Aagawin Kita Sa Asawa Mo... - Kabanata 5 - 6

November 11, 2017 (10 days ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Erotic Couplings, Taboo, Mature, Reluctance, Romance | Tags: , , , ,

KABANATA 5

KACEY's POV

Perfect! Natapos ko rin ayusin ang mga gamit ko rito sa kwarto ko. Pababa na sana ako nang mapansin ko sa isang sulok ang memory box ko. Pinulot ko ito mula sa sahig. Isa pa pala ito sa mga kailangang itago.

Ang memory box na ito ay naglalaman ng mga bagay na gusto ko nang makalimutan pero hindi ko kaya. Ang sakit ng mga alaalang idinudulot ng mga bagay na ito sa akin. Naroon ang isang larawan na kuha noong bata ako kasama ang isang batang lalaki. Naroon ang isang panyo na natanggap ko bilang unang remembrance sa isang batang lalaki. Naroon din ang unang bulaklak na natanggap ko mula sa isang lalaki. Santan flower.

Napansin ko ang isang note na t-in-ape ko pa sa isang colored paper noong bata ako.

Kacey: To the most cutest girl I've ever seen.

Naaalala ko pa ang araw na binigay sa akin ang isang box ng chocolates kasama ang note na ito. Iniabot sa akin ng isang batang babae ang box na may note. May lalaki raw na nagpapabigay.

Mula nang araw na iyon ay hindi ako tumigil para malaman kung sino ang lalaking 'yon. Nang makilala ko siya ay naging magkaibigan kami. Napakasaya ko noong panahong 'yon. Sobrang saya.

Nakita ko sa sulok ng memory box ang laruang wedding ring. Kulay blue. 'Yong mga kasamang free item ng mga tigpipisong chichirya rati. Naaalala ko pa ang sinabi ng nagbigay sa akin ng laruang singsing na ito.

Balang araw, totoong singsing na ang isusuot ko sa daliri mo. 'Yong mamahalin at hindi madaling mayupi.

Nararamdaman ko ang unti-unting pagbukal ng luha sa mata ko. Nami-miss ko siya. Miss na miss ko na siya. Ang batang lalaki na minahal ko rati.

Unti-unti nang tumutulo ang mga luha sa mata ko. Mabilis kong pinunasan ang aking mga luha. Hindi pwede ito. Ayokong umiyak. Ayokong umiyak para sa lalaking nanakit ng puso ko.

----------

THIRD PERSON POV

Sa studio ng photographer na si Molly...

Nakahiga si Paul sa pulang sofa. Angat na angat ang kulay ng kanyang suot na puting boxer briefs dahil sa kulay ng sofa.

Molly: Bumukaka ka, Paul. Give me seductive eyes.

Kahit naiinis si Paul ay ginawa niya ang gusto ng baklang photographer. Alam na alam na niya kung paanong seductive look ang gagawin niya sa harap ng camera. Ipinatong niya sa sandalan ng sofa ang kaliwang binti at isinayad naman sa sahig ang kanang binti.

Sa isang sulok naman ng studio ay takam na takam si Savannah sa pagtitig kay Paul. Nakakaakit ito sa ginagawang pose sa harap ng camera. Siguradong magiging mabenta ang brand ng underwear na suot nito dahil kay Paul. Gwapo, macho, at umaapaw ang sex appeal.

Molly: O, Savannah, samahan mo naman si Paul sa sofa. Pumatong ka sa kanya. Gusto ko 'yong may halong gigil ang kapit niyo sa katawan ng isa't isa. Gusto ko 'yong may takam. Gets?

Savannah: Yes, Molly.

Malanding lumakad palapit sa sofa si Savannah. Akmang ipagdidikit ni Paul ang dalawang binti nang pigilan siya ni Savannah.

Savannah: Ano ka ba? Dapat nakabukaka ka para mas intense ang photo.

Gusto nang magmura ni Paul. Ginagamit ng mga ito ang photoshoot na ito para tsansingan siya.

Hindi tumitingin si Paul habang mabagal na pumapatong sa katawan niya si Savannah. Kumapit ang kanang kamay nito sa batok niya. Ang kaliwang kamay naman nito ay kumapit sa kanyang baywang.

