sniper_eyes.23

Joined: September 8, 2013 (4 years old)
Writings: 43

Send Private Message Send PM · Male · Offline

Description:
Love is blind, but open ur mind!
Sex first den next seven....lol:-)
Signature Text:
Blood is thicker than water, But my loyalty is thicker than my BLOOD
Writings submitted by the author (43)
1 of 5

Kaibigan o Ka-Ibigan

Submitted by on September 19, 2017 (1 month ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Erotic | Tags:

Aking kaibigan pwede ba kitang maging ka-ibigan?
Masira kaya ang ating magandang samahan?
Kung malalaman mong ka-ibigan na ang gusto
kong maging turingan!
Sa halip na maging matalik na kaibigan lamang.

Level up naman iyan ang hiling sa sana'y pagbigyan.
Kung hindi maaari, huwag lumayo naman.
Ito kasing puso ko ang makulit at tinamaan.
Kahit paulit-ulit kong turuan-
Ayaw makinig at gustong ipagpilitan na ikaw ay isa ng
Ka-ibigan at 'di na kaibigan.

Mahal na kita totoo at hindi na biro.
Sa iyong narinig, ika'y natulala at biglang yumuko.
Mapait na ngiti ang bumungad at ang saya ay naglaho.
Tumlikod kang bigla, sabay lakad papalayo-
hindi ka na lumingon iniwan mo akong nakatayo.

Dahil sa nangyari ako'y nauntog at aking napagtanto.
Ang kaibigan kong matalik wala na 'sabay ng saranggolang
umalagwa.
Sa pag-pigtas ng pisi ay tinangay ka at sinalo ng iba.
Habang ako naman nag-iisip, bakit kaibigan ko pa ang
nais maging ka-ibigan at 'di nakuntento sa samahang
ibinibigay niya....

Tulang Nakakasawa

Submitted by on September 17, 2017 (2 months ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Erotic | Tags:

Ayoko ng tumula hindi naman ako makata.
Pagod na akong hagilapin ang angkop na salita.
Na nagbibigay buhay sa bawat talinhaga.
At nagsisilbing musika sa tenga ng may akda.

Ang pagiging makata ay nakakabalisa.
Kailangan bigyan buhay ang bawat kataga.
Kung hindi maunawaan ang nilalaman ng tula-
Siguradong 'di pupusuan ng mga makatang gala.

Sa bawat lalim ng salita ay 'wag magtaka.
Mula pa ito sa pananaliksik na nagmula kay Hakoba.
Upang bawat titik sa ABAKADA, ay maging pino at
isang obra.
At kung papalarin maibahagi, sa pamamagitan ng
litanya.

Susuko na ba ako kakasilip ng tama, kung naaayon
pinagtagpi-tagping salita?
At isipin kung ano man ang nasa inyong diwa.
Kung hindi magustuhan ang aking mga likha-
Wala na akong magagawa kundi tigilan ang pagtula...

Orasan

Submitted by on September 13, 2017 (2 months ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Erotic | Tags:

Sabi sa isang kanta "tatanda at lilipas din ako, ngunit mayroong awitin, iiwanan sa inyo...
Alaala."

Kantang umukit sa'ting puso't isipan.
Na kung iyong dadamhin ang bawat kataga, ay nakakapanginig ng kalamnan.
Sino ba tayo? Ano ba tayo ngayon?
Darating ang araw na ang makinis na balat ay kukulubot.
Ang matikas na tindig, ay unti-unting yuyukod.
Mga malinaw na mata, papanglaw na parang dapit-hapon.
Ang buhay na sagana ay unti-unting nabubuwal sa lupang kinatatayuan nito.

Hindi ako takot na lumisan, handa akong harapin ang bawat balikid ng aking buhay.
Ngunit may isang bagay akong kinatatakutan-
Ang iwanan ako ng mga mahal ko sa buhay,
Ang tumandang mag-isa.
Nakakatakot ang mga bagay na ito na gumugulo sa aking isipan.
Bata pa ako pero ito ang aking kahinaan.
Madami akong tanong sa aking pagtanda.
Sino ang aagapay sa akin, magsisilbing tungkod ko upang maipagpatuloy ang paghakbang?
Sino ang magsusubo sa akin, kung ang mga kamay at braso ko'y hindi ko na maitukod?
At higit sa lahat sino ang magpaparamdam ng init, init na galing sa kanilang mga puso,
Yakap na magpapawi ng pangamba, luhang magpapahid sa aking mga mata?
Sino kaya sila?
Minsan naisip kong 'wag na lang sana ako tumanda....

