pulandit

Joined: August 1, 2016 (6 months old)
Writings: 26

Send Private Message Send PM · Male · Offline

Description:
http://pulanditstories.ga
Signature Text:
The Fine Art of Erotic Stories
Writings submitted by the author (26)
1 of 3

Pakwan

Submitted by on November 22, 2016 (3 months ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Erotic Couplings, First Time, Wife Lovers | Tags:

Limang taon ng mag-asawa sina Tonyo at Marina. Naninirahan sila sa isang liblib na bayan sa Pangasinan kung saan ang isa sa masasarap na prutas sa Pilipinas ay sagana.

Pakwan.

Malaki ang agwat ng kanilang edad. Si Tonyo ay 45 anyos at si Marina na 30 anyos. Sanay si Tonyo mag-isa at ulila na rin. Wala na rin siyang mga kapatid at talagang solo na lang siyang naninirahan sa kanyang maliit na barung-barong. Kailanman ay hindi siya nagkaroon ng karelasyong babae. Tanggap na niya na tatanda siyang binata hanggang sa makilala niya si Marina ng siya ay 40 anyos at si Marina na 25 anyos.

Hapon noon at pauwi na siya galing trabaho ng matagpuan niya si Marina na nakahandusay sa kalsada at madungis ang damit. May mga pasa rin ito sa katawan tanda ng pagmamaltrato. Tinulungan niya ito at ginamot sa kanyang bahay.

Binihisan at pinakain.

Makatapos makabawi ni Marina ng lakas ay ikinuwento nito ang kanyang sinapit. Biktima daw siya ng illegal recruiter at galing siyang Ilo-Ilo. Niyakag daw silang magtrabaho bilang waitress sa isang restaurant sa Subic subalit pagdating doon ay ginawa silang babaeng bayaran sa casa. Matapos malaman iyon ay agad silang tumakas at siya lang ang pinalad na makalayo hanggang mapadpad siya sa Pangasinan.

Dala rin ng awa sa sinapit, kinupkop ito ni Tonyo dahil sa wala naman din siyang ibang responsibilidad kundi sarili lang niya. Hindi nagtagal ay nagkaroon sila ng relasyon. Naging maganda ang kan...

Pomagat 2: Pasilyo Uno

Submitted by on November 2, 2016 (3 months ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Erotic Horror, Romance | Tags: , , ,

Pomagat 2: Pasilyo Uno"A young, resplendent nurse fall in love with her patient suffering from fugue amnesia. Their love grows deep until she ascertained that the man she dotes obnubilate a dark past.."

Ang istoryang ito ay halaw sa malikot na pag-iisip ni pulandit. Anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ng mga pangalan, lugar at pangyayari ay hindi sinasadya at nagkaton lamang. Ang maglathala nito ng walang pahintulot mula sa may akda ay mahigpit na hindi pinahihintulutan. Ang Pomagat at Pomagat 2: Pasilyo Uno ay orihinal na istorya ng pulanditstories.

Unti unting niyang iminulat ang kanyang mga mata at bahagya siyang nasilaw sa liwanag. Muli niya itong ipinikit at bahagyang iminulat hanggang sa masanay sa liwanag na hindi niya mawari kung saan nagmumula. Halos puro anino lamang ang kanyang nakikita, mga taong nakatayo sa gilid ng kanyang hinihigaang kama.

Asan ba siya?

Anong nangyari sa kanya?

Mga tanong sa isip niya habang sinasanay ang mata sa liwanag.

Sa pag balik ng kanyang malinaw na paningin ay nakita niya ang pinagmumulan ng liwanag. Mula sa mahabang flourescent light na nasa puting kisame. Iginala ang kanyang mata at namasdan ng maliwanag ang mga nakapaikot sa kanyang tatlong tao. Nakaputi lahat ang kanilang damit. Isang lalaki at dalawang babae.

"Kamusta ang pakiramdam mo Vincent?"sabi ng lalaking nakaputi.

Vincent?

Sino ang taong iyon.

