Sex Story

A Thousand Years

July 3, 2013 (3 years ago)
Posted in Story: True Story, Tagalog | Categories: Romance | Tags:

A Thousand Years


(Edward's Sorrow)

Wala ng gaganda pa sa kasintahan kong si Bella, mahaba ang buhok, may maamong mukha, maputi at glowy skin, hindi matangkad, hindi maliit, may tamang pangangatawan, balingkinitan, mestisa, katamtamang laki ng dibdib, katamtamang tambok ng puwet, kung titignan mo ay parang anak-mayaman siya, pero iba ang nadatnan ko sa bahay nila nang ipakilala niya ako sa nanay niya,

"inay, nais ko pong ipakilala sa inyo ang aking iniirog, si Edward" pakilala sa akin ni Bella pagdating sa bahay nila,

medyo kinakabahan pa ako dahil ngayon lang ako naparito at ngayon ko lang nakita ang nanay niya sa halos anim na buwan ng aming relasyon,

"magandang gabi po sa inyo, inay" bati ko sabay kuha ng kamay niya para magmano,

"kumusta ka iho? Ikaw pala ang madalas ibahagi sa akin ni Bella, ipagpaumanhin mo sana ang aming maliit na tahanan" sabi ng nanay niya,

masaya ako dahil mabait ang nanay niya, maluwag siya kay bella dahil sa edad niyang 17 ay okay lang sakanya ang relasyon namin kahit 21 na ako, pinaupo niya ako sa sala, tumabi naman sa akin si bella habang ang mama niya ay pumunta sa kusina at naghanda ng miryenda, inilibot ko ang mga mata ko sa loob ng bahay nila, may kaliitan pero maayos naman sa loob, pero wala lang yon sa akin dahil mahal na mahal ko si Bella,

"ngayo'y iyong napuna ang estado ng buhay ko aking irog, ako kaya'y iyo pang kalulugdan?" pabiro niyang tanong pero alam kong naghihintay siya ng sagot,

"ako ma'y hindi maharlika aking bella, ako'y walang ari-arian at isa lamang ordinaryong tao katulad ninyo" sagot ko,

Isang bagay na gusto kay bella ay tapat siya at diretsahan, hindi siya nahihiyang magsabi sa akin, di tulad ng ibang babae na mayayabang at social climber, iba si bella, humble siya at mabait, kaya tuloy lalo akong napapamahal sakanya.

"Ang tanging mahalaga lamang sa akin ngayon ay ikaw at ako aking Bella"
patuloy ko.

"at hawak-kamay tayong bubuo ng ating mga panibagong pangarap mahal ko" dagdag ko.

Ayoko sanang maputoy ang ngiti sa mga labi ni Bella sa mga oras na ito, ngunit may isang bagay na kailangan kong sabihin sa kanya ngayon.

"Ako sana'y may nais sabihin sa'yo aking irog" pauna ko.

"bigkasin mo aking irog" sagot niya.

"ako sana'y nais isama ni ama sa bansang amerika...." hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin ng hindi siya masasaktan dahil sa isiping magkakalayo kami...

"Ako sana'y nais magpaalam sa iyo aking irog, dahil sa amerika ako'y magtatagal at magtatrabaho" nakita ko ang kalungkutan sa mga mata ni Bella.

"kung iyan ang iyong nais irog ko, nauunawaan ko" sabi niya.

Ramdam ko ang kanyang suporta sa akin, ngunit alam kong sa puso niya ay ayaw niya akong umalis.

"para din ito sa ating dalawa bella, sa ating hinaharap na bukas" paliwanag ko.

"iyan ay aking nalalaman aking edward at masaya ako para sayo" sambit niya.

Kahit pa ngumiti siya sa akin ay alam kong malungkot parin ang puso niya.

"dalawang taon lang naman bella" sabi ko.

Hindi na siya nakasagot kaya niyakap ko nalang siya, nadarama ko ang kalungkutan niya, pero wala akong magawa.

