Alok

December 26, 2015 (11 months ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Erotic Couplings, First Time, Wife Lovers, Mature, Reluctance, Romance, One Night Stand | Tags: , , , , ,

“Bhe, natanggal ako sa trabaho…” bungad ni Peth, 25 isang factory worker (o dating factory worker).

“Ha? Bakit?” tanong ni Jole, 25 isang promodizer/sales agent ng mga appliance.

“Madalas na kasi ang pag-aaklas ng unyon, hindi pa sila nagkasundo sa CBA kaya hayun, nagsara na lang ang pabrika…”

“P-paano iyan bhe…saan tayo kukuha ng pambayad sa bahay? Panggastos sa pagkain, tubig at kuryente, kinakapos na sa sweldo ko…”

“Huwag kang mag-alala, maghahanap agad ako ng trabaho sana bago dumating ang deadline sa bayarin sa bahay may trabaho na ako…”

Pero hirap makahanap ng trabaho si Peth, karamihan kasi ay underqualified siya. Dahil desperado na, tinanggap na lang niya kung ano ang inaalok ng agency.

“Bhe, may trabaho na ako…utility, sa isang private school…”

“Salamat naman…mabuti na ito kaysa wala…pero bhe kailangan na nating bayaran ang tatlong buwang upa sa bahay. Nagpadala na kasi ang ahensya ng notice na mareremata na ang bahay sa susunod na buwan…” paliwanag ni Jole.

“Alam ko bhe! Kailangan mo pa bang ipaalam sa akin? Akala mo ba hindi ako gumagawa ng paraan? Nangungutang na nga ako sa mga kaibigan at kamag-anak natin, pero mga wala rin sila! Anong gusto mo? Kung may magagawa kang paraan, walang problema sa akin!” inis na sagot ni Peth.

“Hayaan mo bhe, gagawa ako ng paraan…” maluha-luhang sagot ni Jole.

*          *          *          *          *           *          *         *         *         *            *            *            *         

Sa isang mall sa Maynila nagtatrabaho si Jole, nang-aalok ng mga brochure sa mga potensyal na kliyente na bumili ng mga gamit sa kanila. Halos buong araw na siyang nakatayo sa pintuan ng kanilang pwesto pero mangilan-ilan ang dumadayo, karamihan ay nagka-canvas lang. Matumal na naman ang araw na ito.

“Hi sir pasok po kayo and check our new appliances. Brand po lahat ng iyan…” alok ni Jole sa isang lalaki.

“Hmmm…magaganda ba at matitibay ba ang mga ito?” sabay pasok ng kostumer sa pwesto nila.

Nasa 50 na ang lalaki, naka-sando at Hawaiian shorts. Sa tangkad niyang 5’7, may pagkakahawig siya kay Cesar Montano, nakasalamin nga lang siya ng makapal at mas maliit ang katawan kumpara sa artista.

“Opo sir…may six-month warranty po ang appliances dito, palit agad kapag may defect po…”

“Hmmm…I like your products. I plan to buy one or two para sa lilipatan kong condo…”

“Ay sige po please bili na kayo…sigurado akong magugustuhan ninyo ang mga gamit namin dito…”

“But I have a condition iha….”

“Ano po iyon?”

Before I buy the appliances, are you interested in going out with me?”

Natigilan si Jole. Hindi niya inaasahan ang sagot ng kostumer.

“Sir, the management has a strict policy regarding work hours.”

“Of course. We could have it after your work hours is done.”

Matagal hindi nakasagot si Jole sa alok ng lalaki.

“If you’re not ok with it, then I’ll leave and you can go on with your daily business…”

"Kung may magagawa kang paraan, walang problema sa akin!” naalalang sabi ni Peth sa kanya.

“Ok po, payag ako. 8:00 pm po ang out ko…”

“Good. I’ll supervise the transfer of my appliances at my residence. Malapit lang ang bahay ko dito. Pagkatapos babalik ako to wait for you at the parking lot. By the way, I’m Voglio Parlare but you can call me V. So, what products do you suggest I purchase?”

Tuwang tuwa hindi lang si Jole pati na rin ang manager niya dahil sa halos lahat na ata ng items sa bahay ay kinuha na ni Mr. Parlare

“Good job Jole! Anong gayuma ba ang ginamit mo at nakumbinsi mo si Mr. Parlare na bumili hindi lang isa ang kinuha pero halos buong appliances para sa lahat ng parte ng bahay? Malaki ang komisyon mo mamaya pag-uwi!”

Bagamat natutuwa si Jole na malaki ang nakuha niyang komisyon ay hindi pa rin niya maiwasang nerbiyosin habang naglalakad papunta sa parking lot dahil nakipagkasundo siyang makipag-date kay Mr. Parlare.

At nandoon nga si Mr. Parlare nakatayo katabi ng isang AUV. Kumaway ang lalaki para makita siya agad.

“Saan po tayo pupunta?”

“In a nearby restaurant. I’m staying in the country for a few weeks before leaving for the US. Business concerns…”

Dinala siya ni Mr. Parlare sa isang classy restaurant for dinner at doon nalaman ni Jole ang ilang bagay tungkol sa lalaki. Isa siyang Fil-Am na negosyante, nabiyudo limang taon ang nakakaraan. May bahay siya sa QC pero US talaga siya naka-base. Bumabalik lang siya sa Pinas para magbakasyon at makipagkita sa mga kamag-anak.

Pagkatapos kumain ay inihatid na ni Mr. Parlare si Jole pauwi sa bahay.

