ANDREW (II)

August 26, 2014 (2 years ago)
Posted in Story: Fiction, Taglish | Categories: BDSM, Erotic Horror, Fetish, First Time, Mature, Mind Control, Reluctance, Romance, One Night Stand | Tags: , , ,

ANDREW  (II)                                                Highway 29

                                  East Pinewoods, Mountain Road
                                       1100ft. above sea level



B
inabagtas ng itim na porsche ni Andrew ang kahabaan ng matarik na kalsada sa kabundukang iyon. Mula sa fog sa gilid ng bangin malapit sa kinauupuan ni Ida, natatanaw niya ang isang malawak na dagat sa ilalim nito, maging ang paghampas ng mga malalaking alon sa mga malalaking bato na nasa ilalim ng bundok na kanilang dinadaanan.

"So..." sabi ng ginang, "Where are we going Andrew?

Hindi kumibo ang binata, sa halip ay mas binilisan pa nito ang pagdrive ng sasakyan. Umover-take siya sa isang pick-up truck na may dalang mga gulay. Ilang sasakyan pa ang nilampasan ni Andrew hanggang sa masolo nila ang matarik na daan sa harapan nila.

Tiningnan ni Andrew sa rear view mirror ang may kalayuan ng mga sasakyan sa likod nila. Binabagtas nila ngayon ang pinakamatarik na parte ng highway na iyon. Nadaanan nila ang isang malaking rebulto ni Poseidon na itinayo sa gilid ng bangin.

Nakatingin sa kalayuan ng daan si Andrew habang nagmamaneho, "Tsk...tsk...so Ida, any more lies to confess?" 

Napansin ng ginang ang humor na iyon ng binata,"I don't know what you're talking about."

"Really?" tugon ni Andrew.

Napakapit sa upuan ang babae nang biglang ikabig ni Andrew ang sasakyan malapit sa concrete barrier sa gilid ng bangin. Halos tumalon ang puso niya sa ginawa ng binata. Mas nakita kasi niya ang malalim na bangin mula roon. 

"Fuck Andrew! Don't do that. Mamamatay tayo sa ginawa mo!" sabi ng babae.

Ngumiti lang si Andrew. Ibinalik niya ulit sa kalsada ang sasakyan.

Biglang naging seryoso ang lalaki, "I thought you're different sa mga nakilala ko Ida...parehas ka rin pala nila" sabi niya.

"Come again?" tugon ng ginang.

"I really thought you're different Ida"
 tugon ni Andrew,"...or shall i say...Mrs. Maribeth DelaFuente." 

Nabigla ang babae. Tiningnan niya ang binata. Hindi niya malaman kung ano ang sasabihin.

Isa-isang idinetalye ni Andrew ang pagkatao ng ginang, "43 years old, married, mother of two, ikinasal sa Port Wellington nung '94. Wife of Mr. Jose Dela Fuente...who's a good man, a faithful husband, a good father to your daughters." diin ni Andrew, "How could you cheat to a good husband like that...You disgusting filthy whore!" dagdag nito.

"Please, Andrew. Ibaba mo na ako dito." sabi ng babae. Inalis nito ang seatbelt sa katawan.

"Very well." tugon ng binata.

Bumukas ang automatic lock ng kotse, pinindot naman ni Andrew ang power window sa pintuan ng ginang at bumaba ang bintana sa pwesto ni Maribeth. Kinuha at hinawakan naman ng isa niyang kamay ang braso ng ginang.

"Let go of my arms, Andrew? Tama na please. You're freaking me out!" wika ng babae.

Walang narinig ang lalaki. Nagpumiglas ang babae nang itapat ni Andrew ang kamay niyang may singsing sa labas ng bintana.

"For Christ's sake. Let go of me Andrew...You're hurting me...Stop it!!!" iyak ng babae.