"malalim na ang gabi aking irog, ako'y yayaon na para ika'y makapagpahinga aking bella"

"kung gayo'y mag-ingat ka aking edward, sinta ko"

Lumipas ang magdamag na hindi matanggal sa isip ko ang usapan namin ni bella. Nakahiga ako sa aking kwarto at hindi makatulog, lagi kong naaaninag ang maamong mukha ni bella, iniisip ko kung ano na ba ang iniisip niya. Mahal na mahal ko siya ngunit kailangan ko siyang iwan, mahal na mahal niya ako ngunit kailangan niya akong paalisin. Daig ko pa ang sawi sa pag-ibig, nagmamahalan kami ngunit hindi kami pwedeng magkasama.

Dumating ang araw ng aking pag-alis, bukas hindi ko na masisilayan ang minamahal kong si bella, kaya inimbita ko siya para pumunta sa paborito naming lugar sa huling mga oras ko bago ang flight, lugar kung saan kami unang nagkita, sa isang waterfalls sa lugar namin kung saan kami lang ni bella ang nakakaalam, isang lake na may falls at napapalibutan ng mga malalaking bato at punong-kahoy.

"ano ba ang iyong regalo sa akin edward?" tanong niya nang magkatabi na kaming naupo sa mga malalaking bato na nakapalibot sa lake, hinahampas ng mga paa namin ang agos ng malinaw na tubig ng lake.

"maaari bang ika'y pumikit muna aking irog?" hiling ko sa kanya, at nang nakapikit na siya, dinukot ko ang isang bagong cellphone mula sa bulsa ko, ito ang regalo ko sakanya.

"ito'y sadyang napakaganda aking irog" tuwang-tuwa siya sa regalo ko.

"hindi ba't ito yung makabagong teknolohiya na aking napapanood sa telebisyon?" tanung niya.

"oo irog ko, mayroon narin yang Globe simcard" sabi ko.

"para sa iyo yan bella, para pag-abot ko sa amerika ay may naguugnay pa rin sa atin" patuloy ko.

Sa sobrang saya ni bella ay napayakap siya sa akin. Niyakap ko rin siya ng mahigpit, tapos biglang naging siryoso ang kanyang mukha, nagkatinginan kami at halos matunaw ako sa lagkit ng kanyang tingin na kung minsan ay pasulyap-sulyap sa mga labi ko, alam ko na ang nais niyang ipahiwatig pero hindi ko alam ang gagawin.

"...Edward..." bulong ng mga labi niya.

"Bella..." hindi ko alam kung bakit bigla ko nalang nabigkas ang pangalan niya at kung bakit unti-unting lumalapit ang mga labi ko sa mga labi niya kasabay ng malamlam kong pagpikit.

Damang-dama ko ang pagdampi ng malalambot niyang labi na lumalapat sa mga labi ko. Ang sarap! Ang tamis niya...ito ang aming unang halik.

"tanging Iyong-iyo lamang ako Edward" biglang kumalas si bella.

"salamat bella"

"Kung iyong nanaisin Edward, ibig ko sana'y ako'y iyong angkinin na ngayon" nagulat ako sa sinabi niya, siryoso kaya siya o sinusubukan lang niya ang pagkalalaki ko?

"ano ang iyong nais tukuyin?" paniniguro ko.

Tumayo si Bella at bumaba sa tubig, naglakad siya papunta dun sa ilalim ng tahimik lang na pagbagsak ng tubig sa maliit na falls, at nang mapatapat na siya sa bagsak ng tubig ng waterfalls ay bigla siyang naghubad, medyo nabigla ako dahil walang natira sa suot niya.

Nakaramdam ako ng kakaiba dahil ngayon ko lang nakita ang katawan ni bella na walang saplot.