Naramdaman ni Paul na ikiniskis ni Savannah ang eba nito sa namumukol niyang adan sa loob ng suot niyang boxer briefs. Pasimple pero naramdaman niya.

Inilapit ni Savannah ang labi sa labi ni Paul. Damang-dama ni Paul ang hininga ni Savannah sa kanyang pisngi. Damang-dama rin ni Paul ang malulusog na dibdib ni Savannah sa kanyang hubad na dibdib.

Medyo nanlalagkit na ang balat nina Savannah at Paul. Kaya naman mas nagiging madikit na ang kanilang mga balat sa isa't isa.

Molly: Paul, ipatong mo ang kamay mo sa kahit anong parte ng katawan ni Savannah.

Napamura ng mahina si Paul. Ipinalibot niya ang dalawang kamay sa baywang ni Savannah.

Molly: Bakit parang may kulang?

Savannah: Oo nga. Hmmm... Aha! Alam ko na!

Hindi lumilingon si Paul kay Savannah dahil kung lilingon siya ay didikit na ang labi niya sa labi ng babae sa sobrang lapit nito sa kanyang mukha.

Hinawakan ni Savannah ang kanyang kanang kamay at ginabayan ito patungo sa isang pisngi ng puwit nito.

Savannah: 'Yan! Mas bagay diyan ang kamay mo nakapatong.

Damang-dama ni Paul ang init na nagmumula sa puwit ni Savannah. Naka-T-back lang ito kaya malaya niyang nararamdaman ang kinis ng puwit nito.

Diniinan ni Savannah ang pagkakadagan ng kanyang namamasang T-back sa malaking bukol ni Paul.

Hindi mapigilang mapapikit at mapaungol ni Paul at awtomatikong napapisil siya sa puwit ni Savannah sa sobrang sensasyon.

Savannah: Fuck!

Napapikit si Savannah sa sobrang panggigigil ni Paul sa kanyang puwit. Bumaba pa ang kaliwang kamay nito para sapuhin ang isa pang pisngi.

Savannah: Yes...

Lalong ikiniskis ng madiin ni Savannah ang kanyang hiyas sa nagmumurang alaga ni Paul. Ngayon ay sumasabay na rin si Paul sa pakikipagkiskisan habang sapo-sapo at pisil-pisil ang puwitan ni Savannah.

Savannah: Aaahhh...

Paul: Mmm...

Biglang hinalikan ni Savannah ang labi ni Paul. Napadilat ang mata ni Paul sa gulat. Doon niya lang na-realize na nawala siya saglit sa katinuan ng isip at nakalimot siya sandali.

Paul: Pasensya na, Savannah.

Mabilis niyang inalis ang mga kamay sa pagkakapatong sa puwitan ni Savannah.

Savannah: It's fine, Paul. Nag-enjoy ako.

Dumukwang si Savannah para muling halikan sa labi si Paul, pero iniwas ng lalaki ang mukha.

Marahang inilayo ni Paul mula sa pagkakadagan sa kanyang katawan si Savannah hanggang sa nakaluhod na ito paupo sa sofa. Ikinabigla naman ito nina Savannah at Molly.

Paul: I'm sorry. Hindi ko kayang gawin.

'Yon lang at mabilis na tumayo si Paul para magpalit ng damit at umalis na sa lugar na iyon.

Nang nasa loob na ng CR si Paul ay nagkatinginan sina Molly at Savannah.

Molly: Ano? Malaki ba?

Savannah: Ang sarap, sis! Gifted! Parang kabayo! Shit! Kailangan ko siyang matikman by hook or by crook.

----------

KACEY's POV

Lumabas ako ng bahay ko para magpahangin sandali. Nakita kong dumaan ang isang magandang babae na sobrang kinis. Nginitian niya ko at lumapit siya sa akin para makipagkilala. Siya raw si Barbie. Ang pinakamaganda raw sa buong subdivision.

Kacey: Nice meeting you, Barbie. Magkakaroon ako ng welcome party one of these days at sana makarating po kayo.

Barbie: It's my pleasure. Inimbitahan mo rin ba ang pamilya Santillan?

Tumango ako.

Barbie: Hay salamat! O siya. Thank you sa pag-invite. May pupuntahan pa ako. See you around.

----------

THIRD PERSON POV

Sa bahay ng pamilya Madrigal...

