Anghel sa Lupa

August 25, 2015 (1 year ago)
Posted in Blog: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags: , , ,

Anghel sa LupaNote: Sinulat ko to pitong taon na ang nakakaraan at nangyari ang lahat eksaktong sampung taon na. Marami na ang nagbago at nabuo, pero isa 'to sa mga paborito kong sinulat at dahil uso ang pag 'move on' na kasing gasgas ng salitang 'i love you' mag throwback muna ako.

Masaya ba ko? Kasi minsan kung iisipin mo sa panahong ito ang hirap sumaya eh. Mahirap makamtan yung satisfaction, laging me kulang. Well masaya naman ako eh, lahat na lang yata ng bagay eh kaya kong gawing "masaya" para sa sarili ko. Pero ngayon parang kulang, parang meron akong hinahanap na hindi ko alam kung ano. Sa totoo lang masaya ako sa pamilya ko, masaya ko kasi ang dami kong kaibigan, masaya ko kasi medyo nasusunod lahat ng luho ko sa sarili ko, maganda ang career ko, pero bakit hollow pa rin, merong missing piece dun sa puso ko.

Nung isang araw, sobrang lungkot ko tas parang ang hopeless ko, naiyak na lang ako magisa sa kwarto ko. Pag naiisip ko yun, shiiyyettttt di bagay pang rakenrol. Although sabi nga nila minsan malaki naitutulong ng pagiyak, nababawasan yung dinadala sa dibdib kahit nagmumukha akong chick. Mais!

Siguro kailangan ko talaga mahanap si "The One" ko. Ayaw pa kasi dumating taena lang! Di pa yata pinapanganak (wag naman gusto ko pa maging cool dad). Ok fine hopeless romantic kasi ako eh, Minsan naiinlove ako dun sa feeling na 'being inlove'. Yung kilig feeling lang, yung me parang me kumukurot-kurot sa eggs ko. Minsan kahit walang magic or chemistry, ok lang, diskarte lang ng diskarte ganyan. Masaya kasi eh, masaya makipagdate, me kasama ka sa galaan at kung saan man pumunta, makipagpalitan ng sweet nothings, pero after that wala na, nakakasawa, ibang babae naman, pero at the end of the day ako pa rin ang talo kasi pag tulog ko sa gabi hollow pa rin yung feeling, panandaliang saya. Para lang nakipagsex sa bayaran paraos libog lang...

I was reading my old blogs tas nabasa ko yung blog ko a couple of years ago... sssshhhiiiyyyeeeeooootttt... mas lalo ako nalungkot. Eto yun eh.

I once had an angel, well all of us got one pero yung sa akin, she'll be in heaven soon. Ikakasal na sya and everytime na maiisip ko yun me "mini-ouch" talaga. Don't get me wrong, I'm really happy that she's getting married and I know for a fact na she's happy and forever will be. Pag nagkukwentuhan nga kami sa text and she tells this story about that lucky guy. According to her, he's the most perfect guy on earth, well she deserves the best cause she's the best! Pathetic ako? Siguro... I choose to be. Ok, honestly I'm really sad that she can't be mine again and never will that happen. I tried to love again and move on, but trust me its not that easy. Sya pa rin yung nasa isip ko, actually sya pa rin nasa puso ko. Yeah I still love that girl, I dunno why and how ang hirap sagutin, nadudurog buong pagkatao ko pag pinipilit kong isipin.

Actually I dont really care, kasi she's still the one who still makes me smile when I am sad. A single text from her, my heart skips a beat. Sya yung neverending kilig ko. Yung naglalagay ng ngiti sa labi ko pag maaalala ko sya. Yet now she's the reason why I'm feeling this emptiness, this freaking sadness. Sya yung rason bakit nadudurog ang puso ko. Malas lang talaga at hindi na sya sa akin at kailangan kong tanggapin na hindi na mangyayari ang nakaraan. I know I'm unfair pero di pala ganun kadaling controlin ang puso. Grabe its been a couple of years since we broke up.

Ang tanga ko kasi, kasalanan ko lahat talaga, totoo nga yung "you'll never know what you've got till its gone..." I really do believe that it's easy to move on kasi she did and a lot of people did. Marami nga dyan di sumunod sa '3 month rule' ni Popoy at Basha at masaya sila. Pero sa totoo lang, parang ayoko yata talaga magmove on... kasi pag ginawa ko yun mawawala na sya sa isip ko, makakalimutan ko sya ng tuluyan... Ayoko ata talaga. Kasi I still believe and always believed that she's my soulmate, my destiny, sya yung forever ko. Kapal ng mukha ko? Oo siguro pero yun ang gusto ko paniwalaan kasi ayoko sya maalis sa isip ko, ayoko sya mawala sa puso ko.

I tried to love again kaso epic fail, sya pa rin yung hinahanap ko. Pag matutulog ako sya pa rin iniisip ko, pag nakita ko na sya sa panaginip ko masaya na ko. Araw araw na lang ginawa ng diyos sya pa rin nasa isip ko at dahil dun nagiging kumpleto araw ko... Oo unfair sa bago kong girlfriend. Pero di ko kasi maramdaman sa kanya yung pinaramdam sa aking ng anghel ko. Minsan nga pag napapanaginipan ko sya ayoko ng magising kasi dun ko na lang sya nakakasama at dun ko na lang sya kayang pasiyahin, yung hindi ko nagawa sa kanya noon kahit sa panaginip at pangarap maiparamdam ko sa kanya. Habang sinusulat ko to eh nasasaktan ako, pero masaya na ko nang ganito at kaya kong masaktan habang buhay wag lang sya mawala sa akin. Sabi ng mga kaibigan ko ang tanga ko. "Ok na sya... pabayaan mo na yung babae brad!". Umo-oo na lang ak
... Read More

About the Author :

Joined: October 21, 2013 (3 years old)
Writings: 18

Send PM · Male · Offline

47 comments   0 favorite   1,938 views