Tibok ng Puso

Submitted by on September 5, 2017 (2 months ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Erotic | Tags:

Sabi nila ang pag-ibig na mabilisan ay madali din na lilisan.
Hindi ako naniniwala 'pagkat paano naman ang kasabihang,
unang pagkikita ay nagka-ibigan?
Hindi ito magiging salita kung hindi napatunayan.
Isa na sa aking kaibigan ang nagpa-totoo sa nasabing
kasabihan.

Sa bilis ba ng pangyayari ang siyang laging basehan?
O ang bilis ng tibok ng puso ang dapat maging panuntunan?
Hindi ako magaling sa usaping pagmamahalan.
Pero alam ko sa sarili ko kung paano ito pahalagahan.

Kaya't huwag matakot kung mabilis ang datingan.
Ang mahalaga ay kung paano mo ito ipinaglalaban.
Kahit sabihin ng iba na sobrang bilis naman.
Anong magagawa kung talagang tinamaan!

Hindi ako o sila ang magpapasya sa iyong nararamdaman.
Sapagkat wala kaming karapatan silipin ang iyong kalooban.
Kung nanaisin mong pag-ibig ay mapagtagumpayan.
Matuto kang maging bingi sa mga taong puno ng agam-agam....

Pilipino Ako (Hindi Matigas Ang Ulo)

Submitted by on September 4, 2017 (2 months ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Erotic | Tags:

Ang sabi nila maka-Duterte raw ako.
Ang 'di nila alam ako'y maka-Pilipino.
Suportado ko lamang ang kan'yang argumento.
Laban sa mga taong kumakalaban sa gobyerno at nasasakupan nito.

Masama bang magtiwala sa kamay na bato?
Dahil alam n'yo rin na lubog na tayo.
Sa pinagbabawal na gamot na makikita lang sa kanto
Na hinihithit ng menor de edad na Pilipino.

Sa kamay na bakal ako ay kakapit.
Kahit pa ang umpisa ay talagang masakit.
Kung ayaw n'yong mata n'yo'y biglang pumikit.
Baguhin ang sarili't 'wag dumaan sa matarik.

Kayo ang pumili kung saan daraan.
Sa liku-liko ba o sa matuwid lamang.
Maging matalino sa pagpipilian.
Kung ayaw mo-
Ikaw ay itumba na lamang....

Raliyista (Pera Pera Lang)

Submitted by on September 3, 2017 (2 months ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Erotic | Tags:

Sa bawat buka ng iyong bibig, lahat sila ay nag-iinit.
Mga salitang isinisiksik sa mura nilang pag-iisip
Na sisira sa kanilang mumunting paligid,
At mga pananaw naging baluktot at balakid.

Punla mo ay bubot, 'wag mong patubuin.
Hindi 'yan makakatulong sa kanilang paggaling.
Bagkus wawasakin ang kanilang hangarin
Na mapagtagumpayan buhay nilang kay dilim.

Ikaw ang matanda, mas nakauunawa,
Ngunit nilalason kanilang munting diwa.
Hindi ka ba naawa sa lahat ng mga bata?
Batang-bata pa ay puro na walang hiya.

Pera ba ang dahilan kung bakit ka ganyan?
Bayad ng salapi at ika'y natabunan.
Kahit ipusta kaluluwa ng kabataan,
'Pagkat ang dini-Diyos mo'y kwarta ng kadiliman....

Uhaw sa kapirasong laman

Submitted by on September 1, 2017 (2 months ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Erotic | Tags:

Saklolo! Saklolo! Ang paghuhumiyaw ko.
'Wag n'yo ako'ng gahasain maawa na kayo!
Ito na ang selpon pera't alahas ko.
Ako'y pakawalan pagsusumamo sa inyo.

