto lang.

Siya ay 15 years nang kasal sa kanyang asawa. Masaya ang kanilang pagsasama na biniyaya ng 2 anak. Isang empleyado sa bangko malapit sa kanila ang pinapasok ng kanyang asawa. Disente at mabait ito. Masaya naman ang kanilang sex life at pagsasama. Maluwag sa kanyang asawa si Lloyd, pinapayagan niya itong sumama at umattend sa mga gathering ng ka-opisina at mga kaibigan. Ngunit dahil likas na mahiyain at simple lang siya kaya madalas ay hatid at sundo lang ang kanyang pagsama sa asawa pero meron ding pagkakataon na nakikihalubilo siya sa mga kaibigan ng asawa sa mga pagtitipon na kanilang napunta na. madalas na gusto siyang kasama ng asawa sa lahat ng lakad nito dahil madalas na nakakarinig ng papuri para sa kanya. Kaya naman malaya din siya kapag lumalabas siya kasama ng mga kaibigan dahil alam ng kanyang asawa na likas na faithful siya, ngunit dumating ang panahon na nasira niya ito.

August 2013….naimbita siya ng mga malalapit na dating kaklase ng hayskul sa isang birthday blow-out ng dati rin nila kamag-aral, pinilit siya ng mga ito na pumunta kahit na matagal na siyang nagsabi ng pagtanggi kinulit siya ng mga ito dahil gusto raw silang makita nito kasama siya dahil matagal na din ng huli silang magkita at ito ay noong graduation day pa nila. Alam ng celebrator na madalas lumabas ang mga ito dahil nakikita niya ang mga pictures nila kapag naipopost ito sa facebook. Pumayag siya sa isang kondisyon na kasama ang kanyang asawa na sinang-ayunan naman ng grupo dahil may lakad din silang mag-asawa ng nakatakdang araw.

Nang dumating ang itinakdang araw ay marami na siyang natatanggap na text messages umaga pa lamang mula sa mga kaibigan. Nagpapaalala ng oras ng pagtitipon na gaganapin ng ika-walo ng gabi ng sabado. Maaga silang umalis ng kanyang maybahay ng araw na iyon upang dumalo sa isang kasalan ng kaibigan ng kanyang misis. Patapos na kasalan ng magyaya ang kanyang misis na umuwi na dahil sa pananakit ng puson dahil sa nararamdamang pagdating ng buwanang-dalaw kaya nagpasya silang umuwi agad. agad siyang nagtext sa kanyang mga kaibigan tungkol sa nangyari at ang kanilang hindi na pagdalo sa nasabing blow-out party. Ngunit sadyang makulit ang mga ito na papuntahin siya. Kaya ng tumawag ang mga ito ay pinakausap niya ito sa kanyang asawa kaya pinilit na din siya ng asawa na pumunta. Kaya tinawagan niya ang kanyang mga biyenan upang pumunta sa kanilang bahay at makasama ng kanyang mag-iina. Kaya ng dumating ang mga biyenan ng pasado alas-sais ng gabi ay agad silang naghapunan at dali-daling naligo at nagbihis upang umalis. Dahil sa kabite pa siya manggagaling at siguradong aabutin siya ng sobrang trapik kaya nagpasya siya na magmotor na lang. pasado alas-otso na ng dumating siya sa motorcycle parking ng mall of asia kaya agad siyang tumawag sa kaibigan upang siguruhin na hindi pa nakakaalis ang mga ito. Agad siyang pumunta ng Giligan’s at dinatnan na kakatapos pa lamang kumain ng iba samantalang siya naman ay inaantay ng iba upang sabayan kumain ngunit dahil busog ay nagpasya na lamang siyang magpakuha ng tubig upang marelax mula sa mahabang biyahe. Tumagal din sila ng halos isang oras mula ng siya ay dumating sa nasabing lugar, kuwentuhan, kumustahan, tawanan at panay ang kuha ng mga pictures gamit ang kanya-kanyang camera at cellphones. Dahil may dalang mga sasakyan ang mga kasama ay nagpasya siyang kunin na lang ang kanyang motor at iwan ito sa kanyang bayaw na nakatira sa Malate.  Patayo na siya mula sa pagkakaupo ng makita niya ang mag-asawang si Lyn at Andrew, kapitbahay niya ang mga ito ilang blocks din ang layo nito mula sa kanilang bahay sa kabite. Mga ilang buwan pa lamang nilang naging kaibigan ang mag-asawa. Dating magkasama sa isang kumpanya si Andrew at misis ni Lloyd. Kaya ng kumuha ng bahay sina Andrew at Lyn sa parehong subdivision nila ay dito na sila naging close sa isa’t-isa. Madalas din silang magkainuman sa kanilang mga bahay kasama ng iba pang mga kaibigan. Kaya panatag sila sa isa’t-isa. Lahat ng topic siguro ay napag-usapan na nila pati ang tungkol sa sex ngunit iyon ay kapag wala ang asawa ni Lloyd sa tumpukan. Ayaw kasi nito na pinag-uusapan ang tungkol sa sex para kasi sa asawa niya ay pribado ito at walang dapat nakakaalam.

Paalis na sila ng Giligan’s kaya hindi na gaanong nagtagal ang usapan ng mag-asawa at si Lloyd. Nalaman niyang pauwi na pala si Lyn at ihahatid lang ni Andrew sa terminal ng van dahil papasok naman si Andrew sa trabaho bilang IT specialist sa isang BPO ng gabing iyon. Ngunit ng magpapaalaman na ang mag-asawa at si Lloyd ay niyaya ng celebrator si Lyn nag sumama na lang sa kanila, ngunit panay ang tanggi ni Lyn dahil tanging ang nanay niya lang ang kasama ng kanyang anak sa bahay nila. Pero si Andrew na rin ang nagtulak kay Lyn na sumama na nga ng malaman niyang sa isang comedy bar ang pupuntahan ng grupo. Walang nagawa si Lloyd kundi pagbigyan na lang ang grupo dahil na din sa pagpayag ni Andrew dahil na din sa tiwala niya kay Lloyd na kilala niyang mabuting tao at tatlo lamang ang lalaki kasama na si Lloyd, at walo naman ang babae. Kaya kasama si Lyn ng grupo sa loob ng sasakyan samantalang sakay ng motor si Lloyd dahil kailangan niya pang ihatid sa bayaw ang kanyang motor.

Naging masaya ang kanilang grupo sa loob ng comedy bar, hindi nahirapang makisalamuha sa grupo ng mga babae si Lyn dahil marunong naman itong makipag-usap. Panay-panay din ang dating ng mga beer, si kasama ang mga lalaki ay san mig lite lang ang iniinom dahil pare-pareho silang magmamaneho pauwi. Magkatabi sa upuan si Lloyd at Lyn dahil inaalalayan niya ang babae na wag ma-out of place. Hinahayaan niya lang itong manood sa mga komedyante sa stage at libang na libang ang babae.... Read More

Part #: 1

About the Author :

Joined: January 4, 2013 (3 years old)
Writings: 41

Send PM · Male · Offline

1 comment   1 favorite   3,696 views