Writings about Erotic (1158)
4 of 116

The Quest of Vanity

Submitted by on March 5, 2017 (1 month ago)
Posted in Poem: English | Categories: Erotic | Tags: ,

The Quest of VanityIn my quest for happiness
I passed the hill of sadness
Down the plain of remissness
Into the sea of madness.

I sailed the boat of rebellion
Through the wind of my prudence
Without anyone on my side
I came to the isle of my pride.

But on the beach of emptiness,
As the waters kiss the shore,
I saw not my happiness
At the height of my success.

In despair of my soul
Tears of anguish fell;
The vanity of my existence
Was all the I could tell....

Patawad

Submitted by on March 4, 2017 (1 month ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Erotic | Tags: , , ,

Patawad

Mahal ko, pinatatawad na kita
Sa mga mabilis na sulyap
Sa mga sandaling paguusap
Sa mga tipid na ngiti
Sa mga nakaw na sandali

Mahal ko, pinatatawad na kita
Sa mga magagaang akbay
Sa mga sandaling hawak sa kamay
Sa mga mabibilis na halik
Sa mga yakap na 'di mahigpit

Mahal ko, pinatatawad na kita
Sa mga pagdiriwang na naudlot
Sa mga kaarawang 'di mo sinipot
Sa mga pangakong nilumot
At sa iyong naging paglimot

Mahal ko, pinatatawad na kita
Basta't patatawarin mo rin ako

Dahil ako'y napagod
Dahil ako'y tumalikod
Dahil ako'y nagsawa
Dahil huminto na ako sa pagunawa

Mahal ko, pinatatawad na kita
Dahil sa oras ay nagkulang ka
Basta't patatawarin mo rin ako
Dahil kinulang ang pagibig ko
Upang manatili sa tabi mo......

Unang Kilig

Submitted by on March 3, 2017 (1 month ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Erotic | Tags:

Sa bawat kilos ng iyong katawan
Mga mata ko'y lagi nang nakasubaybay
Bawat kilos mo ako ay nakabantay
Umaasang susulyap ka sa aking likmuan

Minsan nga ay nangyari ang aking asam
Nang ika'y mapasulyap sa iyong likuran
Kung saan naroroon abang nagmamahal
Na hanggang sa tingin lamang at di ma iusal

Mga mata'y napako sa yong kagandahan
Para bang diwata nasa aking harapan
Walang kahulilip na kaligayahan
Ang sa damdamin sadyang nag uumapaw

Lumipas mga taon, damdamin ay di natinag
Ni hindi lumabo bagkus lalong nag alab
Pagmamahal sayo kinimkim ng wagas
Kaya hanggang ngayon patuloy kang nililiyag

Crush nga lang ba o pagmamahal
Ang sa pusong eto'y patuloy sa pagbukal
Ni hindi namalayan, oras panahon na lumisan
Tanging ngiti mo lamang nasa aking balintataw

Ni hindi ko mawari kung aking ipapahiwatig
Na sa aking puso ikaw ay iniibig
Ni hindi ko rin masabi nilalaman ng dibdib
Ni magpahaging munti walang lakas, walang gawi

Hanggang umabot sa edad na eto
Tatlumpo't pito nang kalendaryo
Ang lumipas na kinikimkim ko
Ang UNANG KILIG nadama sa iyo

UNANG KILIG
as narrated by SOMEONE, a while ago........

Why it is OKAY to Sleep Around

Submitted by on March 1, 2017 (1 month ago)
Posted in Blog: Taglish | Categories: Erotic | Tags: , ,

Disclaimer:

I know this is badly written in Taglish but please bear with me, I’m just thinking out loud and I’m in the mood for sharing something about me. If you are holier than thou (which makes me wonder why you’re here in FSS in the first place) then leave this blog now.

You have been warned.

**

Ako si Bella, and I highly advocate people to sleep around.

Before anything else, I want to make it clear na when I said “sleep around” that doesn’t mean na bumukaka ang lahat ng babae sa lahat ng lalaking gustong sumawsaw sa iyo. Ano ka, toyo sa isang street food stall? (Fuck, sorry for the lack of better phrase to describe this)

Why?

It’s simple: You don’t need it (arguable) but definitely you want it. (I’m sure!)

Kanina lang, I was having a chat with my ex. He sent me a photo of my snail mail (in this word of emails and chats, yes I did sent him a snail mail) from four years ago. We laughed about it because I told him he was too suplado to notice me. Long story short, that snail mail has opened doors for both of us to just let everything pass and move on. Water under the bridge. We’re now very close friends.

One topic led to another, and most of our chats are either me asking him about his thought on something, him asking me about my current relationship status or anything under the sun actually.

Interestingly, we never had sex while we were together...