Iniabot ni Paul ang sahod ni Georgia para sa araw na 'yon.

Georgia: Maraming salamat po, Kuya Paul.

Paul: No worries. Sana ay hindi ka magsawang magbantay sa anak namin ni Mila.

Georgia: Hinding-hindi po ako magsasawa, Kuya Paul. Kailangan ko rin po kasi ng pera.

Nang lumabas na ng bahay si Georgia ay pumunta si Paul sa laundry room. Hinanap niya agad ang underwear niya at kinapa at inamoy ang harap nito.

Paul: Positive.

Napailing na lang si Paul.

----------

KABABATA 6

KACEY's POV

Tok! Tok

Ang aga namang istorbo niyon. Sino naman kaya 'yon?

Lumabas ako ng kusina para pagbuksan ng pinto ang taong kumakatok.

Good morning!

Seryoso ba 'to? Si Bogs?! Ang boyfriend ko ay nandito sa Malaking Bato subdivision ngayon.

Bogs: Hi, baby!

Akma niya kong yayakapin nang lumayo ako sa kanya. Nagulat siya sa reaksyon ko at ibinaba ang dalawang braso.

Bogs: What's the problem, baby? Aren't you happy to see me?

Pinandilatan ko siya ng mata. Pagkatapos ay hinatak ko siya papasok. Tumingin muna ko sa paligid bago ko isinara ang pinto. Buti na lang ay walang tao sa labas. Hinarap ko ang aking boyfriend.

Kacey: Anong ginagawa mo rito?

Bogs: Baby naman. Ganyan ba ang pagsalubong sa boyfriend mo? Wala man lang kiss at hug.

Nagtatampo ang tinig nito. Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi.

Bogs: Kuripot naman. Gusto ko rito.

Tinuro niya ang kanyang labi. Napailing na lang ako.

Kacey: Okay.

Ngumiti muna ko sa kanya bago ko siya hinalikan sa labi. Mabilis lang 'yon.

Bogs: I missed you.

Kacey: That's why you're here, right? Dahil na-miss mo ko.

Bogs: Ahm, not really. Nandito ako dahil may nalaman ako na may kinalaman sa plano mo.

Medyo naguluhan ako.

Kacey: Ano naman 'yon?

Bogs: Ganito. Makinig kang mabuti, baby.

----------

THIRD PERSON POV

Namamasyal sa mall ang mag-asawang Madrigal kasama ang kanilang anak na si Camille. Nasa baby section sila ng isang store. Namimili sila ng damit para kay Camille nang may lumapit na isang babae. Si Savannah.

Savannah: Mila! Anong ginagawa niyo rito?

Sumama ang timpla ng mukha ni Mila. Alam kasi niyang isa itong si Savannah sa napakaraming babae na nagpapapansin sa kanyang gwapong asawa.

Mila: Ikaw pala, Savannah. Namimili kami ng asawa ko ng gamit para kay Camille. Baby section kasi ito. Bakit ka nandito? May anak ka na ba?

Nahihimigan ni Savannah ang sarkasmo sa tinig ni Mila. Medyo naiinis ito sa kanya kaya lalo niyang iinisin.

Savannah: Hi, Paul. Kumusta ka? Nakakapagod 'yong session natin kahapon, ah. Pero sobra akong nag-enjoy.

May halong landi sa boses ni Savannah.

Mabilis na napatingin si Mila kay Savannah kahit hindi pa siya tapos mamili ng damit para kay Camille.

Mila: Anong session? Anong nag-enjoy?

Kinabahan si Paul. May halong pagbabanta sa boses ni Mila. Tumataas din ang boses nito. May ilang mga mamimili na rin ang nakatingin sa kanilang direksyon.

Paul: Ah, wala lang 'yon, Honeybabes. May photo shoot kasi ako kahapon. Tapos kasama ko sa photo shoot si Savannah.

Medyo kumalma na si Mila. Pero gusto pa ring mang-inis ni Savannah.

Savannah: Hindi mo ba itatanong kung para saan ang photo shoot na 'yon?

Paul: Savannah, tumigil ka na.

Nanlalaki na ang butas ng ilong ni Mila. Humarap ito kay Paul.

Mila: Para saan ang photo shoot kahapon, Paul?