Dito ay napaisip siya at hindi maalala ang...

Online Shopping Chapter XIII The Rescue

Submitted by on September 19, 2016 (5 months ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Erotic Couplings, First Time, Wife Lovers, Romance, One Night Stand | Tags: , , , , , ,

Pagdating sa warehouse ay agad niyang hinanap si Benjie. Dalawang sunod na araw na siyang absent at napabayaan na niya ang trabaho. Hindi na ito mahalaga sa kanya at tanging kaligtasan na lang ng ginang at ng pamilya nito ang kanyang inaatupag.

"Benjie. Pare kailangan ko uli ng tulong mo. Ikaw lang makakatulong sa akin."sumamo niya sa kaibigan.

Totoo na si Benjie lang ang may kakayahan na matulungan siya at ito lang din ang nakakaalam ng kanyang pinagdadaanan.

"Mahirap yan pinapasok natin pare pero ano ba maitutulong ko."sagot naman sa kanya ng kaibigan.
Inabot niya ang isang maliit na papel na may nakalistang dalawang address.

"Sunduin mo ang mag inang nakatira diyan. Isang may edad na babae si Nanay Elsa at isang special child na si Biboy. Sabihin mo na mag impake at pinasusundo ni Carl at Ellaine. Pagkatapos ay dalhin mo sa pangalawang address."paliwanag ni Caloy.

"Teka sinong Carl at Ellaine?"usisa ni Benjie.

"Basta saka ko na ipapaliwanag. Umalis kana ngayon at malayo ang biyahe mo baka bukas kana makabalik dito kaya eto ang pera allowance mo para sa pagkain at gasolina sayo na ang sosobra."sabay abot ni Caloy ng pera.

"Ang daming pera nito ah. San ka kumuha nito pare?"usisa pa uli ng kaibigan.

"Wag kana magtanong. May madidiskartehan ka ba ng sasakyan?"tanong ni Caloy.

"Ano ka ba? Ayan na at sinasandalan mo."sagot naman ni Benjie.

Balak niyang itakas ang va...

Pomagat Last Part

Submitted by on September 18, 2016 (5 months ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Erotic Horror, Romance | Tags: , ,

Pomagat Last PartKinaumagahan, lumabas siya ng kwarto, dumeretso sa banyo para maghilamos at tumuloy sa kusina para mag almusal. Nadatnan niya si Lanie na binabasa ang kanyang nobela habang nakaupo at nagkakape. Agad niya itong hinablot at pinunit ang ilang pirasong pahina ng libro mula sa hulihan.

"Bakit Ate?" nagtatakang tanong ni Lanie.

"Wag na wag mo babasahin ito at tangkain pang tapusin!" galit na sabi ni Luz.

"Eh ate nakailang basa na ko dyan eh, natapos ko na yan ng dalawang beses" sagot ng kapatid.

"Ha!?, ano nararamdaman mo pagkatapos basahin ito" galit niyang tanong.

"Wala naman, ano bang meron diyan? Maganda kasi ang istorya kaya paulit ulit kong binabasa " wika ng kapatid.

Hindi na siya sumagot at itinapon ang libro sa basurahan. Agad na pumunta sa sala at umupo sa sofa, ipinatong ang dalang cellphone sa lamesang salamin. Dito ay napaisip siya na bakit hindi lahat ng nakakatapos ng libro niya ay namamatay? Ano ang misteryo sa libro, nagbalik tanaw siya sa mga kwento ng kanyang ninong. Pilit inalala ang mga banta at talinghaga ni Eman.
"Babalik at maghihiganti pagsapit ng anak niya ng dalawampung taong gulang" malinaw na ito sa kanya na si Lanie ito at nuong oras na iyon ay bumalik nga ito at pinatay ang kanyang ama.

Ang pangalawa "Gagawa ng kwento na ikamamatay ng marami." ito ang hindi niya maunawaan.

Kung ginamit man siya ni Eman para maisakatuparan iyon, bakit pili lang ang mga namamat...

