Add a Blog Post

September 8, 2015 (1 year ago)
Posted in Blog: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags:

Natuon ang pansin ko dito. Add a Blog Post. Gusto ko,oo gustong gusto. Matagal na eh. Hindi ko lang alam saan mag sisimula,ano ang isusulat,sino ang iisipin o kung meron ba habang nag susulat. Pero gusto ko. Gustong gusto.

Ngayon,susubukan ko. Meron pa naman akong ilang minuto na pwede sayangin. Ilang minuto na pwede aksayahin sa pag buhos ng mga laman ng isip ko. Oo,may laman. Makabuluhan ba? Yun ang di ako sigurado. tongue-out

Sige,subukan natin mag simula doon sa medyo magaan lang. Sa medyo light,sabi nga ng pale pilsen. Hindi naman ako nagmamadali eh. Sakto sa mahaba habang kwentuhan lang. Subukan natin mag simula sa katotohanan na namimiss kita. Oo,tama pagkakabasa mo,namimiss kita ng buong puso,ng walang pag iimbot at ng buong katapatan. Bakit kita namimiss? Eh sa ganun sya eh. Pakialam mo ba? Sisihin mo sarili mo. Sisihin mo ang elemento ng mundo- earth,fire,wind,water. Yun yata dahilan at ipinanganak kang witty. Sisihin mo ang members ng Power Rangers- nagiging kasing kulay ng mga costumes nila ang paligid pag nakakausap kita. Sisihin mo ang balahura na kapitbahay nyo ( kung meron man) kasi may kagaspangan ugali mo, pero ewan ko ba bakit cute na cute pa din ako dun. Ang daming pwedeng sisihin no? Pero wag ako. Labas ako sa usapan na yan. Namimiss lang naman kita. Nothing fancy sabi nga nung conyo kid na nakasabay ko sa jeep minsan. 

"Kung namimiss mo ako,bakit di mo kayang lagyan ng pangalan itong sinusulat mo ngayon?"- malamang eto ang tanong mo. Pakialam mo ba ulit? Haha! Hindi.. hindi ganun. 

" Anong hindi ganun?"

Hindi kasi ganun ka dali. :) Hindi sya yung tipong a+b=ab. Eto yung tipo na a+b+ab-abcfshdyf(x)abadgdtygdgfg plus ten,plus twenty raised to the third power. blah,blah,blah. Hanggang mag syntax error na sya. Ganun yun. It's kinda complicated, sabi ulit ni conyo kid. 

Last time may itinanong ka,at nasagot ko naman ng deretso. Partida,wala pang 3 seconds ang gap ng tanong sa response. Ikalawang tanong,nasagot ko din. Medyo may kaartehan lang kasi merong mga ehhhh... kashhiiiii (feeling may braces. haha!) in between my answers. Pero nasagot ko. May hiniling ka. Nasabi ko nalang,oo,dadating din ang lahat dyan. Sa tamang panahon,sabi nga ng sikat na sikat na lola. Pero naisip ko,wala naman talagang tamang panahon eh. Puti na ang uwak pag yun ang hihintayin. Kung kelan ka magiging handa,dun ka lang magkakaroon ng tamang panahon. Tama? Kaya eto,dito ako hihingi ng pabor sayo. Tulungan mo ako na maitama ang lahat bago pa tayo ang matamaan. Kasi hindi naman ako talaga ganun ka tapang. Kwentong kutsero lang yung sabi nila na amazona ako. Tulungan mo ako ha? wink

Time check 5:29 pm. Tatapusin ko na to. Isang minuto para tapusin ang paiko... Read More

About the Author :

Joined: December 5, 2013 (2 years old)
Writings: 13

Send PM · Female · Offline

Loading...
6 comments   0 favorite   505 views