Abugigil Part 6: The Bonding

October 26, 2012 (4 years ago)
Posted in Story: True Story, Tagalog | Categories: Romance | Tags: , , ,

As usual, pagka gising ko ay dumiretso na ko sa library... Malapit na ang Midterm exams namin kaya kailangang maghapit. Nag lunch na kong mag isa bago pa man ako magpunta sa library para makapag dire diretso ako ng pagbabasa. Dumating ako sa library sa school ng mag aalas dose ng tanghali, wala masyadong tao. May isa lang babaeng third year at dalawang first year na hindi ko mga kaklase. Humila ako ng isang upuan sa isang cubicle para kahit magdatingan ang mga tao ay makapag concentrate ako sa mga binabasa ko. Nakakatamad at nakakapagod magbasa pero kailangan...

Hindi ko na namalayan na may dalawang oras na pala akong dire diretsong pagbabasa. Maya maya pa ay pumasok na sa library ang napakagandang si Mars...wala na naman siyang bitbit na gamit. Sigurado akong ilang minuto lang ang lilipas at dadating na si Ryan, dala dala ang mga gamit ni Mars. Nagtataka talaga ako na iba ang boyfriend ni Mars sa profile nya sa facebook samantalang parang boyfriend din niya itong si Ryan. Ito ba ang tinutukoy ni Michael sa sinabi niyang mahirap i-handle ang babaeng si Mars? Kung yun man, nakaka turn off. Dumiretso na lang ako sa pagbabasa at hindi ako lumilingon, bagamat pinakikiramdaman ko ang mga kilos ng mga tao sa likod ko... tama nga ang tantsa ko at dumating na si Ryan. Napalingon ako at nakita ko ng iniabot ni Ryan kay Mars ang bag ng dalaga. Nakangiti si Mars sa kanya at nagpasalamat. "Sobrang gentleman mo talaga, Rye," banggit ng dalaga sa binata. Walang pag aano'y nagulat ako nang tumayo si Mars kinauupuan at naglakad patungo sa direksyon ko.. Tumalikod na lang ako ulit na parang walang nakita at bumalik sa pagbabasa ko.

"Hi..Paul!" Napatunghay ako at nagulat ng makita kong ako nga ang nilapitan ni Mars para kausapin. Napangiti na lang ako at bumati ng Hi sa kanya.

"Busy ka ba?" tanong niya sa akin. "Pwede mo ba kong samahang mag smoke?" Nakangiting yaya nya sakin. Wala na kong ibang naisagot sa kanya kundi tango, sabay tayo at sunod sa kanya paglabas ng lib.
"Uy, san ka pupunta?" tanong ulit niya sa akin ng mapansing sa kabilang direksyon ako naglalakad. "Hindi mo na kailangan bumaba, ano ka ba. Hahaha." Tumatawang sambit ni Mars sakin. Sinundan ko na lang ulit si Mars, wala pa rin akong imik. Natotorpe na ata ako. Umakyat si Mars sa hagdan at sinusundan ko lang siya. Naka dress siya nun na hapit at hindi ko mapigilan na mapatitig sa puwet niya habang umaakyat. Bilog na bilog ito at nakaka akit. Napansin ko din na sa sobrang hapit ng dress niya, bakat na bakat na naka t-back siya. Lalo akong nanggigil sa kanya. Binuksan ni Mars ang pinto na nasa dulo ng hagdan. Nang sumunod ako sa kanya, dun ko nakita na nasa roof top pala kami ng school.

"Aba..ayos ah. Ang ganda pala dito...di ko alam na may rooftop pala ang school at pwede umakyat,' sabi ko sa kanya.
"Actually, di talaga pwedeng umakyat dito. Kaya lang naging kaibigan ko na din ang janitor ng building natin kaya hinahayaan nya kaming umakyat dito para magyosi minsan minsan. Pag wala nga akong kasama, si manong janitor ang kajamming ko magyosi dito.. hahaha," tumatawang kwento ni Mars. "Ang ganda noh? Kitang kita ang pollution ng Manila! Hahaha" dagdag pa nito.
"Yung boyfriend mo, hindi naninigarilyo?" tanong ko sa kanya. "Naninigarilyo.." sagot naman nito.
"Ah..eh bakit hindi siya ang niyaya mo dito?" tanong ko ulit.
"Hmmm. Bakit, ayaw mo ba ko samahan?" Mapagbirong tanong niya. "Tsaka wala yung boyfriend ko dito, nag wwork siya sa Laguna kaya mahirap kung siya pa yung yayayain ko na samahan para mag yosi dito. Hahahaha," mapagbirong sagot ulit nito.
"Ah... Laguna? Eh yung lagi mong kasabay dumating..yung si Kuya Ryan, hindi mo ba boyfriend yun?" pag uusisa ko sa kanya.
"Hah? Si Rye? Hahahahahaha," ang lakas ng tawa ni Mars at napahampas pa siya sa braso ko. "Ano ka ba, hindi ko boyfriend si Rye! Classmates lang kami since first year pa kaya ka-close ko siya. Tsaka pareho kasi kaming nag aapprentice ngayon, same law firm pa kaya lagi kaming sabay dumating.. Hahahaha." Napahiya ako sa naging sagot ni Mars. Buong pag-aakala ko ay boyfriend nya si Ryan.

