Blog

50 Some Things

July 9, 2015 (1 year ago)
Posted in Blog: Tagalog | Categories: Non-Erotic | Tags:

Mga bagay na gusto kong gawin ulit:

*Magpukpok ng tansan gamit ang bato.

*Maghanap ng pinong bato at gagawing pamato.

*Sundutin sa daliri yung faucet ng waterjug. Nagtataka kung paano lumalabas yung tubig.

*Gumawa ng sand castle sa step ng terrace gamit ang lata o baso.

*Abangan yung pagpatay ng ilaw sa loob ng ref habang sinasara.

*Mag-chopchop ng matigas na iced candy gamit ang kamay.

*Gumawa ng braclet at necklace gamit ang bulaklak ng santan.

*Gawing hikaw yung dahon ng kaimito.

*Itago yung tsinelas ng kalaro dahil nagaway kayo.

*Umakyat sa pinto ng naka-split ang paa, o sa dalawang magkadikit na pader.

*Makikipaghulaan sa susunod na patalastas sa tv.

*Magluto ng kandila sa tansan tapos iihian para lumiyab.

*Magbahay-bahayan, best actor kung umarte, magluto-lutuan gamit ang tsitsirya.

*Gawing pera yung balat ng candy. Bente yung Viva candy. Lima yung storks at isang libo yung snowbear.

*Best in patintero.

*Padadaan yung daliri sa apoy ng kandila.

*Kakanta ng happy birthday to you kapag may kuryente na bago hipan yung kandila.

*Kantahin yung "Langit lupa impyerno".

*Magpaikot ng gulong gamit ang stick.

*Magipon ng natunaw na kandila sa simenteryo twing holloween.

*Gumawa ng doble karang text cards at gagawing pamato, kukulayan pa ng ballpen.

*Maligo sa ulan at magswimming sa baha.

*Magkatsinelas na rambo.

*Yung nagtutulog-tulogan sa tanghali at kapag tulog na si Nanay, tatakas na.

*Magkalog ng watusi sa kamay.

*Diamos. Mojacko. Dragon ball z. Zenki.

*Gumawa ng saranggola gamit ang plastic bag at tingting, tapos hindi man nalipad.

*Magpapaugoy ng malakas sa duyan tapos bigla na lang tatalon.

*Magtattoo gamit ang ballpen.

*Magpraktis ng Siato. Teksing. Trumpo.

*Mang-gulo sa chinese garter. (Kalurkey!)

*Pusa hunting gamit ang pillet gun.

*Espadang kawayan. Tirador.

*Umangkas sa bike, sumabit sa likod ng tricycle.

*Brick game. Joystick. Tamagochi. Space Impact. Super Mario Bros. Contra.

*Magtakbuhan sa perya.

*Punuin ng rubber band ang kamay.

*Magsabit ng medyas twing pasko.

*Magtago twing semana santa.

*Magdrawing sa likod ng notebook. Mag-SOS.

*Maghanap ng gagamba at ilalagay sa posporo.

*Magpahabol sa aso o sa baliw sa kanto.

*Magpakintab ng barya sa tsinelas.

*Magpalobo ng bubblegum at plastic ballon.

*Kumain ng cotton candy.

*Kumain ng apple, orange at uminom ng royal pag may lagnat.

*Kukuha ng lobo pag dumalo sa birthday.

*Bosohin yung pant... Read More

About the Author :

Joined: July 10, 2013 (3 years old)
Writings: 177

Send PM · Male · Offline

I dreamt of being a published writer of inspirational and motivational stories, cause I want to inspire those who have physical disabilities and less fortunate people whom are downhearted. I want to bring hope into their hearts and I want them to see a beautiful world that's full of dreams.

I also want to share my thoughts about unconditional love, life's regrets and marital failures through Erotic stories. I may not change your world, but I wish, with my simple works, i've touched your hearts.
18 comments   0 favorite   871 views