Takip Silim

Submitted by on March 1, 2017 (1 month ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Erotic | Tags:

Muling nagbabalik takipsilim ng nakaraan
Mga paang pagal sa libingan ang tunghay
Muling nanunumbalik sugat na minsan humilam
Sa mga matang kulimlim sa kawalan nakatingin

Luha ay pumapatak, sa pisngi lalandas
Nag uunahang maka alpas sa sakit na dinaranas
Talaga nga bang pag ibig para lang sa iilan
Na totoong walang poreber tanging pagluha lamang

Saan hahantong ang paghakbang na eto
Kung ang kaluluwa ko humiwalay na sa katawan ko
Na tanging hangad lamang makapiling ka ng totoo
Sa buhay kong eto tanging ngiti mo ang nagpabago

Kahit nasasaktan sa mga paratang
Ako'y patuloy sayo'ng magma mahal
Tulad ng pangako kong hindi ka iiwan
Sa kabila ng pagtalikod sa ating sumpaan

Sana ay maramdaman ng iyo ngang puso
Ang tunay na hangarin ng damdaming kong eto
Na walang ibang hinangad kundi ang mahalin mo
At mahalin ka rin hanggang huling hininga ko

Takipsilim na ba eto ng pagmamahalan
Na kahapon lang kay saya ngayon nga ay luhaan
Ligayang walang pagsidlan ngayo'y luha ng panimdiman
Walang kapantay na pagdurusa tanging nararamdaman

Sana ay bawiin ang iyong desisyon
Na ikaw ay lalayo at sa piling ko'y lilisan
Pagkat ang paglayo mo, ay ang kamatayan ko
At ang paglisan mo, ay syang pagkawala ko sa mundo

Takip Silim
as printed on Ang Liwanag series of 2000 at section Pluma at Panitikan...........

Curious

Submitted by on February 28, 2017 (1 month ago)
Posted in Blog: Tagalog | Categories: Erotic | Tags:

FFS. Na curious po ako sa robust dietary supplements at robust extreme. Sa mga naka gamit na po ano ung effect? Thank you....

I Think I'm In Love, Again ❤️

Submitted by on February 25, 2017 (1 month ago)
Posted in Poem: English | Categories: Erotic | Tags:

I don't know how
I don't know why
No matter how I tried
No matter how I lie
I guess this is real
I guess this is true
How I feel for you

There's no turning back
There's no running away
I'm here now, I'll stay
I won't let you go
I'll follow wherever you go

I know this is not forever
But this is a game of now or never
So baby just hold me tight
No words needed
Just kiss me right
...

Magingat ka Adan

Submitted by on February 24, 2017 (2 months ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Erotic | Tags:

Mag-ingat ka adan...
Wag kang papalinlang
Sa kanyang mga ngiti,
Na may tinatagong ngisi

Mag-ingat ka adan...
Wag kang papalinlang
Ang kanyang humahalimuyak na bango,
Ay may bahong tinatago

Sa kanyang mga halpos ay h'wag mabaliw,
Sa kanyang halik ay h'wag maaliw
Dahil ang mga demonyo
Ay sadyang mapanukso

Kaya adan iyon tandaan..
Ang mapanghusgang mata ay ingatan
Dahil hindi lahat ng maganda
Ay maganda talaga...

Maging si Satanas may nagkukunwaring anghel ng kaliwanagan,
Dahil paano nga naman sya makakapanlinlang kung ipapakita nya'y kanyang kapangitan....

Fool's Tripe

Submitted by on February 22, 2017 (2 months ago)
Posted in Poem: English | Categories: Erotic | Tags: ,

Fool's TripeI could kiss you, but only from afar;
Like a child's gaze in awe at the beauty of a sky.
I could make love with you, but only in my dreams;
Like a pot of gold at every rainbow's end.

Ah! this romantic fool's love for that luscious damsel;
Is a fiery furnace melting reason and moral piety at any level.
And oh! the variance of stature:
A committed maiden and a tied gentleman--
Our night of bliss is our partner's nightmare.

But in my world you are mine!
No rights, no wrongs; just sweetness like wine.
A fervor raptus of unceasing passion,
Shared in abundance of wild combustion.

An intimate moment of delight
Taken away by this sudden plight:
Oh! what a difference to me,
Alone in this crazy fantasy.
For she goes on with her life
Unaware of this foolish tripe....

Naaalala Ko ang Lahat

Submitted by on February 21, 2017 (2 months ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Erotic | Tags: ,

Naaalala ko ang lahat...

Naaalala ko ang iyong mga ngiti,
At ang mga biloy sa magkabila mong pisngi
Naaalala ko ang mga pagtawa mo sa bawat mga biro ko,
At bawat hampas sa sobrang tuwa mo

Naaalala ko ang mga tingin mo,
Na nagaalis ng mga agam-agam ko
Naaalala ko ang mga haplos mo
Na nagpapatayo sa mga balahibo ko

Naaalala ko ang mga yakap mo
Na nagbibigay ng init tuwing nilalamig ako
Naaalala ko ang mga halik mo
Na pumapawi sa uhaw ko

Naaalala ko ang lahat,
Lahat tungkol sayo...

Naaalala ko ang mga matatamis nating kahapon,
Maging ang mga pait noon
Naaalala ko ang masarap nating pagsasama,
Maging ang mga masasakit na alaala

Naaalala ko ang lahat,
Lahat tungkol sayo...

Naaalala ko ang unang beses na sinabi mong mahal mo ako,
Maging ang araw na sinabi mong tapos na tayo
Naaalala ko ang unang beses na hinawakan mo ang kamay ko,
Maging ang araw na binitiwan mo ito

Naaalala ko ang lahat,
Lahat tungkol sayo...

Naaalala ko kung paano mo binigyang liwanag ang mundo ko sa pagdating mo,
Maging ang kung paano mo ito binawi sa pag-alis mo
Naaalala ko ang tila mainit na kapeng pagmamahal mo,
Maging ang unti-unting paglamig nito

Naaalala ko lahat,
Lahat tungkol sayo...

Naaalala ko kung paano ako tumakbo palapit sayo,
Maging ang iyong paghakbang papalayo
...

« Prev123456789 ... 116Next »