shyguy2016

Joined: November 26, 2016 (1 month old)
Writings: 3

Send Private Message Send PM · Male · Offline

Writings submitted by the author (3)
1 of 1

Mahal Mo May Mahal Ng Iba

Submitted by on December 13, 2016 (1 month ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Erotic | Tags:


Mahal mo may mahal ng iba

Mahal ko
ikaw ang laman ng puso ko
sa puso mo?
ako ba ang laman nito?

kung hindi?
sana sabihin mo
na ang hapdi
at kirot makakayanan ko

sabihin mo
kung sino ang nakasungkit nito
ng masuri ko ang pagkatao nito
at matignan ang sarili ko

anong laban ng puso kung ito
kung sa puso mo siya ang laman nito
sakit man sa damdamin ko
ikaw ay palalayain ko

wag lang paduruguin ang puso mo
pagkat andito ako tatayo para sa iyo
aagawin ka't ibabalik sa piling ko
ng lumigiya ang naghihinakit mong puso

ganun ang aking pagmamahal
kahit sino man ang hahadlang
tiyak aking malalampasan
hawak lang iyong pagmamahal...

Mahal Ko

Submitted by on December 12, 2016 (1 month ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Erotic | Tags:


.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Mahal ko

Mahal ko
nagkasala man ako
pinagsisihan ko na ito
sana tayo parin hangang sa dulo
Umasa ka't ito'y babaguhin ko
hindi lang sa salita
pati na sa gawa
sa araw-araw malalasahan mo pagmamahal ko
ang pagkakataon
ay di sasayangin
simula pagkagising hanggang sa pagtulog
pagmamahal ko'y laging mananaig
Malimot ka man ng isip
wag maghihinakit
pagkat itong puso ko'y
di makakalimot sa pag-ibig
hanggang sa kabilang buhay
babaunin ko
pagsinta't pagmamahal mo
hanggang sa dulo...

Fantasy

Submitted by on December 11, 2016 (1 month ago)
Posted in Poem: Tagalog | Categories: Erotic | Tags:

FantasyFantasy

Sa Araw na dumadaan
lage kitang napapaginipan
kilala ba kita
o kilala mo ba ako

Mukha mo'y nakikita
pangalan mo'y di maalala
kung papasok ka man sa aking isip
sana pangalan mo'y mabanggit na aking maisaisip

sa pagtulog sa gabi
sana ay ikaw ay makatabi
magpagsalohan natin bawat sandali
sa paglalim ng gabi

araw-araw na lang bang ganito
di ko mawari't mapagtanto
ano nga ba ang pangalan mo
ng aking maisapuso...

1