Agnas II (Episode 1)

January 19, 2017 (10 months ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Erotic Couplings, Erotic Horror, First Time, Lesbian Sex, Reluctance, Supernatural, Romance, One Night Stand | Tags: , , , , , ,

Author’s Note: This story may not be used, or copied by anyone without the permission of the original author Balderic. It may be a free shared story but still respect the original author and be a civilized person. So don’t steal and claim it as yours. I may not be able to take legal actions against you but every reader knows you’re nothing but a thief. 

Also, this story is purely fiction. Any character, place, or events happened in the story that seems to mirror something in reality is just a coincidence. And lastly, any story similar to this one is also a coincidence. That is all. Thank you and enjoy the story. 

Previously on Agnas…. 

Isang misteryosong sakit ang kumalat sa buong bansa at posibleng sa buong mundo ang kumitil ng milyon milyong buhay. Subalit isang nakakakilabot na pangyayari ay ang lahat ng namatay sa sakit ay nabubuhay muli. Naglalakad at kumakain ng mga tao ng mga ito. Hinde sila kaagad nasugpo ng sandatahang lakas at ito ang naging dahilan sa mabilis na pagbagsak ng lahat ng sangay ng gobyerno. 

Si Daniel Abante ay kaka break palang sa kasintahan nyang si Nikka Palermo, pero plano nitong makipag ayos sa babae kaya niyaya nya ang kaibigang si Dwayne Tiu para puntahan ang ex nya sa isang party. Subalit nahuli nito ang ex nya na may kasex na lalake si Andrew. Nagkagulo ang grupo pero mabilis na umikot ang pangyayari ng matuklasan nila ang pagkalat ng mga naglalakad na infected. 

Kasama ang mga barkada ni Nikka at ni Andrew, napilitan magtago ang grupo sa isang botique kung saan nakilala nila ang isang security guard na si Jeric Naval. Nagpasya sila na umuwi sa kanya kanyang bahay subalit madugong trahedya lamang ang kanilang naranasan. Si Danny naman ay patuloy ang pagdurusa ng mamatay ang bestfriend nyang si Dwayne at ang madalas na pagroromansa ni Andrew sa ex nya. 

Nakarating sa Quezon city General Hospital sa ang grupo at dito sila tumira ng ilang araw. Dito nakilala ni Danny si Andrea de Silva, ang head ng ospital. Naging malapit ang dalawa at di nagtagal ay bumuo ng lihim na relasyon. 

Nag init naman si Jeric kay Andrew nang matuklasan nito ang ginawang pag iwan ng lalake sa isang sundalong kaibigan nya sa labas kung saan ito nilapa ng mga infected. Dahil dito nagkaroon ng tension ang dalawa. 

Isang di inaasahang pangyayari ang kagagawan ni Nikka na naging dahilan ng pagpasok ng mga infected sa loob ng hospital compound. Nagkaroon ng putukan sa loob at nadinig ito ng libo libong infected sa kapaligiran. Di nagtagal ay pinasok na sila ng di mabilang na mga infected. Halos maubos ang mga marino na prumotekta sa ospital. Maging ang mga survivors at pasyente ay inubos ng mga infected. 

Bumagsak ang depensa ng compound at nagkalat ang mga infected sa loob. Sa kabutihang palad ay may dumating na dalawang choppers galing sa Villamor Air base ang lumapag sa ibabaw ng hospital building. Mabilis na nakapag evacuate sina Nikka at mga kaibigan nila. Huling umakyat si Danny, Andrew at Jeric. 

Paakyat na sa ladder si Jeric nang sipain ni Andrew ang mukha nito at nahulog ang lalake. Gusto mang balikan ni Danny ang kaibigang si Jeric pero sinabihan na ito ni Andrew na patay na si Jeric. Nauubos narin ang oras nila at napilitan silang umalis. Pero laking gulat ng lahat nang makitang buhay si Jeric sa ibabaw ng isang military truck. Injured ito pero magiting na nakipaglaban hanggang sa huling bala ng kanyang mga baril. Dahil sa dami ng infected ay naubusan na si Jeric ng bala. Gamit ang dalawang granada ay sinakrepisyo nito ang buhay at pinasabog ang lahat ng infected na nakapalibot sa kanya. 