Diyos ko po! Diyos ko po! 'bat nagka-ganito.
Mabuti ako'ng tao, bakit pinabayaan mo?
Ngayon sila'y hayok tikman ang hiyas ko.
Nanlilisik na mga mata, animo'y parang dyablo.

Itay, Inay! Tulungan niyo ako.
Wari ko'y ito na ang katapusan ko.
Makikita ko pa kaya ang aking mga supling,
Sa pagtarak ng patalim na nagdulot ng lagim.

Isa, dal'wa, tatlo, hanggang mag labingpito,
bumaon sa akin,
Hindi pa nakuntento pinukpok pa aking ulo.
Gusto nilang maniguradong, putol ang hininga ko.

Kamusta na po ba? Nakita na ba ko?
Ako'y itinapon sa loob ng estero.
Ibinalot sa sako nakahiwalay ang ulo.
Sana ay matagpuan upang hustisya'y makamtan ko....

Kisapmata

Submitted by on August 29, 2017 (2 months ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Erotic | Tags:

Nakataas na ang kamay ko, ba't n'yo 'ko pinutukan.
Hindi naman ako lalaban, ngunit inyo pa ring sinaktan.
Tumagos sa katawan, balang walang pakundangan.
Na unti-unting kumikitil, sa aking buhay na walang alam.

"Inosente po ako!" sigaw ng lalamunan.
Ngunit kayo'y bingi, tuloy ang putukan.
Hanggang ako'y tamaan sa aking tagiliran.
Dugo ay bumulwak hanggang maubusan.

"'Wag po! 'Wag po!" ang paulit-ulit na bulong
Habang hawak hawak ang sugat, dahil sa balang bumaon.
Sana'y 'wag tuluyan at kayo'y maging mahinahon.
Sapagkat ako'y inosente sa pagkakataong iyon.

Luha ko ay pumatak at tumulo ang sipon.
Nang itutok sa ulo, ang inyong lethal weapon.
Alam ko ng wala na akong pagkakataon
Na sabihin kay Papa at Mama na mahal na mahal ko sila....

Balatkayo

Submitted by on August 7, 2017 (3 months ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Erotic | Tags:

Sino ba siyang nakatayo sa kalsada?
Kurbadang bumabakat, sa suot na bestida.
Katawang pang romansa, sa bawat galaw n'ya.
Sa dibdib na kay laki, halos puputok na.

Porselana niyang balat, nakasisilaw sa mata.
Buhok na kay haba, lagpas hanggang tenga.
Labing mapupula na parang makopa.
Matang pag natitigan, lalabas ang kaluluwa.

Sa unang tingin mapapalingon ka.
Sa bigote niyang taglay, na uma-awra.
Sa haba ng patilya nagmumukhang dalaga.
Sikretong itinatago, mahaba pa sa espada.

Kaya't huwag mahumaling, sa unang pagkikita.
Suriing mabuti, ang bawat litanya.
Baka sakaling sa boses, mabuking siya.
Upang di magsisi at makahanap ng iba....

Igang iga

Submitted by on October 8, 2016 (1 year ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Erotic | Tags:

Tuyo't na ang lupa at bitak-bitak pa.
Wari'y nagsasabing ako'y dilgan na.
Pagkat ang pagka uhaw ramdam talaga.
Walang dumidilig ng halos isang dekada.

Pag kasabik sa tubig ikabubuang na.
Kung di madidiligan malilintikan ah.
Sapagkat mapapanis pinaka iingatang ligaya.
Kaya't halika wag nang mahiya pa.

Wag kang magtaka kung pinili kita.
Kahit ikaw ay pangit, pag tyatyagaan ka.
Basta't regadera mo'y malakas ang buga.
Ikaw ay papasa sa aking panlasa.

Tuyong lupa'y mababasa kung iyong didiligan.
Pangako sa iyo, ika'y masasarapan.
Wag mo lamang tangkain, na ako'y iyong tamnan.
Dahil ayaw kong mag bunga, ang punlang maiiwan....

« Prev12345Next »