"Kumusta naman ang pag pasok mo? Nag eenjoy ka ba?" nakangiting tanong ni Mars.
"Uhmm.. ok naman. Syempre medyo nag aadjust pa ko. Minsan tinatamad.. hindi kasi ako talaga masipag mag aral," sagot ko naman. "Medyo kinakabahan na nga ako sa midterms eh...pag may ibinagsak akong subject, hindi na ko papasok ulit..hahaha" dagdag ko sa kanya.

Nagbigay si Mars ng mga tips sa kin tungkol sa law school. Lalong gumaan ang loob ko sa kanya habang nag kkwentuhan kaming dalawa. Sobrang tagal naming magka usap na halos maubos naming dalawa ang isang kahang sigarilyo. Nakalimutan ko na din na kailangan kong mag-aral dahil nag eenjoy ako sa kwentuhan namin. Nalaman kong ka-edad ko lang pala si Mars, 23 din lang siya. Pagkagraduate niya ng College ay diretso na siya sa pagpasok ng law. Interdisciplinary Studies ang course niya nung college at sa Ateneo siya graduate. Nakilala niya si Michael dahil kaklase pala ito ng boyfriend niya nung college. Apat na taon na sila ng boyfriend niya...medyo mabigat ata ang kalaban ko ah. Nagkwento din ako sa kanya para naman gumaan din ang loob niya sa kin. Medyo napadaldal nga ako at naikwento ko agad ang tungkol kay Roxy..pero syempre, hindi ako nag kwento tungkol sa sex life ko. Hehehe.

"Marie Andrea!" biglang may boses na nanggaling sa likod namin at sabay kaming napalingon ni Mars. Isang lalakeng moreno na may katangkaran din ang tumawag kay Mars. "Kanina pa kita hinihintay sa baba, akala ko mag cocoffee tayo?" "Ay, sorry...4:30 na pala! Haha sorry di ko namalayan ang oras, napasarap kwentuhan namin nitong si paul..Ay oo nga pala.. Paul, this is Gab.." pagpapakilala sakin ni Mars sa lalakeng dumating. Nagkamayan kami ni Gab. Biglang inakbayan ni Gab sa Mars at ipinulupot ang kamay nito sa leeg ng babae. Ginulo nito ang buhok ni Mars habang binibiro ang dalaga "Kaw talaga Andeng! Kumekerengkeng ka kaya nakalimutan mo ko!" Tawa sila ng tawang dalawa at pinapanood ko lang sila. Napansin ko na talagang malapit sa mga lalaki itong si Mars. Inalok niya ng sigarilyo si Gab, habang humihingi ng sorry dahil nakalimutan nya na may usapan sila. Nanigarilyo lang ng isang stick si Gab at nagpaalam na sa amin dahil mag aala-singko na. Hinintay ko kung magyayaya na rin pagbaba si Mars, pero laking gulat ko na pinili niyang magpaiwan dun kasama ako.

"Ang dami mo namang kaibigan dito," puna ko.
"Ahh..Oo. Ganun ata talaga kapag nagyoyosi, kung sino sino nakikilala mo. Tingnan mo ikaw, ang tagal nating hindi nagpapansinan pero dahil sa sigarilyo, nagkabonding tayo. Anong oras ng class mo nga pala?"
"6 pa.. 6-9 kami ngayon eh. Ikaw ba?"
"5:30 pero parang tinatamad akong pumasok eh," seryosong sabi ni Mars.
"Bakit naman tatamarin ka pa eh 4th year ka na? Dapat nga nag sisipag ka eh," naka ngiting sabi ko sa kanya.
"Nakaka burn out na kasi.. Hahaha. Pero ang tanga lang ano kung ngayon pa ko susuko? Hahaha" sagot naman nito sakin.

Medyo nanahimik kaming dalawa. Pinagmamasdan ko lang ang mukha ni Mars... maganda talaga siya at hindi halata sa kanya na may pagka kalog siya. Sosyal ang itsura at kung hindi mo pa siya nakakausap, iisipin mo na mahinhin at tahimik ito pero nakakagulat na napaka friendly niya at madaldal.

"Buti walang pumoporma sayo dito?" Di ko na napigilan ang sarili ko at nailahad ko ang pagtataka ko. Sa ganda niya, malabong walang magka gusto sa kanya.
"Hmmm. Hahahaha. Di ata nila ko type!" tumatawang sagot nito. Kataka taka naman, sa isip ko. Hindi lang ata alam ni Mars na ang ganda ganda niya. Malamang, sa isip ko, tulad ko, pinapantasya din siya ng mga lalake sa school.
"Seriously though," dagdag ni Mars.. "I think I'm more of everyone's friend kaya walang nag aattempt na pumorma sakin. Tsaka when I entered law school, may boyfriend na ko and he was always with me before he took on that job in Laguna.. kaya kung may pumoporma man sakin, tamang pagpaparamdam lang but noone dared na manligaw talaga. Hahaha. Tsaka I always make it clear na I don't want to get involved with anyone, friends lang talaga." Patuloy na kwento niya.
Ouch. Mukhang hindi pa ko nakakasimulang pumorma, basted na kaagad ako ah. "Pero magkalayo naman kayo ng bf mo di ba? Hindi ka ba nate-tempt na mainvolve sa ibang lalake?" patuloy kong pag uusisa. Bahagyang napa isip si Mars. "Actually... I almost got involved sa isa sa mga classmates ko. Maybe you know him?" Ikinwento ni Mars na nagka gusto siya sa isa sa mga kaklase niya at top sa batch nila. Hindi lang daw nag work out dahil pareho silang may karelasyon at bigla... Read More


About the Author :
4 comments   0 favorite   4,078 views