Galit at puno ng pagluluksang nasaksihan ni Danny ang lahat. Namatay si Jeric sa pagtatraydor ni Andrew at nawalan ang grupo ng isang magiting na mandirigma at malapit na kaibigan. 

Episode 1: Seeking Justice
By: Balderic 

Two months later…. 

Matapos ma rescue sina Danny ay dinala sila sa Camp Aguinaldo. Ang kampo na ito ay ginawang stronghold ng iilang sundalong natira na pinamumunuan ni Gen Diosdado Sakay. Sa loob din ng kampo nakatira ang halos isa’t kalahating libong mga survivors na civilian. 

Dahil sa kakulangan ng supply at tao, may ilang grupo ng volunteers ang lumalabas ng kampo para mag supply run. Kasama sa mga ito si Danny. Bago pa lamang sya pero napapansin na ng ilang kasamahan nya na medyo bihasa na ito sa pakikilaban ng mga infected. Sina doc Andrea at Andrew naman ay tumutulong sa isang maliit na ospital ng kampo. Ang magkapatid na Erich at Michelle ay tumutulong sa pagbibigay ng mga pagkain at ilang supplies. Si Sheryl naman ay nag aassist sa headquarters na opisina din ni Gen Sakay. 

---- 

Anim na tao ang binuo at kasama si Danny. Isang routine supply run nanaman ang isinagawa nila. Pagkalabas ng kampo ay nakita kaagad nila sa mga gates ang nakaharang na mga kotse na ginawang barikada. Sinilip nila ang paligid at wala silang nakikitang infected. Maingat na patakbo silang lumabas ng barikada. Naka file formation sila at nasa pinakalikuran si Danny dahil sya ang pinaka bata at pinakamabilis kaya makakahabol sya kaagad kung maiiwan. 

Nakakalayo na sila at malapit na sa Ali Mall. May nakitang convenient store ang team leader nilang si Marco. Isang middle aged na lalake at isang ama. Inutusan nya ang grupo na pumunta sa convenient store. Lumapit ang grupo at sinilip ni Marco ang loob. Nagkalat ang mga gamit sa loob. Halatang kakaunti na lamang ang mga pagkain at mga supply dahil sa talamak na looting. Walang napansing infected si Marco kaya pumasok sila. Papasok na si Danny pero pinigilan sya ni Marco.

“Dito kalang sa labas iho. Ikaw lookout namin. Tawagin mo kami kung may makita ka.” Wika ng lalake. Alam ni Danny na ang lookout ang isa sa pinakadelikadong role ng supply run dahil kung hinde nag iingat ang lookout ay mabilis itong mabibiktima ng mga infected. Hinde rin nya pwedeng iwan ang grupo dahil maaari syang parusahan kung malamang iniwan nya ang grupo. 

“Tsaka boy walang personalahan ha pero bago ka palang sa grupo eh kaya asahan mong ikaw ang gagawa ng mahihirap na roles hehe.” biro naman ni Carlos isang mid twenties na lalake at kasunod lang ni Danny. Tumango na lamang ang binata. 

“Okay ibibigay ko sa inyo ang mga lista ng kailangan natin. Wag kayong magdadala ng mga di kailangan ng grupo na makakabigat sa mga backpack nyo. At mag ingat kayo. Maliwanag?” 

“Maliwanag Marco.” Halos sabay na sagot ng apat na kasama nila. Tig iisang papel ang ibinigay ni Marco kung saan nakalista ang kailangan nila. Nagkalat kaagad ang grupo. 

Pulot dito kuha doon. Ganito ang madalas na trabaho ng supply runners. At dapat mabilis at alerto sila sa kung ano mang panganib. Ilang minuto pa lamang ay nakakarami na sila. Si Carlos naman ay lihim na pumasok sa pharmacy booth. Naghanap ng ilang pain killer drugs na kung saan addict ito. May nakita syang isang pinto pero may nakatumbang bakal na aparador. Drug supply room ang nakapaskil sa pinto. 

“hehehe ayos, makaka abot nanaman ako sa langit nito.” Nakangiti si Carlos. 