Umiiyak na ang ginang at nagpupumiglas, pinagkakalmot ng isa niyang kamay at pinaghahampas ang lalaki ngunit hindi ito natinag. Mas pinagdiinan pa ni Andrew ang paghawak sa braso niya. Halos mapiga iyon sa higpit ng hawak ng lalaki.

Nawalan ng balanse ang ginang ng ikinabig muli ng lalaki ang kotse malapit sa gilid ng bangin. Mula sa kalayuan sa harapan nila ay may isang metal post na naroon. Nakikinita ng ginang ang planong gawin ng lalaki.

"Please No!!! Stop this Andrew...Bitiwan mo ko....Nooooooooohhh!!!"

"Shut up you filthy slut!!!" sigaw ni Andrew.

SPLAAAATTTTTT!!!

"Ayyyeeeeeeeiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii!!!!"
hiyaw ng babae sa matinding sakit.

Naputol ang kamay ng ginang sa pagtama nito sa bakal na posteng iyon.

"Eeeeeeeeiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii!!!!" hiyaw muli ng babae. Halos mabingi si Andrew sa pagtili nito.

Sinakal ni Andrew ang ginang, "Shut the fuck up! You deserve more than that you fucking whore!" galit na wika nito.

Isinalya ni Andrew ng malakas ang babae sa may pintuan. Hinawakan niya ang buhok ni Maribeth at inuntog niya ito ng malakas sa dashboard. Nawalan ng malay ang ginang.

 Inihinto ng binata ang kotse at humarap siya sa ginang. Nanlilisik ang mga mata ni Andrew sa galit. Buong lakas niyang tindyakan ang ginang, sa lakas ng pagkakasipa niya ay bumukas ang pinto at nahulog ang babae sa kamatayang naghihintay dito sa ibaba ng matarik na bangin.

"Good riddance you filthy cunt." sabi ni Andrew.   

Muling isinara ni Andrew ang pintuan at pinaharurot ang sportscar sa kurbadang daan.

Binuksan niya ang mp3 stereo ng sasakyan. Pinatugtog niya ang cd na naroon. 

Sunday is gloomy, my hours are slumberless...Dearest, the shadows I live with are numberless...Little white flowers will never awaken you...Not where the black coach of sorrow has taken you....

Inabot niya ang isang satchel bag sa backseat. Kinuha niya sa bag ang isang maliit na laptop. Ini-mail niya sa mister ni Maribeth ang isang file folder na naglalaman ng mga kuha niyang larawan ng pakikiapid ng misis nito. Mula iyon sa iba't-ibang lalaking kinatalik nito na siya niya ring pinatay.  

Nang mag-sent ang file sa e-mail address ng asawa ni Mrs. Maribeth ay isinara na niya ang laptop at inihagis iyon sa backseat.

Inilagay niya sa 6th gear ang sasakyan at mabilis siyang umovertake sa mga mas mabagal na sasakyan na nasa kaniyang harapan. Binuksan niya ang GPS Navigator sa dashboard at pinindot ang kaniyang point of destination... ang Del Rio Highlands Hotel and Casino na nasa Northern part ng Orchard Valley.

___________________________________________________________________________

                                          Del Rio Highlands Hotel and Casino
                                              North Orchard, Orchard Valley

                                                2000 ft. above sea level

Hapon na nang marating ni Ashley ang Hotel  kung saan siya magpo-photoshoot para sa isang event.

 Mula sa glass elevator na paakyat sa ika-44th floor na penthouse ng magandang hotel na iyon buong paghangang namamasdan ni Ms. Ashley Romero ang napakagandang tanawin sa paligid. Suot niya sa leeg ang isang ID mula sa isang magazine company, hawak din ng twenty-one years old na si Ashley Romero ang gate pass sa isang photoshoot event na kaniyang ico-cover para sa fashion magazine na kumontrata sa kanya.