Pomagat Part 6

Submitted by on September 18, 2016 (5 months ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Erotic Horror, Romance | Tags: , ,

Pomagat Part 6Gulong gulo ang isip niya at hindi mapagtugma tugma ang mga kwento. Itinalikod niya ang litrato at may mga pangalang nakasulat, Ernie Rosario Mercado(kanan) ito ang kanyang ninong at boss, Roberto Manahan Cebu (kaliwa) ito ang kanyang tatay,

Immanuel Lucido Ferio (gitna) ang tatay ni Eid, kumpirmado na siya dahil Ferio ang apelyido ni Eid. Magkakaibigan pala ang tatay niya, tatay ni Eid at ninong niya. Ngayon lang niya ito nalaman, ang alam niya ay ninong lang niya ang matalik na kaibigan ng kanyang ama.

Sumandal siya sa sofa, pumikit, nagisip at binalikan ang mga sinabi sa kanya ng matandang manghuhula. Bakit kaya niya pinapatigil ang pagbebenta ng libro?

Umalingawngaw sa isipan niya ang sinabi ni Mang Carding, "paborito kayong writer ng anak ko" , "agad siyang bumili ng bago ninyong nobela at hindi ito tinigilan hangga't hindi natatapos."

Anong hiwaga kaya meron sa nobela niya? May kaugnayan kaya ang lalaking duguan dito? Mga tanong niya sa sarili.

Ala-una na ng hapon ng maisipan niyang pumunta sa publishing para kausapin si Mr. Mercado. Ipapaliwanag niya dito ang kanyang mga karanasan para makumbinsing ipatigil ang pagbebenta ng aklat kahit wala pa siyang konkretong dahilan.

Pagdating sa opisina, agad siyang dumiretso sa silid ng kanyang boss. Naabutan niya itong nagbabasa ng kanyang nobela.

"Luz! anong sadya mo? Kung ipapatigil mo ang pagbebenta nito" habang kinakampay kampay ang hawak niyang lib...

Pomagat Part 5

Submitted by on September 16, 2016 (5 months ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Erotic Horror, First Time, Romance | Tags: , ,

Pomagat Part 5"TAGAMOP" nanghilakbot siya, parang may malamig na bumalot sa buo niyang katawan. Bakit bumaligtad ang pagbasa ng kanyang titulo na dapat ay "Pomagat" na nakalimutan niya na i-edit. Dali dali niyang binuksan ang pahina at binasa ang prologue hinahanap niya ang kanyang main character na si Fredie.

"Ako si Eiderf isa akong janitor sa malaking hotel sa makati dahil sa........" hindi na niya tinapos ang binabasa dahil sa kilabot, Pomagat ay naging Tagamop, Fredie ay naging Eiderf. Eiderf nga pala ang tunay na pangalan ni Eid kaya pala nito nasabi na siya ang main character.

Mabilis niyang binuksan ang laptop at hinanap ang kanyang orihinal na manuscript. Pagbukas ng application na kanyang ginagamit ay lalo siyang naghilakbot. "TAGAMOP" ang bumungad na titulo, pati ang bidang si Fredie ay naging Eiderf kahit sa lahat ng pahina. Halos mahimatay siya sa mga nangyayari, akala niya ay tapos na ang kababalaghan sa kanya ngunit lalo pa itong tumitindi.

Sumapit ang Ala sais at nagpasya na siyang umuwi. Inaantay niya si Mang Carding, ilang araw na din di niya ito nasasakyan. Pumunta siya sa mga nakaparadang taxi at nagtanong sa mga driver.

"Manong, bakit hindi ho namamasada si Mang Carding?" tanong niya sa isang driver na naninigarilyo sa may tindahan.

"Ay ma'am, patay ho ang kanyang anak na babae, nagluluksa po. D'yan lang po ang bahay nila sa gilid ng bangketa may iskinita ho dyan at un bahay ho na may lamay un ang bahay ni Mang Car...