Sa labas naman ay parang agila ang mga mata ni Danny sa pagtingin ng paligid. May gamit itong isang jungle bolo na bigay sa kanya dati ni Jeric. Hinde pinapadala ng baril ang mga supply runners dahil kailangan nilang umiwas ng ingay at ginagamit ng mga sundalong bantay ng kampo ang mga bala. Lingon sa kaliwa’t kanan si Danny. Madaming abandoned na kotse ang nagkalat sa highway. Ilan dito ay may mga bangkay na halos buto’t balat na lamang ang natira. 

“AAAAAHHHH!!!!” Isang malakas na sigaw ang narinig ni Danny sa loob ng convenient store. Napasilip sya sa loob. 

“Blam! Blam! Blam!” tatlong putok ng baril ang sumunod at napadapa si Danny nang may tumagos sa salamin sa labas ng store. Gumapang papasok ang binata para tignan ang nangyari. 

“Putang ina ka Carlos! Bakit ka nagdala ng baril!?” galit na galit si Marco. Isang nakabulagtang infected na pharmacist ang nasa paanan ni Carlos. Hawak hawak ng lalake ang isang kamay. Inagaw naman ni Marco ang baril at nakitang duguan pala ang isang kamay ni Carlos. 

“sorry…sorry Marco….” 

“Tang ina ka, nakagat ka!?” napatitig ang iba pa at lumayo kay Carlos. 

“Pare wag kang lalapit samin!” sabat ng isa. 

“Marco pakiusap tulungan mo ako. Ayokong maging tulad nila!” 

“Wala akong magagawa Carlos. Dahil sa katangahan mo, nakagat ka at dinamay mo pa kami!” 

“Hinde! Hinde ko sinasadya Marco! Please! Tulungan mo….” “Tssaaggg!!!!” Isang taga sa ulo mula sa likod ang tinamo ni Carlos. Dumanak ang maraming dugo nito sa mukha bago pa ito bumagsak sa sahig. Nakita ng grupo na si Danny pala ang pumatay kay Carlos. 

“Fuck! Danny bakit mo sya pinatay!?” sigaw ng isa sa kanila. Hinde sumagot si Danny at pinunasan nya lang ng towel ang blade ng bolo nya. 

“Wala na tayong magagawa para kay Carlos. Isa syang tangang nagpakagat sa zombie. Ako na ang bahalang magsasabi sa asawa nya. Tara umalis na tayo.” Wika naman ni Marco. 

“KKLLAASSHHH!!!” “UUUOOOHHHHHH!!!!” Nabasag ang mga salamin sa paligid ng convenient store at nakita nila ang napalaraming infected na nakapalibot sa store. 

“Holy shit!!!! Marco ang dami nila!!!” 

“Napapalibutan tayo!!! Paano tayo makakalabas!?” 

“Patayin sila!!!” utos ni Marco. Una itong lumusob sa mga infected na pumasok sa main doors. May gamit itong hatchet. Pinagtataga nya kaagad ang dalawang nakapasok. Sumunod na nakipaglaban ang apat. Baseball bat, hatchet, at machete ang gamit ng tatlo. 

Lumaban sila. Lumaban para sa kanilang buhay. Palo at taga sa ulo ang punterya nila. Naka ilan din sila. Kaba at takot ang nasa puso ng grupo. Kaba na posibleng ikakamatay na nila ito at takot sa posibleng madugong kamatayan na sasapitin nila sa mga ngipin ng mga infected. At dahil dito, di nagtagal ay nagkamali ang isa sa kanila. 

“Aaaaahh aaaaahhhh tuloooonng tulunga nyo akoooo!!!” sigaw ito ng sigaw habang sapilitang hinila ng ilang infected papalapit sa kanila. Sinimulan itong kagatin sa tenga, leeg, nuo at mga balikat. Nalunod ng ungol ng mga patay ang pagsaklolo ng lalake. Nginatngat ng mga ito ang karne ng kawawang biktima. Nabitawan ang baseball at napahiga ito habang patuloy na kinakain ng buhay. 

Nasaksihan ito ng ilan pang natira. Isa nanamang pagkakamali na naging hudyat ng kanilang kamatayan. Tulad nang nauna ay hinila din ang dalawa pa. 

