Ang Kliyente

July 8, 2015 (1 year ago)
Posted in Blog: Taglish | Categories: Erotic | Tags:

Ang KliyenteNaghihintay sa loob ng isang motel si Brando. Napatingin siya sa mamahalin niyang relo. Alas nuwebe ng gabi. Iyon ang oras nang pagpunta ng kausap niyang guwapong callboy.

Bahagya niyang niluwagan ang kurbata ng suot niya. Pawisan siya bagaman malamig ang aircon ng magandang silid na binayaran niya. Naupo siya sa gilid ng kama. Nagbasa muna siya ng mga messages niya sa cellphone habang nag aantay sa pagdating ng lalake.

Ilang saglit pa, may kumatok sa pinto. Kasunod ay ang pagpasok sa loob ng isang lalaking mas bata sa kanya. Ito ang taong kausap niya. Si Jake. Isang callboy. Guwapo ito, matangkad at maganda ang katawan sa suot nitong fit na  t~shirt at faded jeans.

Nginitian siya ni Brando. Kaswal namang ngumiti ang lalake sa kanya. Napansin ni Brando na maganda ang ngiti nito gaya ng maamo nitong mukha. Hindi nakapagtataka na mabenta ang lalakeng ito sa mga babaeng naghahanap ng panandaliang aliw. Mapalad siya dahil pumayag si Jake sa kanya. Nasilaw ang lalake sa laki ng perang alok ni Brando na isang surgeon.

Tinungo ni Brando ang mini bar at tumalikod kay Jake. Nagsalin ng alak ang lalake. Nakita ng callboy na maganda ang tindig ng lalakeng kumuha ng kaniyang serbisyo. Aware naman si Jake na sa panahon ngayon uso na ang mga gaya ng lalakeng ito. Sa katunayan, maraming gaya ni Brando ang gustong tumikim sa kanya pero hindi niya feel ang makipagtalik sa kapwa lalake. Mahirap lang talagang tanggihan ang perang alok ng lalakeng ito sa kanya. Tsaka usapan naman nila magko~condom siya.

Makalipas ang ilang saglit, humarap na si Brando. Hawak na nito ang dalawang basong may alak.

“Uminom muna tayo. Pamparelax.”

“Salamat.”

Sabay silang uminom sa baso. Nasarapan si Jake sa lasa ng mamahaling alak na iyon. Iba talaga kapag imported at mamahalin.

“Ano ito Black Label?”

“No. Remy Martin limited edition. Dala ko ito.”

“Kaya pala ang sarap. Me taste ka sa alak.”

Pinagmamasdan ni Brando ang mukha ni Jake habang umiinom sila. May paghanga niya itong tiningnan mula ulo hanggang paa. Napansin naman iyon ni Jake at ngumiti lang.

“Alam mo ang guwapo mong bakla. Napaka professional pa ng dating mo. Sayang lalake naman ang trip mo.”

“Ikaw din naman Jake. Gwapo ka talaga. Tama nga ang sabi ng mga amiga ko sa serivce mo. Sabi nila you’re worth it. Kaya naman eto ako ngayon.”

Uminom pa ang dalawa.

“Umpisahan na natin.”wika ni Jake,”Me lakad pa kasi ako mamaya tapos nito.”

Tumayo si Jake at lumapit sa kama. Nagsimula itong maghubad ng damit. Nahulog sa sahig ang lahat ng damit ni Jake. Hubo’t hubad itong nakaupo sa kama.

Nakatayo naman malapit kay Jake si Brando. Nasa sahig na ang necktie nito at inaalis naman niya ang mga butones ng suot niyang long sleeve na polo.

Nakatingin si Brando sa mga mata ni Jake habang inaalis ang polo. Nakatingin din si Jake kay Brando subalit may nararamdaman siyang kakaiba. Bigla siyang parang nahihilo. Umiikot ang kaniyang paningin. Nanlalabo ang kaniyang mga mata na napatingin kay Brando. Wala na ang paghanga sa mga mata ng lalake sa kaniya. Iba na ang tingin nito sa kanya. Galit na ang nakikita niya sa mga mata ni Brando hanggang sa tuluyan nang dumilim ang kaniyang paningin.

Sa pagkakahiga ng walang malay na si Jake sa kama ay mabilis na kumilos si Brando. Kinuha niya sa lamesa ang kaniyang attache case.

Binuksan niya iyon. Sa loob niyon nakalagay ang perang ibabayad niya sa callboy. Naroon din sa loob ang ilang gamit niya sa pang opera. Umupo siya sa tabi ni Jake dala ang mga gamit niyang iyon.

Walang malay ang callboy dahil sa malakas na pampatulog na pasimpleng inilagay kanina ni Brando sa alak ni Jake. Ngayon naman ay tinurukan niya ng malakas na pampamanhid ang hita ng callboy. Ilang saglit pa ay nagsimula nang gamitin ni Brando sa lalake ang mga dala niyang gamit sa attache case.

Makalipas ang ilang sandali. Nasa sasakyan na si Brando papuntang airport. Sa ibang bansa sisimulan niyang muli ang buhay malayo sa misis niyang nagtaksil sa kanya. Hindi maisip ni Brando kung saan siya nagkulang sa asawa at iiwan siya nito. Masakit na madiskubreng may kinababaliwang ibang lalake ang pinakamamahal niyang asawa. Nadiskubre ng doktor na ngayong gabi ang usapan ng misis niya at ni Jake na magpapakalayo at magsasama.

Nagising si Jake sa kama na masakit ang ulo. Marahil sa tama ng alak kanina ay hindi na niya alam ang nangyari. Siya na lang mag isa sa kuwarto. Nakita niya sa tabi niya ang perang ibinayad sa kanya. Napangiti siya nang makita iyon at tsaka bumangon papuntang cr.

Nagulat ang mga staff ng motel nang marinig nila ang pagsigaw ni Jake sa loob ng kwarto. Sa loob naman ng cr ay patuloy na sumisigaw si Jake. Nakatingin siya sa pagitan ng kanyang mga hita…wala na doon ang kaniyang ari. Tanging bu... Read More

About the Author :

Joined: July 11, 2014 (2 years old)
Writings: 78

Send PM · Male · Offline

I love to write erotic stories. I also write in Wattpad under the same name. My stories will be published soon.
18 comments   1 favorite   3,132 views