Ang Sumpang Hiwalayan

February 11, 2017 (9 months ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Erotic | Tags: , , , ,

Ang Sumpang HiwalayanNarating ay hangganan,
Sa pagsiklab ng hidwaan.
Awit na dating matamis,
Ngayon walang kasing pait.

Nalimot na pangako,
Sumpaang naglaho.
Tinangay ng hangin,
Kislap ng hangarin.

May ngingiti sa pighati,
May luluha sa galak.
May magdiriwang,
May manghihinayang.

Hiwalayang pinaka-inaasam,
Sa anyo ng kalayaan.
Hiwalayang pinaka-tatakutan,
Pagkat ayaw pakawalan.

Ikaw ay nagmamahal,
At patuloy na umaasa.
Siya ay nasasakal,
Pag-ibig ay pinapatay.

Sino ba sa kanila,
Ang may karapatang mang-iwan?
Sino sa kanila,
Ang nararapat maiwan?

Ala-alang luhaan,
Nakalipas binabalikan.
Sa pag-asang makalimot,
Katumbas ay kirot.

Ayaw mo ngunit gusto mo,
Ayaw ng isip mo ngunit gusto ng puso mo.
Gusto nya ngunit ayaw nya,
Gusto ng isip nya ngunit ayaw ng puso nya.

Relasyong nabuo sa pagtitinginan,
Relasyong nabuo ng pagmamahalan,
Relasyong alam mong habang buhay,
Relasyong nauwi sa hiwalayan.

Ano ang dahilan ng pag-ibig mo?
Na noong una ay buong pusong iningatan.
Hindi nakita ang kinahantungan,
Kawawang pusong pinagsisihan.

Ito nga ba ang makakabuti?
O sadyang wala lang pagpipilian?
Upang hanapin ang sarili?
O sadyang ikaw ay salawahan?

Nalilitong damdamin.
Pagsumamo ay damhin.
Nag-iisang dalangin.
Dapat pa bang makapiling?

Tanong na kay hirap takasan,
Multong ayaw palayain.
Magulong palaisipan,
Sa tila wasak na damdamin.

Siya ay patuloy na umiibig,
Kahit wala ka na sa kanyang bisig.... Read More

About the Author :

Joined: July 10, 2013 (4 years old)
Writings: 188

Send PM · Male · Offline

I dreamt of being a published writer of inspirational and motivational stories, cause I want to inspire those who have physical disabilities and less fortunate people whom are downhearted. I want to bring hope into their hearts and I want them to see a beautiful world that's full of dreams.

I also want to share my thoughts about unconditional love, life's regrets and marital failures through Erotic stories. I may not change your world, but I wish, with my simple works, i've touched your hearts.
0 comment   0 favorite   457 views