“Aaaaahhh aaaahh aaarrgghhh gghhhssskkkkksshhkkk!!!!!!!” di na malaman kung ano ang sinisigaw ng mga ito ng dahan dahang mapunit ang kanilang leeg sa malalakas na kagat ng mga infected. Nilapa ang mga ito. Dinukot ang mga mata. Kinagat ang mga daliri hanggang sa maputol, pinunit ang tenga at ilong hanggang sa halos makita na ang bungo. 

“Shit!!! Shit!!!! Putang ina mo Carlos!!! Kasalanan mo ito!!!” napapikit si Marco. Lumapit ang isang infected sa kanya at kumapit. Binuka ang bibig at lumabas ang inaagnas nyang mga ipin. 

“Ggrraaahh!!!!” “Sshraakk!!!” Isang saksak ng jungle bolo mula sa panga at lumampas sa bumbunan ng infected ang tinamo nito. Hinugot ito ulit at itinaga sa ulo ng isa pang papalapit na infected. 

“Danny!?” 

“Umakyat tayo sa kisame mang Marco. Trapped na tayo dito!” tinuro ni Danny ang isang nakabukas na parte ng kisame sa bandang likuran ng store. Hinila nya si Marco at tumakbo sila kaagad. 

“A-akala ko patay ka na rin.” 

“Wala na tayong oras sa usapan. Umakyat na ho kayo.” 

“O-oo oo iho!” tumungtong sa isang lamesa ang lalake at umakyat. Prinotektahan naman sya ni Danny. Nakapatay pa ng isang infected ang binata. Dumating pa ang isang babaeng infected na halos nahubaran na. Tinaga ito ni Danny sa leeg. At sa sobrang bilis ay napugutan ito kaagad. Pagkabagsak ay may dumating pang dalawa. Naghanda kaagad si Danny. 

---- 

Busy si Sheryl sa pag aayos ng ilang records sa labas ng opisina ni Gen Sakay. Lumapit sa magandang dalaga ang isang opisyal na babae, si 1lt Elena Banda. Isa ito sa mga main staff ni Gen Sakay. May dala pa itong ilang mga papeles at malugod na tinanggap ni Sheryl. 

“Kanina ka pa dyan ah, halika samahan mo muna ako mag meryenda sa canteen.” Naka ngiti si Elena. 

“Sige maam susunod nalang ako. Tapusin ko lang ang pag arrange neto.” 

“Alam mo, natutuwa si sir Sakay sayo eh. Bago ka palang dito at volunteer pa pero talagang masipag ka ah.” 

“Naku salamat po maam pero di ko na po pinapansin ang pagod. Nagpapasalamat nalang ako sa bawat araw na buhay ako. Sa totoo lang, hinahanap hanap ko talaga itong trabaho para at least minsan eh makalimutan ko ang takot at sakit na dinanas ko sa labas.” 

“Hmm narinig ko nga kamakailan kay doc Andrea na talaga raw matinde ang dinaanan nyong hirap bago pa kayo makarating sa QC Gen eh.” 

“Bago palang kami makarating dito, umasa akong dito ko makikita ang pamilya ko pero… pero…. Oh Diyos ko…” naluha na si Sheryl. Naalala nito ang pamilya nyang namatay at hinde na narescue pa. Lumapit sa kanya si Elena at hinimas himas ang likuran nya. 

“Tama na yan. Ang mabuti pa mamaya after natin magtrabaho punta tayo malapit sa Army mall at may tinayong inuman dun ang tropa. Ano sa tingin mo?” 

“Sige…mamaya…” naiilang na ngiti ang pinakita ni Sheryl kay Elena. 

---- 

“Uuaaaaahhhhh…..hhuuuuurrrrhhhh….” matunog na mga ungol ng mga infected ang bumalot sa loob ng convenient store. Napasok na ng maraming infected ang store at karamihan sa kanila ay pinagpepyestahan ang mga wala nang buhay na katawan ng apat na kasamahan nila Danny at Marco. 

Ang iba naman ay nakatingala at inaabot ang kisame. Nakadapa sa loob ng kisame ang dalawa at nakatingin sa ibaba. Nakapako ang mga mata ng mga infected sa kanila na gusto silang abutin. 