 Masquerade Night: The Finest Bachelors Unmasked  ang pangalan ng event na iyon. Lahat ng bisita ay magsusuot ng maskara. Tampok ng event na iyon ang pagkilala sa mga successful at role-models na mga binata ng bansa. May ilang sikat na personalidad na napabilang dito. May ilan ding mula sa public service at iba pang larangan. Pinagsuot din sila ng maskara at isa-isa silang ipapakilala at pararangalan sa gabing iyon.

"Hi there Ms. Ashley Romero. You're just in time." wika ni Madame Henrietta Meyers, ang 50-year old organizer ng event na iyon. Eleganteng tingnan ang chubby socialite sa suot nitong embroidered gown na gawa ng isang sikat na designer.

Sumalubong ng ginang at nakipagbeso-beso sa dumating na babaeng photographer.

"It's my pleasure to be here Madame Meyers" malugod na tugon ni Ashley.

Ngumiti ang magandang socialite, "Let's cut the formalities iha. You can call me Aunt Etta." sabi nito.

Naroon na ang ilang sikat na aktor at iba pang personalidad. Formal attire ang dress code ng event kung kaya't nakadama ng pagkailang si Ashley sa suot niyang casual wear.

"Napakaganda naman ng venue na'to." puri ni Ashley.

"Thanks iha. Nagustuhan ko kasi 'tong place na 'to." tugon ng socialite,  "Para kang nasa langit dahil sa mga ulap na halos mahahawakan mo na...especially in the terrace."  

Isang babaeng event organizer ang lumapit sa kanila at kinausap ang ginang. 

"Iha, maiwan muna kita. May mga kakausapin lang ako. See you later." wika ni Madame Henrietta 

Lumapit si Ashley sa isang lalaking photographer na nag-aayos ng dala nitong gamit sa isang lamesa.

"Hindi mo naman sinabi na formal attire pala ang dress code dito" sabi ng dalaga kay Reuben Malicsi, isang kasamahan niyang freelance photographer sa magazine company na kumuha sa kanila.

Kumamot sa ulo si Reuben,"Sorry, kanina ko lang din nalaman eh," sabi nito, "tsaka sikat ka naman eh." dagdag nito, "Nakita ko nga kanina na pinapasok ka nila kahit hindi mo na pinakita yang gatepass mo." dagdag pa niya.

Ngumiti naman si Ashley. Inayos na rin niya ang dalang gamit sa lamesa, "Prepare na tayo para makarami tayo ng shots." sabi niya.

Sumapit ang gabi at nagsisidatingan na ang ilan pang guests sa loob ng event. May mga masasarap na pagkain, pati na mga imported wines at iba pang cocktails ang inihanda para sa lahat sa event na iyon.

Ilang saglit pa ay dumilim ang paligid. Nagsimula na ang event. Lumiwanag ang kumikislap na spotlight mula sa magandang kisame at nag-focus ang mga iyon sa red carpet walkway kung saan nagsidatingan na  mga naka-masquerade na awardees, vip guests at mga sikat na personalidad.

 Isang classical music mula sa symphony orchestra ang humaharana sa mga naglalakad sa mahabang red carpet habang nagkikislapan ang mga flash ng camera sa kanila.

 Lahat ng mga iyon ay kinunan ng mga press people na gaya ni Ashley. Tila isang grandiyosong Oscar Awards ang gabing iyon.  

Isang malakas na palakpakan ang narinig matapos makapagbigay ng opening speech ang organizer na si Madame Henrietta sa stage. Matapos iyon ay isang sikat na aktor naman ang nag-host ng mga programa habang inaabangan ng lahat ang mga pararangalang kalalakihan sa gabing iyon. 

Isang lalaking nakatuxedo at puting maskara ang dumating---Si Andrew. Matapos ipakita ang dala nitong gatepass ay pumasok na ito sa event. Nakihalubilo ito sa mga guests na naroon. 