Online Shopping Chapter XII Ganti ng Laman

Submitted by on September 11, 2016 (5 months ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Erotic Couplings, First Time, Wife Lovers, Mature, Romance, Toys and Masturbation, One Night Stand | Tags: , , , , , ,

"Ikaw ba ang may-ari ng motor na itim na naka garahe sa baba?"tanong ng pulis sa kanya.

"O-opo. Bakit po?"sagot niya sa pulis habang patuloy ang paninikip ng dibdib sa kaba.

"Nakunan kasi ito ng CCTV na ang nagmamaneho nito ay pinagbabaril. Nahagip sa camera ang plate number mo at natukoy namin na sa iyo nakapangalan."sabad naman ng isa.

Biglang nakahinga si Caloy ng maluwag sa narinig. Iba pala ang sadya nito at hindi tungkol sa naganap na pamimilit niyang makipag talik si Janice. Siguro ay napagtanungan lang si Janice at sinamahan ang mga pulis dito. Agad siyang nag isip ng magandang alibay para pabulaanan na siya ang nasa video. Hindi naman matutukoy ang kanyang itsura dahil sa naka helmet pa siya noon at tanging gagawin niya lang ay itapon ang helmet at sinuot niyang damit na nakunan sa video. Bukod pa roon ay kitang kita ang mukha ni SPO4 sa surveillance video at maaring ang mga pulis na ito ay galamay ni SPO4.

"Naagaw kasi ang motor ko kanina na nakapark. Hinabol ko pero naabutan ko na lamang na iniwan dyan sa lugar na malapit dyan sa pinangyarihan ng pamamaril. Pinagtataka ko lang bakit nakarating ang motor ko sa ibang lugar at hindi mismo dyan sa lugar kung saan pinagbabaril yang tao na umagaw ng motor ko. Sigurado sa dami ng putok na yan ay patay na yan."palusot ni Caloy.

"Buhay pa ang taong ito at kita sa CCTV ang pag bangon niya at muling pagsakay sa motor. Maari mo bang itaas ang damit mo?"utos ng pulis.
...

Online Shopping Chapter XI Episode of Benjie

Submitted by on September 9, 2016 (5 months ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Erotic Couplings, First Time, Wife Lovers, Romance, Toys and Masturbation, One Night Stand | Tags: , , , , , ,

Nagtataka si Benjie ng absent si Caloy ng mga araw na iyon. Hindi ito lumiliban sa trabaho ng walang paalam kaya nagalala ito. Pinakamalapit na naging kaibigan ni Benjie si Caloy dahil sa taglay nitong bait. Ito pa nga ang nagpapayo sa kanya kung paano mapapasagot si Myrna na matagal na niyang iniibig. Dahil sa pagtingin niya kay Myrna ay nagbago siya ng lubos at umiwas na sa mga kasamaan at tuluyang magbagong buhay. Habang inaantay na baka sakaling late lang ang kaibigan ay nagbalik tanaw siya sa kanyang buhay habang naninigarilyo sa labas ng warehouse.

"Boss Benjie parte niyo."sabay abot ng isa niyang bataan ng pera.

Pinuno siya sa kanilang barangay ng mga walang kaluluwang kriminal. Mula sa mga magnanakaw at holdaper ay sumasaludo sa kaniya. Walang pumapasok na pulis para arestuhin ang kaniyang mga bata dahil kasangga niya ang otoridad dito dahil sa isa niyang kaibigan na maraming kabatak na pulis. Bukod pa roon ay naglalagay sila ng salapi sa mga maruruming pulis sa kanilang lugar.

Binilang ni Benjie ang pera at ng hindi makuntento ay binatukan ang nag abot.

"Eto lang?"paangil niyang tanong.

"Eh boss mahina ang raket ngayon eh."paliwanag ng isa.

"Sige na umalis na kayo baka gulpihin ko pa kayo dyan eh."sabay senyas na magsilayas ang mga nasa harapan at umamba na sisipain ang isa.

Umupo siya sa labas ng kanilang bahay kung saan madalas siyang tumambay dahil sa daanan iyon ng mga tao papasok sa tra...

