AGIMAT

December 12, 2012 (3 years ago)
Posted in Story: True Story, Tagalog | Categories: Erotic Couplings, Supernatural | Tags: , ,

1984 sa bayan nang Indang, Cavite ay pumunta kami nang aking lolo. Makikiramay sa 1 sa mga kakilala niya doon. Kasama namin ang aking lola at ang aking matagal nang girlfriend. Sa edad na 89 ay hindi masasabi na uugod ugod na siya. Tila wala siyang kawalan nang sigla sa katawan. Siguro dahil sa muli uuwi siya sa bayan na kung saan may natanggap siyang importanteng bagay noong kabataan niya.

'Sa simbahan tayo apo, doon tayo paparada.' malumanay na sinabi sa akin.

'Opo Lolo Pepe.' Sagot ko sa kaniya.

'Tagal ko nang hindi nakakpunta dito, dito ako dinistino noong mag trabaho ako sa US Post Office noong panahon nang 'kano.'

'Whooo! Dito mo ako dinala noong itanan mo ako, kamo!' pasaring na sinagot nang lola ko. Napangiti na lang ako habang nag mamaneho nang sasakyan ko. Malayo ang bayan sa ibang lugar nang komersyo noon. Yung daan nga ay pa zigzag na akala mo'y nasa Kennon road ka. Mayabong ang mga puno at halaman na tumatakip sa ilang parte nang daan. Kung hindi ka sanay nga na lakbayin yung daan e maari kang maaksidente na mabangga o tumuloy sa malalalim na bangin nang kabundukan.

'Lola, dito kayo tumira ni Lolo noong una kayong mag sama bilang mag asawa na? 'Tanong nang aking girlfriend. 'Oo 'neng. Yang lolo nang boypren mo ang nagdala sa akin dito. Dito nga ipinanganak yung nanay niyan. ' E di ma adbentyur noon kasi hindi gaano maayos pa ang daan tulad ngayon. ha,lola? Tanong ko. 'Ay siya talagang may kasamang paligro na maaring harangin ang lumalakbay noon nang mga tulisan. Pag inabot ka na nang dapit hapon, dapat nakarating ka na sa lugar na pupuntahan mo. E kita mo naman magubat pa rin kahit ba may maayos na kalsada ngayon. ' Tama naman talaga ang lola ko sa kaniyang ipinaliwanag sa akin. Maingat na nag mamaniobra ako sa bawat kurbada at kung oovertake e doon sa mga kalsada na may mahaba at pwepwedeng gawain.

Umabot kami sa Indang mag aala una medya na. Binuksan nang lolo ko ang bintana niya at patigil tigil sa mga nakikita niyang mga dating kakilala, para bang OFW ngayon na ginugulat ang pag uwi. 'Hooy! ' Aba si Pepe! Tuloy ka muna...' Mamaya na, makikiramay sa patay. ' Ay oo nga 'no? O sige magkita kita tayo sa simbahan! ' at tumuloy na kami hanggang sa marating nga ang simbahan nang bayan. Ipinarada ko sa ilalim nang 1 punong mangga. Bumaba kaagad ang lolo ko, matikas ang tayo at lumakad sa ilang matatanda na magkakasama. Bumaba ako at ipinagbuksan ko ang aking lola na naiwan. Umalalay ang aking girlfriend, inabot ang tungkod sa kaniya at sabay kaming tatlo na sumunod sa aking nauna nang lolo.

'O ano ba? Pormang porma ka na, ha?'

'E minsanan lang maka dayo e di lubos lubusin na.'

'Hee!hee!hee! talaga itong si Pepe, maporma pa rin pag nagpapakita. O sino ba yang kasama mo? ' tanong nang 1 matanda.

Pumihit ang lolo ko at kinuha ang kamay nang aking lola at sinabi sa kaniyang mga kaibigan. 'Di n'yo ba nakikila ang aking asawa? Aba e malabo na ata ang mga mata ninyo talaga?'  'Ha!ha!ha!ha! Nakakakita pa rin naman kami oy! 'Oo nga, ha!ha!ha! Ano ba? Donyang donya na ang esposa ni Pepe. hee!hee!hee!'

'Oy! tigil tigilan ninyo ako diyan, makikiramay lang kami sa patay, kaya kami napunta dito sa Indang talaga.'

'Pepe, sino ba yang 2 kasama nang asawa mo?'

'Yan ang panganay na apo ko sa aking panganay na anak at ang kaniyang gelpren.'

'Ay siya ba? 'Toy hingiin mo yung agimat nang lolo mo! Magandang mayroon noon ikaw.'

'Po?' nag tatakang isinagot ko sa nag sabi noon sa amin. 'Heh! Tigil tigilan nyo yang apo ko kita nyo nang kasama yung gelpren, kung ano ano yang ipinagsasabi ninyo diyan. Tena at pumasok na tayong 4 sa loob. Makiramay tayo sa namatayan. ' Pumasok na kami at nakiramay sa namatayan. Umupo silang mag asawa na kausap yung naiwang asawa. Kami naman nang aking girlfriend ay umupo sa bangkong upuan na may kalayuan sa kanilang 2. Minamasdan namin ang 2 matatanda.

'Sana pag tanda natin e umabot tayo sa edad nilang 2...mahinang nasabi niya sa akin. Tumango lang ako. Binulungan ko siya, 'Alis muna ako.'  'Bakit?' tanong niya. 'Kasi kanina pa ako najijingle, baka dito pa ako abutan sa kapilya, kahiya hiya!'  'Ay!hi!hi!hi! Oo nga, sige doon muna ako sa tabi nila. Balik ka kaagad, ha?!' Tumayo na ako at lumakad nagtanong kung saan ba yung palikuran nang simbahan. Itinuro at doon ay nakaraos nang kanina pang pinipigilan. Lumabas na ako at pabalik na sa aking mga kasama nang may sumotsot sa akin.

'Psst! Parine ka muna dito '... Read More

About the Author :

moderator

Joined: April 14, 2012 (4 years old)
Writings: 72

Send PM · Male · Offline

3 comments   1 favorite   5,220 views