“Shit! Trapped na tayo! Paano na ito!?” Nababagabag na si Marco. Kung may sakit lang ito sa puso ay kanina pa ito inatake sa sobrang kaba. Pina ilawan nya gamit ang flashlight ang paligid. Tinignan ang lahat ng sulok ng kisame sa pwede nilang pagdaanan. Pero nabigo ito. 

“Tang ina wala na talaga tayong madaanan. Anong gagawin natin?” tumingin sya kay Danny na kapansin pansing kalmado lang. 

“Maghintay tayo ng dilim. Habang nakikita nila tayo ay di sila aalis dito.” 

“Dapat pala magtago muna tayo para di tayo makita. Tara dun tayo sa may sulok.” Pina ilawan ni Marco ang isang sulok ng kisame at gumapang sya. Sumunod naman si Danny. 

Di pa sila nakakalayo ng biglang bumagsak ang kisame. 

“Krasshh!!!” “Aaahh Danny tulungan mo ako!!” Nakakapit si Marco pero nakabitin ang mga paa nya. Mabilis na lumapit ang ilang infected na di nabagsakan ng kisame. Gustong hawakan ang mga binti ni Marco. 

“Aahh kakainin nila ako!  Bilisan mo tulungan mo ako iho!” pinagsisipa ni Marco ang mga humahawak sa paa nya. Lumapit naman si Danny para hilahin si Marco. Pero bumigay ng tuluyang ang kisame at parehong bumagsak sa sahig ang dalawa kasama ang kisameng binagsakan din ang ilang infected. 

“Aauugghh…putaaaa…” ungol ni Marco ng tumayo ito. Masakit ang panga at dibdib na binagsakan nya. Tumayo din si Danny kaagad. Binunot ang jungle bolo. 

“Ayan na sila!” sigaw ni Danny ng lumapit kaagad ang maraming infected sa kanila. 

“BOOOMM!!!” Isang napakalakas na pagsabog sa may pintuan ng store ang nakita nina Danny. Tumilapon sila kasama ang ilang gamit at mga infected. Nagkaroon kaagad ng madadaanan sa store at isang naka military poncho ang pumasok. 

Lumapit sa kanya ang ilang infected. Bumunot ng dalawang machete sa likuran nya ang taong nakaponcho at tinagang magkasabay ang dalawang infected. Tumakbo ito palapit sa dalawang nahihilo pang survivors. Hinawakan ang kamay ni Danny at hinila patayo. 

Tumayo ang dalawa at sumunod sa nakaponcho. Sinipa ng tao ang isang infected palabas ng store at nakita ni Danny ang combat boots neto. Lumapit ang tatlo pa sa labas ng pinto. Sinipa kaagad ng nakaponcho ang nasa gitna at natumba ito. Magkasabay na tinaga nya ang dalawa sa ulo at huling tinaga ang natumbang infected. 

Tumakbo kaagad ang tatlo palayo sa store. May sumalubong pa sa kanilang dalawang runners na infected. Sinipa ng nakaponcho ang nauna sa likod at ginamit ang katawan nito para mag bounce ang talon nya papunta sa pangalawang runner at tinaga ito sa ulo. Habang nakatalikod sya ay umatake ang naunang infected. 

“Hhaarrkkk!!!” “Tsakk!!” Tinaga ng nakaponcho ang gilid ng ulo nito habang nakatalikod sya. 

“Grabe sya…” namangha si Marco sa nakita. Sumunod sila sa nakaponcho at umikot ito sa isang kanto. Pagdating nila Danny ay biglang nawala ang nakaponcho. 

“Asan na sya!?” tanong ni Marco kay Danny. 

“Diko alam pero niligtas nya tayo. Kailangan na nating bumalik sa kampo at malapit nang magdilim.” 

---- 

Isang trahedya ang supply run nila Danny. Pagdating nila sa Aguinaldo ay dumiretso ang dalawa sa ospital. 

“Anong klase kang team leader!? Di mo binantayan ng  maayos ang mga tao mo at nauwi ito sa trahedya!” galit na galit ang chairman ng mga supply runners group kay Marco. 

“Ginawa ko ng tama ang tungkulin ko. Talagang matigas lang si Carlos at di ko inaasahang magdadala sya ng baril kaya nag karoon ng ingay sa paligid.” 