Masaya ang lahat nang lumabas mula sa stage ang isang magandang popsinger. Kumanta ito ng isang lovesong na sinabayan naman ng ilang audience sa pagkanta.  

Hindi napansin ng lahat sa event ang paglakad ni Andrew sa isang madilim na sulok papunta ng backstage. Tila isa siyang anino na humalo sa kadiliman sa lugar na iyon.  

Nang makalampas si Andrew sa madilim na sulok na iyon ay lumiko ito sa isang maliwanag na hallway sa likod ng backstage. Walang tao roon. Tinungo ng binata ang dressing room kung saan naroon si Madame Henrietta.

Habang naglalakad ay kinuha niya sa bulsa ang ang isang nakarolyong steel string. Iniladlad ang kahabaan niyon ng isa niyang kamay habang tantiyado ang bawat paglakad. 

Nadaanan niya ang isang restroom.

"Excuse me sir...me hinahanap kayo?" sabi ni Joven Magsino, isang event marshall.

Lumingon si Andrew. Mula sa kaniyang nakatakip na mukha ay nakita niya ang isang matabang lalaki na nakatayo sa kaniyang harapan. Kasinglaki niya ito. 

"Sir? San po kayo?" tanong ulit nito.

Nakita ni Joven ang hawak na kwerdas ni Andrew. Napatingin siya sa nanlilisik na mata sa likod ng maskarang iyon.

Bago pa man makakilos si Joven Magsino ay singbilis ng hangin na kumilos si Andrew. Sa isang iglap ay nasa likod na siya ng lalaki at sakal sakal na niya ito.

"GWAAAAAAKKKKHHHH!!!"
tunog na likha ng pagkakasakal mula sa naiipit na lalamunan ng event marshall dulot ng matalas na kwerdas na hawak ni Andrew. Nagtangkang pumiglas si Joven subalit...


RIFFFFFFFFTTTTTTT!!!  tunog na likha ng pagkalaslas ng leeg niya at pagpulandit ng dugo mula doon. Ilang segundo lang ay kusa ng lumaylay ang walang buhay nang katawan ng marshall. Hinila siya ni Andrew papasok ng men's restroom. Ilang saglit pa ay lumabas na ang lalaki at naglakad ng mas mabilis. 

Naghiyawan naman ang mga socialites na kababaihan nang ipinakilala ng host ang mga bachelors sa gabing iyon. Dinig ang ingay niyon maging sa pinaglalakaran ni Andrew.

Natunton din ng lalaki ang pakay...Ang dressing room ni Madame Henrietta.

Sa loob ng dressing room na iyon nakaupo sa harap ng kaniyang tokador si Madame Henrietta habang umiinom ng champagne. Sa kabilang daliri naman ng ginang ay ang nakasinding Virginia Slims.

Sa labas ng pintuan niya nakatayo si Andrew, hawak ng isang kamay nito ang duguang kwerdas.

BLAGGGG!!!

Bumukas ang pinto sa isang malakas na tadyak. Sabay sa pagtili ng socialite na ginang ay ang masayang tilian ng mga audience sa labas.

Natumba ang ginang sa labis na pagkabigla. 

"Aeeeiihhhh! W-Who are you?...W-Why are you here?" nanginginig na wika ng ginang. Nakita niya ang duguang kamay ni Andrew. "P-Please...D-Don't come near me!" sabi ni Henrietta.

Walang narinig si Andrew. Hindi niya alintana ang binatong baso sa kanya ng babae. Nabasag iyon sa kanyang dibdib at nabasa ng alak ang suot niya.  Mabilis niyang nilapitan ang takot na takot na socialite.

Umatras si Henrietta mula sa sahig, "No...no...Please No." wika nito.

Nadampot ng ginang ang isa niyang stilleto at ibinato niya iyon sa mukha ni Andrew. Tumama iyon sa mukha ng binata at napaatras siya sa pagtama niyon. Nalasahan ng lalaki ang dugo sa kaniyang labi at ang pagkasira ng ibabang parte ng suot niyang maskara.