Tinititigan ako ni Bella na tumatagos hanggang kaluluwa ko. Huminga ako ng malalim at lumusong narin sa tubig, may kalamigan ang tubig pero tila mainit ang pakiramdam ko. Naglakad ako palapit sa kanya sa lampas tuhod na lalim ng tubig, at habang naglalakad ako ay hinuhubad ko ang mga saplot ko sa katawan hanggang makalapit ako sakanya ng hubo't-hubad narin. Kinuha ko ang mga kamay niya at pinahawak ko sa baywang ko, gayundin ang mga kamay ko na humawak din sa magkabila niyang baywang. Muli ko siyang hinalikan dahil sabik na sabik ako sa mga labi niya. Nagmistulan kaming apoy na nagliliyab sa malamig na tubig. Napayakap siya sa katawan ko habang ang mga kamay ko ay marahang bumababa sa behind niya, hindi ko mapigil ang sarili ko sa pagsalat at pagpisil sa behind niya. Nanginginig ang buong katawan niya, hindi ko alam kung dahil yon sa lamig ng tubig ng waterfalls o dahil sa init ng katawan niya sa lovemaking namin.

Halos malunod na kami sa daloy ng waterfalls sa mga katawan pero hindi na ata yun alintana ni bella.

Bahagya kong ibinaba ang katawan ko para maabot ang isang hita ni bella para itaas, nakalas ang halikan namin ngunit hinawakan ni bella ang magkabila kong pisngi at sinundan ng mga labi niya ang mga labi ko, para hindi na ako mahirapan ay kusa ng itinaas ni bella ang isa niyang paa. May kahirapan ang posiyon namin pero nagawa ko paring ipasok ang maselan ko sa kaselanan niya. Ngayon ay napag-isa kami ng aming pagmamahalan. Naririnig ko ang mumunting ungol na nanggagaling sa bibig niya kahit magkahalikan kami.

"Uuhhhhmmm... Uh-Oooohhhhh"

Napakapit siya ng mahigpit sa akin at tumatangis sa kasakitan, pero damang-dama ko ang pagmamahal niya, kaya niyang magtiis para sa akin.

Ito ang pinakamaligayang araw na hinding-hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko.

Nang matuyo na ang aming mga katawan, nagbihis kami at umupo sa ilalim ng malaking punong-kahoy, nakasandal ako sa puno at siya nama'y nakasandal sa dibdib ko.

"bella, may nais sana akong sabihin sa iyo"

"ituloy mo sinta"

"bella, kung iyong mamarapatin, nais ko sanang magpakasal na tayo pagbalik ko"
Pangako ko sa kanya.

"nagagalak ako sa mithiin mong iyan mahal ko" sagot niya.

"ako'y maghihintay giliw, kahit ika'y abutin pa ng isang libong taon"
Pangako niya rin sa akin.

Maligaya akong umalis ng bansa, bitbit ang pagmamahal ng aking bella.


(Bella's Sorrow)

Kahapon lang ang lumipas nang umalis ang nobyo kong si Edward, pero parang isang libong taon na ang lumipas. Ngayon ay heto ako, tinatamad pumasok sa eskwelahan, parang gusto ko lang isipin si Edward buong maghapon. Hanggang kailan kaya ako maghihintay para muling masilayan ang mukha ng minamahal ko? Kung ang isang araw pa lang ay katumbas na ng isang libong taon dahil sa pangungulila ko? Haay... Salamat na lang at naimbento itong nagri-ring na cellphone sa tabi ko.

"ikaw na ba yan aking sinta?" pagkasagot ko sa cellphone.

"oo mahal, halos kararating ko lamang dito sa banyagang bansa at ngayo'y papalabas na sa paliparan" sagot niya.

Naging mahaba pa ang aming kwentuhan sa unang beses niyang pagtawag. May kamahalan ang long distance call pero parang bale wala lang ito sakanya, patunay na mahal nga ako ng aking edward.

"anak, bella, anak ko, naihain na ang pagkain, halika na't kumain at baka ika'y mahuli sa paaralan" sigaw ni inay na kumakatok sa pintuan ng kwarto ko.

"opo inay, ako po'y susunod na" sagot ko.

Dito lang naputol ang usapan namin ni edward, gusto ko ng pumasok at pagbutihin ang aking pagaaral, para matupad ang mga nabuo naming mga pangarap ng inspirasyon kong si edward.

"tila bago ang teknolohiyang iyong hawak bella?" tanung ni inay nang mapansin niya ang hawak kong cellphone.

"ganoon na nga po inay, ito po ay regalo sa akin ni edward irog ko" sagot ko.