“Prangka akong tao, Jole. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Gusto kong magkita uli tayo…” ani Mr. Parlare, sabay patong ng kamay niya sa maputing hita ni Jole habang nagmamaneho.

Kahit ninenerbiyos ay ginawa pa rin niyang kumalma. “Sir may asawa na po ako…pumayag lang akong makipag-date sa inyo ay dahil tinulungan niyo akong kumita ng extra ngayong gabi…”

“Ah, ibig sabihin ay tumatanaw ka ng utang na loob, is that it? Then I would like you have a gratitude to me again. It’s a given we all need money, ang gusto kong malaman, para saan mo gagamitin?

Ilang minuto ring hindi makatugon si Jole sa tanong ni Mr. Voglio Parlare.

“Look, if you don’t want to be indebted to me, fine. I won’t insist. But l guarantee you na kaya kong sagutin ang mga problemang kinakaharap mo…financial wise. Kung ayaw mo ng tulong galing sa isang estrangherong tulad ko, I understand.”

Nang hindi na kumibo si Jole ay tinanong na lang ni Mr. Parlare kung saan siya ibababa. Pagdating sa kanto malapit sa bahay ni Jole ay pinahinto na niya ang kotse sabay hawak sa pihitan ng pinto ng kotse.

“Final chance to get my offer Jole. Pagbaba mo ng kotse hindi na kita iistorbohin at hindi mo na rin ako makikita.”

Napabuntunghininga si Jole bago nagsalita. “May bayarin kami sa bahay. Kung hindi namin mababayaran sa katapusan, mareremata na ito…”

“How much?”

“P50,000…”

“Done. I’ll give you the money bukas na bukas din…”

Hindi makapaniwala si Jole sa narinig. “T-totoo sir gagawin niyo iyon? Salamat…maraming salamat po!” maluha-luhang hinawakan niya sa kamay si Mr. Parlare.

“On one condition Jole…”

Tahimik na napabuntunghininga uli ang babae. Inaasahan na niya ito.

“Ano po yon?”

“For one night you will be my sex companion. After our “business”, saka ko ibibigay ang pera.”

Tahimik na nag-isip uli si Jole. Sex companion for one night in exchange for P50,000?

“Sige po, pag-iisipan ko…”

“No. I want your answer now….” madiing sabi ni Mr. Parlare.

Napapikit si Jole at napakagat ng labi.

"Kung may magagawa kang paraan, walang problema sa akin!” umaalingawngaw ang mga kataga ni Peth sa tenga ni Jole.

“Sige po…”

Maraming bagay ang dumadaan sa isip ni Jole. Paano niya sasabihin ito kay Peth? O kailangan ba talagang sabihin niya ito? Anong gagawin niya?

Nasa bahay na si Peth nang makauwi si Jole.

“Kain na tayo bhe nakahanda na ang hapunan…” ani Peth sabay halik sa asawa at inalalayan papuntang hapag-kainan.

Kahit na busog pa si Jole ay napilitang kumain pa rin ito.

“O bakit bhe? Hindi masarap ang sinigang na niluto ko?”

“M-masarap bhe…b-busog pa kasi ako…ano balita pala sa lakad mo sa mga kamag-anak at kaibigan mo? May nahiram kang pera?”

“Eh…y-yun nga bhe…wala eh…mga kapos rin sila…pasensiya na…” sagot ni Peth

Tahimik na humihigop si Jole ng ilang minuto.

“Sige bhe, huwag kang mag-alala…gagawa ako ng paraan…”

“A-anong gagawin mo?”

“Pagkatapos ko sa trabaho maglalakad ako ng mahihiraman bukas kaya baka hindi ako makauwi agad. Ite-text o tatawagan na lang kita kung maganda ang resulta ng lakad ko…”

“Sige…pasensiya ka na mahal hindi ako nakagawa ng paraan…”

“Ginawa mo ang dapat mong gawin Peth, minalas ka lang na walang nagpahiram sa iyo…” sabay halik ni Jole sa asawa.

Kinabukasan, tulad ng dati ay maagang naghanda si Peth at Jole para pumasok.

“Baka hindi ako makakauwi mamayang gabi bhe, pupuntahan ko ang isang kaibigan para magpatulong maghanap ng mahihiraman ng pera…” paalam ni Jole sabay halik sa pisngi ng asawa.

Itinuon ni Jole ang sarili sa trabaho pero hindi niya maiwasang isipin ang mangyayari sa kanila ni Mr. Parlare…ni V. Nang dumating ang oras para sa kanyang 15 minutong breaktime ay pumunta agad siya sa CR at para mag-retouch. Matamang tiningnan din niya ang sarilsa salamin at naisip na hindi niya masisisi si V na humanga sa kanyang katawang mala Andrea del Rosario ang dating: Maliit na bewang, tayung-tayo na mapipintog na mga suso, at malamang pisngi ng pwet Kinondisyon na niya ang kanyang isip na trabaho lang ang gagawin niya, na hindi siya madadala ng libog kung siya ay roromansahin ni V.

Alas 8:00. Time off. Agad na dumiretso si Jole sa parking lot kung saan sila unang nagkita... Read More

Part #: 1

About the Author :

Joined: July 7, 2013 (3 years old)
Writings: 235

Send PM · Male · Offline

an introvert, chronic smoker, 80s man exploring the dark recesses of my mind and materializing those abstracts through the push of a pen or keyboard.
23 comments   3 favorites   7,490 views