Abugigil Part 2 ---Ang mystery girl

October 25, 2012 (4 years ago)
Posted in Story: True Story, Tagalog | Categories: Romance | Tags: , ,

Nagulat ako ng may biglang tumapik sa kin habang nagbabasa ako. Tinanggal ko ang headphone ko at lumingon. Si Bev, kaklase ko. “Hoy Paul! Kanina pa kitang kinakausap! kaya pala di mo ko pinapansin eh may nakapasak dyan sa tenga mo” sambit nya habang nakakunot ang noo pero nakangiti. Hindi kagandahan si Bev pero hindi mo naman masasabing pangit sya. Morena, medyo chubby at naka braces. May kaliitan din sa height. Pero isa siya sa mga unang naging kaibigan ko sa law school dahil pareho kaming laging nakatambay sa library. “Ilang cases na ba nabasa mo? Hassle noh? Mali ata na nag law agad ako pagka graduate..dapat ata nag work na lang ako”, sabi niya habang humihila ng upuan para tumabi sakin. “Wala pa kong nababasang cases..sa book pa lang, nag uumpisa pa lang ako kasi kakarating ko lang”. “Hindi ka ba nagbasa kagabi? Siguro Paul lasing ka na naman kakaisip sa ex mo noh? Hahaha”, sagot ni Bev sa akin. “Hindi ah..uminom lang ako ng konti kagabi pero di dahil sa ex ko”. “Edi naglasing ka nga! Hahaha. Grabe ka 3 days pa lang tayong pumapasok, pumapasok ka na kaagad ng lasing” “Hindi ako lasing. Edi sana tulog pa ko hanggang ngayon..mas grabe dito, 3 days pa lang tayong pumapasok tambak na agad sa babasahin. Kumain ka na ba, Bev? Gutom na ko eh. Hindi pa kasi ako nag bbreakfast..dito na ko dumiretso” “Breakfast?? Eh Paul 11:30 na! Lunch na kaya!” “Tara Bev, kain muna tayo sa baba..” “Sige ba, basta treat mo ko!” “hanap mo ko chicks, lilibre kita”. “Ang dami daming babae dito oh, mamili ka na lang ng popormahan mo”

Niyaya ko na pababa si Bev para kumain. Medyo nagsisimula ng mapuno ang mga kainan dahil lunch break na din ng mga college students. Sa isang fast food malapit sa school kami nauwing kumain ni Bev. Pagkatapos kumain, balik na kagad kami sa library ng school at pagdating namin, nandun na din iba naming mga kaklase at ilang mga mas matatandang law students na hindi namin mga kilala. Umupo kami ni Bev sa table kasama ng mga kaklase namin na lahat ay ngarag at nagmamadaling magbasa. "Grabe, ala una na.. konting oras na lang, kaya pa ba nating tapusin to?", sabi ng isa naming kaklase. "Tingnan mo yung mga upper class oh, parang relax na relax. Bakit ganun? Sana kaya ko din na ganung karelax magbasa..at sana kaya ko din na umabot ng hanggang fourth year. 3 days pa lang pero parang di ko na kaya! Hahaha", sabi ni Bev.

Ilang oras na kaming nagbabasa. Yosing yosi na ako pero di ko magawa dahil kailangan pang bumaba at lumabas ng campus para magyosi dahil bawal magyosi sa loob. Hindi na ko makatiis kaya tumayo na ko para lumabas at magyosi. Sa pagbukas ko ng pinto ng lib, saktong papasok ang isang babae na nun ko lang nakita sa 3 days ko sa law school. Medyo nagpatentero muna kami sa tapat ng pinto bago siya tumabi para padaanin ako sabay ngumiti sakin. Napangiti din ako sa kanya. Maganda sya at mukhang may lahi. Medyo maliit nga lang para sa isang taong may lahi...5"4 sya sa tantsa ko. Medyo blonde ang buhok pati kilay at sa suot nya, halatang maganda ang katawan nya. Naglakad ako papalabas ng library at pumasok naman sya sabay sara ng pinto. Parang nawala ang kagustuhan kong manigarilyo bigla, kaya nag CR na lang ako at agad na bumalik sa library dahil na-curious ako dun sa babaeng nakita ko. Hindi ko alam kung estudyante siya o empleyado sa school... Pagpasok ko ng library, nakita kong nakaupo siyang mag isa sa isang mesa na malapit sa mesa namin at tila nagtetext lang, walang dalang gamit. Siguro nga empleyado to ng school, sa isip isip ko. Bumalik na ako sa mesa namin at kunwari'y nagbabasa. Nagnanakaw na lang ako ng sulyap sa babae sa kabilang la mesa..

"Bev.. Bev...", bulong ko.. "Kilala mo ba yung babae sa kabilang table?", tanong ko kay Bev. "Hindi eh, ngayon ko lang nakita..kaklase siguro natin na ngayon lang pumasok?" Sagot naman ng aking kaibigan. Ilang minuto pa ay may isang maputi at matangkad na lalake ang pumasok sa library. Madami siyang bitbit na gamit at umupo dun sa tabi ng babaeng kanina ko pa tinitingnan. Yung lalake pala ang may dala ng mga gamit nung babae. Bad trip, sabi ko sa sarili ko...may boyfriend na ata. "Bev...eh yung lalaki kilala mo?" tanong ko ulit. "Ahh, oo. Si Kuya...kuya... kuya... di ko maalala ang pangalan pero andun yun nung orientation natin! Upper class na siya..Ano ka ba, bakit di mo maalala eh di ba andun ka din naman nung orientation?" "Ah.. di ko naaalala..lalaki kasi. Di naman ako tumitingin sa lalaki".

Ewan ko kung napapansin ng mga kaklase ko pero talagang napapatigil ako sa pagbabasa dahil sa pagtingin dun sa babae sa kabilang la mesa. Mukhang mali si Bev sa akalang first year lang siya dahil tuwing may papasok sa library ay binabati nito at kinakausap. Halatang kilala siya ng mga law students, mukhang upper class. Tinitingnan ko sila ng lalakeng kasama nya, minsan mukhang sweet sila at nagbubulungan pero madalas, nagtetext lang ang babae habang nagbabasa ang lalake. Maya maya pa ay tumayo yung babae at may kinuha sa bag niya. "Uy, yosi lang ako ah", sabi nung babae sa kasama nya. Tumingin lang yung lalake sa babae at ngumiti at pagkatapos ay lumabas na ng library ang babae.

Ayos. Nagyoyosi din. Pinag isipan ko kung susundan ko siya..gusto ko siyang makilala at makausap, kahit na may boyfriend na sya. Naisip kong gusto ko talaga siyang makil... Read More


About the Author :

Joined: October 25, 2012 (4 years old)
Writings: 7

Send PM · Male · Offline

0 comment   0 favorite   4,670 views