"tunay na mahal ka ng iyong nobyo, hindi biro ang halaga niyang hawak mo subalit ibinili ka parin niya" sabi ni mama.

"iyan po ay totoo inay, tila ba nasa loob ng teleponong ito ang sinisinta kong si edward, kung kaya't maging sa hukay ko ay aking isasama ang teleponong ito"
sabi ko kay mama.

"hija, huwag kang sasambit ng ganoong klase ng pagbibiro, tunay na matalim ang tabak ng salita" pagaalala ni inay.

"ipagpaumanhin mo inay, nadala lamang ako ng pagibig ko kay edward" sagot ko at sabay kaming natapos kumain ni inay.

Mula non, lumipas ang mga araw na hindi na natanggal sa kamay ko ang cellphone ko, lagi kaming magkatxt ni edward at araw-araw din siyang tumatawag, lagi kong dala ang cellphone ko kahit saan ako magpunta, kahit ano pa ang ginagawa ko, maging sa banyo at maging sa eskwela.

"bella, bagama't nauunawaan kong nagmamahalan kayo ng nobyo mo, ngunit hindi ka kaya masita ng ating guro sa gawain mo?" pagmamalasakit ng kaklase ko at bestfriend kong si jacob.

Napansin kasi niya na panay ang pindot ko sa cellphone ko kahit pa nasa kalagitnaan ng klase.

"huwag kang mag-alala jake, hindi ako magpapahalata sa ating guro" sagot ko.

"subalit maaari mo namang gawin yan pagkalipas ng ating klase?" patuloy niya na parang naiirita.

Ang totoo, hindi naman talaga nagaalala si jacob na baka mahuli ako ng guro namin, kundi nagseselos lang siya kay edward, alam kong may lihim siyang pagtingin sa akin pero hanggang bestfriend lang talaga ang tingin ko sakanya.

"anu ba ang mayroon sa teleponong iyan at hindi mo mabitawan?" masidhing tanong niya.

"ang aking pag-ibig, si edward.." bulong ko sakanya na tila natahimik.

"at maging sa aking libingan ay isasama ko ang aking telepono" dagdag ko pa.

Natahimik na siya at salamat dahil hindi naman ako nahuli ni teacher.

Hay edward, aking edward, kailan ka ba uuwi? Kailan ko muling malalasap ang tamis ng iyong halik? Ang init ng iyong haplos at ang sarap ng iyong pagmamahal?

Talagang miss na miss ko na si edward, nakahiga ako sa aking kama at hinihintay ang tawag niya, at sa kahihintay ko ay kung anu-ano ang sumasagi sa isip ko. Naaalala ko ang araw na yon na pinaranas niya sa akin, noon pa lang ako nakaramdam ng matinding bugso ng libog at unti-unting bumabalik ang libog na yon sa mga sandaling ito.

Malalim na ang gabi, alam kong tulog na si mama dahil tahimik ang paligid. Naiimagine ko ang paguwi ni edward at ang pangako niyang kasal sa akin. Naiimagine ko ang kasal namin na naglalakad sa isang mala-paraisong hardin na punong-puno ng nagliliparang paro-paro sa paligid, habang si edward ay naghihintay sa tabi ng altar. Isang tipo ng fairytale wedding ceremony.

Naudlot ang pagpapantasya ko ng marinig ko ang caller ringtone ni edward.

"mahal ko, naistorbo na ba kita? Ipagpaumanhin mo at ngayon lamang ako nakatawag" pauna niya.

"huwag mong alalahanin yaon aking irog, sapagka't ako'y nandito lamang na laging naghihintay sa iyo" sagot ko.

Hindi talaga nauubusan ng ikukwento si edward, ni hindi ako naboboring sa bawat tawag niya, at hindi ko napansin na magdamag na pala ang kwentuhan namin. Masayang-masaya ako kahit papaano sa relasyon namin. Nakatulog ako sa sarap ng aming pagmamahalan.