Nasilayan ng ginang ang tila maamo ngunit nagdurugong labi na bahagyang nakangiti sa likod ng maskarang iyon, pero ang mga mata nito ay tila mga mata ng mabangis na lobo. Isang pumapatay na lobo na nawalan ng bait at palapit iyon sa kaniya.  

Sabay sa nakakabinging paghiyaw ng mga tao sa labas ang brutal na hiyaw ng ginang sa loob ng dressing room. 

Ilang saglit pa, hawak ni Andrew ang duguang ulo ni Madame Henrietta. Ang mga mata ng ginang ay balot na balot ng takot na tila nakatingin sa kumikisay pang katawan nito na nasa isang sulok ng silid. 

Itinapon ni Andrew ang ulo ng ginang malapit sa katawan nito. Gumulong pa iyon at muling humarap ang mukha sa kanya.  

"Miss, saan ba ang c.r. dito?" tanong ni Ashley sa babaeng marshall na nakatayo malapit sa kanya.

 "Dun po sa backstage ma'am. Liko lang po kayo diyan" tugon ng babae at itinuro kay Ashley ang daan papunta roon.

Naglakad si Ashley papunta roon. Nakasalubong niya ang isang lalaki, nakamaskara at matangkad. Nagkatinginan silang dalawa at nakita ni Ashley kay Andrew ang mga titig nitong sinlamig ng yelo. 

Isang malakas na tili mula sa isang assistant ni Madame Henrietta ang pumailanlang sa event na iyon. Nakita ni Ashley ang pagtakbo ng babae palabas ng dressing room ng socialite na ginang.
Nilingon niya ang lalaki, wala na ito. 

"Diyus ko! Diyus ko! Huhuhuhuhu" tanging usal na maririnig sa babae habang pinapakalma ng mga lumapit sa kanya, kasama na si Ashley.

Ilang marshalls naman ang nagtakbuhan papunta sa dressing room ni Madame Henrietta. Maging sila ay nagimbal sa nasaksihan sa loob. 

_______________________________________________________________________

                                                         

                                                         Highway 29


                                         East Pinewoods, Mountain Road

Isang bahagi ng daanan na iyon ang may cordon ng dilaw na plastic tape na may nakasulat na "POLICE LINE DO NOT CROSS" habang ilang highway sheriffs at isang rescue ambulance ang naroon.

Dumating ang isang naka-kotseng forensic chief na si Divina Black sa lugar na iyon at pumasok sa police cordon na naroon. Nakasuot ito ng black military overalls na may vest kung saan naroon ang kaniyang mga forensic tools at kits.

Naabutan niya ang isang search and retrieval team na naroon. Kakahango lang ng isang katawan ng babae mula sa bangin. Nasa loob na ito ng bodybag at isinasakay na sa isang forensic ambulance. Sinaluduhan siya ng mga iyon sa pagdating niya.

"Make sure na marecover lahat ng body parts niya diyan sa baba." utos niya sa kanila.

Naglakad naman siya ng ilang metro mula doon habang kausap ang isang sheriff.  Tinungo nila ang isa pang lugar 150 meters mula sa pinaghulugan ng bangkay.  Pumasok si Divina sa naka-cordon na pwesto sa gilid ng bangin at mula sa damuhang naroon, nakita niya ang isang maliit na bagay na tinatakpan ng dyaryong nakapatong doon. Umupo siya sa tabi niyon at inalis niya ang may dugong diyaryo. Tumambad sa kanya ang isang putol at duguang kamay ng isang babae.

 Nagsuot siya ng gloves at kinuha ang kamay na iyon at napansin niya ang suot na wedding ring nito. Naglabas siya ng evidence pouch sa dala niyang forensic satchel bag at ipinasok doon ang kamay na iyon.

