Abugigil Part 5: the meeting

October 25, 2012 (4 years ago)
Posted in Story: True Story, Tagalog | Categories: Romance | Tags: , , ,

Ilang linggo na akong pumapasok at nararamdaman ko na ang pressure at hirap ng pinasok ko. Tulad ng dati, nakagawian ko pa rin ng pagkakagising ay diretso na sa library matapos maligo. Malapit lang kasi ang boarding house ko sa school kaya kadalasan ay nilalakad ko lang ito. Nakagawian ko na na mag lunch kasama si Bev at ang mga kaklase ko. Routine na ito, ika nga. Araw araw din, bandang alas dos ng hapon ay dumadating sa library si Mystery Girl kasama ang boyfriend niya na nalaman kong Ryan ang pangalan at member ng Student Government sa law school. Araw araw kong nakikita si Mystery Girl pero hanggang ngayon ay hindi ko pa alam ang buong pangalan niya. Kung may kumakausap sa kanya sa library, kadalasan "Ate" ang tawag sa kanya, dahil nalaman kong 4th year na pala siya kaya iginagalang. Seniority, kumbaga. Minsan naririnig kong tinatawag siyang "Mars" ng mga kaklase nya. Pero hindi pa rin sapat para lubusan ko siyang makilala. Sa pagmamasid ko, mukhang friendly si Mars at medyo may kadaldalang taglay.. Tuwing dumarating siya sa library ay ngumingiti sya, kahit sa amin na mga hindi niya kilala. Sa totoo lang, naiintimidate ako sa kanya dahil bukod sa 4th year na sya, kung hindi niya kasama ang boyfriend niya ay kasama naman niya ang kaibigan niyang babae. Maganda rin ang kaibigang iyon ni Mars. Matangkad, maputi, at chinita.. pero may pagka palengkera kaya nakaka turn off. Siguro sa buong law school, silang dalawa na ni Mars ang pinaka maganda.

Ilang beses na akong tinanong nina Michael kung may natitipuhan daw ba ako sa klase namin... sagot ko ay wala, totoo naman. Hindi ko kaklase si Mars at siya ang tipo ko. Pero ibinubuyo ako ng mga kaklase ko sa isa pa naming kaklase, si Jam. Ito daw kasi ang pinakamaganda sa klase namin at pareho kaming single. Pero sa totoo lang, masyadong bata pa ang tingin ko kay Jam..at sa totoo din lang, kung hindi ang ex kong si Roxy ang laman ng isip ko, tuwing nasa school ako ay hinahanap hanap ko si Mars kahit na hanggang paghanga lang ako sa malayo at madalang magtagpo ang landas namin. Lagi rin akong kinakantsawan nina Michael tungkol kay tricia, pero para sakin ay casual hook up lang talaga yun at may pagkakaintindihan na kaming dalawa-- Magkikita lang kami kapag tinatawag ng kati. Si Mars lang talaga ang nakapukaw ng interes ko sa eskwelahan namin, kahit may iba pang magaganda dun. Ilang beses ko ng sinubukan siyang makilala pero laging palya. Minsan may nakasabay akong mag yosi na upper class. Nalaman kong 4th year din ito at kaklase ni Mars, pero hindi ako makadiskarte ng todo at puro pahaging lang dahil alam kong kaklase din nila ang boyfriend ni Mars na si Ryan. Nabanggit ko lang sa kanya na nagagandahan ako kay Mars pero wala siyang ibang nasabi kundi "Oo nga, panalo yun." Hindi na ko nagtanong ng kung ano pa tungkol kay Mars dahil kakakilala din lang namin.

Minsan, may debate na naganap sa school na sponsored ng college of law. Nung araw na yon, umuwi ako sa bahay ng parents ko at isang oras ang byahe kaya na-late ako. Pagpasok na pagpasok ko sa auditorium, si Mars ang unang nakita ko dahil nakatayo siya sa may pinto. Napa aray sya ng buksan ko ang pinto dahil natamaan sya sa likod. "Sorry! Sorry!" Ngumiti siya sakin at sumagot "It's okay. Upo ka na." Kinilig ako ng bahagya pero di ko pinahalata. Hinanap ko ang mga kaklase ko.. Dun ako umupo sa tabi ni Michael. Nasa may harap si Mars at dahil elevated ang mga upuan sa auditorium, kitang kita ko siya. Pagala gala siya dahil photographer pala siya ng school paper. Palingon lingon siya at napapansin kong tingin siya ng tingin sa direksyon ng kinauupuan namin. Sa huling pag lingon nya, inilagay nya sa tapat ng labi niya ang dalawang daliri niya na parang naninigarilyo. Bigla siyang tumango at nagulat ako ng tapikin ni Michael ang hita ko.

"Tara, yosi tayo, " yaya ni Michael sakin. Laking gulat ko na si Michael pala ang sinesenyasan ni Mars. Magkakilala pala ang dalawa! Lumabas kami ng auditorium at sinundan namin si Mars.
"Pare sino yun?" Pakunwaring pagtatanong ko kay Michael.
"Yang baklang yan? Si Mars! Ang lalakeng blonde," pagbibiro ni Michael habang naglalakad kami. Napalingon si mars at nag dirty finger kay Michael habang tumatawa.
"Nagdress na nga ako ngayon oh, sasabihan mo pa rin akong lalake?" Tumatawang sagot ni Mars sa hirit ni Michael.
"Mars, san ka pupunta? Dito daan palabas oh," sabi ni Michael.
"Bakit lalabas?" sagot ng babae
"Akala ko ba magyoyosi tayo?" tanong pabalik ni Michael.
"Oo nga..basta. ako na bahala, sumunod na lang kayo sakin.." sagot ulit ng dalaga.

Sinundan naming dalawa ni Michael si Mars. Lumabas kami ng fire exit ng auditorium..sabay labas ni Mars ng yosi niya at sinindihan yun. "Mars..." sabi ni Michael. "Chill ka lang. Ok lang yan, wala namang dumadaan dito. Pag may event talaga dito sa auditorium, dito na kami nagyoyosi," sagot ni Mars sabay pasa ng isang kahang marlboro lights sa amin ni Michael. Hindi pa rin ako makapaniwala na kasama ko na sya, napapangiti na lang ako habang nag kkwentuhan sina Mars at Michael. Mukhang matagal na silang magkakilala.

Habang nagyoyosi ako, may mahinang sumuntok sa braso ko. "Huy, magsalita ka naman!" Si Mars pala yun na nakangiti sakin. "Anong name mo? Lagi kitang nakikita sa Lib, di ko alam na nagyoyosi ka, sana pala may ka-jam ako," dugtong nya.
"Paul.." yun lang ang naisagot ko sa mga sinabi niya.
"Ang tipid mo namang magsalita.. anyway..." at nagpatuloy mag kwentuhan ang dalawa ni Michael, habang nakikinig ako. Binibigyan ni Mars si Michael ng mga tips tungkol sa buhay law school. Magka close pala sila, kung mas maaga ko lang sanang nalaman, matagal ko na sanang nakilala si Mars.

Nung matapos kaming manigarilyo, bumalik na kami sa auditorium at patapos na pala ang debate. Sabay kami ni Michael papauwi...

"Pare..." nagsisimula pa lang akong magsalita ay sumingit na si Michael at hindi na ko pinatapos sa sasabihin ko.
"Pare, kung tungkol yan kay Mars, forget it. May boyfriend yun at mahirap i-handle ang babaeng yun. Matagal ko siyang kilala." Napatigil ako sa sinabi ni M... Read More


About the Author :
0 comment   0 favorite   4,106 views