“Ang sabihin mo eh pabaya ka. Dapat dito palang ay chineck mo na mga dala ng mga tao mo. Alam mo naman ang routine di ba? Bakit di mo sinunod!?” 

“Hinde ko kagustuhan ang nangyari okay. Hinde ko kagustuhan ang makain ng mga zombies ang mga kasama ko. Kaibigan ko ang dalawa sa kanila kaya wala kang karapatang sisihin ako sa lahat ng pagkakamali!” 

“Tarantado ka ba!? Ikaw na nga itong mali ikaw pang may lakas loob sumabat sakin!” 

“Tama na ho. Mamaya nalang kayo mag usap. Nasa ospital po tayo at masyado na kayong maingay.” Sumabat bigla si Andrea na nasa likuran na pala ng chairman. 

“Pasensya na ho kayo doc. Ah sige ho paglabas nalang nila ko kakausapin si Marco.” Lumabas ito ng ER kaagad. 

“Oh Danny mabuti at buhay ka!” Niyakap kaagad ni Andrea si Danny. Nagulat naman si Marco pero di na nya binigyan ng kulay ang yakap ng magandang doktora dahil alam nyang magkakilala ang dalawa. 

“Okay lang po ako.” 

“Ano bang nangyari? Mabuti at naka balik kayo.” 

“Naku doc pinalibutan na kami ng mga zombies. Kung di dahil kay Danny ay baka patay na din ako. At tsaka may tumulong din sa aming isang taong naka poncho. Kaso di na namin namukhaan kasi mabilis itong nawala.” Paliwanag pa ni Marco kay Andrea. 

“Naka poncho?” tumingin si Andrea kay Danny. Seryoso ang mukha ng binata. 

“Di ko alam kung sino sya. Kung babae ba o lalake. Pero iisa ang alam ko. Magaling sya. Mukhang marami na syang dinaanan. Experienced at maliksi makipaglaban. Naalala ko sa kanya si kuya Jeric.” 

“Ganun ba. Mabuti naman at nailigtas nya kayo. Siguro survivor din yun sa di kalayuan.” 

Naalala bigla ni Danny si Jeric. Napayuko ang binata. Namumugto ang mga mata. Napakapit ng mahigpit sa bed sheet ng kama. At halos kagatin ang labi. 

Two months ago…. 

“Papatayin kitang hayop ka! Pinatay mo si kuya Jeric!!!” Tinutok ni Danny ang baril kay Andrew. Kakalapag palang nila sa Villamor at galit na galit nyang hinarap ang lalakeng huling nakasama ni Jeric.

“Wag! Wala akong kasalanan! Wala akong kasalanan! Di ko pinatay si Jeric maniwala ka!” napapa atras si Andrew at nanginginig ang boses. Takot na takot sa kakkahinatnan nya kay Danny. 

“Blam!!” pumutok ang baril na hawak ni Danny pero nakatutok ito sa ere. Pinigilan sya ni 2Lt Trinidad.

“Danny tama na. Bitawan mo ang baril. Marami nang buhay ang dumanak sa araw na ito. Wag mo nang dagdagan.” 

“Pero pinatay nya si kuya Jeric! Pinatay nya si kuya!” 

“Hinde ko nga pinatay si Jeric. Alam kong matagal ka nang galit sakin Danny pero wag mong gamitin ang kamatayan ni Jeric para patayin ako!” 

“Walang hiya ka! Papatayin kitang traydor ka!!” mas nagwala si Danny pero pinigilan sya ng dalawang piloto ng chopper at ni 2Lt Trinidad. Nanaig ang lakas ng tatlo at napigilan nila ang binata.

“Makinig ka Danny, alam kong malapit ka kay sgt Naval pero wala na sya. Aksidente ang pagkahulog nya Danny. Wag mong sisihin si Andrew sa pangyayari. Walang may gusto ng sinapit nya.” 

“Pero sinungaling yang Andrew na yan. Wag kayong maniniwala sa kanya.” 

“Danny please stop this… please stop…” niyakap sya ni Andrea. Naluluha si Andrea na nakikitang nasasaktan ang mahal nyang binata. Nakatingin naman sa kanila si Nikka at ang mga kaibigan nya.