 Matapos na maisara ang zip lock ng supot na iyon ay maingat niyang ibinigay iyon sa isa pang forensic agent na kasama niya.

Inilagay ng lalaking kasama niya ang supot sa isang evidence plastic box na bitbit ng isang kamay nito. "Another murder case na babae ang biktima, pang-ilan na yan ngayong buwan pa lang." sabi ng kasama niyang forensic agent ng kanilang ahensiya.

Hindi kumibo ang 46-year old chief forensic officer. Tumayo lang ito at tinungo ang bangin. Mula sa concrete barrier na naroon ay maingat itong nagmasid sa paligid. Maingat itong naglakad-lakad roon. 

Kinuha niya ang isang mallit na twizzer sa bulsa ng vest niya. Tinawag niya ang kasamang agent,"Give me another evidence pouch..and hurry up." wika ni Divina Black.

____________________________________________________________________________

                                                               Tierra Verde
                                                   Foggy Hills, Vineyard Valley

 Sa isang bayan sa kanluran ng Orchard Valley, Malalim na ang gabi nang pumasok ang itim na Porsche Cayenne ni Andrew sa isang automatic door ng isang Mediterranian style na villa. Pumarada sa tabi ng iba pang mga sportscar ang porsche ng iyon at bumaba si Andrew. Isang magandang garden na may fountain ang nilakaran niya papunta sa loob ng kaniyang bahay.

Pinindot niya ang security code ng pintuan at pumasok na sa loob. Nang mabuksan niya ang ilaw ay naglakad muli siya at  inilagay ang dala niyang satchel bag sa magandang sofa ng salas.

Ang mahina ngunit kalkuladong yabag ng oxford shoes niya sa makintab na marmol ng sahig ang bumabasag sa katahimikan ng magandang bahay na iyon. Tinungo niya ang banyo, naghilamos siya ng kanyang mukha. Tumulo sa sink ang ilang bahid pa ng dugo sa kaniyang laway. Walang reaksiyon niyang pinunasan ng malinis na towel ang mukha sa harap ng salamin.

Naghubad siya ng pang-itaas at tinungo ang kusina. Maya-maya pa ay naupo na siya sa sofa, hawak na niya ang isang baso ng alak na may yelo. Binuksan niya ang tv at isang balita ang naabutan niya. Isang anchorwoman ang nagrereport.

 "We have just received a report about the brutal murders of socialite Henrietta Meyers and an event marshall named Joven Magsino. According to the investigators, 37-year old Magsino's body was found inside the men's restroom---his throat was slashed with a sharp object; while 50-year old Mrs. Meyers' body was found inside her dressing room----with her head brutally decapitated.  The incident marked a series of brutal murders in Orchard Valley within a week. In this latest double-murder, shortly after 9 p.m. today police responded to reports of inhuman killings in the area of Del Rio Highlands Hotel and Casino and found the victims Magsino and Meyers dead in a pool of blood in separate rooms, according to Del Rio Police Lt. Mitch Bacunawa.

On tonight's other news, another violent murder today was reported in Highway 29 of East Pinewood, Mountain Road when  a severed hand of a female was found by a jogger named Harry Lapuz. Orchard Sheriffs later found the severed hand belongs to a woman who fell a thousand feet down to the rocky bottom of the cliff. 

Orchard County Sheriff Capt. Jorge Diaz said  that evidences gathered at the scene by forensic investigators led by chief forensic officer Divina Black suggests that the victim may have been traveling with her killer or killers.

Diaz said this latest killings does appear to be related to the spate of brutal murders in the city last week. " 
Nilipat ni Andrew ang channel. Panay balita ukol sa mga pinatay nya ang palabas. Pinindot niya ang remote at namatay ang telebisyon. Maingat niyang inilapag ang remote sa lamesa at Kinuha ang basong may lamang vodka. Straight na ininom ni Andrew ang alak. 