Paggising ko kinabukasan, ewan ko ba kung bakit kakaiba ang pakiramdam ko ngayon, para bang tinatamad akong pumasok at ewan ko kung bakit parang kinakabahan ako. Gayunpaman pinilit ko paring pumasok para sa pangarap namin ni edward. Kausap ko siya sa cellphone nung palabas na ako ng bahay at naglalakad papuntang eskwela. Nasa gilid ako ng daan at hawak ko ang cellphone ko na nakatapat sa tenga ko, nagulat ako nang bigla akong nadulas pero mabuti nalang at hindi ako natumba, ngunit nabitawan ko ang hawak kong cellphone at napinsin kong may tubig ang babagsakan nito sa pagkakahulog kaya buong bilis ko itong hinabol para saluhin sa pag-asang hindi ito mababasa. Laking pasasalamat ko nang magawa ko pang saluhin ang cellphone ko. Nasindak na lang ako sa lakas ng tinig ng busina kasabay ng tinig ng pag-gasgas ng gulong, paglingon ko, nanlaki ang mga mata ko, nakita ko lang ang tatak na 'Volkswagon' na akmang dadampi na sa mukha ko, tapos bigla na lamang nagdilim ang buong paligid.


(A Mother's Sorrow)

Isang malagim na insidente ang aking nasaksihan, halos mamatay ako sa kakaiyak nang makita ko ang anak kong si Bella na nasagasaan ng sasakyan. Magkasunod lang kaming naglalakad para ihabol sana ang naiwan niyang aklat, ngunit sa isang iglap lang ay inagaw na ng kapalaran sa akin ang pinakamamahal kong anak na si Bella.

Hindi ko matanggap na nakaburol ngayon si Bella sa aming bahay. Isang mabait na anak at mabuting tao. Ang mahirap pa ay hindi ko alam kung paano ito sasabihin sa kanyang pinakamamahal na kasintahan si edward.

Kumusta na kaya siya na nasa bansang amerika? Kumusta kaya siya kapag pinadalhan ko siya ng telegrama at nalaman niyang patay na ang pinakamamahal niya? Saksi ako sa pagmamahalan nilang dalawa, alam kong hindi makakayanan ni edward ang sakit kaya nagpasya akong huwag nalang ipaalam sa kanya.

Napakasakit makita ang ginagawang hukay para sa anak ko, hindi ko na ata makakayanan pa ang pighati. Bakit ang anak ko pa? Bakit hindi nalang ako? Ngunit sadyang masaklap ang ibinubulong ng tadhana, kailangan tanggapin, kailangang magtiis.

"ayos na ang hukay ginang, amin na pong ibababa ang kabaong ni bella" sabi sa akin ng supurtorero.

Nagtulungan ang apat na katao para buhatin ang kabaong ni bella para ibaba na sa hukay, ngunita parang hindi man lang nila maiangat ang kabaong.

"bakit kaya mga ganito mga ginoo? Kanina lamang ay kaya natin buhatin ang kabaong na ito, subalit ngayon ay kay bigat ng buhatin." sabi ng isang lalaki.

Nagtataka ang lahat dahil kahit anong pilit nilang buhatin ang bangkay ni bella ay hindi parin nila ito maiangat. Maging ako ay hindi makapaniwala, mahigit sampung katao na ang nagtulong-tulong ay hindi parin nila ito talaga mabuhat.

Mula sa kumpol ng mga tao ay may isang matandang babae na lumapit sa akin, itim ang kasuotan niya at naka-balabal sa ulo niya ang itim na belo.

"huwag kang matakot ginang, iwaksi mo ang alalahanin pagka't ako'y isang ispiritista" napaatras ako nang magsalita siya.

Hinayaan ko lang siya na lumapit sa kabaong ni bella, tapos umupo siya at pinatong niya ang magkabila niyang kamay sa kabaong ni bella, tumingala siya sa langit at bumubulong ng mga katagang hindi ko naman maintindihan.

"mayroong kulang..." ang sabi ng ispiritista.

"ano po?" nagtatakang tanong ko.

"hindi ko mawari subalit mayroong kulang sa kabaong niya" sagot niya.