---- 

Matapos malinisan ng ilang sugat ni Marco ay lumabas na ito ng ospital. Nagpasalamat at nagpaalam ito kay Danny. Nagpaiwan naman ang binata para makipag usap kay Andrea. Sa di kalayuan ay may narinig si Danny na tinatawag ang boses nya. 

“Danny! Danny! Oh my God buti ligtas ka!” 

“Nikka?” niyakap kaagad sya ng dalaga at sa harapan pa ni Andrea. Nakita ni Danny si Andrea na medyo naiilang sa kanila. Marahang tinulak ni Danny ang dalaga para makawala sya. 

“Nikka okay lang ako. Wag ka na mag alala.” 

“I heard na namatay raw mga kasama mo. Shit mabuti nakaligtas ka. Please Danny mag iingat ka na next time ha. Wag na wag mo akong iiwan okay.” Hinihimas himas pa ni Nikka ang gilid ng leeg ni Danny na parang naglalambing. 

“Um Nikka… ano.. okay naman ako okay. Don’t worry na” nilayo ni Danny ang kamay ni Nikka. Pasulyap sulyap din ito kay Andrea na tumaas lang ang isang kilay. 

“Well I will leave the two of you.” Wika ni Andrea sa dalawa. 

“um sige ho doc ako na bahala kay Danny ko.” Ngiting aso ito kay Andrea. Nag roll nalang ng mata ang doktora at iniwan ng dalawa.

“Sandali doc…” tinawag pa ni Danny si Andrea pero di na sya nilingon. 

“Hayaan mo na sya Danny. Busy pa sya kasi naman magkasama sila ni Andrew na nag duduty. I think nagiging close na nga sila eh.” 

“pero kasi…” 

“Ano ka ba naman Danny, eto na nga ako nag woworry sayo eh. Si doc Andrea pa ang gusto mo makasama. Hmph!” 

“Di naman sa ganun pero kasi may gusto pa akong tanungin sa kanya eh tsaka baka magselos pa sakin si Andrew pag nakitang close ka sakin.” 

“Naku hayaan mo na yun. Break na kaya kami.” 

“Oh!? Kelan pa?” 

“Basta! Naku hayaan mo na sila. Sasamahan nalang muna kita hihihi.” Napakamot nalang ng ulo si Danny.

---- 
By: Balderic

10 pm na at kakatapos lang mag inuman ni Sheryl at Elena. Dahil medyo nahihilo si Sheryl ay minabuti pa nyang sa quarters na lamang ni Elena sya magpalipas ng gabi. Pagkapasok nila ng kwarto ay kapansin pansin na medyo magulo ito. May ilang damit ang nagkalat sa higaan at sahig. May mga nakasampay na kasuotan sa may bintana at mga nagkalat na mga papel sa lamesa. 

“hihi pasensa ka na ha at makalat sa kwarto ko.” 

“Okay lang yan. Ganun din naman ako dati eh.” Umupo ito sa gilid ng kama. Tumabi sa kanya si Elena at hinimas ang likuran nya. 

“Okay ka na ba?” 

“Medyo okay na din.” Tumingin si Sheryl kay Elena. Pareho silang nakangiti sa isa’t isa. 

Dahan dahang nabura ang mga ngiti nila ng papalapit ang kanilang mga labi. Hanggang sa dumampi ang mga labi nila. Malambot pareho ang mga labi ng dalawang babae. 

Naghiwalay kaagad ang labi nila at nagkatinginan sila. Walang kibuan at parehong nagpapakiramdaman. Napalunok ng laway si Sheryl. Ngumiti si Elena at nilapit muli ang labi nya. Hinde pumalag si Sheryl ng maglapat ulit ang labi nilang dalawa. 

mmnnh…” mahinang ungol ni Sheryl. Padampi dampi ang halik sa kanya ng babaeng opisyal. Di nagtagal ay nagiging mapusok na ang halikan nila. 

Nagpapalitan sila ng halik sa isa’t isa. Tila nag iinit silang pareho at di na nila namalayang naghihimasan na sila ng katawan. Hinihimas ni Sheryl ang batok ni Elena. At nasa hita naman ni Sheryl ang himas ng kapareha. Nakasuot ng pantalon si Sheryl at napasinghap ito ng malalim ng siniksik sa singit nya ang kamay ni Elena. 