Nagsindi siya ng sigarilyo at habang hithit ang yosi sa bibig ay kinuha naman niya ang tatlong pares ng dart sa lamesa.  Tumayo siya at humarap sa isang naagnas na katawan ng isang babae. Sinunog niya ang babaeng iyon mula sa pagbuhos niya ng gasolina dito ilang linggo na ang nakakaraan. Ang nakaunat na katawan nito ay nakasandal sa granite wall ng bahay na iyon.

Hinagis niya paisa-isa ang dart sa bangkay, kinuha niya ulit ang mga dart na bumaon doon at muling inasinta ang sunog na bangkay na iyon. 

___________________________________________________________________________

                                        Federal Intelligence Agency Headquarters
                                                       Firing Range Division

  Nasa loob ng firing range ang 24-year old sophomore agent na si Mori o Morisette Sato, ang petite na chinitang operatiba ng Federal Intelligence Agency o FIA. Ang straight at medyo maigsi niyang itim na buhok ay napapagalaw sa recoil ng hawak niyang .45 caliber semi-automatic pistol.  May ilan siyang kasamahan sa ahensiya na nagbabansag sa kanya ng Chun-Li dahil daw sa pagkakahawig niya sa character na iyon. 

Expert siya sa larangan ng hand to hand combat.  Subalit kailangan pa niya ng ensayo sa paghawak ng baril. Mahusay siyang gumamit ng katana. Mula siya sa angkan ng mga Samurai at ang kahusayan niya sa paggamit ng mga blades ay maihahambing sa kaniyang ninuno na isang dakilang samurai warrior. 

Kinuha siya ng ahensiya dahil din sa kahusayan niya sa larangan ng covert surveillance at profiling. Ilang sindikato na ang nabuwag dahil sa abilidad niya. Lingid sa kaalaman at paniniwala ng iba, may taglay siyang third eye. Natuklasan niya iyon nung bata pa lamang siya. Malakas ang kutob niya sa maaring mangyari at nakatulong iyon sa kanya sa kanyang piniling propesyon. 

"More practice pa bata." sabi ng 48-year old senior agent na si Marc Ducaro. Nakatingin ito sa mga paper targets na dinadaplisan ng bala ni Mori.

Hindi kumibo si Mori. Muli nitong pinaputok ang baril sa paper target na may kalayuan sa kanya.

"Sablay na naman, he he." wika ulit ng lalaki, "Pustahan tayo sablay na naman yang next shot mo." dugtong ni Marc. 

"Sige, pero pa'no pag na-bullseye ko?" tugon ni Mori.

"Two thousand pesos na tumataginting ang ibibigay ko sa'yo." ganti naman ng lalaki.

"Ows? Sige ba." sabi ni Mori, "Pipikit ako...pero gawin mong five thousand."

Nag-isip ang lalaki, ngumiti ito, "Call! Sige, eto ang five thousand, pag di mo na-bullseye, ikaw ang magbabayad ng five thousand sa'kin...ano game?"

Ngumiti din ang babaeng agent, "Game!" sabi nito. Pumikit siya at pinagana ang kanyang third eye.

PRAKKK!  

Inilapit ni Mori ang paper target. Kinuha niya ang five thousand na hawak ng lalaki at umalis ng firing range. Naiwan doon si Senior Agent Marc Ducaro na halos mahulog ang panga sa nakitang bullesye sa papel. 

"Mori, ipinapatawag ka ni Col. Emeritus. Urgent daw." sabi ng isang babaeng technical staff na nakaupo sa isang desk. Kaka-receive lang ng babae ng tawag mula sa koronel na nasa opisina nito sa itaas ng headquarters na iyon.  

____________________________________________________________________________

                                      Federal Intell... Read More


About the Author :

Joined: July 11, 2014 (2 years old)
Writings: 78

Send PM · Male · Offline

I love to write erotic stories. I also write in Wattpad under the same name. My stories will be published soon.
9 comments   1 favorite   3,748 views