Blog
 -||- 

Alalahanin

March 31, 2014 (2 years ago)
Posted in Blog: Tagalog | Categories: Erotic | Tags:

Kung gatla sa mukha mo'y di na mabilang
At iniisip mo ang aliw na nagdaan
Ang ningas ng lumipas na kabaliwan
Na gumigisgis pa rin sa kalamnan

Basahin mo lamang itong aking tula
At alalahanin ang dating talinghaga
Na nagpainit sa ngiti mo at luha
At gumagayuma sa dibdib mong nagitla

At alalahanin ang manlalakbay
Na namahinga kahit panandalian
     Sa iyong kandungan
Bagama't kaagapay nito ay bagabag

Ngayon ako na ang liyab at silakbo
   At ngayon ay... Read More

About the Author :

Joined: March 7, 2014 (2 years old)
Writings: 55

Send PM · Female · Offline

a work in progress...in the process of finding the right path
6 comments   0 favorite   789 views