Bigla kong naalala ang cellphone ni bella na binigay ni edward, lagi niyang sinasabi sa akin na isasama daw niya sa hukay niya kapag namatay na siya, baka iyon ang kulang na sinasabi ng ispiritista. Madali kong kinuha ang cellphone niya sa bahay, ibinalot ko sa plastic bag kasama ng simcard at charger niya. Binuksan muli ang kabaong ni bella at inilagay ko sa tabi niya ang cellphone niya.

Nagulat ang lahat nang biglang gumaan ang kabaong ni bella. Walang humpay ang pag-iyak ko nang nabuhat na nila ang kabaong at inilagay na sa hukay.

"Paalam Bella"


(A BROKEN MAN'S PROMISE)

Parang isang libong taon na ang lumipas mula nung iwan ko ang pinakamamahal kong si Bella, at ngayon hindi parin ako makapaniwala na nasa tapat na ako ng pintuan ng bahay ng mahal ko.

Hindi ko pinaalam kay bella ang aking pagdating, gusto ko siyang surpresahin. Ano na kaya ang hitsura niya, siguradong lalo siyang gumanda at sumeksi.

TOK TOK TOK

"o ikaw pala edward" inay niya ang nagbukas ng pinto.

"inay, bakit parang malungkot po kayo?" tanong ko nang mapansin ko ang kalungkutan niya sa mga mata.

"edward, huwag mo sanang ikabibigla.. Pumanaw na si bella" nagulat ako sa sinabi niya.

"huwag naman po sana kayong magbibiro ng ganyan inay" sabi ko.

"Bella! Bella! Bella" sigaw ko sa loob ng bahay, baka nagtatago lang si bella.

"totoo ang sinasabi ko edward" pagkumpirma niya.

"Imposible po ang sinasabi ninyo inay, katatawag ko lang po kay Bella kanina." sagot ko.

"hah?! Paano nangyari yon? Matagal ng patay si bella!" gulat ng inay ni bella.

Biglang nagring ang cellphone ko at nang tignan ko ito, si bella ang tumatawag.

"o heto po inay, tignan po ninyo ang telepono ko, tumatawag po si bella" sabi ko sakanya habang ipinapakita ko ang pangalan at simcard number ni bella na nakarehistro sa cellphone ko.

Sinagot niya ang tawag ni bella.

"kumusta na ang irog ko?" ang narinig ni inay sa telepono.

Siya na mismo ang nagsabi na siguradong kay bella ang boses na narinig niya.

Sinamahan niya ako sa puntod ni bella.

"imposibleng mangyari ito" sambit ko habang hinahawakan ang lapida sa libingan ni bella.

Nagpatawag ng spiritista ang inay ni bella, tapos pinahawak niya sakanya ang cellphone ko. Tinawagan ko si bella at nang sumagot na siya ay binigay ko agad sa spiritista ang cellphone ko. Pumikit ang ispiritista at tumingala sa langit, kasabay ng mga pabulong niyang dasal na hindi ko maintindihan..tapos nagulat ako sa sinabi niya..

"ang tindi talaga ng globe! Abot mo ang mundo!" sabi niya.

Nagkatinginan kami ni inay at pinalayas ko ang walang kwentang ispiritista. Paglingon ko kay inay ay may isang matandang babaeng nakatayo sa may likuran niya, nakaitim na damit at nakatalukbong ng itim na belo habang nakatitig sa lapida ni bella.

"hindi matahimik ang kaluluwa ni bella" biglang nagsalita ang matanda.

"kayo po pala" sabi naman ni inay na parang kilala niya ang matanda.

"isa siyang ispiritista edward" sabi ni inay sa akin at ikinwento niya ang nangyari sa araw ng libing ni bella.

"may bumabagabag sa dalaga kaya hindi siya matahimik" muling nagsalita ang matanda.

Naging palaisipan sa akin ang tinutukoy ng matanda, bakit kaya hindi matahimik si bella? Sa kakaisip ko ay may naalala ako...

Kinabukasan, maaga kong inanyayahan ang inay ni bella para muling puntahan ang puntod ni bella, isinama ko rin ang ama ko at ang p... Read More

About the Author :

Joined: February 22, 2013 (3 years old)
Writings: 34

Send PM · Male · Offline

18 comments   1 favorite   2,621 views