Hindi nakasagot agad si Paul.

Mila: Ano? Sabihin mo?!

Kung kanina ay dinadaanan lang sila ng mga tao, ngayon ay nasa kanila na ang atensyon ng lahat.

Paul: Ahm, ano, ah, ano kasi, Mila...

Mila: Just answer the question, Paul. Ano ba?!

Parang may taping ng mga artista sa lugar na kinakatayuan ng tatlo. Dumami na ang mga usisero. Pero hindi ito napapansin ng tatlo na kanina pa mainit ang usapan sa loob ng store.

Paul: Underwear photo shoot.

Mila: Underwear photo shoot?! Ibig sabihin naka-underwear lang kayo?!

Nang tumingin si Paul sa paligid ay saka lang niya napansin ang maraming tao. Muli siyang humarap sa asawa. Karga-karga pa rin ni Paul si baby Camille.

Paul: Huwag kang mag-iskandalo rito, Mila. Pag-usapan natin sa bahay kung gusto mo.

Savannah: Iskandalosa pala ang asawa mo, Paul. Naturingang teacher pero kung umasta para maledukada.

Mila: Aba talagang...

Akmang sasampalin ni Mila si Savannah nang pigilan ito ni Paul gamit ang kanang kamay. Sa kaliwang kamay nito ay karga-karga nito si baby Camille.

Paul: Please, Mila. Sa bahay na natin ito pag-usapan. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao. Tingnan mo. Kasama pa natin si Camille. Nakakahiya na. Let's go.

----------

KACEY's POV

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Bogs. Parang hindi kapani-paniwala. Sigurado ba ito sa sinasabi nito?

Kacey: Totoo ba 'yang sinasabi mo, Bogs?

Bogs: Yes. I have proof kung gusto mo.

Kacey: No need. Sige. Naniniwala na ko. Eh, kung ganoon nga, paano na ang mga plano ko? Hindi ko na pwedeng magawa 'yon dahil diyan sa mga sinabi mo.

Bogs: Plan B. Nakalimutan mo na ba na may plan tayo hanggang Q kung hindi man umubra ang mga naunang plano?

Oo nga pala. Marami nga pala kaming reserbang plano para sa paghihiganting gagawin ko.

Kacey: So hindi ko na pwedeng ituloy ang naiisip kong welcome party dahil hindi na matutuloy ang plan A? Tama ba?

Bogs: No. Ituloy mo pa rin. Ano ka ba? Dahil sa welcome party na 'yan ay makikilala mo ang lahat ng tao sa Malaking Bato subdivision. Mas magiging madali ang paghihiganti kung may magagamit kang mga kasangkapan para sa paghihiganti mo. Hindi ba?

Sabagay. Tama nga naman si Bogs. Medyo hindi gumagana ang utak ko ngayon. Naiinis ako dahil hindi ko na pwedeng gawin ang plan A. Pero ako pa rin naman ang magsasagawa ng plan B, so baka pwede ko pa ring isagawa ang isang parte ng plan A at isama sa plan B? Hmmm...

Bogs: Ang tanong na lang ngayon ay kung kailan mo sisimulang gawin ang plan B. Dapat masimulan na 'yon sa lalong madaling panahon.

Kacey: Okay. Give me time to decide. Medyo nabibigla ako dahil all set na sana ang plan A, kaso bigla ka namang darating para sabihin ang balitang 'yan.

Bogs: I'm sorry, baby. Pero kung hindi ko kasi sasabihin sa 'yo 'yon ay paniguradong ikaw ang piprituhin sa sarili mong mantika sa dulo.

Niyakap ako ni Bogs dahil siguro nakikita na niya ang pangangamba sa mata ko.
... Read More

Part #: 3

About the Author :

Joined: October 14, 2015 (2 years old)
Writings: 35

Send PM · Gay · Offline

I'm a Wattpad writer under the same username. I'm trying my best to publish here some of my stories in Wattpad, so you can read it too.

I dreamt to be a successful writer of romance someday. But some things were really not meant for us. But it doesn't mean that we can't pursue our dreams even in a simple way.

That's why I'm writing here now. I'm still learning on how to be a good writer. So I appreciate it if you give your honest comments about my stories.

Enjoy reading! :-)
0 comment   1 favorite   2,863 views