Ipinasok ni Elena ang dila nya sa bibig ni Sheryl. Nagkakalikutan sila ng dila. Naghalo ang mga laway nila at pareho silang napapalunok. Umiikot ikot naman ang bewang ni Sheryl habang kinikiskis sa singit nya ang kamay ni Elena. Nakikiliti nito ang tinggil ni Sheryl at sarap na sarap ito. 

Hinayaan ni Sheryl na mabuksan ang butones at zipper ng pantalon nya. Ipinasok ni Elena ang kamay nya sa panty nito at kinapa ang puke ng kapareha. Nasalat nito kaagad ang basa nang hiyas ni Sheryl. 

“oooohh…maam Bandaaaa…” 

“Elena nalang Sheryl…mmh masarap ba?” 

“oo Elena…sige lang…ituloy mo lang aaahhh…” 

Muli ay siniil ng halik ni Elena si Sheryl habang kinakalabit ang tinggil nito. Tila langit ang dulot para kay Sheryl. Matagal na din ang huling may hukawak ng puke nya at talagang gigil na gigil ito. Wala na syang pakealam kahit kapwa babae pa ang gumawa nito sa kanya. 

Nagmamadaling hubarin ni Elena ang pantalon ni Sheryl at maging sya ay naghubad na rin. Isa isang nalaglag sa sahig ang kanilang kasuotan qt huling nahulog ang bra at panty nilang dalawa. Namangha si Sheryl sa trimmed na puke ni Elena at sya naman ay kalbo naman ang pagkababae. 

“Ang linis ng puke mo tignan Sheryl. Ang sarap kainin.” 

“Sige kainin mo Elena. Please..” kusang bumukaka si Sheryl sa harapan ni Elena. Lumuhod sa gilid ng kama si Elena at binuka ang labi ng pekpek ni Sheryl. Lumabas ang kanyang munting mani at pinasadahan ito ng dila ni Elena. 

“Aaahh…mmmhhh!!!” napa angat ang balakang ni Sheryl. Inulit pa ni Elena ang ginawa at mas lalong lumakas ang ungol ng isa. Sinabit ni Sheryl ang mga hita sa balikat ni Elena at hinayaan itong kainin sya ng lubos. 

“mmhh ganyan lang…oohh sige paaaahh…” 

Tumingala si Elena at kinuyumos ang dalawang suso ni Sheryl. Kagat labi naman ang dalaga. Hinawakan ang ulo ni Elena at inaalalayan sa pagdila sa kanya. Basang basa na sya at mas lalo pa itong nabaliw sa sarap ng ipasok ni Elena ang pinatigas na dila sa butas nya. Lahat ng sulok ng pekpek nya ay inescrub ng dila ni Elena. Maging ang mga singit nya ay hinalik halikan din ng babae. Pagkatapos ay bumalik ito sa tinggil at sinipsip ito ng todo. Di na nakayanan ni Sheryl ang sobrang sarap at para itong nakuryente ng bumulwak ang kanyang katas sa unang orgasma. 

“aaauuhh…mmhh…” 

Sumampa sa kama si Elena at mabilis syang hiniga ni Sheryl at umibabaw ang dalaga. Sinakmal nito kaagad ang labi ni Elena at nakipag espadahan ng dila habang hinihimas ang makinis at mapuputing suso ng opisyal na babae. Pinaglaruan nya ang kaliwang nipple ni Elena gamit ang hinlalaki nya at humimas ito papunta sa bewang at hita ng opisyal. 

Bumuka ng kusa ang mga hita ni Elena at... Read More


About the Author :

Joined: December 3, 2015 (2 years old)
Writings: 147

Send PM · Male · Offline

Isang lalake na mahilig sa hot wife, taboo, cheating, cockold, action, comedy, horror, love, at young girls stories.

Isa akong author na baguhan at natututo rin dahil sa inspiration ko.

Sana basahin nyo story ko at mag komento kung ano ang reaction at ideas nyo. Salamat po.
26 comments   4 favorites   3,285 views