Pomagat Part 4

Submitted by on September 8, 2016 (5 months ago)
Posted in Story: True Story, Tagalog | Categories: Erotic Horror, Supernatural, Romance | Tags: , ,

Pomagat Part 4Ilang araw at linggo na din ang lumipas ng ibigay sa kanya ni Utoy ang tatsulok na bagay. Hindi na nga siya dinadalaw ng lalaking duguan, mukhang may bisa nga ito.

Dahil sa nawala ang dagdag na gumugulo sa kanya para makapag isip ay halos matatapos na din siya sa kwentong kanyang sinusulat. Ipapasa na lang niya ito sa kanyang editor para maaprubahan kung ipupublish sa publiko o hindi. Pagdating niya sa opisina, sinalubong agad siya ni Eid. Matamis ang ngiti nito at agad siyang binati.

"Kamusta Babes!? Gumaganda ka lalo ah." bola nito. Nginitian lang siya ni Luz. "Punta ka naman maya sa bahay paguwian natin?" yaya nito

"Eid, kasi..." di pa siya natatapos magsalita ay pinutol na ito ng binata.

"Wala ng kasi kasi babes, basta mamaya aantayin kita, magrelax ka na man paminsan minsan, Linggo naman bukas eh." pangungunsensya ng binata.

'Tama nga ito, kailangan ko din magrelax relax.' nasa isip ng dalaga.

"Sige mamaya" pagpayag ni Luz, malapit lang naman ang bahay nito at dito lang din sa Parañaque. Wala na din naman siyang gagawin masyado dahil halos tapos na din ang kanyang nobela, konting editing na lang at ipapasa na niya ito sa lunes.
Mabilis tumakbo ang oras at namalayan na lang niya na nasa bahay na sila ng binata.

"Magandang gabi po Nay?" bati ni Luz sa nanay ni Eid.

"Magandang gabi din iha, maupo muna kayo dyan sa sala at maghahanda lang ako ng hapunan natin." wika ng nanay ni Eid....

Online Shopping Chapter X Secret Revealed

Submitted by on September 7, 2016 (5 months ago)
Posted in Story: Fiction, Tagalog | Categories: Erotic Couplings, Wife Lovers, Romance, Toys and Masturbation, One Night Stand | Tags: , , , , , ,

Ang istoryang ito ay halaw sa malikot na pag-iisip ni Pulandit. Anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ng mga pangalan, lugar at pangyayari ay hindi sinasadya at nagkaton lamang. Ang maglathala ng istoryang ito ng walang pahintulot sa may akda ay mahigpit na hindi pinahihintulutan.

Secret Revealed

Bandang alas siyete ng kumatok sa kanyang apartment ang ginang. Nandoon ang dalawa niyang kaboard mate kaya naisipan niyang dalhin na lamang ang ginang sa ibang lugar. Habang inaayos niya ang motorsiklo ay natanaw niya si Janice sa bintana ng apartment nito na nakatingin sa kanya. Nakaramdam siya ng hiya lalo pa at nakita nito si Mrs. Rosario. Gusto niya itong lapitan para muling kausapin tungkol sa nangyari kagabi ngunit kasama niya ang ginang. Nagpatay malisya na lamang siya at tuluyang umalis angkas ang ginang. Niyakag siya ng ginang na mamasyal gamit ang motor at may naisip na siyang pagdadalhan dito. Sinabi niya sa ginang na malayo iyon at tiyak na gabing gabi na sila makakarating subalit walang siyang pagtutol na narinig.

Binaybay nila ang service road dahil sa motor ang dala nila ay hindi sila pwede sa express way. Malayo layo ang biniyahe nila at tumingin ang ginang sa kanyang relo. Alas onse na ng gabi. Marahil ay naiinip na itong umupo sa motor kaya tinanong niya ang binata….

"Malayo pa ba Caloy?"

"Malapit na tayo ma'am."masaya niyang tugon.

Hindi na niya binigyan ng panahon alamin ang pan...

« Prev123Next »