Aking Pandama

August 21, 2014 (2 years ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags:

Tingnan mo,buksan ang iyong mapupungay na mga mata,
Luntiang paligid,bughaw na langit,lahat yan iyong makikita.
Ako,ako na nasa iyong harapan,sana'y iyong pakatitigan,
Habang pikit mata ko'ng itatatak anyo mo sa aking isipan.

Pakinggan mo,talasan ang iyong pandinig,
Huni ng mga ibon at ihip ng hangin wari'y may pahiwatig.
Munting panalangin na ibinulong ko sa kanila,
Natatagong pag-ibig kawangis ng mapusyaw na mga tala.

Langhapin mo halimuyak ng aking pagkatao,
Alay ko'y puso't kaluluwa,pati mumurahing pabango.
Baho ng nakaraan,Iwaksi sa iyong isipan,
Pangakong ang tangi ko'ng sasamyuhin ay ang iyong pangalan.

Ibuka ang bibig, hayaan mo na ika'y aking malasahan,
Hayaang matikman ang laway ng aking pinakamamahal.
Tamis ng iyong dila, lagi ko'ng kinasasabikan,
Tamis na papawi sa aking mapait na nakaraan.

Balat mo sa aking katawan ay pilit na dinadama,
Balat mo na may bahid ng mga haplos at hagod nya.
Bago pakawalan,ikaw ay... Read More

About the Author :

Joined: December 5, 2013 (3 years old)
Writings: 13

Send PM · Female · Offline

Loading...
17 comments   0 favorite   1,072 views